Layunin ng Talakayan
matukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan ng wika;
makilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas;
makapagbigay ng sariling pakahulugan sa wika; at
makapagtala ng mga sitwasyong nagpapakita ng magkahiwalay
na gamit ng dalawang opisyal na wika ng Pilipinas.
Daloy ng Talakayan
Kahulugan ng wika;
Kahalagahan ng wika;
Kalikasan ng wika;
Ilan pang kaalaman hinggil sa wika,; at
Dalawang opisyal na wika ng Pilipinas.
Kahulugan Ng Wika
Ayon kay:
Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999)
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
Bernales et al. (2002)
Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
Mangahis et al. (2005)
May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan.
Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe
na susi sa pagkakaunawaan.
Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo
ng mga tao.
Bienvenido Lumbera (2007)
Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang
bawat pangangailangan natin.
Kahulugan Ng Wika
Alfonso O. Santiago (2003)
Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin,
kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at
mga kaugalian ng tao sa lipunan.
UP Diksiyonaryong Filipino (2001)
Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na
laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na
tinatahanan.
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?
Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na
binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat.
Bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at
kaisipan ng mga mamamayan nito.
Kahulugan Ng Wika
Kahalagahan ng Wika
Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento nito
sa komunikasyon.
Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura
ng bawat grupo ng tao.
Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay
malaya at may soberanya.
Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at
kaalaman.
Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.
Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagtalastasan at
pakikipagugnayan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Kalikasan o Katangian ng Wika
Ang wika ay masistemang balangkas
Ang wika ay sinasalitang tunog
Ang wika ay pinipili at isinasaayos
Ang wika ay arbitraryo
Ang wika ay patuloy na ginagamit
Ang wika ay nakabatay sa kultura
Ang wika ay nagbabago
• Masistemang balangkas - pangunahing katangian ng isang
tunay na agham ang pagiging sistematik.
• Sinasalitang tunog - Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng
tunog. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog.
• Ang wika ay arbitraryo – pagkakaroon ng sariling istilo ng
paggamit ng wika, maging indibiduwal man o sa komunidad.
• Ang wika ay patuloy na ginagamit – upang patuloy itong
makilala at umunlad kailangan siyang gamitin araw-araw.
• Ang wika ay nakabatay sa kultura – ginagamit ang wika ayon
sa lugar na kinabibilangan nito.
• Ang wika ay nagbabago – dahil sa modernisasyon, patuloy na
nag-iiba, nadadagdagan, o maaaring mawala ang isang wika.
Barayti ng Wika
1. DAYALEK/DAYALEKTO ang barayti ng wikang nalilikha ng
dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat.
Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o
pook, malaki man o maliit. Ito ay makikilala hindi lamang sa
pagkakaroon ng set na mga distinct na bokabularyo kundi maging sa
punto o tono at sa estruktura ng pangungusap.
Halimbawa:
Maynila – Aba, Ang ganda! Bataan – Ka ganda ah!
Batangas - Aba, ang ganda eh! Rizal – Ka ganda, hane!
2. SOSYOLEK – barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.
Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa
pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang mga wika ng estudyante,
wika ng matatanda, wika ng mga kababaihan, wika ng mga preso,
wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
(Gay Lingo, Cońo, Jejemon, Jargon)
Halimbawa:
Sinetch itey, na sumikat dahil sa kanyang opinion tungkol sa
batas sa
klasrum?
Pare, takbo! Nandiyan na ang mga parak.
3. IDYOLEK - kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Ito
ang dayalek na personal sa isang ispiker. Dahil sa kwaliti ng kanilang
boses at katangiang pisikal na rin na nagtataglay ng baryasyon sa
paggamit ng wika.
4. ETNOLEK – barayti ng wika na mula sa mga
etnolingguwistikong grupo; nagmula sa pinagsamang etniko at
dayalek.
VAKUL PAYEW
Ilan pang Kaalaman Hinggil sa Wika
Heterogenous ang
sitwasyong pangwika sa
Pilipinas dahil
maraming wikang
umiiral dito at may mga
diyalekto o varayti ang
mga wikang ito.
Homogenous ang
sitwasyong pangwika sa
isang bansa kung iisa
ang wikang sinasalita ng
mga mamamayan dito.
Ang Tagalog,
Sinugbuanong Binisaya,
Ilokano, Hiligaynon,
Samar-Leyte, Pangasinan,
Bikol, at iba pa ay mga
wika.
Ang diyalekto ay
nangangahulugang varayti
ng isang wika, hindi
hiwalay na wika.
Bernakular ang tawag sa
wikang katutubo sa isang
pook.
Ang
bilingguwalismo ay
tumutukoy sa dalawang
wika.
Ngayon, hindi na
bilingguwalismo kundi
multilingguwalismo
ang pinaiiral na
patakarang pangwika sa
edukasyon.
Dalawang Opisyal na Wika – Filipino at Ingles
Gagamitin ang Filipino
bilang opisyal na wika sa
pag-akda ng mga batas at
mga dokumento ng
pamahalaan.
Gagamitin naman ang
Ingles bilang isa pang
opisyal na wika ng Pilipinas
sa pakikipag-usap sa mga
banyagang nasa Pilipinas at
sa pakikipagkomunikasyon
sa iba’t ibang bansa sa
daigdig.