Kasaysayan ng Pagkakabuo ng
Pambansang Wika
Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng
Espanya, Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang
wikang panturo.
Nang sakupin ng mga Amerikano ang
Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit
ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at
proklamasyon, Ingles at Espanyol.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng
Pambansang Wika
Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang
Espanyol bilang wikang opisyal.
Ngunit sa simula pa lamang ng
pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng
mga Katipunero ang wikang Tagalog sa mga
opisyal na kasulatan.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng
Pambansang Wika
Marso 24, 1934 – pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt
ng Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na
nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang
Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng
Pamahalaang Komonwelt.
Pebrero 8, 1935 – pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang
Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng
sambayanan noong Mayo 14, 1935.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng
Pambansang Wika
Oktubre 27, 1936 – ipinahiwatig ni Pangulong Quezon
ang kaniyang plano na magtatag ng Surian
ng Wikang Pambansa.
Nobyembre 13, 1936 – pinagtibay ng Kongreso ang
Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa
unang Surian ng Wikang Pambansa.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng
Pambansang Wika
Surian ng Wikang Pambansa ay
magsagawa ng pag-aaral, pananaliksik,
gabay, at alituntunin na magiging
batayan sa pagpili ng wikang
pambansa.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng
Pambansang Wika
Enero 12, 1937 – hinirang ng Pangulo ang
mga kagawad ng Surian, alinsunod sa
Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185.
Mga Kasapi ng SWP
Jaime C. De Veyra (Waray) – unang pangulo
Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim
Santiago Fonacier (Ilokano) – Kagawad
Casimiro Perfecto (Bikolano) – Kagawad
Hadji Butto (Muslim) – Kagawad
Felimon Sotto (Cebuano) – Kagawad
Felix Salas ( Hiligaynon) - Kagawad
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng
Pambansang Wika
Nobyembre 7, 1937 – inilabas ng Surian ang resolusyon na
Tagalog ang gawing batayan ng pambansang
wika.
Disyembre 30, 1937 – lumabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa
Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang
Wika ng Pilipinas.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng
Pambansang Wika
Abril 1, 1940 – inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
263. Ipinag-uutos nito ang:
1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English
Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na
pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa.
2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo
Panahon ng Pananakop ng mga Hapon
Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang
mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong
tinatawag na “purista.” Sila ang mga nagnanais na
gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at
hindi na batayan lamang.
Nang panahong iyon, Nipongo at Tagalog ang
naging opisyal na mga wika.
Nang Matapos ang Digmaan…
Hunyo 4, 1946 – ganap nang ipinatupad ang Batas
Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang wikang
opisyal na ang pambansang wika.
Marso 6, 1954 – nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon.
Setyembre 1955 – sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang
paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa
Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita
sa kaarawan ni Pangulong Manuel Quezon na
kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”
1959 – inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng
Pagtuturo ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “kailanma’t
tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay
tatawaging Pilipino.”
Oktubre 24, 1967 – nilagdaan ni Pangulong Ferdinand
Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo,
at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na
nakasulat sa Pilipino.
1970 – naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng
elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70.
Marso 12, 1987 – sa isang Order Pangkagawaran
Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang
Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa
ng Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay
sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na
ang pambansang wika ng Pilipinas ay
Filipino.
Dahilan sa Pagpili sa Tagalog bilang Batayan
ng Pambansang Wika ng Pilipinas
Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa
estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito
rin ang wikang ginagamit ng nakararaming
mamamayan.
Tagalog – katutubong wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng Pilipinas (1935)
Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas (1959)
Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa
sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng
Ingles (1987)
Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang
wikang Filipino ay:
• ang wikang pambansa ng Pilipinas;
• dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang wika; at
• dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang:
1. midyum ng opisyal na komunikasyon; at
2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
Para sa iyo, bakit mahalaga na may iisang
wika na sinusunod ang Pilipinas?
(30 words)