Publicité

PAGUSBONG NG NASYONALISMO NG TIMOG ASYA NASYONALISMO SA INDIA.

Rizz R.
8 Mar 2023
Publicité

Contenu connexe

Publicité

PAGUSBONG NG NASYONALISMO NG TIMOG ASYA NASYONALISMO SA INDIA.

  1. PAG-USBONG NG NASYONALISMO NG TIMOG ASYA: NASYONALISMO SA INDIA
  2. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay- daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo rito. May iba't-iba mang wika at relihiyon ang mga Indian, sila naman ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang bansa. NASYONALISMO SA INDIA
  3. Si Mohandas Karamchand Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India. Siya ang nagpakita ng mapayapang paraan ng paghingi ng kalayaan. Pinakinabangan nang husto ng mga Ingles ang mga likas na yaman ng India. Dahil sa pananakop ay naranasan din ng mga Indian ang patakarang hindi angkop sa kanilang kultura, tulad ng pagpapatigil ng mga Ingles sa suttee o sati at ang pagsasagawa ng female infanticide.
  4. Ang suttee ay parte ng kulturang India. Ito ay pagpapatiwakal ng isang biyudang babae upang makasama hanggang sa kamatayan ang asawa. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtalon ng babaeng asawa sa apoy na pinagsusunugan sa labi ng lalakeng asawa upang maging sakripisyo. Ang female infanticide ay ang pagpatay sa mga sanggol na babae. Ito ay isinagawa at isinasagawa ng mga grupo patago man o hindi sa iba't-ibang mga bansa na may sistemang patriarkal.
  5. MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA
  6. Nag-ugat ang pag-aalsang ito dahil sa usapang pangrelihiyong nabaliwala ng mga Ingles. Ang mga Sepoy ay pinapagamit ng ripleng kinakailangan nilang kagatin ang cartridge na pinahiran ng langis o mantika na nagmula sa taba ng baboy o baka. REBELYONG SEPOY
  7. Lingid sa kaalaman ng mga Ingles ang mga sepoy ay binubuo ng mga Hindu at Muslim na mayroong kani-kanilang paniniwala. Unti-unting lumalaganap ang pag-aalsa ng malaman ito ng iba pang kanilang kasamahang mga sepoy. Tumatagal ng dalawang taon ang pag-aalsa at dito nagpasya ang mga Ingles na direktang pamunuan ang kolonya sa India.
  8. Upang unti-unting mapahina ang pag-aalsa ng mga Indiano sa mga Ingles pinangakuan nila ang mga Indiano na magkakaroon ng pagkakataon na maari na silang makilahok sa pulitika. MGA PANGAKO SA MGA INDIANO
  9. • Ang Indian Councils Act of 1861 ay nagbigay ng pagkakataon sa mga Indianong makilahok sa Executive Council, ang pinakamataas na konseho sa kolonya. • Gayumpanan patuloy pa rin naranasang diskriminasyon ng mga Indianong nais makapag lingkod sa Indian Counsils. Karamihan sa lanila ay walang pang-apat na posisyon.
  10. Ang Anarchical and Revolutionary Crimes and Act of 1919 o Rowlatt Act ay isang kautusan kung saan pinagkalooban ang mga Ingles na supilin at ikulong nang dalawang taon na walang paglilitis ang sinaumang tutol sa patakaran ng Britanya. ANG ROWLATT ACT
  11. Sa panig ng mga Indianong nakapag- aral, ang batas na ito ay isang tahakang paglabag sa karapatang pantao at ito ay nagresulta sa mga mararahas na kilos protesta sa iba't-ibang panig ng India.
  12. AMRITSAR MASSACRE Sa isang pagtitipon bago ang maganap ang malagim na Amritsar Massacre, may mga layunin silang nais maisagawa, ilan sa mga ito ay ang pag-aayuno, manalangin at makinig sa talumpating politikal ng kanilang mga nasyonalistang lider.
  13. • Gayumpaman lingid sa kaalaman ng mga dumalo sa pinapatigil ng mga Ingles ang anumang uri ng pagtitipong pampubliko. • Nang dahil dito ipinagutos ni Heneral Reginald Dyer ang pagpapaputok ng riple nang walang anumang babala sa tagal na sampung minuto. • Pagkamuhi at galit ang naramdaman ng mga Indiano sa mga Ingles at dahil dito sa loo lamang ng isang buong magdamag milyong mga Indiano ang humiling ng kasarinlan mula sa kamay ng mga Ingles.
  14. ANG PAG-USBONG NG MGA NASYONALISTANG LIDER SA INDIA
  15. Nanguna si Mohandas Karamchad Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng India. Isang Hindu na nakapag-aral. Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violence means ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng India.
  16. Naideklara ang kalayaan ng India noong Agosto 15, 1947, lumaya ito sa mga Ingles at pinamumunuan ni Jawaharlal Nehru, kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang PAKISTAN na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman sa pamumuno ni Mohammad Ali Jinnah.
  17. ACTIVITY
  18. Panuto: Bumuo ng isang salitang may kaugnayan sa nasyonalismo batay sa pinaghalu-halong mga titik. SAMHONAD IGHDNA MARTIASR EASSACRM EEBRYLNGO YOESP OWLRTAT TCA OMSILANOYSAN 1. 2. ETSUTE 3. 4. 5. 6.
  19. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Isang nasyonalista na nakilala bilang Mahatma o Dakilang Kaluluwa. A. Mohandas Gandhi B. Mustafa Kemal C. Ibn Saud D. Jose Rizal 2. Ang pag-aalsa ng mga sundalong Sepoy bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi. A. Rebelyong India B. Rebelyong Hindu C. Rebelyong Sepoy D. Rebelyong Ingles
  20. 3. Ito ay pagpapakamatay ng mga bidyudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa. A. Zionism B. Suttee C. Rebelyong Sepoy D. Holocaust 4. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng Nasyonalismo? A. Ang pagmamahal ng bayan. B. Ang pag-unawa sa nararamdaman ng tao. C. Ang pagtulong sa kapwa at komunidad. D. Wala sa nabanggit.
  21. 5. Ano ang tawag sa damdamibg makabayan na nagpapakita ng matindiang pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang bayan. A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantiilismo D. Nasyonalismo
  22. 1. MOHANDAS GANDHI 2.AMRITSAR MASSACRE 3. REBELYONG SEPOY 4. ROWLATT ACT 5. NASYONALISMO 6. SUTTEE SAGOT: 1 . A. MOHANDAS GANDHI 2 . C. REBELYONG SEPOY 3 . B. SUTTEE 4 . A. ANG PAG MAMAHAL SA BAYAN 5 . D. NASYONALISMO
  23. SALAMAT
Publicité