Publicité

Health 4-Q2-W1-Mga Uri ng Sakit.pptx

25 Mar 2023
Publicité

Contenu connexe

Publicité

Health 4-Q2-W1-Mga Uri ng Sakit.pptx

  1. Mga Uri ng Sakit Health 4 Quarter 2 - Week 1
  2. SAKIT S-akit ay huwag indahin A-gad lunasan o gamutin K-alusugan ay pag-ingatan I-wasang sa sakit ay huwag mahawaan T-iyaking sarili’y ligtas, at immune system ay malakas.
  3. Sagutin ang mga katanungan: a. Bakit dapat iwasang magkasakit? b. Ano-ano ang sanhi nito? c. Paano masasabing ang isang sakit ay nakakahawa? d. Bakit dapat kailangang malakas ang ating immune system?
  4. Kapag naririnig mo ang salitang sakit, ano ang pumapasok sa isipan mo?
  5. Ang sakit ay hindi normal na kalagayan ng kalusugan ng isang tao. Ito ay maaaring sanhi ng hindi maayos na kondisyon ng mga selyula o parte ng katawan. Maaari din itong sanhi ng mga mikrobyong nagdudulot ng sakit.
  6. Lahat ba ng sakit ay nakahahawa?
  7. 2 Uri ng Sakit 1. Hindi nakahahawang sakit – hindi naisasalin mula sa isang tao papunta sa ibang tao. 2. Nakahahawang sakit – naipapasa ng isang tao, hayop, o bagay sa ibang tao.
  8. Mga Hindi Nakahahawang Sakit +Ito ay nakukuha mula sa nakagawian at maling paraan ng pamumuhay.
  9. Mga Hindi Nakahahawang Sakit +Asthma +Alzeimer’s disease +Appendicitis +Cancer +Epilepsy +Diabetes +Ulcer +Stroke +Sakit sa puso
  10. Mga Nakahahawang Sakit +Ito ay nagmumula sa mga mikrobyo o pathogens na pumapasok at sumisira sa selyula ng katawan. +Ang isang taong mahina ang resistensya o immune system ay madaling kapitan ng sakit.
  11. Mga Nakahahawang Sakit +Sipon (common colds) -virus -Hirap na paghinga, paglunok, baradong ilong, may lagnat -Uminom ng 8-12 baso ng tubig. Kusang nilalabanan ng immune system na tumatagal ng 1 linggo.
  12. Mga Nakahahawang Sakit +Ubo (Cough) -bacteria / impeksyon -Ubong mahigpit, Malat na boses, lagnat -Lumayo sa usok. Gatas at maligamgam na tubig para lumuwag ang plema.
  13. Mga Nakahahawang Sakit +Trangkaso (Influenza) -Hemophilus influenza virus / impeksyon -Lagnat, giniginaw, sakit ng ulo at kalamnan, pagod, masakit na lalamunan, baradong ilong -Umiwas sa mga taong may trangkaso, Dagdagan ang tubig o juice, magpabakuna
  14. Mga Nakahahawang Sakit +Tuberkulosis (TB) +Bacteria: Myobacterium tuberculosis -Madaling mapagod, walang ganang kumain, pagbaba ng timbang, pag-ubo na may kasamang dugo at plema -Magpasuri, tamang nutrisyon at ehersisyo, magtakip ng ilong at bibig
  15. Mga Nakahahawang Sakit +Pulmonya (Pneumonia) -Virus, Bacteria, Fungi / apekto sa baga -Hirap sa paghinga, kulang ang oxygen -Pagpapabakuna, wastong nutrisyon, kalinisan sa sarili at sa kapaligiran
  16. Mga Nakahahawang Sakit +Hepatitis A (sakit sa atay) -Virus mula sa maruming pagkain o inumin -Paninilaw ng balat at mata, matamlay, suka, lagnat, sakit ng ulo at tiyan -Malinis na pagkain, maghugas ng kamay, bakuna, sapat na pahinga, tamang nutrisyon
  17. Mga Nakahahawang Sakit +Dermatitis (sakit sa balat) -Bacteria at fungi -pamamantal, pamamaga ng balat, namumula, nangangati, nilalagnat, may kulani -Maging malinis, Paarawan ang kagamitan, magpa X-ray
  18. Mga Nakahahawang Sakit +Leptospirosis -Bacteria na pumapasok sa sugat mula sa tubig baha na may ihi ng daga -lagnat, masakit na katawan, masakit na ulo -Iwasang magtampisaw sa tubig baha, gumamit ng bota, kumunsulta sa doktor
  19. Mga Nakahahawang Sakit +COVID 19 -Virus -lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pagod, masakit na katawan, masakit na ulo, baradong ilong, pagbahing, walang panlasa o pang amoy -Maghugas ng kamay, pagsuot ng face mask at face shield, pagpapabakuna, kumunsulta sa doktor
  20. Magbigay ng isang sakit na napag-aralan natin. Sabihin ang sintomas at kung paano maiiwasan.
  21. Pagtataya 1. Alin ang maaaring dahilan ng pagkakasakit ng isang tao? A. regular na pagpapabakuna B. paghuhugas ng kamay C. pagtulog sa oras ng klase D. paghina ng resistensiya
  22. Pagtataya 2. Alin ang sanhi ng dengue? A. Virus na dala ng lamok B. Ihi ng dagang sumama sa tubig C. Kontaminadong pagkain D. Bacteria na nagmumula sa bulate
  23. Pagtataya 3. Anong sakit ang may impeksiyon sa atay? A. Alipunga C. Pulmonya B. Hepatitis D. Tuberculosis 4. Anong sakit ang maaaring makuha sa ihi ng daga na sumasama sa tubig? A. Amoebiasis C. Leptospirosis B. Hepatitis D. Tuberculosis
  24. Pagtataya 5. Ano ang dapat gawin ng isang taong may sakit? A. magtago sa kaniyang silid B. makihalubilo sa ibang may sakit C. kumain, matulog, at manood ng TV D. mamahinga at sundin ang payo ng doctor
Publicité