SAUDI ARABIA
Kabisera : Riyadh
Wikang opisyal : Arabic
Katawagan : Saudi, Saudi Arabian
Pamahalaan Unitary Islamic Absolute
Monarchy
Salapi: Saudi Riyal (SR) (SAR)
Banal na Aklat: Quran
Hari: Salman bin Abdulaziz al-Saud
Lokasyon nang Saudi Arabia
Napapalibutan halos lahat ng disyerto
ng Arabya at ng iba pang maliit na
mga disyerto ang Saudi Arabia.
Naghahanggan ito sa Jordan , at sa
Iraq sa hilagang silangan at, sa
Kuwait, Qatar, at sa United Arab
Emirates sa silangan. Sa Yemen sa
timog.
Nakaugnay din ito sa Bahrain sa
pamamagitan ng King Fahd Causeway
Pambansang Watawat ng Saudi Arabia
Ang kulay berde sa watawat ng Saudi Arabia
ay sumisimbulo sa tradisyunal na kulay ng
Islam na nag-uugnay sa propetang si
Mohammad na syang nagtatag ng Islam at
dinastiya ng Fatimid.
Ang putting sulat na tinatawag na
“Shahada” ay ang salaysay ng
pananampalataya ng mga Muslim na kapag
isinasalin sa wikang Ingles, ang ibig sabihin
ay “ There is no God but Allah and
Mohammad is the Prophet of Allah.”
Ang espada ay simbulo ng hustisya at
nagpapakilala sa unang hari ng Saudi Arabia
na si Abdul Aziz ibn Saud
Meka o Mecca
Ito ang pinakabanal na lungsod sa
mundo ng Islam
Matatagpuan ito sa Saudi Arabia.
Taon –taon milyon-milyong mga
Muslim ang naglalakbay dito.
Ang paglalakbay ay tinaawag na
Hajj, kung saan sinusundan ng mga
Muslim ang mga yapak ni
Muhammad.
Sheikh Muhammad Ibn Abd al- Wahhab
at Prinsipe Mohammad ibn Saud
Sila ang unang
nagtatag ng Saudi
Arabia noong 1744
kasama ang ibang
kapanalig sila ang
nagging
makapangyarihang
estado sa Arabia.
Haring Abdulaziz o Ibn Saud
Unang hari ng monarkiya ang
kanyang pamamahala ay
batay sa relihiyong Islam
Nang mamatay siya ay
pinalitan siya ng ng knyang
anak na si Haring Saud kung
saan nasakop niya ang Gulf
of Aqaba
Sa maikling salita ang
pamilyang Saud ang
nagsunod-sunod na na
namuno sa Saudi Arabia
Haring Faisal
Siya ang pumalit kay haring
Saud
Nagawa niyang makuha nang
buo ang Arabian –American Oil
Company (ARAMCO) at lumaki
ang kita ng pamahalaan.
Pinaslang siya noong 1975
Haring Khalid
Siya ang pumalit sa trono ng
patayin si Haring Faisal
Mahigpit niyang pinatupad
ang mga patakarang
Islamiko at konserbatibo.
Namatay siya sa taong
1982.
Prinsipe Fahd bin Abdullah
Siya ang pumalit sa
trono ng mamatay si
Haring Khalid
Haring Abdullah
Kapatid ni haring Fahd
bin Abdulaziz.
Siya ang pumalit sa
trono noong 2005.
Namatay siya noong
Enero 2015
Haring Salman bin Abdulaziz al-Saud
Siya ang
kasalukuyang hari
ng Saudi Arabia
Dhahran 1938
Dito unang natagpuan ang diposito ng
langis.
Arabia Standard Oil Company o Arabian –
American Oil Company (ARAMCO) ang unang
nakatuklas langis.
LANGIS NG SAUDI ARABIA
(pangunahing pinagkukunang yaman ng pamahalaan)
50% o kalahati ng kita ang ibinibigay ng AMARCO sa
pamahalaan ng Saudi Arabia
Taong 1974, 60% ng AMARCO ang nagging pag-aari ng
Saudi Arabia
Taong 1980,napasakamay ng Saudi Arabia ang control sa
industriya ng langis
22% ng suplay ng langis sa buong mundo ay galing sa
Saudi Arabia.
87% kita ng kanilang pamahalaan ay sa industriya ng
langis nagmumula.
Mga kabutihang naidulot ng napakalaking
kita nila sa industriya ng Langis
Ginagamit nila ito sa modernisasyon at pangangalaga sa mga
mamamayan
Kahit hindi nangungulekta ng buwis, ang mga mamamayan ay
may libreng pangangalaga ng kalusugan at edukasyon.
Myroon silang sapat na pera para sa imprastruktura, depensa at
iba pang kailangan
Taong 2023, naglaan si Haring Abdullah ng sampung milyon para
tulungan ang kanyang mamamayan para sa pag bili ng
bahay,pagsimula ng Negosyo, at pag-aasawa.
Mga pagbabagong naganap sa taong 2011
sa katayuan ng mga kababaihan:
Sa taong 2011 ang mga babae na dating sa
tahanan lamang ay pinayagang bumoto sa
mga local na eleksyon at magsilbi sa mga
konseho sa mamayan
Dahil sa impluwensiya ng Saudi Arabia;
Naging intrumento ang Saudi Arabia sa
pagtutol sa Islamic United Republic ni Gamal
Abdel ng Egypt.
Paglaban sa mga rebelde sa mga katabing
bansa.
Pagsugpo sa Persian Gulf War, at pangangalaga
sa mga lumikas na mamamayan ng Kuwait.
Hindi natin maikakaila na ang Saudi
Arabia ay isa sa mga pinakamayan at
pinaka maimpluyensiyang bansa sa
boung mundo mapa politika man o
rehiyon dahil sa kanilang likas na
yaman.
Mga katanungan:
1. Sino ang kasalukuyang hari ng Saudi Arabia?
2. Ano ang kabisera ng Saudi Arabia?
3. Saan at kailan unang natuklasan ang diposito ng langis ng Saudi Arabia?
4. Ano ang kahulugan sa wikang Ingles ng salitang nakasulat sa watawat ng Saudi
Arabia?
5. Sa anong taon tuluyang napasakamay ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang pag
kontol sa industriya ng langis.