3. Antropologo
- naniniwala na ang wika ng kauna-
unahang tao sa daigdig ay katulad
ng sa mga hayop.
- ang tao ay hayop din
- likas na talino ng tao sa hayop,
napaunlad niya ang kanyang sarili
- walang taong may wikang tulad ng
sa hayop
4. Sa huling bahagi ng
ikalabindalawang siglo, ang mga
iskolar ay nagsimulang mag-usisa
kung paanong ang tao ay
nagkaroon ng mga wika.
Dahil dito, lumitaw ang mga
sumusunod na teorya ukol sa
pinagmulan ng wika.
5. MGA TEORYA NG
PINAGMULAN NG WIKA
Teoryang
Bow-wow
Teoryang
Pooh-pooh
Teoryang
Yo-he-ho
Teoryang
Ta-ra-ra-boom-de-ay
Teoryang
Ding-dong
Teoryang
Ta-ta
6. TEORYANG BOW-WOW
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay
mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Ang mga primitibong tao diumano ay kulang sa mga
bokabularyong magagamit.
Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga
tunog.
Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay
tinatawag na tuko.
7. Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa
teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila
bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit,
tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Pansinin ang isang Pilipino napabulalas sa sakit, di
ba’t siya’y napapa-Aray! Samantalang ang mga
Amerikano ay napapa-Ouch! Anong naibulalas natin
kung tayo’y nakadarama ng tuwa? takot?
TEORYANG POOH-POOH
8. Pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito
na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng
kanyang pwersang pisikal.
Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha din ng tunog kapag
tayo’y nag-eeksert ng pwersa.
Anong tunog ang nalilikha natin kapag tayo’y
nagbubuhat ng mabibigat na bagay,
sumusuntok,nangangarate,at nanganganak ang isang
ina.
TEORYANG YO-HE-HO
9. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat
sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na
ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng
iba’t ibang kahulugan.
Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad
ng sa pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto.
TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
10. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng
kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat
partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging
sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna’y magsalita.
Ang teoryang ta-ta ay nangangahulugang paalam o
goodbye sapagkat kapag ang isang tao’y nagpapaalam
ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas
katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag
binibigkas ang salitang ta-ta.
TEORYANG TA-TA
11. Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng
wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan
ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid
na likha ng tao.
Lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang
siyang ginagaya ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang
kahulugan.
TEORYANG DING-DONG
13. Malinaw na ipinahayag sa Bibliya na
ang wika ay kaloob ng Diyos.
Sa Bibliya isinasalaysay kung paanong
mula sa iisang wika, ang mga tao sa
daigdig ay nagkaroon ng iba’t ibang
wika.
Naalala mo pa ba ang kuwentong
“Tore ng Babel?
15. NOAH
Angkan ni Noah ay lumikas pagawing Silangan
pagkatapos ng delubyo.
iisang wika lamang ang sinasalita
natuklasan ang lupain ng Babilonya
Babilonya-nagtatag ng lungsod
nagtayo ng templong tore na halos umabot sa langit
16. Templong tore – sumasagisag sa kanilang palalo at
walang hanggang paghahangad na malampasan ang
kapangyarihan ng Diyos
Nang mawasak ang templong tore – simula ng
kanilang pagkawatak-watak at di pagkakaunawaan
Lungsod ng Babel ( City of Confusion)
18. Alin sa mga teoryang ito ang wasto?
Kaya nga teorya ang tawag sa mga ito, mga haka-haka
lamang na mahirap patunayan at husgahan.
Bawat teorya ay may sariling kalakasan at kahinaan na
maaaring maging batayan upang ating paniwalaan o
di kaya’y tanggihan.
Magkagayon man, mahalaga ang bawat isa sa
pagtalakay sa pinagmulan ng wika.
20. 1.) Ang wika ay masistemang balangkas.
2.) Ang wika ay sinasalitang tunog.
3.) Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
4.) Ang wika ay arbitraryo.
5.) Ang wika ay ginagamit.
21. 6.) Ang wika ay nakabatay sa kultura.
7.) Ang wika ay nagbabago.
8.) May antas ang wika.
9.) Bawat wika ay natatangi.
10.) Ang wika ay komunikasyon.
11.) Makapangyarihan ang wika.
12.) Kagila-gilalas ang wika.
13.) May pulitika rin ang wika.
14.) Ang wika ay kasama sa pagsulong ng
teknolohiya at komunikasyon.
23. Ano mang wika sa daigdig ay sistematikong
nakasaayos sa isang tiyak na balangkas.
Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.
Ponema ang tawag sa makahulugang
tunog.
Ponolohiya ang tawag sa makaagham na
pag-aaral ng mga ponema.
Morpema ang tawag sa pinakamaliit na
yunit ng salita.
24. Morpolohiya ang tawag sa makaagham na pag-aaral
ng mga morpema.
Sintaks ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng
mga pangungusap.
Kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng
mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay
nagkakaroon na ng tinatawag na diskors.
25. Mga Tanong:
1.) Aling wika ang hindi sumusunod sa balangkas na ito?
2.) Mayroon bang nakalilikha ng pangungusap nang
walang salita?
3.) Maaari bang makalikha ng mga salita nang walang
tunog?
4.) Maaari bang magkaroon ng diskors nang walang
pangungusap?
27. 2.) Ang wika ay sinasalitang tunog.
Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng
tunog ay may kahulugan.
Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nalilikha
natin at kung gayo’y kasangkapan ng komunikasyon
sa halos lahat kung hindi man sa lahat ng
pagkakataon ay ang tunog na sinasalita.
28. Samakatuwid, ito ang mga tunog na nalilikha ng ating
aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging
nanggagaling sa baga o ang pinanggagalingan ng lakas
o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na bagay na
lumilikha ng tunog o artikulador at minomodipika ng
resonador.
30. 3.) Ang wika ay pinipili at isinasaayos.Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang
ating gagamitin.
Bakit lagi nating pinipili ang wikang ating gagamitin?
upang tayo’y maunawaan ng ating kausap.
Kailangang isaayos natin ang paggamit ng wika
upang maging epektibo naman ang ating
komunikasyon.
32. 4.) Ang wika ay arbitraryo.
Kung ipinapalagay na ang wika ay arbitraryo, ano ang
paliwanag sa pahayag na ito? Ayon kay Archibald Hill,
“just that the sounds of speech and their
connection with entities of experience are
passed on to all members of any community
by older members of that community.”
33. Kung gayon,ang isang taong walang ugnayan sa isang
komunidad ay hindi matututong magsalita kung
paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon
ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay
panlipunan. Ngunit , samantalang ang bawat
komunidad ay nakabubuo ng mga sariling
pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila
sa iba pang
34. komunidad, bawat indibidwal ay nakade-
debelop din ng sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita
na ikinaiiba niya sa iba pa, sapagkat bawat indibidwal
ay may sariling katangian, kakayahan at kaalamang
hindi maaaring katulad ng sa iba.
After all, no two individuals are exactly
alike.
36. 5.) Ang wika ay ginagamit.
Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at
katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy
itong ginagamit.
Ang isang kasangkapang hindi na ginagamit ay
nawawalan na ng saysay, hindi ba?
Gayon din ang wika.
37. Kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-
unting mawawala at tuluyang mamamatay.
Ano ang saysay ng patay na wika?
Wala.
39. 6.) Ang wika ay nakabatay sa kultura.
Paanong nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig?
Ang sagot, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng
mga bansa at mga pangkat. Ito ang paliwanag kung
bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang
katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng
ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika.
41. 7.) Ang wika ay nagbabago.
Ang wika ay dinamiko.
Hindi ito maaaring tumangging magbago.
Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay
tulad ng hindi paggamit niyon.
Paano nagbago ang wika?
Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga
bagong bokabularyo.
42. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring
sila ay nakalilikha ng mga bagong salita. Halimbawa
nito ay mga salitang balbal o pangkabataan.
May mga salitang nagkakaroon ng bagong kahulugan.
Halimbawa, ano ang orihinal na kahulugan ng
salitang bata? Sa ngayon, anu-ano ang iba pa ninyong
bagong kahulugan?
Ang mga iyan ay patunay na ang wika ay nagbabago.
44. Tulad ng tao, ang wika ay nahahati rin
sa iba’t ibang kategorya ayon sa
kaantasan nito.
Kung tutuusin, ang antas ng wikang
madalas ng ginagamit ng isang tao ay
isang mabisang palatandaan kung
anong uri ng tao siya at kung sa aling
antas-panlipunan siya nabibilang.
45. PABALBAL (Slang)
- pinakamababang antas ng wika
- mga salitang ginagamit umano ng
walang pinag-aralan
- mga salitang lansangan
- halimbawa:
ermat erpat waswit
tsibog lispu tsekot
47. PAMBANSA O KARANIWAN
A.) Kolonyalismong Pangkaraniwan
- ginagamit sa impormal na pag-uusap
halimbawa:
You’re so baduy ha.
B.) Kolokyalismo ng mga talino
- ginagamit sa silid-aralan
-maingat ang tagalog at Ingles
Hal. Pupunta ako sa bahay ninyo.
50. 9.) Bawat wika ay natatangi.
Bawat wika ay naiiba sa ibang wika.
Dahil sa iba iba nga ang kultura ng pinagmulang lahi
ng tao, ang wika ay iba-iba rin sa lahat ng panig ng
mundo.
May etnograpikong pagkakaiba rin sapagkat
napakaraming minoryang grupo (ethnic groups) ang
mga lahi o lipi.
52. 10.) Ang wika ay komunikasyon.
Ang tunay na wika ay wikang sinasalita; ang wikang
pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita.
Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap.
Walang pangungusap kung walang salita.
Sa pagsasama-sama ng salita, nabubuo ang
pangungusap.
Ginagamit ang wika bilang bahagi ng pananalita.
54. 11.) Makapangyarihan ang wika.
Maaari itong kasangkapan ng pang-aalipin.
Maaari ring maging wika ng pagpapalaya.
Ang mga salita, sinulat man o sinabi, ay isang lakas na
humihigop sa mundo.
Ito ay nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak,
nagpapakilos o nagpapahinto.
56. 12.) Kagila-gilalas ang wika.
Kayraming mga salitang kayhirap ipaliwanag tulad ng
……..
May ham daw sa hamburger, eggplant daw gayong
wala namang itlog at gulay ito; hotdog daw gayong
hindi naman ito karne ng aso.Walang pine o apple sa
pineapple. Ang boxing ring ay hindi naman bilog at sa
halip ay kwadrado.
Sa wika natin, nakagawian natin ang pahayag na
“Nandyan na ako… gayong ang nagsasalita ay nasa
ibang lugar pa.
58. 13.) May pulitika rin ang wika.
Wika ang gamit sa pagpapalaganap ng mga konsepto;
sa dominasyon ng malalakas na bansa sa kanyang mga
kolonya; sa pag-iral at pagnanasang matuto ng Ingles
bilang pangalawang lenggwahe; sa pagkuha ng boto,
sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa masa; sa
paghubog ng mga kamalayang panlipunan at
pampulitika.
60. 14.) Ang wika ay kasama sa pagsulong
ng teknolohiya at komunikasyon.
Ang lahat ng bagong imbensyon na nalikha ng tao ay
inililipat sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Marami sa mga ito ay isinasaaklat, inilalagay sa mga
iskolarling journal at report upang mabasa.
62. KALIKASAN NG WIKA
1.) Pinagsama-samang tunog
(Combination of Sounds)
- dahil sa bingyan ng simbolo (letra) ang mga
tunog, ang pagsasama-
samang ito ay lumikha ng mga salita.
63. 2.) May dalang kahulugan
(Words have meanings)
- bawat salita ay may dalang kahulugan sa
kanyang sarili lalo’t higit kung ginagamit
na sa pangungusap.
65. 4.) May gramatikal istraktyur
(grammatical structure)
- ponolohiya (pagsasama ng tunog
upang bumuo ng salita)
- sintaks (pagsasama ng mga salita
upang bumuo ng pangungusap)
- semantiks (ang kahulugan ng mga salita
at pangungusap)
66. - progmatiks (nagpapaliwanag sa pagkakasunud-sunod
ng pangungusap
(sequence of sentence), sa partisipasyon sa isang
konbersasyon at sa antisipasyon ng mga
impormasyon na kailangan ng tagapagsalita.
67. 5.) Sistemang Oral-Awral
(Oral-Awral System)
- sistemang sensora sa pisikal ng tao,
pasalita (oral), pakikinig (awral)
- dalawang mahalagang organo (bibig at
tainga) na nagbibigay hugis sa mga
tunog na napakinggan
68. 6.) Pagkawala ng Wika
(Language Loss)
- maaaring mawala kapag di nagagamit
69. 7.) Iba-iba
- dahil sa iba’t iba ang kultura ng
pinagmulang lahi, ang wika ay iba-iba
sa lahat ng panig ng mundo
- may etnograpikong pagkakaiba
sapagkat napakaraming minoryang
grupo (ethnic groups) ang mga lahi
o lipi
74. 1.) Instrumento ng KomunikasyonAng wika, pasalita man o pasulat, ay pangunahing
kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at
kaisipan.
Ang dalawang tao ay nagkakaunawaan sa
pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika.
75. Ang magkasintahan, halimbawa ay nakapagpapanatili
ng relasyon dahil may wikang nagiging instrumento
nila sa komunikasyon.
Samantala, may mga nagkakagalit o nag-aaway bunga
ng miskomunikasyon o di epektibong paggamit ng
wika.
Samakatuwid, ang mabisang paggamit ng wika ay
mahalaga sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa.
76. Ang mga bansa ay nakakapag-ugnayan dahil sa wika.
Iba-iba man ang wika ng mga bansa, nakahahanap pa
rin sila ng komong wikang kanilang kinasangkapan
upang magkaroon ng unawaan.
Ano na kaya ang mangyayari sa ating daigdig kung
walang wika o kung hindi epektibo ang paggamit ng
mga bansa sa wika?
77. 2.) Nag-iingat at nagpapalaganap
ng kaalaman
Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang saling-
lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika.
Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay naisulat ilang
daang taon na ang lumipas ngunit patuloy itong
napakikinabangan sa ating panahon dahil may wikang
nagkanlong rito at nag-iingat hanggang sa
kasalukuyan.
78. Ang mga mahahalagang inbensyong kanluran ay
napakikinabangan din sa ating bansa dahil may
wikang nagkanlong sa mga iyon at naging sanhi
upang iyon ay mapalaganap sa iba’t ibang sulok ng
daigdig.
Dahil may wika, hindi kasamang naililibing ang mga
mahahalagang kaalaman sa pagyao ng lumikha o
tumuklas ng mga iyon.
79. Paano na lang kaya kung hindi man lang naisulat o
naipagsabi ni Benjamin Franklin ang pagkakatuklas
niya ng kuryente bago siya namatay? Marahil ay baka
wala pa rin tayong kuryente hanggang sa ngayon.
80. 3.) Nagbubuklod ng Bansa
Nang makihamok ang mga Indones sa kanilang mga
mananakop na Olandes, naging battlecry nila ang
Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-
ir! (Isang Bansa! Isang Wika! Isang Inang Bayan!
81. Maagang nakilala ng mga Indones ang tungkulin ng
wika upang sila’y magbuklod sa kanilang
pakikipaglaban nang magkaroon ng kalayaan.
Ano mang wika ay maaaring maging wika ng pang-
aalipin ngunit maaari rin itong gamitin upang
pagbuklurin ang isang bansa.
82. 4.) Lumilinang ng Malikhaing
Pag-iisip
Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o
nobela o di kaya’y kapag tayo’y nanonood ng
pelikula , parang nagiging totoo sa ating harapan ang
mga tagpo niyon.
Maaaring tayo’y napapahalakhak o napapangiti,
natatakot o kinikilabutan, nagagalit o naiinis, naaawa
o naninibugho.
83. Bakit kaya?
Sapagkat pinagagana niyon ang ating imahinasyon.
Sa ating isipan, nalilikha natin ang bawat larawan ng
mga tagpo sa kwento o nobelang binabasa o
pelikulang ating pinapanood.
84. Ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang
sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating naririnig
ang nagdidikta sa ating isipan upang gumana at
lumikha ng imahinasyon, at kung gayo’y nalilinang
ang ating malikhaing pag-iisip.
Dahil sa imahinasyong ito, kayraming nabubuo,
nalilikha o naiinbentong pinakikinabangan ng
sangkatauhan.