Ce diaporama a bien été signalé.
Nous utilisons votre profil LinkedIn et vos données d’activité pour vous proposer des publicités personnalisées et pertinentes. Vous pouvez changer vos préférences de publicités à tout moment.
UNANG BAHAGI
ANG PANITIKAN :
Kahalagahan,
Kaanyuan, Estetika, at
Ilang Teorya/Konsepto
KATUTURAN AT
KAHALAGAHAN
NG PANITIKAN
PANITIKAN
 Ito ay isang payak na salitang
nahihiyasan ng iba-iba at malalim na
kahulugan.
 Para sa mga manunulat, ang pa...
Isa rin itong pinakamabisang sangkap
sa isang bansa upang malaman ang
pagkakakilanlan ng kakanyahan o
identidad nito.
Ma...
Ang ibang panumbasan ng panitikan sa
Pilipino ay literatura at sa Ingles ay
“literature” na kapwa batay sa salitang-ugat
...
Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang
Pilosopiya ng Literatura, ang panitikan ay
pagpapahayag ng mga damdamin ng tao
hinggil s...
Ayon kay Miguel Bernard, S. J. (1954:146),
ang panitikan ay kaisipan at pagpapahayag:
di-malilimot na kaisipan sa di-mali...
Sa pamamagitan nito, ang kasaysayan,
kalagayan, at pinagdaanan ng isang bansa’y
nababatid. (Sebastian at Nicasio, 1965:1-...
komunidad, ang sistema ng sining,
at ang wikang ginagamit.
2. Maaaring sinasalamin ng
panitikan ang mga karanasan ng
indib...
Malawak ang nasasakupan ng
panitikan. Naaaninaw nito ang
kapaligiran at mga pangyayaring
nagaganap sa nasabing kapaligira...
ANG MANUNULAT
Ayon kay Patricia Melendez-Cruz,
anyo ng pag-iisip ng manunulat ang
panitikan. Ito ang paraan niya ng
pag-i...
Malaki ang papel ng manunulat sa
paglikha ng panitikan, sapagkat
siya ang aktibong nakikisangkot sa
paggawa ng kanyang li...
Ito naman ang naging paliwanag ni
Angelina Santos (1985: 45-47) tungkol
sa manunulat bilang manlilikha ng
panitikan.
Ang...
pangyayaring wala pa sa kasalukuyan
tulad ng pagtuntong ng tao sa buwan
na noo’y isang pangarap lang.
Ang manunulat ay ma...
Kung nagsimula man siya sa laging
pagpapabatid sa kanyang natuklasang
kagandahan ng kalikasan ay sapagkat
nasisiyahan siy...
dumadakila rito, ito’y tuwirang pagtakas
sa katotohanan. Kung di man niya
amining tumatakas siya sa katotohanan,
ito kung ...
daliri ng sinumang anak na susunod sa
kanyang yapak bilang manunulat? Ang
tunay na manunulat ng katotohanan at
kagandahan ...
kaugnay ng paningin at pag-iisip,
mahalagang magtaglay siya ng
katapangan ng lakas ng loob sa
pagsasabi ng katotohanan, na...
Dito sa Pilipinas, ang mga katangian ng
manunulat na nabanggit sa itaas ay
ipinakita nina Balagtas, Burgos, Rizal,
Del Pi...
Sa kalagayan ng lipunan ngayon laganap
ang pang-aapi, pang-aabuso at
pangungurakot, higit na kailangan ang
panitikang nak...
katotohanan. Wala silang pinangangakuan.
Sila ang may hawak ng kanilang sariling
isip, damdamin. Hindi nila ito maaaring
i...
MGA KAANYUAN NG
PANITIKAN
May dalawang anyo ang panitikan:
Tuluyan (prosa) at Patula.
Ang Tuluyan ay maluwag na pagsasam...
Anyong Tuluyan
1. Sanaysay – naglalahad ng mga kuro-
kuro at pansariling kaisipan ng
manunulat.
2. Alamat – mga salaysay n...
3. Anekdota – itinuturing na mga
likhang-isip lamang ng manunulat. Ito
ay maaaring maikling bahagi ng
buhay ng tao lalo na...
5. Salaysayin – itinatangi ito bilang katha-
katha o kathang-isip lamang at hindi
isinasaalang-alang bilang dogma o
kasays...
7. Editoryal o Pangulong-tudling – isang
sanaysay na naglalahad ng opinyon o
ideya ng patnugot ng isang pahayagan.
Inilala...
Ang pangunahing layunin nito ay aliwin o
libangin ang mambabasa sa
pamamagitan ng isang
makapangyarihang paglalahad ng isa...
c. Tungo sa kasukdulan na mabilis,
malinaw, at tiyak hanggang umabot sa
d. Kakalasan
e. Wakas
Mga Elemento/Sangkap ng Maik...
b. Tagpuan- Nararapat bigyan ng
mahalagang pansin ang ganapan o lugar
na pinangyarihan ng maikling kuwento
sapagkat tumutu...
pang-araw-araw na karanasan ng tao,
nasa karanasan ng iba sa ikinukuwento
nila, napakikinggan, at kinapupulutan ng
mga kai...
Mga Uri ng Maikling Kwento
a) Kwento ng Tauhan – Ang pokus o tuon sa
kwento ay nasa pangunahing tauhan.
Halimbawa nito’y “...
c) Kwento ng Pakikipagsapalaran -
Nakatuon ang kwento sa balangkas ng
pangyayari at wala sa tauhan ang
kawilihan o interes...
e. Kwentong Sikolohiko-
Sa ganitong uri ng kwento, may
kahirapang ilarawan ang pagiisip ng
isang tao. Ang kailangan ng kwe...
10.Nobela – Naglalahad ng maraming
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
dalawang pangunahing tauhan at iba
pang katulong ...
b. Tagpuan- Ito ay ganapan o lugar na
pinangyayarihan ng mahabang salaysay.
c. Banghay - Balangkas ito ng mga pangyayari
n...
Makahulugan ba ang kanyang mga
ginagamit na salita? Ang paggamit ng
angkop na mga salita na may wastong
kahulugan ay nagpa...
Katangian ng Kaakit-akit na Nobela
Mahusay dapat ang pagpili ng mga
salita, may bahaging masaya at may
sariling tatak ng k...
Sa ganitong kalagayan, nagkakaroon ng
tinatawag na tatsulok na pag-ibig (love
triangle). Sa nobelang Anak sa Ligaw
(1972) ...
Ang mga halimbawa ng mga nobelang
pangkasaysayan ay ang The Filipino
Rebel ni Maximo Kalaw at ang anino ng
Kahapon ni Fran...
d. Nobela ng Pagbabago. Binibigyang diin dito
ang mga layunin ng may akda o ang kanyang
mga hinahangad na pagbabago sa lip...
f. Nobelang Moral.
Binibigyang diin ng nobelista ang
aspekto ng moralidad ng mga kababaihan.
Iniuri sa dalawa ang nasabing...
g. Nobelang Pang –ekonomiya at Isyu sa
Paggawa
Isinulat ni Lope K. Santos
(1905) ang Banaag at Sikat , ang unang
nobelang ...
Mga Anak Dalita ni Patricio Mariano
ang buhay ni Pedro, ang tunay na
makakapitalistang sistema sa
paggawa, at mga patakara...
Ang mga pangunahing sangkap ng
isang dula ay (a) isang paglalahad ng
mga pangyayari, (b) isang buhol o
suliranin, at (c) a...
Katangian ng Dula (Sermolan, et al., 1999)
Mga Pangangailangan ng Dula
1. pagpukaw sa mga manonood
2. isang paunlad na pag...
kinakatawan ng mga tauhan ng dula
tungo sa
4. kakalasan o pagliwanag sa suliranin
na dapat ay makatwiran hanggang sa
5. ka...
ang manonood na sa loob ng dalawang
oras na pagtatanghal ay nabuhay siya
sa isang araw.
2. Kasunduan sa Tagpuan. Tinatangg...
kasamang tauhan at mayroon namang
sinasalita na para sa sarili lamang na
ipinaririnig sa mga manonood at kunwari’y
hindi n...
2. Parsa – layunin ng dulong ito ang
magpatawa at libangin ang mga
manonood. Katawa-tawa ang mga
sitwasyon, maging ang kil...
4. Trahedya – dulang nagtatapos sa
kabiguan o kalungkutan ng
pangunahing tauhan. Ito’y
kinapapalooban ng mga mahihigpit na...
Anyong Patula
 Ang panulaan ay isang bahagi ng
panitikan na naglalahad ng isang piling
kaisipang malimit ay sa pamamagita...
 Ang tula ay isang pagbabagong-hugis
sa buhay –isang paglalarawan ng
buhay na hinango sa guniguni, na
ipinararating sa at...
 Ang paksa ng tula’y hinahango sa
kalikasan, sa buhay ng tao, sa bagay na
nakikita o sa balanang naiibigan o
ginagawa ng ...
ayon sa gamit at pagkakaugnay sa ibang
salita.
2. Diksyon ng tula – diksyon ang tawag sa
mga salitang pinipili para gamiti...
maglinis (pandiwa), at malinis (pang-uri).
Malaya rin ang makata sa palaugnayan
(syntax) at sa pag-aayos ng mga salita sa
...
c. Ang persona ay maaaring may buhay man
o wala. Maaaring magsalita ang anumang
bagay o taong may buhay.
d. May mga person...
nakakubling kahulugang ipinapahiwatig
lamang ng makata sa halip na tahasang
ipahayag.
6. Talinghaga - ayon kay Virgilio Al...
Mga Uri ng Tayutay
Naging kaakit-akit at malikhain ang
isang pagpapahayag sa pamamagitan
ng mga tayutay.
a. Simili/Patulad...
b. Pagwawangis/Metapora – tuwiran ang
paghahambing ng tayutay na ito, kaya
hindi na ginagamitan ng mga katagang
nagpapakil...
e. Apostropi o panawagan – ito’y isang
madamdaming pagtawag sa gitna ng
pangkaraniwang salaysay na wari’y kaharap
lamang a...
h. Alusyon o Allusion – tumutukoy ito sa
historikal, biblikal o literari na katauhan,
pangyayari, at bagay.
i. Aliterasyon...
k. Antistropi o Antistrophe – pag-uulit ng
magkakaparehong salita o parirala sa
katapusan ng magkakasunod na
sugnay.
l. An...
a. Elehiya – kini-kinita ang isang
pangyayari o pagbubulay-bulay ng
guniguni ukol sa kamatayan,
paggunita ng isang yumao.
...
d. Soneto – ito ay binubuo ng labing-apat
na taludtod na pinagdalawang
taludturan, isang waluhan, at isang
animan.
e. Past...
a. Epiko – isang mahabang salaysay ukol
sa kagitingan ng isang bayani.
Halimbawa ng tulang epiko ay ang Biag
ni Lam-ang ng...
3. Tulang Pandulaan – ang kaanyuan at
kayarian nito ay patula at masasabing ang
katangian nito ay nabibilang o patungkol s...
ETNOLINGGWISTIKONG
PANGKAT SA PILIPINAS
ANG MGA ILONGGO
 Ang Ilonggo ay tumutukoy sa mga taong
naninirahan sa Iloilo, sa ...
Hiligaynon ang tawag sa lenggwahe ng
Ilonggo na sinasabing nagmula sa
pariralang manaog-ilig sang kawayan na
ang ibig sabi...
Ang mga unang naninirahan sa isla ay
mga Aetas. Aninipay din ang tawag sa
kanila dahil sa mga pananim na
nakapaligid dito....
ANG MGA SUBANON
 Ang mga Subanon ay tinatawag ding
Subanu, Subano, at Subanen. Ang
Subanon ay hango sa mga salitang soba
...
 Ayon sa pananaliksik ni Dr. Carmen
Lozano ng Western Mindanao State
University, ang ilang paniniwala at
kaugalian ng mga...
na hinihingi ng magulang ng babae,
hihingi rin sila ng pitong buhay na manok,
tatlumpu’t isang pirasong itlog, baboy, at
b...
Tatlong araw matapos isilang ang sanggol,
kailangang isagawa na ang kano o
pagdarasal upang ilayo ang sanggol sa
anumang k...
ANG MGA YAKAN
 Ang mga Yakan ay tumutukoy sa
nakararaming grupong Muslim sa
Basilan, isang isla sa bahaging timog
ng Mind...
 Sa Muslim na Yakan, ang mundo ay
nahahati sa dalawa: Dar-UI-Islam (tirahan
ng mga Islam) at Dar-UI-Harb (tirahan ng
mga ...
ANG MGA BADJAO
 Ang terminong Badjao na
nangangahulugang mga mangingisda
(Llamzon, 1978) ay tumutukoy sa mga
taong nanini...
 Ipinagpapalagay ng ilan na ang Badjao ay
katulad ng maliliit na pangkat ng mga
Samal Laut (mga Samal na naninirahan
sa d...
 Naiiba sila sa Samal de Lea o Samal Dea
o Samal Lipid (mga Samal na naninirahan
sa lupa) o Samal ha Gimba (Samal sa
kagu...
 Sinama ang tawag ng mga Badjao sa
kanilang wika, na diyalekto ng wikang
Samal. Ang iba nama’y Badjau, Badjaw, o
Badjao a...
na bangka at bahay sa baryong
Sisangat sa pulo ng Siasi; at ang mga
gypsies o mga hitano o hitana ng dagat
na naninirahan ...
ANG MGA TAUSUG
 Ang pangalang Tausug ay nagmula sa
salitang “tau” na ang ibig sabihin ay “tao”
at “sug” na ang ibig pakah...
 Bahasa Sug ang sinasalita ng mga
Tausug, isang Malayo-Polynesian na wika
na tulad sa Bisaya na sinasalita sa
Surigao na ...
 Ang sistema ng kanilang pangangalakal
ay umaabot hanggang sa mga bansa ng
timog-silangang Asya gaya ng Borneo at
Malaysi...
ANG MGA MANOBO
 Ang Manobo, Minuvu o Manuvu ay
nangangahulugang “tao” at ang suba ay
“ilog” (taong taga-ilog). Hinango ri...
Bukidnon at Misamis Oriental. Karamihan sa
mga Manobo ay naninirahan sa tabing-ilog,
lambak, at burol sa Agusan, Bukidnon,...
ANG MGA MAMANUA
 Ang mga Mamanua ay mga katutubo ng
hilagang-silangang Mindanao.
Napakasimple lamang ng pamumuhay ng
mga ...
ANG MGA MAGUINDANAON
 Nakatira sa timog-silangang bahagi ng
Mindanao ang mga Maguindanaon. Nang
mahiwalay raw ang magkapa...
Dito nagmula ang pangalang,
“Maguindanaon” nang pagdugtungin ang
dalawang katutubong salitang, “maginged”
at “danao”. Ang ...
ANG MGA MARANAO
 Mga Maranao ang tawag sa mga
naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran
ng lawa o Lanao, na siyang pangala...
ANG MGA IRANUN
 Ang Iranun ay isa sa etnolinggwistikong
grupo sa Pilipinas (Tumangan, 1990).
Matatagpuan ang mga Iranun s...
 Ang salitang Iranun ay nagmula sa
terminong I-ranao-on, na
nangangahulugang “people of the lake” o
mga tao sa lawa (Rana...
ANG MGA ZAMBOANGUENO O TAGA-
LUNGSOD NG ZAMBOANGA
 Itinuturing ang lungsod ng Zamboanga na
sentro ng hanapbuhay at pangan...
 Chavacano ang wikang sinasalita ng mga
Zamboangueno. Ito ay tinatawag na
Spanish creole, isang katutubong wika sa
Pilipi...
ANG KULTURA NG MGA
PILIPINO NA KAUGNAY NG
KANILANG PANINIWALA
ANIMISMO (ANIMISM)
- ang animismo ay ang paniniwala sa mga
...
EUPEMISMO (EUPHEMISM)
- nangangahulugan ito ng pagpapahayag
ng di-kagiliw-giliw na katotohanan,
opinyon o pakiusap na mas...
EMOSYUNAL NA PAGKAKALAPIT AT
KAPANATAGAN NG PAMILYA
- may inaasahang gantihang
pagtutulungan at kaisahan sa pagitan ng
mg...
UTANG NA LOOB
- sa pangkalahatang pananaw,
nangangahulugan itong pagbabalik ng
pabor bilang ganti o kabayaran.
PERSONALI...
NINGAS COGON
- tumutukoy ito sa pagpapakita ng
interes at kawilihan sa simula ng
proyekto ng isang buong samahan.
Ngunit ...
PAGKAMAGILIW SA PAGTANGGAP NG
PANAUHIN (HOSPITALITY)
- tanyag ang mga Pilipino sa kanilang
ugali na pagiging mapagtanggap...
PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN
- may mahalagang layunin o silbi ang
mga pagdiriwang o selebrasyon na
isinasagawa ng tradisyuna...
ANG SARILING PANITIKAN
AT ANG KAHALAGAHAN
NITO
 Ang Pilipinas tulad ng ibang bansa ay
may sariling panitikan. Ito ay
tina...
 Ang Panitikang Pilipino ay pahayag na
salita o pasulat ng mga damdaming Pilipino
hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling
panl...
2. Mapag-aaralan at makikilala ng mga
mamamayan ang kanilang sarili at
maunawaan din nila ang katangian ng
pagkatao ng iba...
Panitikang Pilipino nang makapagsanay at
maiwasto ito upang hindi na maulit ang
mga nasabing kapintasan.
4. Makita at maba...
Prochain SlideShare
Chargement dans…5
×

1.UNANG BAHAGI

  • Identifiez-vous pour voir les commentaires

1.UNANG BAHAGI

  1. 1. UNANG BAHAGI ANG PANITIKAN : Kahalagahan, Kaanyuan, Estetika, at Ilang Teorya/Konsepto
  2. 2. KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
  3. 3. PANITIKAN  Ito ay isang payak na salitang nahihiyasan ng iba-iba at malalim na kahulugan.  Para sa mga manunulat, ang panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan (Reyes, 1992).
  4. 4. Isa rin itong pinakamabisang sangkap sa isang bansa upang malaman ang pagkakakilanlan ng kakanyahan o identidad nito. Maging pasalita o pasulat man ang kaanyuan nito, malinaw na masisinag sa panitikan ang mga mithiin, damdamin, layunin, adhikain, pangarap, at landas na gustong tahakin ng bansang ito.
  5. 5. Ang ibang panumbasan ng panitikan sa Pilipino ay literatura at sa Ingles ay “literature” na kapwa batay sa salitang-ugat ng wikang Latin na “litera” na ang kahulugan ay titik o letra. Ito ay binubuo ng morpemang panlaping PANG- (unlaping nagiging PAN- kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa d, l, r, s, t); ng salitang-ugat na TITIK na nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod sa PAN-; at ng hunlaping –AN. Samakatuwid: PANG – TITIK – AN (Panganiban, 1954:1)
  6. 6. Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, at pamahalaan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha. Ayon pa rin kay Jose Villa Panganiban (1954:1), ang paraan ng pagpapahayag ay iniaayos sa iba’t-ibang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa na nababalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba.
  7. 7. Ayon kay Miguel Bernard, S. J. (1954:146), ang panitikan ay kaisipan at pagpapahayag: di-malilimot na kaisipan sa di-malilimot na pagpapahayag. Binigyan din nina Luz de la Concha at Lamberto Ma. Gabriel (1978:XIV) ng katuturan ang panitikan bilang salamin ng lahi, kabuuan ng mga karansan ng isang bansa, kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag gamit ang piling salita sa isang maganda at masining na paraan, nakasulat man o hindi.
  8. 8. Sa pamamagitan nito, ang kasaysayan, kalagayan, at pinagdaanan ng isang bansa’y nababatid. (Sebastian at Nicasio, 1965:1-2) May tungkulin o papel na ginagampanan ang panitikan sa kultura at kasaysayan (Cruz at Reyes, 1984: 1-2): 1. Maaring ito’y isang likhang-isip, isang bunga ng pagsasanib ng imahinasyon ng manunulat at ng maraming bagay – ang panlabas na realidad, ang kinabibilangan niyang sistema, ang pangkalahatang pananaw ng
  9. 9. komunidad, ang sistema ng sining, at ang wikang ginagamit. 2. Maaaring sinasalamin ng panitikan ang mga karanasan ng indibidwal at ng kanyang lipunan. Sa madaling sabi, ang isang akda ay nagiging repleksyon ng mga karanasan ng mga mamamayan gayundin ng mga pangyayari sa kasaysayan. Nabanggit ng ni Alip (1974) na ang panitikan ay ang paglalarawan ng tunay na pangyayari sa isang bansa at ng
  10. 10. Malawak ang nasasakupan ng panitikan. Naaaninaw nito ang kapaligiran at mga pangyayaring nagaganap sa nasabing kapaligiran. (Angelina Santos ng MSU-IIT, (1958: 36-37)) Walang tinatago ang panitikan, kahit ang pinakapangit na bahagi ng mundo ay tinatalakay nito, lahat ay pinapaksa. Ang lahat-lahat sa sandaigdigan ay walang nakakaligtas, hanggang sa ganap nating maunawaan ang mga pangyayari sa ating buhay at
  11. 11. ANG MANUNULAT Ayon kay Patricia Melendez-Cruz, anyo ng pag-iisip ng manunulat ang panitikan. Ito ang paraan niya ng pag-iisip, pagpapahayag, at pakikipag-usap. Ang akda ng manunulat ang siyang midyum nito ng pagpapahayag at pakikipag-usap. Binibigyang-anyo nito ang kanyang mensahe, ang nais niyang sabihin sa kapwa.
  12. 12. Malaki ang papel ng manunulat sa paglikha ng panitikan, sapagkat siya ang aktibong nakikisangkot sa paggawa ng kanyang likhang-isip. Marami siyang tungkulin tinutupad sa konteksto ng kanyang lipunan, batay na rin naman sa kanyang sariling pananaw, paninindigan, at inaasahan sa kanyang komunidad. (Cruz at Reyes, 1984: 2)
  13. 13. Ito naman ang naging paliwanag ni Angelina Santos (1985: 45-47) tungkol sa manunulat bilang manlilikha ng panitikan. Ang panitikan ay bunga ng panahong kinabilangan at kinabibilangan ng manlilikha nito, naaayon sa pananaw at kamalayan ng manunulat at sa mga nakapaligid sa kanya. Ang panitikan ay naayon din sa mapanlikhang imahinasyon ng manunulat sa pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa mga walang buhay, sa pamamagitan
  14. 14. pangyayaring wala pa sa kasalukuyan tulad ng pagtuntong ng tao sa buwan na noo’y isang pangarap lang. Ang manunulat ay masugid na tagapagmasid ng mga bagay sa paligid –ang pinakamaliit na bato sa lupa, mga bagay sa pusod ng dagat, ang katayugan ng langit, ang mga taong nakapaligid sa kanya, at maging ang mga bagay na di kayang abutin ng mga mata basta’t kayang abutin ng damdamin at isip.
  15. 15. Kung nagsimula man siya sa laging pagpapabatid sa kanyang natuklasang kagandahan ng kalikasan ay sapagkat nasisiyahan siya sa kanyang kalagayan sa lipunang kanyang ginagalawan. Kung patuloy siya sa pagsulat ng kagandahan ng buhay, kasiyahan ng mga mamamayan, at kapayapaan ng paligid ay sapagkat ito ang kanyang nakikita at nadarama. Subalit kung sa kabila ng pagkawala ng kapayapaan, kagandahan sa paligid, at kasaganaan ng lahat ay
  16. 16. dumadakila rito, ito’y tuwirang pagtakas sa katotohanan. Kung di man niya amining tumatakas siya sa katotohanan, ito kung gayon ay paghihiwalay niya sa kanyang sarili bilang bahagi ng lipunan kanyang ginagalawan o di naman kaya’y ang tahasang pagsalungat sa pagtalakay sa maselang kalagayan. Totoong sa pagsulat ay walang maaangking materyal na kayamanan; maaaring ang dahilan ay pinansyal. Hindi ba’t si Balagtas mismo ay nagbilin
  17. 17. daliri ng sinumang anak na susunod sa kanyang yapak bilang manunulat? Ang tunay na manunulat ng katotohanan at kagandahan ng buhay, kung may yumayaman man, ay iilan lamang. Ang manunulat ay mapanuklas. Hindi lamang mata ang pinagagana kundi maging ang isip man. May mata siyang marunong kumilala sa pangit at sa maganda nang buong katotohanan. May isip siyang marunong mangatwiran upang magpatotoo. Subalit
  18. 18. kaugnay ng paningin at pag-iisip, mahalagang magtaglay siya ng katapangan ng lakas ng loob sa pagsasabi ng katotohanan, na ayon kay S. P. Lopez ay: …the guts to write bravely of what they see around them: the pain and ugliness of the world as well as the beauty and the joy of it, the triumphs of life as well as its surrenders, man’s mean desires as well as the noble ambitions that exalt him. …writers will always have need of eyes and guts –the eyes to observe clearly the reality of the world within as well as of the world without, and the guts to write and bear witness to their vision with pitiless honesty and deep compassion.
  19. 19. Dito sa Pilipinas, ang mga katangian ng manunulat na nabanggit sa itaas ay ipinakita nina Balagtas, Burgos, Rizal, Del Pilar, Bonifacio, Lopez-Jaena, Abad, Tolentino, Francisco at iba pa. Sa kani- kanilang panahon, maging sa panahong bago ideklara ang Batas Militar at panahon ding ito ng Bagong Lipunan, ipinakita rin ang mga katangiang nabanggit nina Sikat, Landicho, Almario, Ninez Cacho- Olivares, at ng marami pang iba. Gayundin, nina Lualhati Bautista, Soc Rodrigo at ng maraming manunulat na nagsusulputan pa.
  20. 20. Sa kalagayan ng lipunan ngayon laganap ang pang-aapi, pang-aabuso at pangungurakot, higit na kailangan ang panitikang nakikisangkot at makalipunan para pumukaw ng tulog na isip at damdamin ng mamamayan. Walang puwang ngayon ang panitikang pang-aliw at pantakas na nakatutulong sa ugaling pagwawalambahala sa kapaligiran. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng manunulat sa kasalukuyang kalagyan ng bansa. Sila ang tagapaghatid ng mensahe, tagapagbigay ng impormasyon, at tagapagsiwalat ng katotohanan. Ang sarili
  21. 21. katotohanan. Wala silang pinangangakuan. Sila ang may hawak ng kanilang sariling isip, damdamin. Hindi nila ito maaaring ipaangkin sa iba na kung saan maaaring ibaling ang kanilang ilong sa iba’t ibang direksyon. Bilang kabuuan, sino nga ba ang mga manunulat? Ang kasagutan ay ito: Writers are, by the nature of their chosen task, the spearhead of progress. They voice the grievances as well as the aspirations of a nation: they document its achievements; they treasure for prosterity the worthwhile efforts of man. They are the critics of things as they are; they are the dreamers of things as they should be; they cannot escape a large part of the responsibility for the shape of things to come. (Lopez, 1972)
  22. 22. MGA KAANYUAN NG PANITIKAN May dalawang anyo ang panitikan: Tuluyan (prosa) at Patula. Ang Tuluyan ay maluwag na pagsasama- sama ng mga salita sa karaniwang takbo ng pangungusap. Ang Patula naman ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binibilang sa pantig (6, 8, 12, 16, o 18 sa taludtod) at pinagtugma- tugma sa dulo ng mga taludtod sa loob ng isang taludturan o saknong (Panganiban, 1950: 12)
  23. 23. Anyong Tuluyan 1. Sanaysay – naglalahad ng mga kuro- kuro at pansariling kaisipan ng manunulat. 2. Alamat – mga salaysay na itinuturing ng mga mananalaysay at tagapakinig bilang katotohanan (Boswell, 1969). Ipinahahayag nito ang kasaysayan ng mga tao. Tagpuan ng mga alamat ang mga daigdig na ginagalawan natin ngayon. Nagaganap ito sa isang tiyak na lugar at nakapag- uugnay sa nakaraan at sa
  24. 24. 3. Anekdota – itinuturing na mga likhang-isip lamang ng manunulat. Ito ay maaaring maikling bahagi ng buhay ng tao lalo na bayani ng bayan na nakapagbibigay-aral sa mambabasa. 4. Balita – isang uri ng paglalahad ng mga pang-araw-araw na kalagayan at pangyayari sa lipunan, sambayanan, pamahalaan, mga bansa, sa ibayong- dagat, at sa buong sanlibutan.
  25. 25. 5. Salaysayin – itinatangi ito bilang katha- katha o kathang-isip lamang at hindi isinasaalang-alang bilang dogma o kasaysayan. Ito’y mga pang-aliw o libangan, na nangangahulugang mabisang pampalipas ng panahon lalong-lalo na sa oras ng pahingalay (Bascom, 1965). 6. Talambuhay – paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao. Kapag ang talambuhay ay nauukol sa taong siyang sumulat, ang
  26. 26. 7. Editoryal o Pangulong-tudling – isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o ideya ng patnugot ng isang pahayagan. Inilalahad niya ang kanyang opinyon batay sa kanyang pananaw kaugnay ng mga pangyayari. 8. Talumpati – pagpapahayag ito na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Magbigay ng kuro-kuro, magpaliwanag at humikayat ang siyang layunin nito. 9. Maikling kwento – naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari ng buhay ng isang pangunahing tauhan.
  27. 27. Ang pangunahing layunin nito ay aliwin o libangin ang mambabasa sa pamamagitan ng isang makapangyarihang paglalahad ng isang maselang pangyayari sa buhay ng protagonista ng kuwento. Mga Pangunahing Pangangailangan sa Maikling Kuwento (Rubin, et al., 2001) a. Panimula. Pagpapakilala sa tauhan, paglalarawan ng tagpuan, at pagpapakita ng suliranin. b. Saglit na kasiglahan at mga suliraning inihahanap ng lunas; paigting na paigting ang mga pangyayari.
  28. 28. c. Tungo sa kasukdulan na mabilis, malinaw, at tiyak hanggang umabot sa d. Kakalasan e. Wakas Mga Elemento/Sangkap ng Maikling Kwento a. Tauhan-Buhay at gumagalaw ang maikling kuwento sapagkat may tauhang nagpapagalaw dito. Kumikilos sila ayon sa hinihingi ng sitwasyon at nagsasalita sa isa’t isa upang magkaunawaan.
  29. 29. b. Tagpuan- Nararapat bigyan ng mahalagang pansin ang ganapan o lugar na pinangyarihan ng maikling kuwento sapagkat tumutulong ito sa pagbibigay linaw sa paksa, sa banghay, at sa tauhan. c. Banghay- Balangkas o istruktura ng maikling kuwento ang banghay. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari tungo sa pagbuo ng maikling kuwento. d. Paksang-diwa/Tema- Ayon kay Ligaya Rubin (1995), nasa paligid lamang ang paksa ng maikling kuwento. Ang mga ito’y nasa
  30. 30. pang-araw-araw na karanasan ng tao, nasa karanasan ng iba sa ikinukuwento nila, napakikinggan, at kinapupulutan ng mga kaisipan. e. Simbolo/Sagisag- Nagpapahiwatig ang mga ito ng kahulugan, mga nakakubling kahulugan, at ang mga ito ay nagbibigay kabuluhan sa akda.
  31. 31. Mga Uri ng Maikling Kwento a) Kwento ng Tauhan – Ang pokus o tuon sa kwento ay nasa pangunahing tauhan. Halimbawa nito’y “walong taong gulang “ ni Genevova Edroza-Matute. b) Kwento na may Katutubong Kulay- Ang binibigyang diin sa kwentong ito ay ang kapaligirang ng pinangyarihan, ang mga kaugalian at pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. Halimbawa ng kwentong ito ay ang “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda.
  32. 32. c) Kwento ng Pakikipagsapalaran - Nakatuon ang kwento sa balangkas ng pangyayari at wala sa tauhan ang kawilihan o interes sa kwentong ito. d) Kwento ng Katatawanan- Ang layunin ng kwentong ito ay magpatawa at bigyan ng aliw ang mga bumabasa. Ang halimbawa ng kwentong ito ay “Tubig sa Buslo”.
  33. 33. e. Kwentong Sikolohiko- Sa ganitong uri ng kwento, may kahirapang ilarawan ang pagiisip ng isang tao. Ang kailangan ng kwentong ito’y maipadama sa mga bumabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari. Mga halimbawa ng kwentong ito’y “Dugo at Utak” ni Cornelio Reyes at “Ang Pusa sa Aking Hapag” ni Jesus A. Arceo.
  34. 34. 10.Nobela – Naglalahad ng maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at iba pang katulong na mga tauhan. Ang buong pangyayari ay sumasaklaw nang higit na mahabang panahon kaysa maikling katha (Sebastian at Nicasio, 1965:2). Mga Sangkap/Elemento ng Nobela (Restituto, et al., 1994) a. Tauhan. Binibigyang buhay ng manunulat ang mga tauhan sa kaisipan ng mga mambabasa.
  35. 35. b. Tagpuan- Ito ay ganapan o lugar na pinangyayarihan ng mahabang salaysay. c. Banghay - Balangkas ito ng mga pangyayari na inayos at pinag-ugnay ng isip. Ito ang mismong salaysay o mga pangyayaring bumubuo sa akda o mga pangyayaring tungkol sa salaysay. d. Paraan ng Pagsulat - Paano sinulat ang nobela? Maayos, maganda at kaaya-aya ba ang estilo ng pagkakasulat nito o masalimuot?Maligoy, mabulaklak o direkta ba ang pagkakapahayag ng manunulat sa kanyang pananalita?
  36. 36. Makahulugan ba ang kanyang mga ginagamit na salita? Ang paggamit ng angkop na mga salita na may wastong kahulugan ay nagpapalinaw at nagpapakita ng kaugnayan ng mga pangungusap. e. Haba - Gaano kahaba ang nobela? Kinakailangan ang haba ng nobela ay naangkop din sa mga pangyayari o kaganapang bumubuo sa akda.
  37. 37. Katangian ng Kaakit-akit na Nobela Mahusay dapat ang pagpili ng mga salita, may bahaging masaya at may sariling tatak ng kumatha. Ilang uri ng Nobela (Restituto, et al., 1994) a. Romansa o Pag-ibig. Kadalasan ang mga pangunahing tauhan ukol sa paksang pag-ibig ay ang protagonistang lalaki, ang bidang babae, at isa pang tauhang pinanggalinganng tunggalian
  38. 38. Sa ganitong kalagayan, nagkakaroon ng tinatawag na tatsulok na pag-ibig (love triangle). Sa nobelang Anak sa Ligaw (1972) ni Dr. Fausto Galauran ay matutunghayan ang ganitong paksa ng pag-ibig. b. Nobelang Historical. Ito’y mga nobelang pangkasaysayan na temang panghihimagsik, may mga tauhang makabayan, at ukol sa tagpuang pinangyarihan ng panahon ng digmaan.
  39. 39. Ang mga halimbawa ng mga nobelang pangkasaysayan ay ang The Filipino Rebel ni Maximo Kalaw at ang anino ng Kahapon ni Francisco Lacsamana. c. Nobela ng Tauhan. Ang katauhan ng pangunahing tauhan ay binibigyang diin sa nobelang ito. Gayundin, ang mga hangarin at mga pangangailangan ng mga tauhan ay binibigyan ng pansin. Halimbawa nito ay ang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Pena.
  40. 40. d. Nobela ng Pagbabago. Binibigyang diin dito ang mga layunin ng may akda o ang kanyang mga hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan. Ang halimbawa nito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal. e. Nobelang Pulitikal. Ito’y tumatalakay sa kontemporaryong isyung pulitikal. Tinutuligsa ng mga nobelista ang kalagayang panlipunan na itinatag ng bagong sumakop. Ang Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar ang halimbawang sumasailalim sa kontemporaryong suliranin noong panahon ng Amerikano.
  41. 41. f. Nobelang Moral. Binibigyang diin ng nobelista ang aspekto ng moralidad ng mga kababaihan. Iniuri sa dalawa ang nasabing isyu: (a) isang kasaysayan ng babaeng may madilim na nakaraan ngunit may ginintuang puso, at (b) ang katapatan at pagtataksil ng isang asawa. Ang mga halimbawa nito ay Ang Tunay na Pag-ibig (1913) at ang Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado.
  42. 42. g. Nobelang Pang –ekonomiya at Isyu sa Paggawa Isinulat ni Lope K. Santos (1905) ang Banaag at Sikat , ang unang nobelang Tagalog na tahasang tumatalakay sa isyung ekonomiya at paggawa. Pinaksa sa nobela ang pag- ibig, suliraning pampamilya, mga personal na karanasan, at ang pagtatagisan ng mga pwersa at uri ng lipunan. Ang sentro ng sigalot ng salaysay ay ang pagkakasalungat ng uri ng kabuhayan ng magkasintahang sina Delfin na isang karaniwang manggagawa, at Meni na anak ng
  43. 43. Mga Anak Dalita ni Patricio Mariano ang buhay ni Pedro, ang tunay na makakapitalistang sistema sa paggawa, at mga patakarang kontra manggagawa. 11. Dula – isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan, sa pamamagitan ng kilos at galaw, ang isang kawil ng mga pangyayaring nagpapahayag ng isang kapana- panabik na bahagi ng buhay ng tao (Alejandro at Pineda, 1950: 300).
  44. 44. Ang mga pangunahing sangkap ng isang dula ay (a) isang paglalahad ng mga pangyayari, (b) isang buhol o suliranin, at (c) ang kakalasan o pagliliwanag ng suliranin. Mga Sangkap/Elemento ng Dula a. Tauhan b. Tagpuan c. Banghay
  45. 45. Katangian ng Dula (Sermolan, et al., 1999) Mga Pangangailangan ng Dula 1. pagpukaw sa mga manonood 2. isang paunlad na paglalahad ng mga pangyayari pagkatapos na matawag ang pansin ng manonood o mambabasa. Ang pangyayaring ito’y patuloy sa pagsulong ng dula tungo sa pinakamahigpit na 3. buhol o suliranin na siyang pinakatuktok ng tunggalian ng dalawang magkaibang lakas na
  46. 46. kinakatawan ng mga tauhan ng dula tungo sa 4. kakalasan o pagliwanag sa suliranin na dapat ay makatwiran hanggang sa 5. kawakasan na kung minsan, ang tunay na kawakasan ay hianahayaan na lamang sa isipan ng mambabasa o manonood tulad ng mga ilang palabas sa “Balintataw,” isang seryeng pang- telebisyon. Mga Kasunduan ng Dula
  47. 47. ang manonood na sa loob ng dalawang oras na pagtatanghal ay nabuhay siya sa isang araw. 2. Kasunduan sa Tagpuan. Tinatanggap ng manonood na ang mga pangyayari ay nagaganap sa loob ng isang tahanan o alinmang pook na inilalarawan sa tanghalan bagamat isang palabasan lamang ang nakikita. 3. Kasunduan sa Pananalita. Tinatanggap ng mga manonood na may mga panandaliang ginagamit para sa pakikipag-usap sa mga
  48. 48. kasamang tauhan at mayroon namang sinasalita na para sa sarili lamang na ipinaririnig sa mga manonood at kunwari’y hindi naririnig ng kasama sa tanghalan. Mga Uri ng Dula 1. Saynete – ang pinakalayunin ng dulang ito ay ang magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan lamang. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong nagsasalita. Ito’y mayroon ding awitan.
  49. 49. 2. Parsa – layunin ng dulong ito ang magpatawa at libangin ang mga manonood. Katawa-tawa ang mga sitwasyon, maging ang kilos at pananalita ng mga tauhan. 3. Melodrama – may malungkot na pangyayari ang dulang ito na halos ang mga pangunahing tauhan ay mabingit sa kamatayan ngunit sa bandang huli’y magtatagumpay din sila at magwawakas sa kaligayahan.
  50. 50. 4. Trahedya – dulang nagtatapos sa kabiguan o kalungkutan ng pangunahing tauhan. Ito’y kinapapalooban ng mga mahihigpit na tunggalian. May mapupusok at maaapoy na damdamin ang mga tauhan. 5. Komedya – dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan, masaya at kawili-wili sa mga nanonood. 12. Parabula (Parable) – salaysaying hango sa Bibliya na nagbibigay-aral sa
  51. 51. Anyong Patula  Ang panulaan ay isang bahagi ng panitikan na naglalahad ng isang piling kaisipang malimit ay sa pamamagitan ng salitang may sukat at tugma at kung minsan naman ay walang sukat at tugma.  Ang tulang walang sinusunod na tuntunin ng sukat at tugma ay tinatawag na malayang taludturan o free verse (Sebastian at Nicasio, 1965: 2).
  52. 52.  Ang tula ay isang pagbabagong-hugis sa buhay –isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni, na ipinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag- aangkin ng wastong aliw-iw, at higit na mainam kung may sukat at tugma ang taludturan.  Ang kahulugan ng tula ay “likha,” at ang makata ay isang manlilikha (Alejandro at Pineda, 1950: 270).  Nagpapahayag ang tula ng isang ideya o damdamin sa isang wikang matalinghaga (Rubin at Casanova,
  53. 53.  Ang paksa ng tula’y hinahango sa kalikasan, sa buhay ng tao, sa bagay na nakikita o sa balanang naiibigan o ginagawa ng tao, tungkol sa mga kalagayang sosyal, pangkabuhayan, at mga kalakaran sa lipunan. Panulaan 1. Denotasyon at Konotasyon – mahalaga sa pag-uunawa ng tula ang interpretasyon o pagbibigay-kahulugan. Ang aktwal na kahulugan o kahulugang pandiksyunaryo ay tinatawag na denotasyon. Samantala, ang konotasyon ay kahulugang ipinahihiwatig
  54. 54. ayon sa gamit at pagkakaugnay sa ibang salita. 2. Diksyon ng tula – diksyon ang tawag sa mga salitang pinipili para gamitin ng makata o kahit sinong manunulat. Hindi dapat ipagkamali ang diksyon ng tula sa diksyon ng karaniwang pananalita. 3. Poetic license – tinatawag na poetic license ang karapatan ng makatang umiiwas sa anumang pamantayan at mga tuntunin upang magkaroon ng bisa o epekto. Maaari niyang gamitin ang isang pangngalan na maging pang-uri o isang
  55. 55. maglinis (pandiwa), at malinis (pang-uri). Malaya rin ang makata sa palaugnayan (syntax) at sa pag-aayos ng mga salita sa pangungusap. May mga tula minsan na binubuo lamang ng mga salita at parirala imbes na mga kumpletong pangungusap. Nakasalalay ito sa estilo o porma ng tula. 4. Persona Mga Dapat Tandaan a. Ang persona ay nagsasalita sa loob ng tula b. Ang persona at ang makata ay maaaring pareho o iisa ngunit hindi dapat ipagkamali na makata at ang persona ay laging iisa.
  56. 56. c. Ang persona ay maaaring may buhay man o wala. Maaaring magsalita ang anumang bagay o taong may buhay. d. May mga persona na ispesipiko at agarang matutukoy. May mga persona namang hindi ispesipiko at maging ang kausap ay hindi rin matukoy. 5. Paggamit ng Simbolo – ang simbolo sa sining ng pagtula ay pagpapahiwatig o paglalahad ng mga bagay, pangyayari, tao, kaisipan, o katangian sa pamamagitan ng mga pananda (signs) at mga sagisag. Sa simbolo may
  57. 57. nakakubling kahulugang ipinapahiwatig lamang ng makata sa halip na tahasang ipahayag. 6. Talinghaga - ayon kay Virgilio Almario, ang talinghaga ang utak ng paglilikha at disiplinang pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang tula. Samakatuwid, ang talinghaga ay may kahulugang higit na malalim sa literal na ipinapahayag. Iba’t iba ang paraan ng pananalinghaga o paggamit ng
  58. 58. Mga Uri ng Tayutay Naging kaakit-akit at malikhain ang isang pagpapahayag sa pamamagitan ng mga tayutay. a. Simili/Patulad/Pagtutulad – simpleng paghahambing ito ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatan, ngunit may magkatulad na katangian kaya’t maiuugnay sa isa’t isa. Ang mga salitang panulad na ginagamit sa uring ito ay parang, kawangis, anaki, animo, gaya/kagaya, tulad/katulad, mistula, atbp.
  59. 59. b. Pagwawangis/Metapora – tuwiran ang paghahambing ng tayutay na ito, kaya hindi na ginagamitan ng mga katagang nagpapakilala ng paghahambing. c. Pagsasatao o personipikasyon – ito ang paglilipat o pagkakapit ng katangian ng isang tao sa mga bagay na walang buhay. d. Pagmamalabis/Eksaherasyon – ito ang pagpapasobra sa normal na pagpapahayag upang bigyang diin ang mensahe. Karaniwang matinding
  60. 60. e. Apostropi o panawagan – ito’y isang madamdaming pagtawag sa gitna ng pangkaraniwang salaysay na wari’y kaharap lamang ang kinakausap. f. Metonimi o Pagpapalit-saklaw – ito ang pagtukoy ng isang bahagi bilang katapat ng kabuuan. Maaari ring kabuuan ng bagay- bagay ang itinatapat sa isang bahagi. g. Pag-uyam o Irony – pangungutya ito sa tao, bagay o pangyayari. Maaaring pumupuri ito sa simula ngunit lilitaw rin ang pamimintas
  61. 61. h. Alusyon o Allusion – tumutukoy ito sa historikal, biblikal o literari na katauhan, pangyayari, at bagay. i. Aliterasyon o Alliteration – pag-uulit ng magkakaparehong tunog na magsisimula sa magkakasunodn na iba-ibang salita. j. Anapora o Anaphore – pag-uulit ng isang salita o parirala sa simula ng sunod- sunod na parirala, sugnay o mga taludtod.
  62. 62. k. Antistropi o Antistrophe – pag-uulit ng magkakaparehong salita o parirala sa katapusan ng magkakasunod na sugnay. l. Antonomasiya o Antonomasia – ang paggamit ng tatak sa pagtukoy ng isang tamang tao, tumpak na lugar o bagay. Tatlong Kaanyuan ng Tula 1. Tulang pandamdamin o liriko – ay nagpapahayag ng damdamin na kinakailangang maging himig at
  63. 63. a. Elehiya – kini-kinita ang isang pangyayari o pagbubulay-bulay ng guniguni ukol sa kamatayan, paggunita ng isang yumao. b. Oda – ito ay malimit na ginagamit sa pagpapahayag ng masiglang damdamin sa pagpupuri. Wala itong tiyak na bilang ng taludtod at bilang ng pantig. c. Kantahin – maaaring ang damdaming ipinahahayag na ito ay pansarili o
  64. 64. d. Soneto – ito ay binubuo ng labing-apat na taludtod na pinagdalawang taludturan, isang waluhan, at isang animan. e. Pastoral – ang buhay sa bukid ang inilalarawan sa ganitong uri ng tula. 2. Tulang Pasalaysay – ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayaring maaaring tunay o kaya hango lamang sa guniguni o imahinasyon; mga di kapani-paniwalang mga pangyayari. Sa panitikang Pilipino, ang tulang
  65. 65. a. Epiko – isang mahabang salaysay ukol sa kagitingan ng isang bayani. Halimbawa ng tulang epiko ay ang Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano. b. Awit at korido – ito ay ukol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran, pandarayuhan, at pandirigma, na dinala rito ng mga Kastila buhat sa Europa. Ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod at ang korido ay binubuo ng walong pantig sa bawat talutod. Ang Florante at Laura ay isang awit at ang Ibong Adarna ay isang korido.
  66. 66. 3. Tulang Pandulaan – ang kaanyuan at kayarian nito ay patula at masasabing ang katangian nito ay nabibilang o patungkol sa dula. Halimbawa: a. Saynete – karaniwang pag-uugali ng tao o katangian ng pook ang paksa nito. b. Trahedya – tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi ng protagonista. c. Komedya – karaniwang nagtatapos ang tunggalian sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasaya ng damdamin ng manonood, nagwawakas ito ng masaya.
  67. 67. ETNOLINGGWISTIKONG PANGKAT SA PILIPINAS ANG MGA ILONGGO  Ang Ilonggo ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa Iloilo, sa Isla ng Guimaras, Negros Occidental, at maging sa kanlurang bahagi ng isla ng Negros. Nagmula ang terminong Ilonggo sa Pilipino-Espanyol na salitang irong-irong na ang ibig ipakahulugan ay kawangis ng ilong. Irong-irong din ang pangalan ng maliit na isla na matatagpuan sa gitna ng Ilog ng Batiano na kung saan dumadaloy ito sa munting Lungsod ng Oton, Iloilo patungong karagatan.
  68. 68. Hiligaynon ang tawag sa lenggwahe ng Ilonggo na sinasabing nagmula sa pariralang manaog-ilig sang kawayan na ang ibig sabihin ay Bamboo Floaters.  Pinaniniwalaan din na ang kasaysayan ng lugar na ito ay nagmula nang dumating ang mga Kastila sa isla ng Panay mula sa Cebu noong 1569. Nadatnan ng mga dayuhan ang mga tao sa nasabing isla na may maraming tato sa katawan, kaya pinangalanan nila ang Panay na Isla de Pintados (Island of the Painted Ones).
  69. 69. Ang mga unang naninirahan sa isla ay mga Aetas. Aninipay din ang tawag sa kanila dahil sa mga pananim na nakapaligid dito.  Ang wikang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Negros Occidental, Iloilo, at Capiz. Kilala rin ang wika sa tawag na Hiligaynon. Ang wikang Hiligaynon ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas.
  70. 70. ANG MGA SUBANON  Ang mga Subanon ay tinatawag ding Subanu, Subano, at Subanen. Ang Subanon ay hango sa mga salitang soba o suba na ang ibig sabihin ay ilog at ang hunlaping –nun o –non ay nagsasaad ng lokalidad. Kung kaya ang ibig ipakahulugan ng Subanon ay mga mamamayan ng ilog.  Ang mga Subanong naging Muslim ay
  71. 71.  Ayon sa pananaliksik ni Dr. Carmen Lozano ng Western Mindanao State University, ang ilang paniniwala at kaugalian ng mga Subanon ay ang mga sumusunod: Walang paraan ng panliligaw sa mga Subanon. Maliit pa lamang ang kanilang mga anak, maaari na nilang ipagkasundo ang mga ito sa kanilang kaibigan o kapitbahay. Sa pag-aasawa, ang mga Subanon ay may dowry rin; tinatawag nila itong tugday o sunggudan. Limandaang piso ang minimum ng sunggudan. Bukod sa tugday
  72. 72. na hinihingi ng magulang ng babae, hihingi rin sila ng pitong buhay na manok, tatlumpu’t isang pirasong itlog, baboy, at bigas para sa kanilang salo-salo na gaganapin sa bahay ng babae. Ang paraan ng panganganak ng mga Subanon ay simple lang. Ginagawa ito sa pamamagitan lamang ng hilot na sa mismong bahay ng manganganak isasagawa. Hindi maaaring ilabas ng bahay ang bata hanggat hindi pa naisasagawa ang kano o pagdarasal
  73. 73. Tatlong araw matapos isilang ang sanggol, kailangang isagawa na ang kano o pagdarasal upang ilayo ang sanggol sa anumang kapahamakan.  Sa paglilibing naman ng namatay, may kakaiba silang paraan. Ibinabalot nila ang bangkay gamit ang balat ng punungkahoy.
  74. 74. ANG MGA YAKAN  Ang mga Yakan ay tumutukoy sa nakararaming grupong Muslim sa Basilan, isang isla sa bahaging timog ng Mindanao. Tinatawag sila ng mga Kastila na mga Sameacas at tinuturing silang Malayo. Minsan, tinatawag din silang mga kalaban ng taong bundok  Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Yakan. May sinusunod na ritwal at dasal ang mga Yakan sa pagtatanim hanggang sa pag-aani. Ito ay pinangungunahan ng kanilang Imam.
  75. 75.  Sa Muslim na Yakan, ang mundo ay nahahati sa dalawa: Dar-UI-Islam (tirahan ng mga Islam) at Dar-UI-Harb (tirahan ng mga di-naniniwala). Para sa Yakan, ang langit ay isang lugar kung saan matatagpuan ng kaluluwa ang kaligayahan, kasiyahan, at kapayapaan. Para sa kanila, ang langit ay may walong andana. Ang ikalawang andana ay ang dimensyon ng Diyos na kung saan di maaabot ng sinuman hangga’t hindi pinagsisikapan dito sa daigdig.
  76. 76. ANG MGA BADJAO  Ang terminong Badjao na nangangahulugang mga mangingisda (Llamzon, 1978) ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa karagatan o dalampasigan ng mga kapuluan sa Sulu na binubuo ng mga probinsya ng Sulu, Tawi-Tawi, at Katimugang Palawan. Ipinalalagay na bahagi sila ng Samal o Sama, isang etnikong grupong Muslim na nakabase sa lupa. Ang mga Badjao ay karaniwang naninirahan sa mga bangka. Sila ay mga hitano o hitana ng dagat na walang relihiyon. Ang mga
  77. 77.  Ipinagpapalagay ng ilan na ang Badjao ay katulad ng maliliit na pangkat ng mga Samal Laut (mga Samal na naninirahan sa dagat) o Samal Tonqongan (totoong Samal). Gayunpaman, itinuturing ni Bluementritt (1892) na ang Samal Laut at Badjao ay dalawang magkaibang grupo. Unang dumating ang mga Samal Laut bago ang mga Badjao at nanirahan sila sa kapuluan ng Samales na matatagpuan sa pagitan ng Jolo at Basilan.
  78. 78.  Naiiba sila sa Samal de Lea o Samal Dea o Samal Lipid (mga Samal na naninirahan sa lupa) o Samal ha Gimba (Samal sa kagubatan) na Samal o Sama sa simpleng katawagan. Tinatawag na Luwaan (tagalabas o itinakwil) ng mga Tausug ang mga Badjao at Palau (lumulutang na mga tao) kung saan nagmula ang pangalan ng isla ng Palawan. Ang salitang Palau ay ibang katawagan sa Paraw (bangka). Pinangangalanan din silang Kuto Dagat o Kuto Tahik (mga kuto ng dagat) ng mga Tausug at Samal. Gayunpaman, sinasabi ng mga Badjao na sila ay mga Samal o
  79. 79.  Sinama ang tawag ng mga Badjao sa kanilang wika, na diyalekto ng wikang Samal. Ang iba nama’y Badjau, Badjaw, o Badjao ang tawag sa kanilang wika upang maiba sa salitang ginagamit ng mga Samal na naninirahan sa lupa. May tatlong uri ng Badjao batay sa kanilang tinitirhan; mga sedentary, o iyong namamalagi sa isang lugar at may negosyo, gaya ng halimbawa ng mga Badjao na nasa Sitangkai, isang munisipyo sa probinsya ng Tawi-Tawi; mga semi sedentary na gumugugol ng
  80. 80. na bangka at bahay sa baryong Sisangat sa pulo ng Siasi; at ang mga gypsies o mga hitano o hitana ng dagat na naninirahan sa mga bahay na bangka na animo’y naglalakbay na mangingisda na naghahanap ng mayamang lugar na mapangingisdaan.
  81. 81. ANG MGA TAUSUG  Ang pangalang Tausug ay nagmula sa salitang “tau” na ang ibig sabihin ay “tao” at “sug” na ang ibig pakahulugan nama’y “agos” na kapag pinagsama ay “mga taong agos.” Ito’y tumutukoy sa karamihan ng mga Muslim sa kapuluan ng Sulu. Nagmula ang pangalan sa salitang “Sulug o “Sug” na ang ibig sabihin sa Tausug ay “agos ng karagatan.”
  82. 82.  Bahasa Sug ang sinasalita ng mga Tausug, isang Malayo-Polynesian na wika na tulad sa Bisaya na sinasalita sa Surigao na nasusulat sa hablun o paghahabi.  Pagsasaka, pangingisda, at pangangalakal ang mga pangunahing pang-ekonomiyang gawain ng mga Tausug na nahahati sa dalawang pangkat: ang Parianon (mga taong nakatira sa sentro o sa lupain) at ang Guimbahamon
  83. 83.  Ang sistema ng kanilang pangangalakal ay umaabot hanggang sa mga bansa ng timog-silangang Asya gaya ng Borneo at Malaysia.  Ang biyatawi ay isang kasuotang pambabae na gawa sa satin at maaaring may ginto o pilak na butones. Ang patadyong ay isang kasuotan na maaaring gamitin ng lalaki at babae. Sawal din ang tawag sa suot na pajama ng mga lalaki (Amilbangsa, 1983).
  84. 84. ANG MGA MANOBO  Ang Manobo, Minuvu o Manuvu ay nangangahulugang “tao” at ang suba ay “ilog” (taong taga-ilog). Hinango rin ito sa “Bonobo,” ang pangalan ng sapa na dumadaloy sa ilog Pulangi na may dalawang kilometro sa ibabang lungsod ng Cotabato. Ang mga Manobo ay mga taong nanggaling sa Timog Tsina, ilang libong taon na ang nakaraan at unang nakarating pa sa hilagang Mindanao, Camiguin, Cagayan at sa ibang lugar
  85. 85. Bukidnon at Misamis Oriental. Karamihan sa mga Manobo ay naninirahan sa tabing-ilog, lambak, at burol sa Agusan, Bukidnon, Cotabato, Davao, Misamis Oriental, at Surigao del Sur (CCP Encyclopedia of Philippine Arts, 1994). Ang mga Manobo ay nagsasagawa ng pagkakaingin. Ang ilang naninirahan sa lambak ay nagtatanim ng palay; bigas ang kanilang pangunahing produkto. Ang iba pang ikinabubuhay nila ay pangingisda at pangangaso. Dahil sa ganitong klase ng pang-aagdong buhay, nagpapalipat-lipat ng tirahan ang mga Manobo o walang permanenteng tirahan
  86. 86. ANG MGA MAMANUA  Ang mga Mamanua ay mga katutubo ng hilagang-silangang Mindanao. Napakasimple lamang ng pamumuhay ng mga Mamanua. Sila’y mga taong maituturing na nomads o mga taong palipat-lipat lamang ng tirahan dahil sa paraan ng kanilang pamumuhay. Minsan, sila’y tinatawag na Konquista, Kongking, Amamanua, at Mamaw. Ang pangalang Mamanua ay nangangahulugang first forest dwellers na galing sa salitang man na ibig sabihin ay first at banwa na ang
  87. 87. ANG MGA MAGUINDANAON  Nakatira sa timog-silangang bahagi ng Mindanao ang mga Maguindanaon. Nang mahiwalay raw ang magkapatid na Tabunaway at Mamalu,ang una at ang kanyang mga tagsunod ay umalis sa kanilang kinagisnang nayon at naghanap ng pook na kanilang matitirhan. Ang tanong na kung saan sila titira ay nagkaroon ng kasagutan, “Maginged tano sa danao” na ang kahulugan ay “tumira tayo sa palibot ng lawa.”
  88. 88. Dito nagmula ang pangalang, “Maguindanaon” nang pagdugtungin ang dalawang katutubong salitang, “maginged” at “danao”. Ang salitang “maginged” ay maaaring nangangahulugang “ang mga nakatira o titira” at ang salitang “danao” naman ay “lawa” sa salitang Maguindanaon (Alfanta, 1975 -76).
  89. 89. ANG MGA MARANAO  Mga Maranao ang tawag sa mga naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa o Lanao, na siyang pangalawang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang orihinal na tawag sa lalawigang ito’y Ranao na nangunguhulugang lawa o lanaw at ang mga naninirahan dito ay tinatawag na Maranao (naninirahan sa may lawa).  Mahalaga sa mga Maranao ang kanilang maratabat o pride. Ang salitang maratabat ay nangunguhulugan din na amor proprio
  90. 90. ANG MGA IRANUN  Ang Iranun ay isa sa etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas (Tumangan, 1990). Matatagpuan ang mga Iranun sa ilang bahagi ng Pilipinas at may ilan ding naninirahan sa Sabah, isang estado ng Malaysia na malapit sa Tawi-Tawi. Gayunpaman, sa Mindanao partikular sa Lanao, nagmula ang nabanggit na etnolinggwistikong pangkat.
  91. 91.  Ang salitang Iranun ay nagmula sa terminong I-ranao-on, na nangangahulugang “people of the lake” o mga tao sa lawa (Ranaw), katulad ng salitang Maranao (Saber, 1985). Ang mga Iranun/Iranon/Ilanun ay sinasabing nabuo mula sa mga Maranao at Maguindanaon. Napahiwalay sila sa mga Maranao dahil tumira sila sa tabi ng Ilana Bay samantalang nanatili sa Lake Lanao ang mga Maranao.
  92. 92. ANG MGA ZAMBOANGUENO O TAGA- LUNGSOD NG ZAMBOANGA  Itinuturing ang lungsod ng Zamboanga na sentro ng hanapbuhay at pangangalakal sa timog Mindanao. Ang bapor na nanggagaling sa hilaga at sa malayuang timog ay nakukuha ang madaliang ruta sa pamamagitan ng Basilan Strait o di kaya’y sa daang-kanluran ng Basilan o sa hilagang Mindanao sa loob ng Pasipiko (Malonzo, 1970).
  93. 93.  Chavacano ang wikang sinasalita ng mga Zamboangueno. Ito ay tinatawag na Spanish creole, isang katutubong wika sa Pilipinas na dominante ang salitang Kastila. Gamit ang panandang ya, ta, at ay, malalaman natin kung ang panahunan o aspekto(tense) ng pandiwa ay perpektibo, imperpektibo, at kontemplatibo. Halimbawa, Ya canta si Jomax (Umawit si Jomax); Ta canta si Jomax (Umaawit si Jomax); at Ay canta si Jomax (Aawit si Jomax).
  94. 94. ANG KULTURA NG MGA PILIPINO NA KAUGNAY NG KANILANG PANINIWALA ANIMISMO (ANIMISM) - ang animismo ay ang paniniwala sa mga ispiritu na laganap sa pagsasaka at pangingisda. PATALISMO (FATALISM) - nangangahulugan ito ng pananalig at pagpapaubaya ng kapalaran sa swerte, tadhana, bwenas, malas –lahat ng paniniwala ukol sa kapalaran, katalagahan, horoscope, numero/bilang,
  95. 95. EUPEMISMO (EUPHEMISM) - nangangahulugan ito ng pagpapahayag ng di-kagiliw-giliw na katotohanan, opinyon o pakiusap na masasabing pinapalabas na parang magiliw at kaaya- ayang pakinggan. Ito ay ang paggamit ng white lies para maging kasiya-siya at kalugod-lugod ang pagsasalita. PAKIKISAMA - ito ay nangangahulugang sumasang- ayon sa kagustuhan at kapasyahan ng
  96. 96. EMOSYUNAL NA PAGKAKALAPIT AT KAPANATAGAN NG PAMILYA - may inaasahang gantihang pagtutulungan at kaisahan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya sa emosyunal at pinansyal na aspekto. EKONOMIKO AT PANLIPUNANG PAGPAPAUNLAD - hangarin ng bawat pamilyang Pilipino na maiangat ang pamantayan ng pamumuhay ng kanyang mag-anak at
  97. 97. UTANG NA LOOB - sa pangkalahatang pananaw, nangangahulugan itong pagbabalik ng pabor bilang ganti o kabayaran. PERSONALISMO (PERSONALISM) - ipinakikita sa paniniwalang ito ang paggamit ng pakiusap (request), lagay at areglo (bribery and case fixing), palakasan, kapangyarihan, impluwensya, nepotismo, at pagkiling.
  98. 98. NINGAS COGON - tumutukoy ito sa pagpapakita ng interes at kawilihan sa simula ng proyekto ng isang buong samahan. Ngunit dumarating ang pagkakataon at panahon na biglang naglalaho ang kasiglahan at kawilihan hinggil sa anumang gawain. MANANA HABIT - ito ay nangangahulugang pagpapabukas o pagpapaliban ng isang gawain na maaari namang gawin at isakatuparan sa araw na yaon.
  99. 99. PAGKAMAGILIW SA PAGTANGGAP NG PANAUHIN (HOSPITALITY) - tanyag ang mga Pilipino sa kanilang ugali na pagiging mapagtanggap at mapagbigay sa mga panauhin sa kanilang tahanan. Mahilig silang magbahagi ng anumang bagay na maaari nilang ialok sa panauhin kahit mismong sarili nila ay napagkakaitan ng mga pangangailangan.
  100. 100. PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN - may mahalagang layunin o silbi ang mga pagdiriwang o selebrasyon na isinasagawa ng tradisyunal na lipunan. Pinagtitibay nito ang katapatan, katatagan, at kaisahan ng pamilya; nagbibigay daan ito upang magkaroon ng mga bagong kaibigan at kasamahan. Subalit pinupuna ang ganitong pagdiriwang dahil nababaon sa utang ang mga Pilipino para lamang makapaghanda sa panahon ng kapistahan.
  101. 101. ANG SARILING PANITIKAN AT ANG KAHALAGAHAN NITO  Ang Pilipinas tulad ng ibang bansa ay may sariling panitikan. Ito ay tinatawag na Panitikang Pilipino. Kailangang malaman ng bawat Pilipino ang panitikan ng kanyang bansa dahil dito niya makikilala at masusuri ang kanyang pagkatao at pansariling pagkakakilanlan. (Sebastian at Nicasio, 1965:3).
  102. 102.  Ang Panitikang Pilipino ay pahayag na salita o pasulat ng mga damdaming Pilipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino (Panganiban, 1950: 4).  Napakahalagang mapag-aralan ang Panitikang Pilipino dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: 1. Malaman ang sariling kultura ng Pilipino, pati ang kanilang kasaysayan, at nakikilala rin ang mga luwalhati ng kanilang lahi tulad ng mga bayani.
  103. 103. 2. Mapag-aaralan at makikilala ng mga mamamayan ang kanilang sarili at maunawaan din nila ang katangian ng pagkatao ng iba pang Pilipino. Ito ay magsisilbing batayan upang maging matibay at matatag ang kanilang pagkakilala sa kanilang pagkalahi. 3. Makilala ang kahusayan at kagalingang pampanitikan upang lalo itong mapaganda, mapaunlad, mapadalisay at mapayabong. Maaari ring upang mabatid ang mga kapintasan, kahinaan, at
  104. 104. Panitikang Pilipino nang makapagsanay at maiwasto ito upang hindi na maulit ang mga nasabing kapintasan. 4. Makita at mabatid ang malaking kahalagahan at papel na ginagampanan ng Filipino na siyang wikang pambansa ng Pilipinas bilang midyum at behikulo sa pagpapahayag at pagsasalarawan ng saloobin, mga pangarap, layunin, adhikain, paniniwala, pag-uugali, mga karanasan, at mga gawain sa pang-araw- araw na buhay.

×