Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
• a.) nabibigyan ng kahulugan ang kakapusan;
• b.) naipaliliwanag ang pagkakaiba ng
kakulangan sa kakapusan;
• c.) natutukoy ang palatandaan ng kakapusan
sa pang-araw-araw na pamumuhay.
LAYUNIN:
PAUNANG GAWAIN:
SITWASYON Oo/ Hindi Ano ang dahilan nito?
1. Nakaranas ka na ba
ng sitwasyon na may
gusto kang bilhin ngunit
hindi mo magawa dahil
kulang ang iyong pera?
2. Nangyari na ba sa
iyo na naghintay ka
nang mahabang oras
bago ka maasikaso ng
tindera sa canteen?
PAUNANG GAWAIN:
SITWASYON Oo/ Hindi Ano ang dahilan nito?
3. Mayroon bang
pagkakataon na gusto
mong mamasyal
kasama ang iyong mga
kaibigan subalit hindi
mo magawa dahil
kailangan mong mag-
aral para sa isang
pagsusulit?
PAUNANG GAWAIN:
SITWASYON Oo/ Hindi Ano ang dahilan nito?
4. Nahuli ka na ba sa
pagpasok sa paaralan
dahil wala kang
masakyan?
5. Naranasan mo na
bang may kailangan
kang bilhin para sa
isang pagsusulit
kinabukasan ngunit
nalaman mong ubos na
ang paninda sa
pamilihan?
• Ito ang pangunahing suliranin ng ekonomiya.
Ito ang kalagayan kung saan ang mga
pinagkukunang yaman ay hindi sapat sa
walang hanggang pangangailangan ng tao.
Ang bawat indibidwal ay napipilitang
magpasya kung alin sa mga produkto/
serbisyo ang una dapat pagtuunan ng pansin.
KAKAPUSAN O SCARCITY
• Ito ay isang kalagayan ng ekonomiya kung
saan ang suplay ng produkto ay
pansamantalang hindi sapat sa
pangangailangan ng tao. Ito ay maituturing
na panandaliang problema ng ekonomiya
kung ito ay madaling maiwawasto at
matutugunan.
KAKULANGAN O SHORTAGE
1. LIKAS NA YAMAN
A. Yamang lupa
B. Yamang tubig
C. Yamang Mineral
D. Yamang Enerhiya
Yamang Lupa
Ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamayayamang bansa sa
Asya na malaki ang potensyal sa yamang lupa. Ito ay may
laking 300, 000 kilometro kwadrado na binubuo ng mga
bundok, gubat, burol, talampas at malalawak na kapatagan.
Ang Pilipinas din ay kabilang sa bansang may panganib na
kalagayan ayon sa ulat ng International Union for
Conservation of Nature and Natural Resources (IUCN)
Yamang Tubig
Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa likas na
katubigan. Sa mahigit na 7, 100 na mga pulo nito, ang
ating bansa ay tinaguriang isa sa may
pinakamahabang baybayin sa buong mundo na
tinatayang nasa 36, 289 kilometro ayon sa World
Bank. Ito ay may iba’t-ibang anyo na pinagkukunan
ng yaman katulad ng lawa, ilog, sapa, dagat, talon,
golpo at latian.
Yamang Mineral
Mula sa datos ng Mines and Geoscience Bureau (MGB),
ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamalaking pinagkukunan
ng mineral at tanso. Batay sa pagsusuri ng Department
of Environment & Natural Resources (DENR) ang
pinakamaraming mineral na niluluwas ng Pilipinas ay ang
tanso at ginto.
Ang mga ito ay kadalasang niluluwas sa mga bansa
katulad ng Japan, Australia, Canada at Tsina.
Yamang Enerhiya
Ito ay tumutukoy sa uri ng lakas na ginagamit sa
produksyon upang mapaandar ang mga bagay katulad ng
makina na makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya.
Ito din ang pinagkukunan ng kuryente. Tumutulong ito
sa ating kalakalan gayundin sa ating tahanan. ang yaman
na ito ay dapat tutukan, pangalagaan, at isaalang-alang.
Ang uri ng mga enerhiya ay fossil fuel, geothermal,
hydroelectric, solar power & wind power.
FOSSIL FUEL- ito ay isang likas na enerhiya na
nagmumula sa mga labi ng halaman at hayop na
binago at sinunog sa pormasyon ng batong tinatawag
na coal.
GEOTHERMAL- ito ay nagmumula sa init na nabubuo
sa ilalim ng lupa.
HYDROELECTRIC- ito ay ang enerhiya na mula sa
tubig.
URI NG ENERHIYA
SOLAR POWER- Ito ay
enerhiya mula sa init ng
araw.
WIND POWER- Ito ay
enerhiya na mula sa
hangin na karaniwang
ginagamitan ng windmill.
URI NG ENERHIYA
2. YAMANG TAO
ang mga tao ay isang mahalagang kapupunan
pagproseso ng mga produksyon sa
pangangalakal.
May dalawang uri ng manggagawa, ito ay
tinatawag na Blue collar & White collar.
Ito ay mula sa yaman ng tao na lumilikha ng mga
produkto at serbisyo para sa ikauunlad ng
ekonomiya. Isa sa mga halimbawa nito ay ang mga
makinarya, planta, sasakyan, kompyuter at
teknolohiya.
Ito ay nakatutulong upang mapaunlad ang industriya
ng isang bansa.
Tumutulong ang mga modernong teknolohiya upang
mapabilis ang mga gawain.
3. YAMANG KAPITAL
PAGHARAP SA KAKAPUSAN
Mga paraan ng pagharap sa suliranin ng
kakapusan;
1. Kahusayan (efficiency)
2. Pagpili (choice)
3. Halaga ng pagkakataon (Opportunity cost)
- ito ay may layuning magkaroon ng wastong
alokasyon sa limitadong pinagkukunang
yaman.
- Kailangan ito upang maabot at mapunan
ang pangangailangan ng mas higit sa
nakararami na ating lipunan.
1. Kahusayan (Efficiency)
Dahil sa kakulangan, lahat tayo ay napipilitang
mamili dahil hindi natin makakamtan ang lahat
ng ating kagustuhan. Sa ganitong sitwasyon,
kailangan nating mamili ng alternatibo at
mahusay na magpasya para sa ikabubuti ng
nakararami at wastong alokasyon sa limitadong
pinagkukunang-yaman.
2. Pagpili (Choice)
Ang opportunity cost ay isang konsepto sa
Ekonomiks na tumutukoy sa pagkawala ng
mga potensyal na pakinabang na maari nating
makuha mula sa isang pagdedesisyon na
ating isinagawa. Ito ay nagmumula sa
pagkawala ng tulong mula at galing sa mga
piniling alternatibo pati na rin sa iba pang
alternatibo
3. Opportunity Cost
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG POSTER
Kaugnayan sa Paksa 30 %
Sining ng Paglikha 30 %
Kalinisan at Kaayusan 20 %
Orihinalidad ng Ideyang biswal 20 %
KABUUAN: 100 %