1. Ito’y mas maikli ngunit pinakamalapit sa kwento.
2. Mga kilala o tanyag na tao ang nilalarawansa
kwentong ito.Mga nakakatuwang pangyayari sa
kanilang buhay, ang binibigyang pansin dito.
3. Ito’y kwento na nag-aakay sa tao tungo sa isang
tuwid na landas.
4. Ito’y katipunan ng iba’t ibang uri ng paniniwala
ukol sa diyos at diyosa.
5. Ito’y kwentong nagpasalin-salin sa bibig ng
taumbayan. karaniwang nagpapaliwanag sa
pinagmulan ng isang pook, tao o bagay, o
pangyayari.
6. Tulad ng alamat, ito’y sanlindilang kwento na
palasak sa isang pook o lalawigan.
7. Ito’y kwento ng hayop na nagsasalita at
nagsisikilos na parang tao, at ang layon ay
makapagbigay ng aral sa mambabasa.
8. Sa uri ng kwentong ito, higit na binibigyang
halaga ang pangyayari, mula sa umpisa tungo sa
saglit na kasiglahan hanggang sa kasukdulan at
kakalasan. Ang kwentong ito ay hindi gaanong
nagbibigay diin sa tauhan.
9. Ang maikling kwentong ito ay nagtatampok ng
pagkatao ng tauhan, pati na ang kanyang kilos,
salita, at kaisipan.
10. Dito’y binibigyang-diin ang tagpuan, at
kapaligirang pinangyarihan ng kwento. kaugnay rin
dito ang mga kaugalian at pananamit ng mga tahan,
uri ng pamumuhay at hanapbuhay sa pook na
pinangyarihan ng salaysay.
ANSWERS
1. Dagli
2. Anekdota
3. Parabula
4. Mitolohiya
5. Alamat
6. Kwentong-Bayan
7. Pabula
8. Kwento ng Kabangahayan
9. Kwento ng Katauhan
10.Kwento ng Katutubong
kulay.