2. •Ang panahon sa kasaysayan ng Europe kung
saan naging aktibo ang mga bansa na maglayag
sa iba’t ibang lugar upang tumuklas ng mga
bagong lupain ay tinatawag na Panahon ng
Paggalugad at Pagtuklas. Naganap ang
mga paglalayag na ito mula 1400s hanggang
1600s. Sa mga panahong ito, naging malawak
ang kaalaman ng mga Europeo ukol sa
heograpiya ng daigdig. Maraming bagong lupain
ang natuklasan at pagkaraan ay isinailalim sa
kanilang kapangyarihan.
3. •Mayroong tatlong pangunahing dahilan
kung bakit nagsagawa ng mga
ekspedisyon ang mga Europeo upang
makatuklas ng mga bagong lupain. Ito ay
maibubuod sa pamamagitan ng Gold,
God, at Glory o 3K’s- Kayamanan,
Kristiyanismo at Kapangyarihan.
5. Ang paghahangad ng kayamanan para sa sarili at bansa sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng ginto at yamang likas mula sa
matutuklasang bagong lupain ang dahilan kung kaya’t maraming
mangangalakal at monarko ang nagtaguyod ng mga malalayo at
mapanganib na ekspedisyon.
Sa mga panahong ito, ang pagpapalitan ng produkto sa pagitan ng
mga Asyano at Europeo ay kontrolado ng mga Arabeng Muslim dahil
sakop nito ang mga rutang pangkalakalan mula sa silangang Asya
patungo sa rehiyong Mediterranean. Ang mga produktong nanggaling
sa mga Muslim ay ipinagbili sa mga mangangalakal sa Italy na may
monopolyo o eksklusibong may kontrol sa kalakalang ito. Ang mga
produktong Asyano mula sa Italy ang ipinagbibili sa iba pang bahagi
ng Europe sa mas mataas na halaga.
6. •Maraming mangangalakal at maging ang
mga monarko mula sa England, France,
Spain at Portugal ang tutol sa pagkontrol
ng mga mangangalakal na Italian at
Muslim. Nag-isip ng paraan ang mga
nasabing monarko upang tuwiran ang
kanilang kalaklan sa mga Asyano at hindi
na kailangan pang dumaan sa mga
mangangalakal sa Italian at Muslim.
8. • Ang pagnanais na maipalaganap ang
Kristiyanismo ay isa sa dahilan kung kaya’t
nanggalugad ng mga bagong lupain ang mga
Europeo. Naniniwala sila na kanilang
tungkulin na ibahagi sa lahat ng tao ang
mabuting balita ni Hesus at binyagan sila sa
relihiyong Kristiyanismo. Ito rin ay isang
paraan upang kalabanin ang mga Muslim na
patuloy na ipinalalaganap ang relihiyong
Islam.
10. • Ang isa sa nagbigay ng katanyagan sa mga bansa sa Europe ay ang
pagkakaroon ng maraming bagong tuklas na lupain. Dahil sa
mapanganib at magastos ang pagsasagawa ng mga ekspedisyon
upang manggalugad ng mga bagong lupain, isang malaking
karangalan sa hari at sa buong bansa ang magtagumpay na
makatuklas ng lugar. Mas magiging tanyag at dakila ang isang hari o
bansa kung mas maraming bagong lupain na matutuklasan nito.
• Halimbawa na lamang ay ang pagdaong ng ekspedisyon ni
Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong Marso 17, 1521. Nagdulot
ito ng karangalan sa mga Espanyol bilang kaunaunahang Europeo
na nakatuklas ng kapuluan.Naging kapakipakinabang ang
pagkakatuklas na ito sa mga Espanyol nang gawing kolonya ang
ating bansa sa loob ng 333 tao mula sa 1565 hanggang 1898.
12. •Ang Portugal ay ilan lamang sa mga bansang
Europeo na apektado ng monopolyo ng kalakalan
ng mga Muslim at Italian. Dahil ang naturang
bansa ay matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng
Europe at malayo sa rehiyong Mediterranean,
hindi naging madali para sa mga Portuges ang
makipagkalakalan sa Italy kung kaya;t nagnais
silang makahanap ng iba pang rutang
pangkalakalan. Dito sinubukanng mga Portuges
na maglayag sa Atlantic Ocean.
13. •.Nagsimula ang kanyang paggalugad noong 1415
sa lungsod ng Ceuta sa Hilagang Africa nang
tumulong siya na sakupin ang nasabing lugar.
Dito niya natuklasan ang mga nakaimbak na
pampalasa na hinahangad ng mga Europeo at ang
mamahaling mineral tulad ng ginto at pilak. Dahil
dito, nagbalak si Prince Henry na tuklasin ang
lugar kung saan nagmula ang mga nasabing
produkto.
15. Dalawang mga manlalayag na Portuges ang
naging tanyag sa panahon ng paggalugad.
• A. Bartolomeu Dias – ang pangkat ng mga manlalayag na Portuges
na tumahak sa kanlurang bahagi ng Africa patungong timog ng
kontinente. Siya ang unang Europeo na naktuklas ng Cape of Good
Hope. Sa una, tinawag niya itong bilang Cape of Storms dahil
sinalanta sila ng bagyo noong panahong iyon. Ngunit, pinalitan ang
pangalan nito ni Haring John II ng Portugal at tinawag Cape of Good
Hope dahil naniniwala siya na ang nasabing lugar ay nagbibigay ng
pag-asa sa kanilang mithiin na makarating sa Asya sa pamamagitan ng
pagtawid sa silangang direksyon nito. Hindi nagkamali si haring John.
Pagkaraan ng sampung taon, natuklasan ng isang magiting na
manlalayag ang bagong ruta patungong India.
17. B.Vasco da Gama
Vasco da Gama ay isang Portuges na nakatuklas ng tuwirang
ruta patungong India sa pamamagitan ng paglayag sa Timog
Africa at pagtawid sa Indian Ocean. Noong 1498, narating ng
pangkat ni Vasco da Gama ang Calicut, India at namangha sila
sa produktong ipinagbibili ng mga katutubo dito. Ilan sa mga
ito ay pampalasa tulad ng cinnamon at sili. Isama pa rito ang
mga ginto, pilak, at iba pang mamahaling bato. Nakabalik si
Vasco da Gama sa Portugal noong 1499 at malugod na
tinanggap. Dahil sa kanya nagkaroon ng tuwirang ruta ang
Portugal sa India sa pamamagitan ng timog na ruta.
18. •Sa pagkakatuklas ng mga Portuges ng iba pang
ruta maliban sa rutang hawak ng mga Muslim at
Italian, sumunod na ang iba pang bansang
Europeo tulad ng Spain, France, at England
sa yapak ng mga Portuges. Dito nagsimulang
magpaligsahan ang mga Europeo sa paggalugad
at pagtuklas ng mga bagong lupain hindi lamang
upang makipagkalakalan kundi upang isailalim
ang Asya sa kanilang kapangyarihan at gawing
kolonya.
19. • Sa pagkakatuklas ng mga Portuges ng iba pang
ruta maliban sa rutang hawak ng mga Muslim at
Italian, sumunod na ang iba pang bansang
Europeo tulad ng Spain, France, at England
sa yapak ng mga Portuges. Dito nagsimulang
magpaligsahan ang mga Europeo sa paggalugad
at pagtuklas ng mga bagong lupain hindi lamang
upang makipagkalakalan kundi upang isailalim
ang Asya sa kanilang kapangyarihan at gawing
kolonya.
22. •Ang Portugal ay nakakuha ng maraming piling lugar sa Asya.
Noong 1502 nagbalik at nagtatag si Vasco da Gama ng
sentro ng kalakalan sa may Calicut sa India. Mga daungan
ang piniling sakupin ng Portugal upang makontrol ang
kalakalan. Noong una ang kanilang motibo o paraan ay
pangkabuhayan o pang-ekonomiya lamang hanggang sa
ipinasok ang Kristyanismong Katolisismo sa mga
nasasakupan nito. Sa kalagitnaan ng ika-16 na siglo, ang
Portugal ay nagkaroon ng malawak ng sakop sa Asya.
Noong 1580, sinakop ng Spain ang Portugal ng 60 na taon.
Nang makalaya ang Portugal noong 1640, ang kanyang mga
kolonya ay nakuha nang England at France.
23. • Maliban sa Spain at Portugal, nakipagpaligsahan rin ang
England. Sa pamamagitan ng Italyanong marinero na si John
Cabot, napasailalim ng England ang Nova Scotia, Canada.
Nang matalo ng England ang Spain Armada noong 1588,
ibinuhos ng England ang kaniyang atensiyon sa kalakalan. Sa
pamamagitan ng English East India Company, naitatag ng
England ang sentro ng kalakalan sa India. Nakapagtatag din
ito ng permanenteng panirahan sa Hilagang
Amerika.Sinundan ito ng pagsakop ng Ceylon, Malaya, at
Singapore pati na rin ang new Zealand at mga pulo ng
Hilagang Pasipiko.
25. • Ginamit ng England sa India noong 1600 ang British East India Company, isang
pangkat na mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng pamahalaang England
nang kaukulang kapangyarihan upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop
nito at pangalagaan din ang interes nito sa ibayong dagat.Pagdating ng 1612
nabigyan ng permiso ang Ingles para makapagtatag ng pagawaan sa Surat. Hindi
ito nagustuhan ng Portugal dahil sila ang naunang nanakop. Pagdating ng 1622,
tinulungan ng Ingles ang mga Persian laban sa Portugese dahil dito nakapagtatag
ng sentro ng kalakalan sa kanluran at silangan baybayin ng India. Ang British East
India Company ay nakakuha na ng concession(pagbibigay ng espesyal na
karapatang pangnegosyo) sa Madras mula sa rajah ng Chandragiri. Noong 1668
pinaupahan na ni Haring Charles ang sa delta ng Ganges nakakuha ng kapirasong
lupain ang Inlges sa pagpayag ni Emperador Aurangzeb, ang lider ng Imperyong
Mogul madaling nasakop ang India dahil watak-watak ang mga estado nito at
mahina ang liderato ng Imperyyong Mogul na siyang naghahari sa India. Noong
una, pangkabuhayan ang dahilan ng England sa pagpunta sa India. Nang Makita
ag malaking pakinabang sa likas na yaman nito, tuluyang sinakop ang India ng
England.
26. • Noong ika-18 siglo nasakop ng France ang Laos, Conchin China, Cambodia, at
Annam sa Asya. Ang France ang pangatlong bansa na gustong sumakop sa
bansang India, nakipagsabwatan ito sa pinunong lokal ng Bengal. Ginamit nito
ang French East India Company na naitatag noong 1664. Nakapagtatag din ang
France ng pamayanang pangkomersiyal. Nagtapos ang interes na ito ng
nagkaroon nang labanan sa Plassey nang pitong taong digmaan sa pagitan ng
England at France sa tulong ni Robert Clive, na siyang nagtatag nang tunay na
pundasyon ng Ingles sa India. Ang England ay nagtagumay laban sa France.
Ang England ay nananatiling matatg na mananakop ng India.
• Ang unang hakbang na ginawa ng Netherlands sa pagkakaroon ng mga
sakop na lupain ay ang pagbubuo ng Dutch East India Company . Isa itong
kompanya ng mga mamumuhunan na binuo upang mapalawig ang kalakalan
sa pamamagitan ng pananakop ng lupain. Napasailalim ng Netherlands ang
East Indies(Indonesia sa kasalukuyan)
27. • Kanlurang Asya
• Sa Unang Yugto ng imperyalismo at kolonyalismo sa Kanlurang Asya ay hindi
pa nagkainteres ang mga Kanluranin dahil ito ay sakop ng mga Turkong
Ottoman. Ang naghahari sa panahong ito ay ang relihiyong Islam. Noong 1507,
nakuha ang Oman at
• Muscat ng mga mangangalakal na Portugues
• ngunit pinatalsik naman ng mga Arabe noong 1650. Noong 1907, ang Bahrain
ay naging protectorate ng Great Britain ngunit hindi rin nagtagal, pinatalsik ang
mga British ng isang Heneral na si Shah Reza Pahlavi.
• Ang Portugal, England, at France ang mga bansang Kanluranin na nakarating
sa India. Sa pag-iral ng prinsipyong pang-ekonomiyang merkantilismo, ang mga
bansang Kanluranin ay may iisang layunin sa pagpunta sa Asya, ang makasakop
ng mga lupain. Sa huli ang England ang nagtagumpay para maisakatuparan ang
interes sa likas na yaman at mga hilaw na materyales ng India. Samantalang
ang Kanlurang Asya ay hindi agad nasakop dahil sa panahong ito
pinaghaharian pa ito ng napakalakas na Imperyong Ottoman., at pinagtibay ng
pagakaisa dahil sa relihiyong Islam na ipinalaganap at tinanggap sa rehiyon.
28. • .Pagtukuy ng Dayuhan:
• Panuto: Kilalanin ang mga Europeong inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang
titik.PO-Portugues, DU-Dutch, PR-Pranses, ES- Espanyol & IN-Ingles
•
• _____1. Nagtatatag ng Dutch East India Company
• _____2. Umangkin sa Pilipinas sa loob ng 333 na taon
• _____3. Unang nagtatag ng sentro na kalakalan sa Calicut, India.
• _____4. Ang mga taong naninirahan sa Netherlands.
• _____5. Nasakop ang Laos, Conchin China at Cambodia
• _____6. Nakatuklas ng bagong ruta mula Europe patungong Africa (Cape of Good Hope)
• _____7. Nananakop sila sa Ceylon, Malay at Singapore
• _____8. Nagtatag ng English East India Company sa India
• _____9. May control sa Malacca pagkaraan ng mga Portuges
• _____10. Ginamit ang French East India Company na itinatag noong 1664
29. • Panuto: (TAMA O MALI)
• Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama at M kung mali at palitan ang
salitang may salangguhit para maging tama. Isulat ang sagot sa sa patlang.
• _________ 1. Mayroong tatlong pangunahing dahilan kung bakit nagsagawa ng mga ekspedisyon
ang mga Europeo , Gold, God, at Glory.
• _________ 2. Ang Portugal, England, at France ang mga bansang Knaluranin na nakarating sa
India.
• __________3. Ang Spain at Portugal ang nagpaligsahan sa pagtuklas ng mga bagong lupain.
• __________4. Ang Portugal ay sumakop sa Pilipinas sa loob ng 333 taon.
• __________5. Pampalasa ang hinahanap ng produkto mula sa Moluccas.
• __________6. Ang Kanlurang Asya ay hindi agad nasakop dahil sa panahong ito pinaghaharian pa
ito ng napakalakas na pangkat na Amerikano.
• _________7. Ang Muslim sa kanlurang Asya ay pinagtibay ng pagakaisa dahil sa relihiyong Islam .
• _________8. Si Ferdinand Magellan ay nakatuklas ng bagong ruta mula Europa patungong Asya
na dumaan sa dulo ng Africa.
• ________ 9. Ang East Indies noon ay Indonesia ngayon.
• ________10. Ang England ay nananatiling matatag na mananakop ng India.
32. • Nang magtagumpay na masakop ng mga Ingles ang
India, ito na rin ang dahilan upang unti-unti ay
magkaroon ng kamulatan at kaisahan ang mga
Indian. Sa kabila ng maraming wika at iba’t-ibang
pananampalataya, nagkaisa sila laban sa mga Ingles
na maging sagabal sa kanilang pag-unlad at
pagbubuo ng isang malayang bansa. Si Mohandas
Gandhi ang naging inspirasyon at isang katangi-
tanging pamamaraan ng pagtutol ang kanyang
pinasimulan. Ito ay ang ahimsa o mapayapang
pagtutol.
33. •Sa ilalim ng kolonyalismo sa India pinakinabangan ng
mga Ingles ang likas na yaman at lakas-paggawa ng
mga Indian.Bukod ditto,nagpatupad sila ng mga
patakarang pampulitika, pangekonomiya, at
panlipunan na hindi katanggap-tanggap sa mga Indian.
Halimbawa nito ang abolisyon ng suttee o sati at
female infanticide o pagpatay ng mga batang babae.
Malalim ang pagkakaiba ng mga Ingles sa mga Indian
sa lahi, kulay, kaugalian, at relihiyon at naging isa itong
malaking isyu ng di-pagkakaunawaan sa pagitan nila.
34. Suttee o Sati – ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at
pagsama sa libing ng namatay na asawa. Ang pinakahuling hindi
na nagsagawa ng Sati ay si Roop Kanwar, dahil dito tiningala siya
ng mga Hindu bilang diyosa.
35. •Dahil sa mga naturang pangyayari, naganap
noong 1857 ang Sepoy Mutiny o Rebelyong
Sepoy. Ito ang unang mahalagang pag-alsa ng
mga Indian laban sa mga Ingles. Isa pang sanhi
ng galit ng mga Indian ay ang pagpapatupad ng
mga Ingles ng patakarang racial discrimination o
pagtatangi ng lahi. Tanging mga puti lamang ang
nabigyan ng matataas na posisyon sa
pamahalaan lalo na noong mga unang dekada ng
pamamahala ng mga Ingles.
36. Rebelyong Sepoy- ito ang pag-alsa ng mga Sepoy o sundalong
Indian bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi [ Ingles o racial
discrimination
37. •Ang isa pang mahalagang pangyayari na
nagpatindi sa alitan ng mga Ingles at Indian ay
ang Amritsar Massacre noong Abril 13, 1919. Sa
isang pagtitipon upang idaos ang isang
selebrasyon ng Hindu, namaril ang mga
sundalong Ingles sa grupo ng mga Indian. Sa
naturang pangyayari, 400 Indian ang namatay
samantalang may 1,200 ang nasugatan. Lalong
nagsiklab ang galit ng mga mamamayan sa mga
Ingles.
39. •Kung ideyolohikal ang naging hatian ng nasyonalismo ng
mga Tsino, sa India, relihiyon ang naging batayan.
Kapwa bumuo ng sariling samahan ang mga Hindu at
Muslim. Itinatag ang Indian National Congress sa
pangunguna at paggabay ng isang Ingles na si Alan
Hume noong 1884-1885. Ang samahang ito ay binuo ng
mga propesyunal na Hindu na ang layunin ay makamtan
ang kalayaan ng India. Samantala, itinatag naman ng
mga Muslim ang Muslim League noong 1905 sa ilalim
ng pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah. Layunin naman
nito na magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga
Muslim.
40. • Sa kampanya para sa kalayaan, napakahalaga ng papel ni Mohandas Gandhi.
• Isa siyang Hindu na nakapag-aral sa isang unibersidad sa England at
nagtrabaho sa South Africa. Sa bansang ito ipinaglaban niya ang hinaing ng
mga Indian.
• Ang pakikibaka ni Gandhi para sa kalayaan ng India ay sa pamamagitan ng
mapayapang paraan o non-violent means na sa relihiyon nila ay tinawag na
ahimsa.
• Hango sa relihiyong Jainism, ang ahimsa ay nangangahulugang “hindi
paggamit ng dahas’ o non-violence. Ang ibig sabihin ng mapayapang paraan
ay ang paglalabas ng katotohanan (satyagraha), pagdarasal, meditasyon,
pagaayuno (fasting), at pagboykot o hindi pagbili sa mga kalakal o produktong
Ingles.
41. •Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng mga
demonstrasyon at kaguluhan sa mga pampublikong
lugar. Si Gandhi ang nagbigay ng gabay at inspirasyon
sa mga mamamayan. Sa kadahilanang ito, dinakip siya
ng mga may kapangyarihan at naglabas-masok siya sa
kulungan. Kahit siya ay nakakulong, ipinagpatuloy pa
rin ng mga Indian ang kampanya para sa kalayaan.
Labas-pasok man si Gandhi sa kulungan, hindi pa rin
siya nayanig o natakot. Patuloy pa rin siya sa kanyang
mapayapang pakikibaka hanggang sa makamit ng mga
Indian ang kanilang kalayaan. Tiningala ng mga Indian
si Gandhi at tinawag siyang Mahatma o great soul.
43. •Natamo ng mga Indian ang kalayaan nang ideklara ng
mga Ingles ang Republika ng India (Indian Republic)
noong Agosto 15, 1947 sa pamumuno ni Jawaharlal
Nehru, matalik na kaibigan at kapanalig ni Mohandas
Karamchand Gandhi. Samantala, ang bansang Pakistan
ay naitatag at nabigyan din ng kalayaan sa naturang
petsa sa ilalim ng pamumuno ni Mohammed Ali
Jinnah. Noong Enero 30, 1948, si Mohandas Gandhi ay
binaril ng isang panatikong Hindu na tumutol sa
hangarin niya na mapag-isa ang mga Hindu at Muslim
sa ibang bansa.