Kakapusan at Kakulangan
Lahat ng bansa sa daigdig ay nahaharap sa isang
suliranin na may kinalaman sa kalagayan ng mga
pinagkukunang-yaman at ang kakayahan ng mga ito
na matugunan ang dumaraming pangangailangan at
hilig ng tao. Ang suliranin ng kakapusan ay ang
katotohan ang hindi kayang matustusan ng anumang
bansa ang lahat ng mgapangangailangan ng buong
ekonomiya.
Ang Kakapusan
ay tumutukoy sa pagkakaroonng limitasyon sa mga
pinagkukunang-yaman na ginagamit sa paglikha ng
mga produkto. Ito’y isang kalagayan na kaakibat ng
buhay ng tao na naglalarawan ng pagtutunggalian
sapag gamit ng yaman ng bansa upang matugunan
ang mgapangangailangan. Dahilan ito ng
paghahanapng iba’t ibang paraan upang matamo ang
lubos na kapakinabangan sa paggamit ng mga yaman
ng bansa.
Ang Kakulangan
ay isang kalagayan na panandalian lamang.
Sinasabi na ang kalagayang ito ay maaaring gawa o
likha ng tao. Ito ang nagaganap kung may
pansamantalang pagkukulang ng supply ng isang
produkto. Ang pagkakaroon ng artipisyal na
kakulangan ay madalas na nangyayari sa isang
ekonomiya.
Ang artipisyal na kakulangan ng
bigas sa pamilihan na nagaganap
kapag itinatago ng mga negosyante
ang produkto upang hintayin ang
pagtaas ng presyo, o tinatawag na
hoarding.
Ang hoarding ay pagtatago ng mga supply
na ginagawang mga kasapi ng rice cartel na
nagiging dahilan ng pagkukulang ng bigas
sa pamilihan.
Kartel ay pangkat ng mga malalaking
negosyante ng tao na kumokontrol at
nag mamanipula ng distribusyon,
pagbili, at pagpepresyo ng mga
Ang kakulangan ay
pansamantalalamang na ibinubunga
ng mga maling gawain ng tao. Kapag
naisaayos na ang supply, nawawala
na ang kakulangan. Ibig sabihin,mas
madaling bigyan ng solusyon ang
kakulangan kaysa sa kakapusan.
mga Suliranin Pang-Ekonomiya
ang kakapusan ang pangunahing dahilan ng
pagkakaroon ng mga suliranin pang-ekonomiya.
Dahil sa suliraning kakapusan, mahalaga na pag-
isipan ng isang bansa kung anong produkto at
serbisyo ang gagawin at gaano karami. Mahalaga
din na tukuyin kung para kanino gagawin at paano
ipapamahagi.
Ang bawat bansa ay may mga layuning
pangkabuhayan na nais makamit.
Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang
sa mga katanungan na nauukol sa
produksiyon at distribusyon, ito’y
mabibigyan ng pansin.
Ano ang gagawin?
Sa isang ekonomiya, mahalag ang mabatid ang mga
produkto at serbisyo na kinokonsumo ng mga tao.
Importanteng malaman ang mga pangangailangan ng tao
na binibigyan ng higit na pagpapahalaga.
Halimbawa:
mas pinahahalagahan ng tao ang pagkain
ng kanin kaysa sa mais, kaya mas pipiliin
ang paglikha ng maraming bigas kaysa sa
mais. Ang ganitong sitwasyon ng pagpili ng
produktong gagawin ay na iuugnay sa
konsepto ng Production Possibilities-
Frontier ng paglikha ng iba·t ibang produkto
mula sa tiyak na dami ng pinagkukunang-
yaman sa isang takdang panahon.
Ang paglikha ng mas maraming bigas ay
nangangahulugang higit na malawak na
lupain ang pagtataniman nito kaysa mais.
Ang pagpili sa produktong lilikhain ay
ibinabatay sa pangangailangan ng
nakararaming kasapi ng lipunan.
Sa paglikha ng mga produkto ay may proseso na sinusunod.
Isinasaalang-alangang mga bagay na gagamitin sa pagbuo ng
mga produkto.
Ang bansa ba ay may sapat na salik ng produksiyon upang
makalikha ng mga produkto na kailangan ngekonomiya?
Sa paggamit ng mas maraming manggagawa kaysa sa
makinarya? Makakamura ba ang bansa sa paglikha ngbigas? Ito
ay mahalagang isaisip kung paano gagawin ang isang produkto.