2. Ang pagpapaliwanag ay isang uri
ng pagpapahayag na naglalayong
palinawin ang isang paksa o isyu
na hindi gaanong maunawaan ng
kausap o ng mambabasa.
5. 1. Maaring magbigay ng mga halimbawa.
H a l i m b a w a :
Kung magtatapos ka ng iyong pag-aaral, tiyak na uunlad
ang iyong buhay. Tingnan mo, magiging madali ang
pagpasok mo sa trabaho, hindi mo na gaanong magiging
suliranin ang pera. Kapag nakaipon ka na, maaari ka na
ring mangibang- bansa, kung gusto mo. Kung ikaw naman ay
magpapamilya, maaari ka nang makatayong mag- isa. Ayaw
mo ba ng ganoon, anak?
6. 2. Maaaring gumamit ng mga pagtutulad o paghahambing ng
mga bagay-bagay.
H a l i m b a w a :
Kung makatatapos ka ng kurso sa kolehiyo,
makasisiguro kang hindi ka mahihirapang humanap ng
mainam na trabaho. Ang kuya mo, tingnan mo, ni hindi
natapos ang unang taon niya sa kolehiyo. Ano ngayon
ang trabaho niya? Paekstra-ekstra siya sa
konstruksyon. Ganoon ba ang buhay na gusto mo?
7. 3. Maaring maglahad ng sanhi at bunga ng mga bagay-bagay.
H a l i m b a w a :
Bakit ika mo maraming nag-aabroad na mga narses?
Aba, eh, di hamak na malaki ang sweldo sa ibang
bansa. Madali silang makaiipon at
makapagpapadala ng pera sa kanilang pamilya.
8. “Tandaan lamang na
upang maging mabisa at
makabuluhan ang
pagpapaliwanag,
mahalaga na mayroon
kang alam sa paksang
iyong ilalahad.”