2. • Tatlong siglo pagkaraan ng Gitnang
Panahon,ang lipunan,politika at kaisipan
sa Europa ay nagkaroon ng maraming
pagbabago.
• Isang hakbang tungo sa pagbabago ang
naganap sa Europa sa Panahon ng
Renaissance.
3. • Ang Diwa ng Renaissance ay nagsilbing
inspirasyon sa mga manlalakbay sa iba't
ibang bahagi ng daigdig.
• Ang kanilang panggagalugad at
pagtatayo ng kolonya ay naging dahilan
ng paglawak ng imperyo ng mga bansang
nanguna sa pananakop.
5. • Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang
panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng
mga lugar na hindi pa nararating ng mga
Europeo.
• Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa
kolonyalismo o ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa.
6. Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang
unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin.
Ang imperyalismo ay ang panghihimasok,
pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa. Maaari itong tuwiran o di-
tuwirang pananakop.
7. Tatlong bagay ang itinuturing na motibo
para sa kolonyalismong dulot ng
eksplorasyon:
1. paghahanap ng kayamanan;
2. pagpapalaganap ng Kristiyanismo;
3. paghahangad ng katanyagan at
karangalan.
8. Ang eksplorasyon ay nagkaroon ng
matinding epekto sa naging takbo ng
kasaysayan ng daigdig.
Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon
ay naging dahilan upang ang mga karagatan
ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng
mga imperyong Europeo
9. Dalawang bansa
sa Europe ang
nagpasimula ng
paglalayag at
pagtuklas ng mga
bagong lupain -
ang Portugal at
10. Portugal
Nanguna ang Portugal
sa mga bansang Europeo
dahil kay Prinsipe Henry
the Navigator na naging
inspirasyon ng mga
manlalayag sa kaniyang
panahon.
Siya ang nag-anyaya
sa mga dalubhasang
mandaragat na magturo
ng tamang paraan ng
12. England France Netherlands
Sa ika-17 siglo, naitatag ang mga bagong
imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France
at Netherlands. Ang mga ito ang nagbigay-lakas sa
mga Europeo upang palakihin ang
pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga
13. Paghahanap ng Spices
Ang spices ay
ginagamit ng mga
Europeo bilang
pampalasa sa kanilang
mga pagkain at upang
mapreserba ang mga
karne.
Ginagamit din nila
ito para sa kanilang
mga pabango,
kosmetiks at medisina.
14. Pinangunahan ng Portugal ang
Paggalugad
Ang Portugal kauna-unahang bansang
Europeo na nagkaroon ng interes sa
panggagalugad sa karagatan ng Atlantic
upang makahanap ng mga spices at ginto.
15. Bartholomeu
Dias
Noong Agosto 1488
natagpuan niya ang
pinakatimog na bahagi ng
Afrika na nakilala sa
katawagang Cape of Good
Hope.
Ang kanyang
paglalakbay ay
nagpakilala na maaring
makarating sa Silangan
Asya sa pamamagitan ng
pag-ikot sa Afrika
16. Vasco da
Gama
Taong 1497, apat na
sasakyang pandagat ang
naglakbay na
pinamunuan ni Vasco de
Gama.
Ang nasabing ekspedisyon
ay umikot sa Cape of Good
Hope at matapos ang 10
buwan ay nakarating sa
17. Vasco da
Gama
Sa Bansang Portugal ay
kinilala siyang Bayani
dahil sa kaniya nalaman
ng mga Portuges ang
yaman na mayroon sa
Silangan at ganoon din
ang maunlad na kalakalan
24. Ang Paghahangad ng Espanya ng
kayamanan mula sa Silangan
Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng
Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469
ay naging daan upang ang Espanya ay
maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan.
Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay
naging dahilan sa pagpapadala
nila ng mga ekspedisyon sa
Silangan
26. Christopher
Columbus
Naabot niya ang
mga isla ng Bahamas
na sa kaniyang
pagkakaakala ay ang
India dahil ang kulay
ng mga taong
naninirahan ay gaya ng
mga taga-India kaya
tinawag niya ang mga
tao dito na Indians.
27. Christopher
Columbus
Tatlong buwan ang
inilagi ng kanilang
paglalakbay ng maabot
nila ang Hispanioala
(kasalukuyang nasa
bansa ng Haiti at
Dominican Republic) at
ang Cuba.
Maraming ginto siyang
natagpuan dito ngunit
sa tingin niya ay hindi
pa din nararating ang
28. Christopher
Columbus
Tatlong ekspedisyon
pa ang kaniyang
pinamunuan bago
siya namatay noong
1506. Narating niya
ang mga isla sa
Carribean at sa South
America ngunit di
siya nagtagumpay sa
paghahanap ng
bagong ruta patungo
32. Amerigo
Vespucci
Ang lugar na ito nang
lumaon ay isinunod sa
pangalan niya kaya
nakilala ito bilang
Dahil sa lumalalang paligsahan ng
pagpapadala ng mga ekspedisyon ng
ay humingi sila ng tulong sa
upang mamagitan sa kanilang mga paglalabanan.
34. Amerigo
Vespucci
Ang lugar na ito nang
lumaon ay isinunod sa
pangalan niya kaya
nakilala ito bilang
Noong 1494 ay gumuhit ng
ang Papa,
Ipinaliliwanag nito na lahat ng mga matatagpuang
kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay
para sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay para
naman sa Portugal
36. Kasunduang
Zaragoza
(1529)
Nagduda ang mga
Portuguese na baka
lumawak ang
paggagalugad ng Spain sa
kanluran at maaaring
maapektuhan ang
kanilang mga kalakalan
sa Silangan.
Sa pamamagitan ng
Kasunduan sa Tordesillas
noong 1494 ay
nagkasundo sila na ang
line of demarcation ay
baguhin at ilayo
39. Ang Paglalakbay ni Ferdinand
Magellan
Taong 1519 nang magsimula ang
ekspedisyon ni Ferdinand Magellan sa
rutang pakanluran tungong silangan.
40. Ferdinand
Magellan
Isang Portuges na ang
paglalakbay ay
pinondohan ng Spain.
Isinilang si Ferdinand
Magellan noong 1480 sa
Sabrosa, Portugal kina
Rui de Magalhaes, ang
kanyang ama at Alda de
Mesquita, ang kanyang
ina
41. Ferdinand
Magellan
Natagpuan nila ang
silangang baybayin ng
South America o bansang
Brazil sa kasalukuyan.
Nilakbay din nila ang
isang makitid na daanan
ng tubig; ang Strait of
Magellan ngayon, pinasok
ang malawak na
Karagatang Pasipiko
hanggang marating ang
46. Ang mga
Dutch
(Netherland
s)
Sa pagpasok ng ika-17 siglo, napalitan ng
mga Dutch ang mga Portuguese bilang
pangunahing bansang kolonyal sa Asya.
Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal
at nagtatag ng bagong sistemang
plantasyon kung saan ang mga lupain ay
pinatamnan ng mga tanim na mabili sa
47. Henry Hudson
Isang Englis na
naglakbay para sa mga
mangangalakal na
Dutch.
Nanguna sa pagtatag
ng kolonya sa North
America. Napasok niya
ang New York Bay noong
1609 at pinangalanan
itong New Netherland.
48. 1. Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe
ang paglalayag at pagtuklas ng mga lupain?
2. Mabuti ba o masama ang naging epekto ng unang yugto ng
kolonisasyon at imperyalismo? Patunayan.
49. GAWAIN 5: Talahanayan Ng Manlalayag
• Panuto: Batay sa binasa mong teksto, punan ang talahanayan ng
hinihinging mga impormasyon tungkol sa mga nanguna sa
eksplorasyon.
50. MGA NANGUNA SA EKSPLORASYON
PERSONALIDAD BANSANG
PINAGMULAN
TAON LUGAR NA
NARATING
Vasco de Gama Portugal 1498 India