Publicité
Publicité

Contenu connexe

Publicité

sintaksis editedCopy.pptx

  1. PANALANGIN
  2. MGA LAYUNIN 2. Napag-iiba ang diptonggo, klaster, pares minimal at mga ponemang malayang nagpapalitan; at 1. Nauunawan ang kahulugan ng ponemang segmental, diptonggo, klaster, pares minimal at mga ponemang malayang nagpapalitan; 3. Nasasagot ang inihandang pagsasanay pagkatapos ng aralin.
  3. Panuto: Lumahok sa paunang pagtataya gamit ang QUIZIZZ upang matukoy ang dati nang kaalaman tungkol sa paksa. ALAM MO NA BA?
  4. Panuto: Tukuyin ang salita na nakatago sa mga sumusunod na pahayag. MYSTERY WORD
  5. 1. Ako’y mahaba at masustansya, berde ang kulay at sa hulihan ng aking pangalan ay nagtatapos sa “aw.” MYSTERY WORD
  6. SITAW
  7. 2. Tuwing misa ako’y makikita. Sa harap ng altar ako pumoporma at napapalamutian ng mga tela. MYSTERY WORD
  8. MESA
  9. 3. Ngayong pandemya kami’y nangunguna, katuwang ng mga doktor at iba pang frontliner na manggagawa. MYSTERY WORD
  10. NARS
  11. 4. Ako’y mga makabuluhang tunog. Sa Filipino binubuo ako ng 16 katinig at 5 patinig. MYSTERY WORD
  12. Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental – 16 sa mga ito ay katinig at lima naman ang patinig. Mga Katinig - /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/ Ponemang Segmental
  13. Sa ating palabaybayan ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na titik. Sa halip, isinama ito sa palatuldikan at tinumbasan ng tuldik na paiwa /’/ sa dahilang ito’y hindi normal na tulad ng ibang ponema. Ponemang Segmental
  14. Mahalaga ang /?/ o tuldik na paiwa /’/ sapagkat nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita kapag inilagay sa huling pantig ng salitang nagtatapos sa patinig. Ang tawag sa /?/ ay glotal o impit na tunog. Ponemang Segmental
  15.  Ang impit na tunog o glotal ay itinuturing na isang ponemang katinig sa Filipino bagama’t hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika. Mahalaga ito sa isang salita sapagkat nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho ang baybay. Hal: bata /h/ =robe, bata /’/ =child Ponemang Segmental
  16. • Mga Patinig - /a, e, i, o, u/ • Itinuturing ang mga patinig na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig. Ponemang Segmental
  17. • May kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang tunog ang bawat wika. Ponemang Segmental
  18. • Halimbawa’y mag-iiba ang kahulugan ng salitang baso kapag inalis ang /s/ at ito’y nagiging bao . Kapag pinalitan naman ang /s/ ng /l/, ito’y nagiging balo . Samakatwid, ang /s/ ay makabuluhang tunog sa Filipino at tinatawag itong ponemang segmental o ponema. Ponemang Segmental
  19. • Tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ o /y/ sa loob ng isang pantig. DIPTONGGO
  20. Mga diptonggo sa Filipino: /y/= ay, ey, iy, oy, uy /w/= aw, ew, iw, ow, uw DIPTONGGO
  21. Halimbawa: Aliw Bahay Bughaw Kulay Ikaw Gulay Ilaw Hikaw DIPTONGGO
  22. • Ang klaster ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. KLASTER
  23. Halimbawa: Tren Kontrata Kard Plano Kumpleto Nars KLASTER
  24. • Pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema sa magkatulad na posisyon. PARES MINIMAL
  25. Halimbawa: pala = spade misa = seremonya bala = bullet mesa = table titik = letra titig =stare PARES MINIMAL
  26. • Pares ng salita na katatagpuan ng magkaibang ponema sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang taglay ng mga salita. MALAYANG PONEMANG NAGPAPALITAN
  27. Halimbawa: o at u i at e tutoo – totoo lalaki – lalake d at r madungis - marungis MALAYANG PONEMANG NAGPAPALITAN
  28. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong pagkatapos ay bilugan ang tamang sagot mula sa pagpipilian. QUIZ TIME!
  29. 1. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pares minimal? a. tekas:tikas b. diretso:deretso c. rumi:dumi 2. Piliin kung alin sa sumusunod ang hindi matatawag na diptonggo. a. aliwan b. liwayway c. baliw QUIZ TIME!
  30. 3. Tumutukoy sa magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. a. klaster b. diptonggo c. pares minimal 4. Alin ang matatawag na pares minimal sa sumusunod a. tutoo:totoo b. mesa:misa c. rumi:dumi QUIZ TIME!
  31. 5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Ponemang malayang nagpapalitan maliban sa isa. a. Anu-ano:Ano-ano b. Pala:Bala c. Lalaki:lalake d. Tutoo:Totoo QUIZ TIME!

Notes de l'éditeur

  1. VAWC
  2. VAWC
  3. VAWC
  4. VAWC
Publicité