2. Mga Pahayag na Ginagamit sa
Pagbibigay ng Opinyon
Ang pagpapahayag ng opinyon ay
maaaring pasalita o pasulat. Sa
pagbibigay ng opinyon
kinakailangan ang kasiguraduhan na
mailahad ang mga ideya nang may
kaayusan.
3. KAISAHAN
• Nangahuhulugang ang lahat ng
mga ideya sa talata ay maayos na
nakalahad. Sa pamamagitan ng
kaisahan, ang mga mambabasa o
tagapagpakinig ay nagkakaroon
ng pag-unawa sa mga ideyang
ipinahahayag.
4. KAUGNAYAN
• Ang mga pangungusap ay dapat
magkakaugnay upang magpatuloy
ang daloy ng diwa buhat sa simula
hanggang sa dulo ng pahayag.
Mahalaga ang papel ng mga salita na
ginagamit bilang tagapag-ugnay sa
talata.
5. HALIMBAWA NG PANG-UGNAY
Pagdaragdag: at, ulit, pagkatapos, bukod,
ano pa
Paghahambing: pero, sa kabilang banda,
subalit, gayon man
Pagpapatunay: kung saan, dahil sa, para sa,
tunay na, sa katunayan
pagpapakita ng oras: kaagad, pagkatapos,
sa lalong madaling panahon, sa wakas, noon
6. Pag-uulit: sa madaling salita, gaya ng sinabi
ko, tandaan
Pagbibigay-diin: tiyak, labis, talaga, sa
katunayan
Pagbibigay- halimbawa: halimbawa, sa
ganitong klase, sa ganitong pagkakataon
Pagbubuod o Pagbibigay ng Konglusyon: sa
madaling salita, bilang resulta, kaya naman,
sa pagbubuod.
7. Gawain
• Sa isang buong papel (1 Whole sheet of paper)
• Bumuo ng isang sanaysay (write an essay)
• Ang paksa ay tungkol sa Opinyon mo Hinggil sa
ATING KALIKASAN NGAYON (the topic is all
about your opinion towards our Mother Nature
today)
• Huwag kalimutan ang PANIMULA, KATAWAN at
WAKAS (don’t forget to write the Intro, body and
conclusion)
• Gamitin ang mga pang-ugnay na itinalakay. (use
the linking verbs that we discussed)