SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  21
Télécharger pour lire hors ligne
CO_Q2_AP-8_Module 2
8
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Kontribusyon ng
Kabihasnang Romano
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center,
J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600
Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969
E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat: Sheila M. Penza, Maria Vanessa J. Resullar
Mga Editor: Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito,
Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon,
John M. Anino, Lalaine S. Gomera, Dan Ralph M. Subla,
Renato L. Latorre, Larry G. Morandante, Carlos C. Catalan, Jr.,
Fernando A. Dones, Jr.
Mga Tagasuri: Marino L. Pamogas, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera,
Honorato Mendoza, Edwin G. Capon, Edwin C. Salazar,
Fatima D. Notarte
Tagaguhit:
Tagalapat: Paul Andrew A. Tremedal, Joshua A. Frondozo, Darven G. Cinchez
Mga Nangasiwa: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida,
Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto,
Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas
8
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Kontribusyon ng
Kabihasnang Romano
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1
CO_Q2_AP-8_Module 2
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na
maunawaan ang mga ambag ng kabihasnang Romano at ang kaugnayan nito sa
kasalukuyan.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang
maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.
May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging
makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng
mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtatalakay tungkol sa Kontribusyon
ng Kabihasnang Romano na nahahati sa sumusunod na paksa:
 Paksa 1- Ang Simula ng Roma
 Paksa 2- Ang Republika ng Roma
 Paksa 3- Digmaang Punic
 Paksa 4- Sino si Julius Caesar
 Paksa 5- Ang mga Dakilang Triumvirate ng Roma
 Paksa 6- Ang Pax Romana
 Paksa 7- Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga
pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng
pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng
pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at
Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay
ng tao sa kasalukuyan.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano. (AP8DKT-IIc-3)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
 nasusuri ang mga pangyayari ng kabihasnang Klasikal ng Roma;
 naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang
Klasikal ng Roma;
 nakagagawa ng tsart at hashtag na naglalarawan batay sa mga naging
kontribusyon at pamana ng Roma.
Alamin
2
CO_Q2_AP-8_Module 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin
ang letra ng tamang sagot.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano?
A. Amerika C. Asya
B. Aprika D. Europa
2. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging
monarkiya?
A. Aristokrasya C. Diktadurya
B. Demokrasya D. Republika
3. Ano ang tawag sa mamamayang Romano na kasapi sa mayayamang asendero?
A. Haciendero C. Patrician
B. Negosyante D. Plebeian
4. Ang karaniwang mamamayang Romano o masa ay tinatawag na?
A. Haciendero C. Patrician
B. Negosyante D. Plebeian
5. Ano ang sinaunang kabisera ng bansang Italya?
A. Roma C. Milan
B. Florence D. Venice
6. Ilang Digmaang Punic ang naganap laban sa kapangyarihan ng Roma at
Carthage?
A. isa C. tatlo
B. dalawa D. apat
7. Anong pangkat ang nagtatag ng Carthage na naging kalaban ng mga Romano?
A. Assyrian C. Phoenician
B. Lydian D. Sumerian
8. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana?
A. paghatid ng kasaganaan sa lipunan
B. pagkaroon ng maraming tagapagtanggol
C. pagpahalaga ng kapayapaan sa lipunan
D. pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan
Subukin
3
CO_Q2_AP-8_Module 2
9. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
A. hindi matatag na pamumuno
B. paglusob ng mga tribong barbaro
C. may sariling paraan ang bawat isa
D. pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan
10. Ilang lider ang bumubuo sa triumvirate ng Roma?
A. isa C. tatlo
B. dalawa D. apat
11. Sino ang tinaguriang unang emperador ng Imperyong Romano?
A. Julius Caesar C. Octavian
B. Mark Anthony D. Pompey
12. Ano ang tawag sa isang lugar na madalas pagdarausan ng mga labanan ng mga
gladiator?
A. Appian Way C. Coliseum
B. Basilica D. Parthenon
13. Sino-sino ang bumubuo sa First Triumvirate ng Roma?
A. Marcus Lepidus, Mark Antony, Octavian
B. Gaius Gracchus, Marcus Brutus, Tiberius
C. Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, Pompey
D. Antoninus Pius, Marcus Aurelius, Trajan, Vespasian
14. Ano ang tawag sa kasuotan ng mga lalaking Romano na ipinapatong sa ibabaw
ng tunic?
A. Cullotes C. Stola
B. Palla D. Toga
15. Alin sa sumusunod na teritoryo ang nasakop ng Roma pagkatapos ng Unang
Digmaang Punic?
A. Corsica, Greece, Sicily
B. Corsica, Sardinia, Sicily
C. Carthage, Greece, Macedonia
D. Macedonia, Mare Nostrum, Sardinia
4
CO_Q2_AP-8_Module 2
Gawain 1: Tanong-Saysay
Panuto: Sagutan ang mga tanong ayon sa iyong natutunan sa natalakay na aralin.
Isulat ito sa sagutang papel.
1. Saan matatagpuan ang Greece?
2. Ano ang iyong nakuhang kaalaman tungkol sa mga literaturang pamana ng
Greece?
3. Ano ang ibig sabihin ng “The Glory that was Greece”?
Gawain 2: Hanap-hanay!
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang konseptong inilalarawan sa Hanay A.
Isulat ito sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Ito ay tubo o kanal na nagdadala ng tubig mula sa isang
pinagkukunan
a. Gladiator
2. Isang malawak na bulwagan na may mga karugtong na
silid sa pasukan o labasan
b. Basilica
3. Karaniwang mga kriminal, alipin, o bihag na
nakikipaglaban sa isa’t isa o laban sa isang mabangis na
hayop
c. Burukrasya
4. Panahon ng kapayapaan sa Imperyong Romano d. Aqueduct
e. Tunic
Aralin
1
Kontribusyon ng
Kabihasnang Romano
Balikan
Tuklasin
5
CO_Q2_AP-8_Module 2
5. Sistema o organisasyon ng pamahalaan
6. Mga mamamayang may-ari ng lupa sa lipunang Romano f. Atrium
7. Mga karaniwang tao sa lipunang Romano tulad ng
magsasaka at mangangalakal
g. Stola
8. Isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan
ng Assembly
h. Plebeian
9. Kasuotang pambahay ng lalaki na hanggang tuhod i. Orador
10. Isang mahusay na mananalumpati j. Pax Romana
k. Patrician
Ang Simula ng Roma
Batay sa matandang alamat, ang Roma ay itinatag ng dalawang
magkakapatid na kambal na sina Romulus at Remus. Ang ina ng kambal ay si Rhea
Silvia na anak naman ng haring si Numitor. Naging banta ang pamumuno ni
Numitor sa buhay ng kaniyang kapatid kaya siya ay pinatay ni Amulius. Natakot din
ang huli na baka maagaw ng kambal ang tronong
nakuha niya kaya ipinag-utos niya sa kaniyang
alipin na ilagay sa basket at ipaanod ang mga ito
sa ilog Tiber. Nasagip at inaruga ang mga sanggol
ng isang babaing lobo. Kinalaunan ay nakita sila
ng mag-asawang sina Faustulus at Acca Larentia
at pinalaki hanggang sa wastong edad. Binalikan
nila ang kanilang amain na si Amulius at pinatay
ito.
Pinaniniwalaang nagkaroon ng hindi
pagkakaunawaan ang magkapatid kaya pinatay ni Romulus si Remus. Sinimulan
niyang itatag ang isang lipunan noong Abril 21, 753 BC na nasa tabing-ilog ng Tiber
at pinangalanan itong Roma.
Mga Pamprosesong Tanong
1. Sino ang nagtatag ng Roma?
2. Gaano kahalaga ang papel na ginampanan ng mga nabanggit na tauhan sa
pagkatatag ng sinaunang Roma?
Suriin
Larawan ng Capitoline Wolf
6
CO_Q2_AP-8_Module 2
Ang Republika ng Roma
Masasabing isa sa pinakamatagumpay na lungsod sa Italya ang Roma. Nang
isulat ni Edgar Allan Poe ang tulang, “To Helen”, nabanggit ang linyang “The glory
that was Greece and the grandeur that was Rome”. Ito ay nagpapatunay ng tagumpay
ng Roma hindi lamang sa larangan ng literatura, kung hindi, pati na rin sa
arkitektura, batas, inhenyeriya, at sa pakikipagdigma.
Masasabing estratehiko ang lokasyon ng Roma dahil matatagpuan ito sa gitna
ng Italya at nadadaluyan ng ilog Tiber. Dahil maunlad ang agrikultura sa lugar,
mayroon itong kakayahan na pakainin ang malaking populasyon ng lungsod.
Sa Republikang Romano, ang mamamayan ay naghahalal ng dalawang
konsul na may kapangyarihang tulad ng hari. Ang panunungkulan ay tatagal ng
isang taon dahil sa maaari nilang kontrahin ang pasya ng bawat isa, nahati ang
kapangyarihan ng mga ito, at humina ang sangay ehekutibo. Kinakailangang pumili
ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan sa oras ng
kagipitan. Higit na makapangyarihan ang tinatamasa ng diktador kaysa sa mga
konsul. Ang lipunang Romano ay binubuo ng dalawang uri ng mamamayan: ang
mga patrician, sa salitang Latin na patres o ibig sabihin ay “mga ama”. Sa kanilang
hanay nagmumula ang dalawang konsul, diktador, lahat ng kasapi ng senado at ang
mga mayayamang may-ari ng malalaking lupain. Samantala, ang mga plebeian ay
mula sa salitang Latin na plebeius na ang ibig sabihin ay “karaniwang tao o
mamamayan”. Masasabing binubuo sila ng mga magsasaka, mangangalakal at iba
pang pangkaraniwang mamamayan ng lungsod. Wala silang kapangyarihan at hindi
maaaring makapag-asawa mula sa pangkat ng mga patrician.
Ang kontribusyon ng taga-Roma sa kasaysayan ng daigdig ay ang
pagkakaroon ng malawak na imperyo sa kabila ng pagkatalo sa pakikidigma. Ang
pagkakaroon ng sariling katangian at pagkakakilanlan ay patunay na nangunguna
ito sa iba’t ibang larangan ng kaalaman sa:
1. Batas. Tanyag na pinakamahusay na lehislador ang mga Romano. Ang
kabuluhan ng Twelve Tables ay batas para sa lahat, patrician o plebeian.
Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan
ayon sa batas.
2. Panitikan. Ang panitikan ng Roma ay salin lamang ng mga tula at dula ng
Greece. Si Livius Andronicus ang nagsalin ng Odyssey sa Latin samantalang
sina Marcus Palutus at Terence ang mga unang manunulat ng comedy. Sina
Lucretius at Catullus ay iba pang mga manunulat na Romano. Si Cicero ay
isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas. Isinaad niya na ang batas
ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o wasakin ng pera
kailanman.
3. Inhenyeriya. Ipinakita ng mga Romano ang husay sa inhenyeriya. Nagpagawa
sila ng mga daan at tulay upang pagdugtungin ang buong imperyo. Karamihan
sa mga ito ay ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan. Halimbawa ang
Appian Way na nag-uugnay sa Roma at timog Italya. Nagpatayo rin sila ng mga
aqueduct upang makaabot ang tubig sa lungsod.
7
CO_Q2_AP-8_Module 2
4. Arkitektura. Ang mga Romano ay kilala sa paggawa ng mga kahanga-hangang
arkitektura. Natuklasan nila ang paggamit ng semento at stucco, isang plaster
na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Bilang palamuti, gumamit sila ng
mga marmol na kanilang inangkat mula sa bansang Greece. Sa mga
Etruscan nila natutunan ang paggawa ng arko na kadalasang nakikita sa mga
templo, aqueduct, at iba pang mga gusali. Ang gusaling Basilica ay isang
bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly. Nagsisilbing
tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap ng mga pampublikong paliguan at
pamilihan na sa forum, ang sentro ng lungsod. Ang Coliseum, isang
amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator, ay isa sa mga gusaling
ipinatayo na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa rin sa Roma.
5. Pananamit. Makikita ang pagkakaiba sa kasuotan ng mga kababaihan at
kalalakihang Romano. Ang mga lalaki ay may dalawang klase ng kasuotan na
tinatawag na tunic, isang kasuotang pambahay at toga na isinusuot kapag sila
ay sumasali sa mga pagtitipon at paggala sa mga lansangan. Samantala, ang
mga kababaihan ay nagsusuot ng stola bilang pantahanang kasuotan na
pinangibabawan ng palla, isang pantakip na kasuotan.
Mga Pamprosesong Tanong
1. Ano-ano ang ambag ng sinaunang Roma sa kasaysayan ng mundo?
2. Paano nakatulong ang mga ambag ng Roma sa pagsulong ng mga pagbabago
sa daigdig sa makabagong panahon?
3. Gaya ng Roma, ang Pilipinas ay mayroon ding ambag sa pagsulong ng
pagbabago sa iba’t ibang larangan. Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita
ang pagpapanatili at pagpapalago sa mga kontribusyong ito?
Digmaang Punic
Ang Digmaang Punic ay sa pagitan ng Roma at Carthage. Ang Carthage
(Tunisia sa kasalukuyan) ay teritoryong itinatag ng mga Phoenician sa Hilagang
Africa. Ang alitang ito ay naganap dahil sa pagnanais ng Roma na mapalawak ang
teritoryo at makontrol ang kalakalan sa Mediterranean.
Unang Digmaang Punic
Makapangyarihan ang hukbong pandagat ng Carthage samantalang ang mga
Romano ay walang karanasan sa pakikidigma sa dagat. Gayunpaman, dinaig ng
Roma ang Carthage nang sila ay bumuo ng malalakas na plota at sinanay ang mga
sundalo na naging bihasa na tagapagpangasiwa nito. Sa pagkapanalo ng Roma,
sinakop nila ang Sicily, Sardinia, at Corsica na lalong nagpapalawak sa kanilang
nasasakupan.
8
CO_Q2_AP-8_Module 2
Ikalawang Digmaang Punic
Ang digmaang ito ay sinimulan ni Heneral Hannibal ng Carthage na
nagtangkang sakupin ang Roma. Ngunit hindi ito natuloy dahil sinalakay ni Scipio
Africanus ang hilagang Africa na dahilan ng sapilitang pagbalik ni Hannibal sa
kanyang nasasakupan upang sagipin ito. Sa kasamaang palad, natalo si Hannibal
sa digmaan na dahilan ng kanyang pagpayag sa pagwasak ng kanilang plota at
pagsuko sa bansang Espanya na may kaakibat sa pagbabayad ng taunang buwis sa
bansang Roma.
Ikatlong Digmaang Punic
Ang digmaang ito ay naganap nang salakayin ng Carthage ang isang
kaalyansang lungsod ng Roma. Nauwi ito sa pagkawasak ng mga lungsod ng
Carthage dahil sa mga pag-atake ng mga sundalong Romano. Dahil sa pagkatalo sa
digmaan, ipinagbili ang lahat ng mamamayan ng Carthage bilang alipin at tuluyang
sinakop ng Roma ang lahat ng lungsod at mga nasasakupan nito sa Hilagang Africa.
Mga Pamprosesong Tanong
1. Ano-anong bansa ang naglaban sa Digmaang Punic?
2. Ano ang naidulot ng Digmaang Punic sa Roma?
Sino si Julius Caesar?
Si Julius Caesar ay isa sa mga pinakadakilang Heneral ng Roma na nagawang
mapalawak ang nasasakupan ng Republika sa pamamagitan ng matagumpay niyang
pananakop. Idineklara siyang diktador ng Roma mula noong 46 BCE hanggang 44
BCE.
Sa ilalim ng kaniyang pamamahala, nilunasan niya ang mga suliranin ng
Roma. Nagpagawa siya ng magagandang kalsada, inayos ang iba’t ibang sangay ng
pamahalaan, binigyan ng karapatang maging mamamayan ng Roma ang lahat ng
mga taong nakatira sa Italya, naglagay ng mga kinatawan ng mga probinsiya sa
Senado, at sinikap na ituloy ang repormang agraryo na sinimulan ng sawimpalad na
sina Tiberius at Gaius. Noong 44 BCE, nagawa niyang palusutin sa Senado ang
proklamasyon bilang habambuhay na diktador ng Imperyong Romano subalit nauwi
ito sa kaniyang kamatayan nang paslangin siya nina Brutus at Gaius Cassius.
Ang mga Dakilang Triumvirate ng Roma
Noong 60 BCE, binuo ni Julius Caesar, Pompey at Marcus Licinius Crassus
ang unang Triumvirate. Ito ay unyon ng tatlong makapangyarihang tao na
nangasiwa ng Republika ng Roma. Sa pagkamatay ni Julius Caesar, naging
tagapagmana niya ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Kasama sina
Mark Anthony, Marcus Lepidus, at Octavian sa pagbuo ng ikalawang Triumvirate na
naglalayong maibalik ang kaayusan sa Roma.
9
CO_Q2_AP-8_Module 2
Ang Pax Romana
Sa paghahari ni Augustus Caesar, ang unang emperador ng Roma, nagsimula
ang Pax Romana o Kapayapaan sa Roma. Umabot nang mahigit 200 taon ang Pax
Romana at ito ang natatanging panahon ng pag-iral ng katahimikan, katatagan, at
kasaganaan. Ang pamamahala, ang pagpapatupad ng batas, ang pangangalakal,
ang panitikan, at sining ay nagsiunlad noong panahong Pax Romana. Nakilala sina
Virgil, Horace, at Ovid bilang mga dakilang makata. Naging tanyag din si Tacitus
nang isinulat niya ang “Histories at Annals” tungkol sa imperyo sa pamamalakad ng
mga Julian at Flavian Caesar. Si Livy naman ay naging kilala nang isulat niya ang
kasaysayan ng Rome sa kaniyang “From the Founding of the City”.
Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano
Gaano man katatag ang isang imperyo, may hangganan din ito. Ito ang naging
kapalaran ng Roma. Sa loob ng dalawang daang taong pamamayagpag bilang
imperyo, unti-unti itong humina at sa kalaunan ay bumagsak.
Nang si Augustus, ang dating Octavian, ang namuno, inalis niya ang
pagpataw ng buwis sa mga probinsya ng imperyo. Ito ay nagbunga sa sapilitang
pagtaas ng buwis ng mga tao sa mismong Italya. Ito ay para tustusan ang mga luho
ng mga opisyal. Dahil dito, nalugi ang maliliit na mga mangangalakal ng Italya at
naghirap din kahit ang may malalakas na negosyo. Bumaba ang bilang ng mga tao
dahil sa mga sakit na dala ng mga sundalong galing sa digmaan.
Noong 284 BC, hinati ni Emperador Diocletian ang Imperyo ng Roma.
Ipinagkatiwala niya ang kanlurang bahagi (ang mismong Roma) kay Heneral
Maximian samantalang pinamunuan niya ang silangang bahagi. Hindi gaanong
pinagtuunan ng pansin ni Diocletian ang kalaban ng imperyo sapagkat nakatuon
ang kaniyang pansin sa paglutas ng mga suliranin tulad ng kawalan ng trabaho,
implasyon, at kawalan ng mamumuhunan. Kaya unti-unting sinakop ng mga
Barbaro ang ilan sa mga nasasakupan ng imperyo na dahilan ng pagbagsak nito.
Gawain 3: Fact o Bluff
Panuto: Alamin kung ang mga sitwasyon ay nagsasaad ng fact kung may
katotohanan at bluff kung walang katotohanan.
Isulat ito sa sagutang papel.
________1. Unti-unting bumagsak ang imperyong Romano.
________2. Inalis ni Octavian ang pagpataw ng buwis sa mga probinsiya ng Roma.
________3. Hinati ni Diocletian ang imperyo at si Maximian ang namahala sa
kanluran.
________4. Aleman ang tawag sa mga mamamayan na nakatira sa Italya.
________5. Kinaya ni Diocletian na lutasin ang mga suliranin sa Roma.
Pagyamanin
10
CO_Q2_AP-8_Module 2
Gawain 4: Magpasikat Ka!
Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung sa anong larangan ang sumusunod na
kontribusyon ng Imperyong Romano.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________1. Twelve Tables
________2. Cicero
________3. Odyssey
________4. Stucco
________5. Basilica
________6. Coliseum
________7. Marcus Plautus at Terence
________8. Livius Adronicus
________9. Comedy
________10. Alamat ng Roma
Gawain 5: Kumpletuhin Mo Na!
Panuto: Punan ng salita o grupo ng mga salita ang sumusunod na sitwasyon at
pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang buhay ng mga patrician ay
________________________________________________.
2. Mahirap ang buhay ng mga plebeian dahil
________________________________________________.
3. Naging kalaban ng mga Romano ang
________________________________________________.
Isaisip
Isagawa
Batas Panitikan Arkitektura
11
CO_Q2_AP-8_Module 2
4. Namayani ang Pax Romana bilang
________________________________________________.
5. Nanalo ang Roma sa Digmaang Punic dahil
________________________________________________.
Gawain 6: 3-2-1 Tsart
Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong natutunan hinggil sa mga kontribusyon ng
kabihasnang Romano. Isulat ito sa sagutang papel.
Mga kontribusyon ng Kabihasnang Romano Ang aking natutunan
3 Natutuhan ko na… 


2 Kinawiwilihan ko ang mga kaisipang… 

1 Nais ko pang matutunan ang… 
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin
ang letra ng tamang sagot.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Ilang Digmaang Punic ang naganap laban sa kapangyarihan ng Roma at
Carthage?
A. isa C. tatlo
B. dalawa D. apat
2. Anong pangkat ang nagtatag ng Carthage na naging kalaban ng mga Romano?
A. Assyrian C. Phoenician
B. Lydian D. Sumerian
3. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana?
A. paghatid ng kasaganaan sa lipunan
B. pagkaroon ng maraming tagapagtanggol
C. pagpahalaga ng kapayapaan sa lipunan
D. pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan
4. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
A. hindi matatag na pamumuno
B. paglusob ng mga tribong barbaro
C. may sariling paraan ang bawat isa
D. pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan
Tayahin
12
CO_Q2_AP-8_Module 2
5. Ilang lider ang bumubuo sa triumvirate ng Roma?
A. isa C. tatlo
B. dalawa D. apat
6. Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano?
A. Amerika C. Asya
B. Aprika D. Europa
7. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging
monarkiya?
A. Aristokrasya C. Diktadurya
B. Demokrasya D. Republika
8. Ano ang tawag sa mamamayang Romano na kasapi sa mayayamang asendero?
A. Haciendero C. Patrician
B. Negosyante D. Plebeian
9. Ang karaniwang mamamayang Romano o masa ay tinatawag na?
A. Haciendero C. Patrician
B. Negosyante D. Plebeian
10. Ano ang sinaunang kabisera ng bansang Italya?
A. Roma C. Milan
B. Florence D. Venice
11. Ano ang tawag sa kasuotan ng mga lalaking Romano na ipinapatong sa ibabaw
ng tunic?
A. Cullotes C. Stola
B. Palla D. Toga
12. Ano ang tawag sa isang lugar na madalas pagdarausan ng mga labanan ng
mga gladiator?
A. Appian Way C. Coliseum
B. Basilica D. Parthenon
13. Alin sa sumusunod na teritoryo ang nasakop ng Roma pagkatapos ng Unang
Digmaang Punic?
A. Corsica, Greece, Sicily
B. Corsica, Sardinia, Sicily
C. Carthage, Greece, Macedonia
D. Macedonia, Mare Nostrum, Sardinia
14. Sino ang tinaguriang unang emperador ng Imperyong Romano?
A. Julius Caesar C. Octavian
B. Mark Anthony D. Pompey
15. Sino-sino ang bumubuo sa First Triumvirate ng Roma?
A. Marcus Lepidus, Mark Antony, Octavian
B. Gaius Gracchus, Marcus Brutus, Tiberius
C. Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, Pompey
D. Antoninus Pius, Marcus Aurelius, Trajan, Vespasian
13
CO_Q2_AP-8_Module 2
Gawain 7: I-hashtag Mo!
Panuto: Gumawa ng isang hashtag (#) na naglalarawan batay sa mga naging
kontribusyon at pamana ng Roma na nakikita hanggang sa kasalukuyan.
Gawin ito sa sagutang papel.
Karagdagang Gawain
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.
D
6.
C
11.
C
2.
D
7.
C
12.
C
3.
C
8.
C
13.
C
4.
D
9.
C
14.
D
5.
A
10.
C
15.
B
Balikan:
Gawain
1:
Tanong-Saysay
1.
Saan
matatagpuan
ang
Greece?
Sagot:
Sa
Europe
2.
Ano
ang
iyong
nakukuhang
kaalaman
tungkol
sa
mga
literaturang
pamana
ng
Greece?
Sagot:
Ang
nakukuhang
kaalaman
tungkol
sa
mga
literaturang
pamana
ng
Greece
sa
arkitektura
tulad
ng
Coliseum
isang
amphitheater
para
sa
mga
labanan
ng
mga
gladiator,
ay
isa
sa
mga
gusaling
ipinatayo
na
hanggang
sa
kasalukuyan
ay
makikita
pa
rin
sa
Roma.
3.
Ano
ang
ibig
sabihin
ng
“The
Glory
That
Was
Greece”?
Sagot:
Ang
ibig
sabihin
ng
The
Glory
that
was
Greece,
ito
ay
nagpapatunay
ng
tagumpay
ng
Roma
hindi
lamang
sa
larangan
ng
literature
kundi
pati
na
rin
sa
arkitektura,
batas,
inhenyeriya
at
pananamit.
Tuklasin
Gawain
2:
Hanap-hanay
1.
D
6.
K
2.
F
7.
H
3.
A
8.
B
4.
J
9.
E
5.
C
10.
I
Suriin:
Pamprosesong
Tanong
1.
Sino-sino
ang
nagtatag
ng
Roma?
Sagot:
Ang
nagtatag
ng
Roma
ay
ang
dalawang
magkakapatid
na
kambal
na
sina
Romulos
at
Remus.
2.
Gaano
kahalaga
ang
papel
na
ginampanan
ng
mga
nabanggit
na
tauhan
sa
pagkatatag
ng
sinaunang
Roma?
Sagot:
Napakahalaga
ang
papel
na
ginampanan
ng
magkakapatid
na
kambal
sa
pagtatag
ng
sinaunang
Roma
dahil
itinatag
nila
ang
unang
lipunan.
14
CO_Q2_AP-8_Module 2
Suriin:
Pamprosesong
Tanong
1.
Ano-ano
ang
mga
naging
ambag
ng
sinaunang
Roma
sa
kasaysayan
ng
mundo?
Sagot:
Ang
naging
ambag
ng
sinaunang
Roma
sa
kasaysayan
ng
mundo
ay
ang
pagkakaroon
ng
batas,
inhenyeriya,
panitikan
at
pananamit.
2.
Paano
nakatulong
ang
mga
ambag
ng
Roma
sa
pagsulong
ng
mga
pagbabago
sa
daigdig
sa
makabagong
panahon?
Sagot:
Nakatutulong
ang
mga
ambag
ng
Roma
sa
pagsulong
ng
mga
pagbabago
sa
daigdig
sa
makabagong
panahon
ang
pagkakaroon
ng
malawak
na
imperyo
sa
kabila
ng
pagkatalo
sa
pakikidigma
at
ang
pagkakaroon
ng
sariling
katangian
at
pagkakakilanlan
ay
patunay
na
nangunguna
sa
ibat
ibang
larangan
ng
kaalaman
sa
batas,
panitikan,
inheyeriya,
arkitektura
at
pananamit.
3.
Gaya
ng
Roma,
ang
Pilipinas
ay
mayroon
ding
ambag
sa
pagsulong
ng
pagbabago
sa
iba’t
ibang
larangan.
Bilang
isang
Pilipino,
paano
mo
maipapakita
ang
pagpapanatili
at
pagpapalago
sa
mga
kontribusyong
ito?
Sagot:
Maipapakita
ko
ang
pagpapanatili
at
pagpapalago
ng
ambag
sa
pagsusulong
ng
pagbabago
sa
ibat
ibang
larangan
sa
pamamagitan
ng
pagsunod
sa
batas,
maging
mabuting
mamamayan,
tumolong
sa
pamayanan
na
makabubuti
sa
lahat
at
higit
sa
lahat
maging
matapat
sa
lahat
at
sa
Panginoon.
Suriin:
Pamprosesong
Tanong
1.
Ano-anong
mga
bansa
ang
naglaban
sa
Digmaang
Punic?
Sagot:
Ang
Digmaang
Punic
ay
sa
pagitan
ng
Roma
at
Carthage
2.
Ano
ang
naidulot
ng
Digmaang
Punic
sa
Roma?
Sagot:
Ang
digmaang
Punic
ay
nagresulta
sa
pagkawasak
ng
Carthage
at
ang
paglawak
ng
imperyo
at
impluwensiya
ng
Roma
sa
Hilagang
Africa.
Pagyamanin
Gawain
3:
Fact
o
Bluff
1.
Fact
2.
Bluff
3.
Fact
4.
Bluff
5.
Fact
Isaisip
Gawain
4:
Magpasikat
Ka!
1.
Batas
6.
Arkitektura
2.
Panitikan
7.
Panitikan
3.
Panitikan
8.
Panitikan
4.
Arkitektura
9.
Panitikan
5.
Arkitektura
10.
Panitiakn
Isagawa
Gawain
5:
Kumpletuhin
Mo
Na!
1.
Ang
buhay
ng
mga
patrician
ay
napakasagana
dahil
sila
ay
mayayamang
may
ari
ng
lupa.
2.
Mahirap
ang
buhay
ng
mga
plebeian
dahil
sila
ang
mga
tao
na
magsasaka
at
mangangalakal
at
walang
kapangyarihan.
3.
Naging
kalaban
ng
mga
Romano
ang
mga
Carthage
4.
Namayani
ang
Pax
Romana
bilang
isang
pag
iiral
ng
katahimikan,
katatagan
at
kasaganaan.
At
ang
pamamahala,
ang
pagpapatupad
ng
batas,
ang
pangangalakal,
panitikan
at
sining
ay
nag
siunlad
noong
panahon
ng
Pax
Romano.
5.
Nanalo
ang
Roma
sa
Digmaang
Punic
dahil
sa
pag
atake
ng
mga
sundalong
Romano
sa
mga
lungsod
ng
Carthage
at
dahil
dito
nawasak
ang
lungsod.
At
ipinagbili
ang
lahat
ng
mamamayan
ng
Carthage
bilang
alipin
at
tuluyang
sinakop.
15
CO_Q2_AP-8_Module 2
Isagawa
Gawain
6:
3-2-1
Tsart
Magtala
ng
mga
kaisipang
iyong
natutuhan

May
iba’t
ibang
tao
ang
namamahala
sa
Roma.

Maraming
kontribusyon
ang
naiambag
ng
mga
taga
Roma.

May
mga
dakilang
namamahala
sa
Roma.
Mga
kaisipang
iyong
kinawilihan

May
tatlong
yugto
ng
digmaan
ang
nagaganap

May
triumvirate
sa
Roma
na
pinamunuan
ng
tatlong
lider
Nais
mo
pang
itanong

Sino
kaya
ang
makapagpapa-unlad
na
lider
sa
bansang
Roma?
Tayahin
1.
C
6.
D
11.
D
2.
C
7.
D
12.
C
3.
C
8.
C
13.
B
4.
C
9.
D
14.
C
5.
C
10.
A
15.
C
Karagdagang
Gawain
Gawain
7:
I-hashtag
Mo!
#
May
pagkakaiba
ang
pananamit
ng
lalaki
at
babae
#
Ang
Coliseum
ay
makikita
pa
rin
sa
Roma.
#Ang
Appian
Way
na
nag-uugnay
sa
Roma
at
timog
Italya.
16
CO_Q2_AP-8_Module 2
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo,
Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 –
Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department
of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Contenu connexe

Tendances

Ideolohiya
IdeolohiyaIdeolohiya
IdeolohiyaShai Ra
 
AralingPanlipunan8_Module1_Quarter2_Kabihasnang-Minoan-Mycenaean-at-Kabihasna...
AralingPanlipunan8_Module1_Quarter2_Kabihasnang-Minoan-Mycenaean-at-Kabihasna...AralingPanlipunan8_Module1_Quarter2_Kabihasnang-Minoan-Mycenaean-at-Kabihasna...
AralingPanlipunan8_Module1_Quarter2_Kabihasnang-Minoan-Mycenaean-at-Kabihasna...JoanPineda9
 
Detailed lesson plan in demonstration teaching
Detailed lesson plan in demonstration teachingDetailed lesson plan in demonstration teaching
Detailed lesson plan in demonstration teachingMirabeth Encarnacion
 
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8WendellAstrero1
 
Nasyonalismo.pptx
Nasyonalismo.pptxNasyonalismo.pptx
Nasyonalismo.pptxHazelPanado
 
Pagkamulat Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Am...
Pagkamulat Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Am...Pagkamulat Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Am...
Pagkamulat Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Am...edmond84
 
neo-kolonyalismo by michelle e.
neo-kolonyalismo by michelle e.neo-kolonyalismo by michelle e.
neo-kolonyalismo by michelle e.Jhunno Syndel
 
Aralin 2 ANG MGA SINAUNANG TAO
Aralin 2 ANG MGA SINAUNANG TAOAralin 2 ANG MGA SINAUNANG TAO
Aralin 2 ANG MGA SINAUNANG TAOLERIO MADRIDANO
 
DLP AP8 Mga Pulo sa Pacific COT-DEMO.docx
DLP AP8  Mga Pulo sa Pacific COT-DEMO.docxDLP AP8  Mga Pulo sa Pacific COT-DEMO.docx
DLP AP8 Mga Pulo sa Pacific COT-DEMO.docxdahliamariedayaday1
 
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismoModyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo南 睿
 
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Digmaang PandaigdigIkalawang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Digmaang Pandaigdigedmond84
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERPrecious Sison-Cerdoncillo
 
Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1JoeHapz
 
Kabanata 11: Pagkamulat
Kabanata 11: PagkamulatKabanata 11: Pagkamulat
Kabanata 11: Pagkamulatjimzmatinao
 
Budget of Work Araling Panlipunan 7
Budget of Work Araling Panlipunan 7Budget of Work Araling Panlipunan 7
Budget of Work Araling Panlipunan 7edmond84
 
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu july 24 to 28
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu   july 24 to 28AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu   july 24 to 28
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu july 24 to 28DIEGO Pomarca
 

Tendances (20)

Ideolohiya
IdeolohiyaIdeolohiya
Ideolohiya
 
AralingPanlipunan8_Module1_Quarter2_Kabihasnang-Minoan-Mycenaean-at-Kabihasna...
AralingPanlipunan8_Module1_Quarter2_Kabihasnang-Minoan-Mycenaean-at-Kabihasna...AralingPanlipunan8_Module1_Quarter2_Kabihasnang-Minoan-Mycenaean-at-Kabihasna...
AralingPanlipunan8_Module1_Quarter2_Kabihasnang-Minoan-Mycenaean-at-Kabihasna...
 
Pagsusulit sa AP8
Pagsusulit sa AP8Pagsusulit sa AP8
Pagsusulit sa AP8
 
Detailed lesson plan in demonstration teaching
Detailed lesson plan in demonstration teachingDetailed lesson plan in demonstration teaching
Detailed lesson plan in demonstration teaching
 
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
 
Nasyonalismo.pptx
Nasyonalismo.pptxNasyonalismo.pptx
Nasyonalismo.pptx
 
Pagkamulat Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Am...
Pagkamulat Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Am...Pagkamulat Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Am...
Pagkamulat Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Am...
 
neo-kolonyalismo by michelle e.
neo-kolonyalismo by michelle e.neo-kolonyalismo by michelle e.
neo-kolonyalismo by michelle e.
 
Aralin 2 ANG MGA SINAUNANG TAO
Aralin 2 ANG MGA SINAUNANG TAOAralin 2 ANG MGA SINAUNANG TAO
Aralin 2 ANG MGA SINAUNANG TAO
 
DLP AP8 Mga Pulo sa Pacific COT-DEMO.docx
DLP AP8  Mga Pulo sa Pacific COT-DEMO.docxDLP AP8  Mga Pulo sa Pacific COT-DEMO.docx
DLP AP8 Mga Pulo sa Pacific COT-DEMO.docx
 
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismoModyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
 
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Digmaang PandaigdigIkalawang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
 
Rebolusyong pranses
Rebolusyong pranses Rebolusyong pranses
Rebolusyong pranses
 
AP grade 8 module 2
AP grade 8 module 2AP grade 8 module 2
AP grade 8 module 2
 
Kabanata 11: Pagkamulat
Kabanata 11: PagkamulatKabanata 11: Pagkamulat
Kabanata 11: Pagkamulat
 
Budget of Work Araling Panlipunan 7
Budget of Work Araling Panlipunan 7Budget of Work Araling Panlipunan 7
Budget of Work Araling Panlipunan 7
 
Cold war
Cold war Cold war
Cold war
 
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu july 24 to 28
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu   july 24 to 28AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu   july 24 to 28
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu july 24 to 28
 

Similaire à AralingPanlipunan8_Module2_Quarter2_Kontribusyon-ng-Kabihasnang-Romano_V2-1.pdf

AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...
AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...
AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...KeezhaBorja2
 
AralingPanlipunan8_Module5_Quarter2_Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitn...
AralingPanlipunan8_Module5_Quarter2_Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitn...AralingPanlipunan8_Module5_Quarter2_Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitn...
AralingPanlipunan8_Module5_Quarter2_Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitn...KeezhaBorja2
 
Final AP8 2nd LC Week 2.docx
Final AP8 2nd LC Week 2.docxFinal AP8 2nd LC Week 2.docx
Final AP8 2nd LC Week 2.docxPantzPastor
 
Final AP8 2nd LC Week 2.docx
Final AP8 2nd LC Week 2.docxFinal AP8 2nd LC Week 2.docx
Final AP8 2nd LC Week 2.docxPantzPastor
 
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...EDWINCFUEGO
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W1.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W1.docxMariaGvlennMacanas
 
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfAP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfrochellelittaua
 
Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2Reynan Bolisay
 
LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2Gabriel Fordan
 
FILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSON
FILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSONFILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSON
FILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSONCarol Laconsay
 
AP8_Q3_M4_arielvillanunsuwahausjsajuwwjeva.pdf
AP8_Q3_M4_arielvillanunsuwahausjsajuwwjeva.pdfAP8_Q3_M4_arielvillanunsuwahausjsajuwwjeva.pdf
AP8_Q3_M4_arielvillanunsuwahausjsajuwwjeva.pdfmtmedel20in0037
 
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdfAPQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdfMAANGELICAACORDA
 
Filipino 10 Unit 2 LM
Filipino 10 Unit 2 LMFilipino 10 Unit 2 LM
Filipino 10 Unit 2 LMHarry Fox
 

Similaire à AralingPanlipunan8_Module2_Quarter2_Kontribusyon-ng-Kabihasnang-Romano_V2-1.pdf (20)

AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...
AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...
AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...
 
AralingPanlipunan8_Module5_Quarter2_Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitn...
AralingPanlipunan8_Module5_Quarter2_Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitn...AralingPanlipunan8_Module5_Quarter2_Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitn...
AralingPanlipunan8_Module5_Quarter2_Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitn...
 
ARALIN_3.PDF
ARALIN_3.PDFARALIN_3.PDF
ARALIN_3.PDF
 
AP-DLL-DECEMBER-13-17.docx
AP-DLL-DECEMBER-13-17.docxAP-DLL-DECEMBER-13-17.docx
AP-DLL-DECEMBER-13-17.docx
 
Final AP8 2nd LC Week 2.docx
Final AP8 2nd LC Week 2.docxFinal AP8 2nd LC Week 2.docx
Final AP8 2nd LC Week 2.docx
 
Final AP8 2nd LC Week 2.docx
Final AP8 2nd LC Week 2.docxFinal AP8 2nd LC Week 2.docx
Final AP8 2nd LC Week 2.docx
 
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W1.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W1.docx
 
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfAP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
 
Fil 10 lm q2
Fil 10 lm q2Fil 10 lm q2
Fil 10 lm q2
 
Filipino 10 lm q2
Filipino 10 lm q2Filipino 10 lm q2
Filipino 10 lm q2
 
Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2
 
LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2
 
FILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSON
FILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSONFILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSON
FILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSON
 
AP8_Q3_M4_arielvillanunsuwahausjsajuwwjeva.pdf
AP8_Q3_M4_arielvillanunsuwahausjsajuwwjeva.pdfAP8_Q3_M4_arielvillanunsuwahausjsajuwwjeva.pdf
AP8_Q3_M4_arielvillanunsuwahausjsajuwwjeva.pdf
 
6Ap module iii
6Ap module iii6Ap module iii
6Ap module iii
 
Ap module iii
Ap module iiiAp module iii
Ap module iii
 
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdfAPQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
 
APQ3-WEEK-5-7-EDITED.pdf
APQ3-WEEK-5-7-EDITED.pdfAPQ3-WEEK-5-7-EDITED.pdf
APQ3-WEEK-5-7-EDITED.pdf
 
Filipino 10 Unit 2 LM
Filipino 10 Unit 2 LMFilipino 10 Unit 2 LM
Filipino 10 Unit 2 LM
 

Plus de Benjamin Gerez

446992621-A-Thousand-Storms-pdf.pdf
446992621-A-Thousand-Storms-pdf.pdf446992621-A-Thousand-Storms-pdf.pdf
446992621-A-Thousand-Storms-pdf.pdfBenjamin Gerez
 
496454418-GRADE-9-ENGLISH-QUARTER-2-MODULE-WEEK-1-4.pdf
496454418-GRADE-9-ENGLISH-QUARTER-2-MODULE-WEEK-1-4.pdf496454418-GRADE-9-ENGLISH-QUARTER-2-MODULE-WEEK-1-4.pdf
496454418-GRADE-9-ENGLISH-QUARTER-2-MODULE-WEEK-1-4.pdfBenjamin Gerez
 
NAT-12-Room-Examiners.pdf
NAT-12-Room-Examiners.pdfNAT-12-Room-Examiners.pdf
NAT-12-Room-Examiners.pdfBenjamin Gerez
 
NAT-12-Room-Examiners.pdf
NAT-12-Room-Examiners.pdfNAT-12-Room-Examiners.pdf
NAT-12-Room-Examiners.pdfBenjamin Gerez
 
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdf
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdfLeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdf
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdfBenjamin Gerez
 

Plus de Benjamin Gerez (9)

446992621-A-Thousand-Storms-pdf.pdf
446992621-A-Thousand-Storms-pdf.pdf446992621-A-Thousand-Storms-pdf.pdf
446992621-A-Thousand-Storms-pdf.pdf
 
AP10-Q3-MODYUL1.pdf
AP10-Q3-MODYUL1.pdfAP10-Q3-MODYUL1.pdf
AP10-Q3-MODYUL1.pdf
 
496454418-GRADE-9-ENGLISH-QUARTER-2-MODULE-WEEK-1-4.pdf
496454418-GRADE-9-ENGLISH-QUARTER-2-MODULE-WEEK-1-4.pdf496454418-GRADE-9-ENGLISH-QUARTER-2-MODULE-WEEK-1-4.pdf
496454418-GRADE-9-ENGLISH-QUARTER-2-MODULE-WEEK-1-4.pdf
 
NAT-12-Room-Examiners.pdf
NAT-12-Room-Examiners.pdfNAT-12-Room-Examiners.pdf
NAT-12-Room-Examiners.pdf
 
CHRDF Inc. LEAD1.pdf
CHRDF Inc. LEAD1.pdfCHRDF Inc. LEAD1.pdf
CHRDF Inc. LEAD1.pdf
 
NAT-12-Room-Examiners.pdf
NAT-12-Room-Examiners.pdfNAT-12-Room-Examiners.pdf
NAT-12-Room-Examiners.pdf
 
CHRDF Inc. LEAD1.pdf
CHRDF Inc. LEAD1.pdfCHRDF Inc. LEAD1.pdf
CHRDF Inc. LEAD1.pdf
 
AP-CG.pdf
AP-CG.pdfAP-CG.pdf
AP-CG.pdf
 
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdf
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdfLeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdf
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdf
 

Dernier

kahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipinokahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipinoChristineIgnas2
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxMaryJaneCabides
 
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxMother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxGluvellSiega1
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....JEANELLEBRUZA
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docxChristineIgnas2
 
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxCOT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxsagumjhenaicka
 
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptx
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptxPAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptx
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptxJEANELLEBRUZA
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxReniaPimentel1
 
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...RanjellAllainBayonaT
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxJoyceAgrao
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1JudyAnnTongol
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwentolyzaamper93
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanChristineJaneWaquizM
 
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptxArlieCerezo1
 
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotOlinadLobatonAiMula
 
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values EducationMayAnnCorpuz2
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson planREDENJAVILLO1
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyojovienatividad1
 
EdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 studentEdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 studentRedenJavillo2
 

Dernier (20)

kahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipinokahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxMother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
 
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxCOT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
 
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptx
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptxPAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptx
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptx
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
 
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
 
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
 
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
 
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
 
EdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 studentEdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 student
 

AralingPanlipunan8_Module2_Quarter2_Kontribusyon-ng-Kabihasnang-Romano_V2-1.pdf

  • 1. CO_Q2_AP-8_Module 2 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 2: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
  • 2. Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Ikalawang Markahan – Modyul 2: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Sheila M. Penza, Maria Vanessa J. Resullar Mga Editor: Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Lalaine S. Gomera, Dan Ralph M. Subla, Renato L. Latorre, Larry G. Morandante, Carlos C. Catalan, Jr., Fernando A. Dones, Jr. Mga Tagasuri: Marino L. Pamogas, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera, Honorato Mendoza, Edwin G. Capon, Edwin C. Salazar, Fatima D. Notarte Tagaguhit: Tagalapat: Paul Andrew A. Tremedal, Joshua A. Frondozo, Darven G. Cinchez Mga Nangasiwa: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas
  • 3. 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 2: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
  • 4. Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 CO_Q2_AP-8_Module 2 Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang mga ambag ng kabihasnang Romano at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot. Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtatalakay tungkol sa Kontribusyon ng Kabihasnang Romano na nahahati sa sumusunod na paksa:  Paksa 1- Ang Simula ng Roma  Paksa 2- Ang Republika ng Roma  Paksa 3- Digmaang Punic  Paksa 4- Sino si Julius Caesar  Paksa 5- Ang mga Dakilang Triumvirate ng Roma  Paksa 6- Ang Pax Romana  Paksa 7- Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano. (AP8DKT-IIc-3) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:  nasusuri ang mga pangyayari ng kabihasnang Klasikal ng Roma;  naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang Klasikal ng Roma;  nakagagawa ng tsart at hashtag na naglalarawan batay sa mga naging kontribusyon at pamana ng Roma. Alamin
  • 6. 2 CO_Q2_AP-8_Module 2 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano? A. Amerika C. Asya B. Aprika D. Europa 2. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging monarkiya? A. Aristokrasya C. Diktadurya B. Demokrasya D. Republika 3. Ano ang tawag sa mamamayang Romano na kasapi sa mayayamang asendero? A. Haciendero C. Patrician B. Negosyante D. Plebeian 4. Ang karaniwang mamamayang Romano o masa ay tinatawag na? A. Haciendero C. Patrician B. Negosyante D. Plebeian 5. Ano ang sinaunang kabisera ng bansang Italya? A. Roma C. Milan B. Florence D. Venice 6. Ilang Digmaang Punic ang naganap laban sa kapangyarihan ng Roma at Carthage? A. isa C. tatlo B. dalawa D. apat 7. Anong pangkat ang nagtatag ng Carthage na naging kalaban ng mga Romano? A. Assyrian C. Phoenician B. Lydian D. Sumerian 8. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana? A. paghatid ng kasaganaan sa lipunan B. pagkaroon ng maraming tagapagtanggol C. pagpahalaga ng kapayapaan sa lipunan D. pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan Subukin
  • 7. 3 CO_Q2_AP-8_Module 2 9. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano? A. hindi matatag na pamumuno B. paglusob ng mga tribong barbaro C. may sariling paraan ang bawat isa D. pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan 10. Ilang lider ang bumubuo sa triumvirate ng Roma? A. isa C. tatlo B. dalawa D. apat 11. Sino ang tinaguriang unang emperador ng Imperyong Romano? A. Julius Caesar C. Octavian B. Mark Anthony D. Pompey 12. Ano ang tawag sa isang lugar na madalas pagdarausan ng mga labanan ng mga gladiator? A. Appian Way C. Coliseum B. Basilica D. Parthenon 13. Sino-sino ang bumubuo sa First Triumvirate ng Roma? A. Marcus Lepidus, Mark Antony, Octavian B. Gaius Gracchus, Marcus Brutus, Tiberius C. Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, Pompey D. Antoninus Pius, Marcus Aurelius, Trajan, Vespasian 14. Ano ang tawag sa kasuotan ng mga lalaking Romano na ipinapatong sa ibabaw ng tunic? A. Cullotes C. Stola B. Palla D. Toga 15. Alin sa sumusunod na teritoryo ang nasakop ng Roma pagkatapos ng Unang Digmaang Punic? A. Corsica, Greece, Sicily B. Corsica, Sardinia, Sicily C. Carthage, Greece, Macedonia D. Macedonia, Mare Nostrum, Sardinia
  • 8. 4 CO_Q2_AP-8_Module 2 Gawain 1: Tanong-Saysay Panuto: Sagutan ang mga tanong ayon sa iyong natutunan sa natalakay na aralin. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Saan matatagpuan ang Greece? 2. Ano ang iyong nakuhang kaalaman tungkol sa mga literaturang pamana ng Greece? 3. Ano ang ibig sabihin ng “The Glory that was Greece”? Gawain 2: Hanap-hanay! Panuto: Hanapin sa Hanay B ang konseptong inilalarawan sa Hanay A. Isulat ito sa sagutang papel. Hanay A Hanay B 1. Ito ay tubo o kanal na nagdadala ng tubig mula sa isang pinagkukunan a. Gladiator 2. Isang malawak na bulwagan na may mga karugtong na silid sa pasukan o labasan b. Basilica 3. Karaniwang mga kriminal, alipin, o bihag na nakikipaglaban sa isa’t isa o laban sa isang mabangis na hayop c. Burukrasya 4. Panahon ng kapayapaan sa Imperyong Romano d. Aqueduct e. Tunic Aralin 1 Kontribusyon ng Kabihasnang Romano Balikan Tuklasin
  • 9. 5 CO_Q2_AP-8_Module 2 5. Sistema o organisasyon ng pamahalaan 6. Mga mamamayang may-ari ng lupa sa lipunang Romano f. Atrium 7. Mga karaniwang tao sa lipunang Romano tulad ng magsasaka at mangangalakal g. Stola 8. Isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly h. Plebeian 9. Kasuotang pambahay ng lalaki na hanggang tuhod i. Orador 10. Isang mahusay na mananalumpati j. Pax Romana k. Patrician Ang Simula ng Roma Batay sa matandang alamat, ang Roma ay itinatag ng dalawang magkakapatid na kambal na sina Romulus at Remus. Ang ina ng kambal ay si Rhea Silvia na anak naman ng haring si Numitor. Naging banta ang pamumuno ni Numitor sa buhay ng kaniyang kapatid kaya siya ay pinatay ni Amulius. Natakot din ang huli na baka maagaw ng kambal ang tronong nakuha niya kaya ipinag-utos niya sa kaniyang alipin na ilagay sa basket at ipaanod ang mga ito sa ilog Tiber. Nasagip at inaruga ang mga sanggol ng isang babaing lobo. Kinalaunan ay nakita sila ng mag-asawang sina Faustulus at Acca Larentia at pinalaki hanggang sa wastong edad. Binalikan nila ang kanilang amain na si Amulius at pinatay ito. Pinaniniwalaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkapatid kaya pinatay ni Romulus si Remus. Sinimulan niyang itatag ang isang lipunan noong Abril 21, 753 BC na nasa tabing-ilog ng Tiber at pinangalanan itong Roma. Mga Pamprosesong Tanong 1. Sino ang nagtatag ng Roma? 2. Gaano kahalaga ang papel na ginampanan ng mga nabanggit na tauhan sa pagkatatag ng sinaunang Roma? Suriin Larawan ng Capitoline Wolf
  • 10. 6 CO_Q2_AP-8_Module 2 Ang Republika ng Roma Masasabing isa sa pinakamatagumpay na lungsod sa Italya ang Roma. Nang isulat ni Edgar Allan Poe ang tulang, “To Helen”, nabanggit ang linyang “The glory that was Greece and the grandeur that was Rome”. Ito ay nagpapatunay ng tagumpay ng Roma hindi lamang sa larangan ng literatura, kung hindi, pati na rin sa arkitektura, batas, inhenyeriya, at sa pakikipagdigma. Masasabing estratehiko ang lokasyon ng Roma dahil matatagpuan ito sa gitna ng Italya at nadadaluyan ng ilog Tiber. Dahil maunlad ang agrikultura sa lugar, mayroon itong kakayahan na pakainin ang malaking populasyon ng lungsod. Sa Republikang Romano, ang mamamayan ay naghahalal ng dalawang konsul na may kapangyarihang tulad ng hari. Ang panunungkulan ay tatagal ng isang taon dahil sa maaari nilang kontrahin ang pasya ng bawat isa, nahati ang kapangyarihan ng mga ito, at humina ang sangay ehekutibo. Kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan sa oras ng kagipitan. Higit na makapangyarihan ang tinatamasa ng diktador kaysa sa mga konsul. Ang lipunang Romano ay binubuo ng dalawang uri ng mamamayan: ang mga patrician, sa salitang Latin na patres o ibig sabihin ay “mga ama”. Sa kanilang hanay nagmumula ang dalawang konsul, diktador, lahat ng kasapi ng senado at ang mga mayayamang may-ari ng malalaking lupain. Samantala, ang mga plebeian ay mula sa salitang Latin na plebeius na ang ibig sabihin ay “karaniwang tao o mamamayan”. Masasabing binubuo sila ng mga magsasaka, mangangalakal at iba pang pangkaraniwang mamamayan ng lungsod. Wala silang kapangyarihan at hindi maaaring makapag-asawa mula sa pangkat ng mga patrician. Ang kontribusyon ng taga-Roma sa kasaysayan ng daigdig ay ang pagkakaroon ng malawak na imperyo sa kabila ng pagkatalo sa pakikidigma. Ang pagkakaroon ng sariling katangian at pagkakakilanlan ay patunay na nangunguna ito sa iba’t ibang larangan ng kaalaman sa: 1. Batas. Tanyag na pinakamahusay na lehislador ang mga Romano. Ang kabuluhan ng Twelve Tables ay batas para sa lahat, patrician o plebeian. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas. 2. Panitikan. Ang panitikan ng Roma ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece. Si Livius Andronicus ang nagsalin ng Odyssey sa Latin samantalang sina Marcus Palutus at Terence ang mga unang manunulat ng comedy. Sina Lucretius at Catullus ay iba pang mga manunulat na Romano. Si Cicero ay isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas. Isinaad niya na ang batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o wasakin ng pera kailanman. 3. Inhenyeriya. Ipinakita ng mga Romano ang husay sa inhenyeriya. Nagpagawa sila ng mga daan at tulay upang pagdugtungin ang buong imperyo. Karamihan sa mga ito ay ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan. Halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Roma at timog Italya. Nagpatayo rin sila ng mga aqueduct upang makaabot ang tubig sa lungsod.
  • 11. 7 CO_Q2_AP-8_Module 2 4. Arkitektura. Ang mga Romano ay kilala sa paggawa ng mga kahanga-hangang arkitektura. Natuklasan nila ang paggamit ng semento at stucco, isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Bilang palamuti, gumamit sila ng mga marmol na kanilang inangkat mula sa bansang Greece. Sa mga Etruscan nila natutunan ang paggawa ng arko na kadalasang nakikita sa mga templo, aqueduct, at iba pang mga gusali. Ang gusaling Basilica ay isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly. Nagsisilbing tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap ng mga pampublikong paliguan at pamilihan na sa forum, ang sentro ng lungsod. Ang Coliseum, isang amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator, ay isa sa mga gusaling ipinatayo na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa rin sa Roma. 5. Pananamit. Makikita ang pagkakaiba sa kasuotan ng mga kababaihan at kalalakihang Romano. Ang mga lalaki ay may dalawang klase ng kasuotan na tinatawag na tunic, isang kasuotang pambahay at toga na isinusuot kapag sila ay sumasali sa mga pagtitipon at paggala sa mga lansangan. Samantala, ang mga kababaihan ay nagsusuot ng stola bilang pantahanang kasuotan na pinangibabawan ng palla, isang pantakip na kasuotan. Mga Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang ambag ng sinaunang Roma sa kasaysayan ng mundo? 2. Paano nakatulong ang mga ambag ng Roma sa pagsulong ng mga pagbabago sa daigdig sa makabagong panahon? 3. Gaya ng Roma, ang Pilipinas ay mayroon ding ambag sa pagsulong ng pagbabago sa iba’t ibang larangan. Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang pagpapanatili at pagpapalago sa mga kontribusyong ito? Digmaang Punic Ang Digmaang Punic ay sa pagitan ng Roma at Carthage. Ang Carthage (Tunisia sa kasalukuyan) ay teritoryong itinatag ng mga Phoenician sa Hilagang Africa. Ang alitang ito ay naganap dahil sa pagnanais ng Roma na mapalawak ang teritoryo at makontrol ang kalakalan sa Mediterranean. Unang Digmaang Punic Makapangyarihan ang hukbong pandagat ng Carthage samantalang ang mga Romano ay walang karanasan sa pakikidigma sa dagat. Gayunpaman, dinaig ng Roma ang Carthage nang sila ay bumuo ng malalakas na plota at sinanay ang mga sundalo na naging bihasa na tagapagpangasiwa nito. Sa pagkapanalo ng Roma, sinakop nila ang Sicily, Sardinia, at Corsica na lalong nagpapalawak sa kanilang nasasakupan.
  • 12. 8 CO_Q2_AP-8_Module 2 Ikalawang Digmaang Punic Ang digmaang ito ay sinimulan ni Heneral Hannibal ng Carthage na nagtangkang sakupin ang Roma. Ngunit hindi ito natuloy dahil sinalakay ni Scipio Africanus ang hilagang Africa na dahilan ng sapilitang pagbalik ni Hannibal sa kanyang nasasakupan upang sagipin ito. Sa kasamaang palad, natalo si Hannibal sa digmaan na dahilan ng kanyang pagpayag sa pagwasak ng kanilang plota at pagsuko sa bansang Espanya na may kaakibat sa pagbabayad ng taunang buwis sa bansang Roma. Ikatlong Digmaang Punic Ang digmaang ito ay naganap nang salakayin ng Carthage ang isang kaalyansang lungsod ng Roma. Nauwi ito sa pagkawasak ng mga lungsod ng Carthage dahil sa mga pag-atake ng mga sundalong Romano. Dahil sa pagkatalo sa digmaan, ipinagbili ang lahat ng mamamayan ng Carthage bilang alipin at tuluyang sinakop ng Roma ang lahat ng lungsod at mga nasasakupan nito sa Hilagang Africa. Mga Pamprosesong Tanong 1. Ano-anong bansa ang naglaban sa Digmaang Punic? 2. Ano ang naidulot ng Digmaang Punic sa Roma? Sino si Julius Caesar? Si Julius Caesar ay isa sa mga pinakadakilang Heneral ng Roma na nagawang mapalawak ang nasasakupan ng Republika sa pamamagitan ng matagumpay niyang pananakop. Idineklara siyang diktador ng Roma mula noong 46 BCE hanggang 44 BCE. Sa ilalim ng kaniyang pamamahala, nilunasan niya ang mga suliranin ng Roma. Nagpagawa siya ng magagandang kalsada, inayos ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan, binigyan ng karapatang maging mamamayan ng Roma ang lahat ng mga taong nakatira sa Italya, naglagay ng mga kinatawan ng mga probinsiya sa Senado, at sinikap na ituloy ang repormang agraryo na sinimulan ng sawimpalad na sina Tiberius at Gaius. Noong 44 BCE, nagawa niyang palusutin sa Senado ang proklamasyon bilang habambuhay na diktador ng Imperyong Romano subalit nauwi ito sa kaniyang kamatayan nang paslangin siya nina Brutus at Gaius Cassius. Ang mga Dakilang Triumvirate ng Roma Noong 60 BCE, binuo ni Julius Caesar, Pompey at Marcus Licinius Crassus ang unang Triumvirate. Ito ay unyon ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng Republika ng Roma. Sa pagkamatay ni Julius Caesar, naging tagapagmana niya ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Kasama sina Mark Anthony, Marcus Lepidus, at Octavian sa pagbuo ng ikalawang Triumvirate na naglalayong maibalik ang kaayusan sa Roma.
  • 13. 9 CO_Q2_AP-8_Module 2 Ang Pax Romana Sa paghahari ni Augustus Caesar, ang unang emperador ng Roma, nagsimula ang Pax Romana o Kapayapaan sa Roma. Umabot nang mahigit 200 taon ang Pax Romana at ito ang natatanging panahon ng pag-iral ng katahimikan, katatagan, at kasaganaan. Ang pamamahala, ang pagpapatupad ng batas, ang pangangalakal, ang panitikan, at sining ay nagsiunlad noong panahong Pax Romana. Nakilala sina Virgil, Horace, at Ovid bilang mga dakilang makata. Naging tanyag din si Tacitus nang isinulat niya ang “Histories at Annals” tungkol sa imperyo sa pamamalakad ng mga Julian at Flavian Caesar. Si Livy naman ay naging kilala nang isulat niya ang kasaysayan ng Rome sa kaniyang “From the Founding of the City”. Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano Gaano man katatag ang isang imperyo, may hangganan din ito. Ito ang naging kapalaran ng Roma. Sa loob ng dalawang daang taong pamamayagpag bilang imperyo, unti-unti itong humina at sa kalaunan ay bumagsak. Nang si Augustus, ang dating Octavian, ang namuno, inalis niya ang pagpataw ng buwis sa mga probinsya ng imperyo. Ito ay nagbunga sa sapilitang pagtaas ng buwis ng mga tao sa mismong Italya. Ito ay para tustusan ang mga luho ng mga opisyal. Dahil dito, nalugi ang maliliit na mga mangangalakal ng Italya at naghirap din kahit ang may malalakas na negosyo. Bumaba ang bilang ng mga tao dahil sa mga sakit na dala ng mga sundalong galing sa digmaan. Noong 284 BC, hinati ni Emperador Diocletian ang Imperyo ng Roma. Ipinagkatiwala niya ang kanlurang bahagi (ang mismong Roma) kay Heneral Maximian samantalang pinamunuan niya ang silangang bahagi. Hindi gaanong pinagtuunan ng pansin ni Diocletian ang kalaban ng imperyo sapagkat nakatuon ang kaniyang pansin sa paglutas ng mga suliranin tulad ng kawalan ng trabaho, implasyon, at kawalan ng mamumuhunan. Kaya unti-unting sinakop ng mga Barbaro ang ilan sa mga nasasakupan ng imperyo na dahilan ng pagbagsak nito. Gawain 3: Fact o Bluff Panuto: Alamin kung ang mga sitwasyon ay nagsasaad ng fact kung may katotohanan at bluff kung walang katotohanan. Isulat ito sa sagutang papel. ________1. Unti-unting bumagsak ang imperyong Romano. ________2. Inalis ni Octavian ang pagpataw ng buwis sa mga probinsiya ng Roma. ________3. Hinati ni Diocletian ang imperyo at si Maximian ang namahala sa kanluran. ________4. Aleman ang tawag sa mga mamamayan na nakatira sa Italya. ________5. Kinaya ni Diocletian na lutasin ang mga suliranin sa Roma. Pagyamanin
  • 14. 10 CO_Q2_AP-8_Module 2 Gawain 4: Magpasikat Ka! Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung sa anong larangan ang sumusunod na kontribusyon ng Imperyong Romano. Isulat ang sagot sa sagutang papel. ________1. Twelve Tables ________2. Cicero ________3. Odyssey ________4. Stucco ________5. Basilica ________6. Coliseum ________7. Marcus Plautus at Terence ________8. Livius Adronicus ________9. Comedy ________10. Alamat ng Roma Gawain 5: Kumpletuhin Mo Na! Panuto: Punan ng salita o grupo ng mga salita ang sumusunod na sitwasyon at pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang buhay ng mga patrician ay ________________________________________________. 2. Mahirap ang buhay ng mga plebeian dahil ________________________________________________. 3. Naging kalaban ng mga Romano ang ________________________________________________. Isaisip Isagawa Batas Panitikan Arkitektura
  • 15. 11 CO_Q2_AP-8_Module 2 4. Namayani ang Pax Romana bilang ________________________________________________. 5. Nanalo ang Roma sa Digmaang Punic dahil ________________________________________________. Gawain 6: 3-2-1 Tsart Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong natutunan hinggil sa mga kontribusyon ng kabihasnang Romano. Isulat ito sa sagutang papel. Mga kontribusyon ng Kabihasnang Romano Ang aking natutunan 3 Natutuhan ko na…    2 Kinawiwilihan ko ang mga kaisipang…   1 Nais ko pang matutunan ang…  Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Ilang Digmaang Punic ang naganap laban sa kapangyarihan ng Roma at Carthage? A. isa C. tatlo B. dalawa D. apat 2. Anong pangkat ang nagtatag ng Carthage na naging kalaban ng mga Romano? A. Assyrian C. Phoenician B. Lydian D. Sumerian 3. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana? A. paghatid ng kasaganaan sa lipunan B. pagkaroon ng maraming tagapagtanggol C. pagpahalaga ng kapayapaan sa lipunan D. pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan 4. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano? A. hindi matatag na pamumuno B. paglusob ng mga tribong barbaro C. may sariling paraan ang bawat isa D. pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan Tayahin
  • 16. 12 CO_Q2_AP-8_Module 2 5. Ilang lider ang bumubuo sa triumvirate ng Roma? A. isa C. tatlo B. dalawa D. apat 6. Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano? A. Amerika C. Asya B. Aprika D. Europa 7. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging monarkiya? A. Aristokrasya C. Diktadurya B. Demokrasya D. Republika 8. Ano ang tawag sa mamamayang Romano na kasapi sa mayayamang asendero? A. Haciendero C. Patrician B. Negosyante D. Plebeian 9. Ang karaniwang mamamayang Romano o masa ay tinatawag na? A. Haciendero C. Patrician B. Negosyante D. Plebeian 10. Ano ang sinaunang kabisera ng bansang Italya? A. Roma C. Milan B. Florence D. Venice 11. Ano ang tawag sa kasuotan ng mga lalaking Romano na ipinapatong sa ibabaw ng tunic? A. Cullotes C. Stola B. Palla D. Toga 12. Ano ang tawag sa isang lugar na madalas pagdarausan ng mga labanan ng mga gladiator? A. Appian Way C. Coliseum B. Basilica D. Parthenon 13. Alin sa sumusunod na teritoryo ang nasakop ng Roma pagkatapos ng Unang Digmaang Punic? A. Corsica, Greece, Sicily B. Corsica, Sardinia, Sicily C. Carthage, Greece, Macedonia D. Macedonia, Mare Nostrum, Sardinia 14. Sino ang tinaguriang unang emperador ng Imperyong Romano? A. Julius Caesar C. Octavian B. Mark Anthony D. Pompey 15. Sino-sino ang bumubuo sa First Triumvirate ng Roma? A. Marcus Lepidus, Mark Antony, Octavian B. Gaius Gracchus, Marcus Brutus, Tiberius C. Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, Pompey D. Antoninus Pius, Marcus Aurelius, Trajan, Vespasian
  • 17. 13 CO_Q2_AP-8_Module 2 Gawain 7: I-hashtag Mo! Panuto: Gumawa ng isang hashtag (#) na naglalarawan batay sa mga naging kontribusyon at pamana ng Roma na nakikita hanggang sa kasalukuyan. Gawin ito sa sagutang papel. Karagdagang Gawain Susi sa Pagwawasto Subukin 1. D 6. C 11. C 2. D 7. C 12. C 3. C 8. C 13. C 4. D 9. C 14. D 5. A 10. C 15. B Balikan: Gawain 1: Tanong-Saysay 1. Saan matatagpuan ang Greece? Sagot: Sa Europe 2. Ano ang iyong nakukuhang kaalaman tungkol sa mga literaturang pamana ng Greece? Sagot: Ang nakukuhang kaalaman tungkol sa mga literaturang pamana ng Greece sa arkitektura tulad ng Coliseum isang amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator, ay isa sa mga gusaling ipinatayo na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa rin sa Roma. 3. Ano ang ibig sabihin ng “The Glory That Was Greece”? Sagot: Ang ibig sabihin ng The Glory that was Greece, ito ay nagpapatunay ng tagumpay ng Roma hindi lamang sa larangan ng literature kundi pati na rin sa arkitektura, batas, inhenyeriya at pananamit. Tuklasin Gawain 2: Hanap-hanay 1. D 6. K 2. F 7. H 3. A 8. B 4. J 9. E 5. C 10. I Suriin: Pamprosesong Tanong 1. Sino-sino ang nagtatag ng Roma? Sagot: Ang nagtatag ng Roma ay ang dalawang magkakapatid na kambal na sina Romulos at Remus. 2. Gaano kahalaga ang papel na ginampanan ng mga nabanggit na tauhan sa pagkatatag ng sinaunang Roma? Sagot: Napakahalaga ang papel na ginampanan ng magkakapatid na kambal sa pagtatag ng sinaunang Roma dahil itinatag nila ang unang lipunan.
  • 18. 14 CO_Q2_AP-8_Module 2 Suriin: Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang mga naging ambag ng sinaunang Roma sa kasaysayan ng mundo? Sagot: Ang naging ambag ng sinaunang Roma sa kasaysayan ng mundo ay ang pagkakaroon ng batas, inhenyeriya, panitikan at pananamit. 2. Paano nakatulong ang mga ambag ng Roma sa pagsulong ng mga pagbabago sa daigdig sa makabagong panahon? Sagot: Nakatutulong ang mga ambag ng Roma sa pagsulong ng mga pagbabago sa daigdig sa makabagong panahon ang pagkakaroon ng malawak na imperyo sa kabila ng pagkatalo sa pakikidigma at ang pagkakaroon ng sariling katangian at pagkakakilanlan ay patunay na nangunguna sa ibat ibang larangan ng kaalaman sa batas, panitikan, inheyeriya, arkitektura at pananamit. 3. Gaya ng Roma, ang Pilipinas ay mayroon ding ambag sa pagsulong ng pagbabago sa iba’t ibang larangan. Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang pagpapanatili at pagpapalago sa mga kontribusyong ito? Sagot: Maipapakita ko ang pagpapanatili at pagpapalago ng ambag sa pagsusulong ng pagbabago sa ibat ibang larangan sa pamamagitan ng pagsunod sa batas, maging mabuting mamamayan, tumolong sa pamayanan na makabubuti sa lahat at higit sa lahat maging matapat sa lahat at sa Panginoon. Suriin: Pamprosesong Tanong 1. Ano-anong mga bansa ang naglaban sa Digmaang Punic? Sagot: Ang Digmaang Punic ay sa pagitan ng Roma at Carthage 2. Ano ang naidulot ng Digmaang Punic sa Roma? Sagot: Ang digmaang Punic ay nagresulta sa pagkawasak ng Carthage at ang paglawak ng imperyo at impluwensiya ng Roma sa Hilagang Africa. Pagyamanin Gawain 3: Fact o Bluff 1. Fact 2. Bluff 3. Fact 4. Bluff 5. Fact Isaisip Gawain 4: Magpasikat Ka! 1. Batas 6. Arkitektura 2. Panitikan 7. Panitikan 3. Panitikan 8. Panitikan 4. Arkitektura 9. Panitikan 5. Arkitektura 10. Panitiakn Isagawa Gawain 5: Kumpletuhin Mo Na! 1. Ang buhay ng mga patrician ay napakasagana dahil sila ay mayayamang may ari ng lupa. 2. Mahirap ang buhay ng mga plebeian dahil sila ang mga tao na magsasaka at mangangalakal at walang kapangyarihan. 3. Naging kalaban ng mga Romano ang mga Carthage 4. Namayani ang Pax Romana bilang isang pag iiral ng katahimikan, katatagan at kasaganaan. At ang pamamahala, ang pagpapatupad ng batas, ang pangangalakal, panitikan at sining ay nag siunlad noong panahon ng Pax Romano. 5. Nanalo ang Roma sa Digmaang Punic dahil sa pag atake ng mga sundalong Romano sa mga lungsod ng Carthage at dahil dito nawasak ang lungsod. At ipinagbili ang lahat ng mamamayan ng Carthage bilang alipin at tuluyang sinakop.
  • 20. 16 CO_Q2_AP-8_Module 2 Sanggunian Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).
  • 21. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph