ARALIN 21 MGA SALIK SA PAGLAKAS NG EUROPE
PAG-USBONG NG BOURGEOISIE
Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval
france na binubuo ng mga artisano
at mangangalakal. Ang mga artisano ay ang mga mangagawang may kasanayan sa
paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang.
Sa uring panlipunan, mas mataas sa kanila ang mga landlord o panginoong maylupa. Ang
terminong bourgeoisie ay ginamit upang tukuyin ang gitnang uri ng france at ng iba pa
pang mga bansa sa Europe.
Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang
bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker(nagmamay-ari o
namamahala ng bangko), mga shipowner(nagmamay-ari ng barko), mga pangunahing
mamumuhunan at mga negosyante.
Sa ika-17 at ika-18 siglo, sinuportahan ng bourgeoisie ang mga prinsipyo ng
konstitusyonalidad at likas na karapatan (natural right) laban sa banal na karapatan
(divine right). Ang likas na karapatan ay unibersal na karapatan gaya ng karapatang
mabuhay ng may kalayaan. Ang banal na karapatan ay nagtatakda na ang hari ay hindi
napapasailalim sa anumang kapangyarihan dahil ang kapangyarihan niya ay nanggagaling
sa diyos. Samantala, ang konstitusyonalidad ay isang kondisyon kung saan ang isang tao,
grupo ng tao o bansa ay kumikilos batay sa isinasaad ng konstitusyon o saligang batas.
Ang liberalismo ay paniniwalang nag-ugat sa Europe na binibigyang-diin ang karapatan
ng indibidwal.
PAG-IRAL NG MERKANTILISMO
Ang Merkatilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ang politikal. Ang
mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari
ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kanyang hukbo, at magkaroon ng
pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig.
Ang doktrina ng bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng
doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang
metal sa loob ng hangganan nito.
Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga nationstate ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang tustusan
ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Kaakibat ng merkantilismo ang
konsepto ng paternalismo. Isa itong sistema ng pamamahala kung saan ang pamahalaan
ay namamahala naq parang ama sa kanyang mamamayan.
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
Malaki ang naitulong sa pagtatatag ng national monarchy o pambansang monarkiya sa
paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong
pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang hari ay itinuturing lamang na
pangunahing panginoong maylupa.
Subalit nagbago ang katayuan ng monarkiya sa tulong na mga bourgeoisie. Ang hari na
dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag. Bilang resulta, ang
katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan
na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa
proteksiyong ito.
Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang mag-bayad ng mga
sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga
knight ng panginoong maylupa.
PAG USBONG NG NATION-STATE
Ang nation state ay isang estado na pinananahanan ng mga mamayan na may
magkakatulad na wika, kultura, relihiyon at kasaysayan dahil sa kanilang mga
pagkakatulad ay nagkaroon sila ng pagkakaisang lahi sila rin ay nakatira sa isang tiyak na
teritoryo at may pamahalaang kasarinlan. Sila’y mga nagkakaisang lahi at may katapatan
sa kanilang bansa.
Isa sa mga katangian ng nation state ay pagiging sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng
monarkiya may hukbo na umusbong sa nation state ito ay pagiging tapat ng mga sundalo
sa hari. Dahil sa nation state ay lalong lumakas ang Europe at nabuo ang mag bagong
institusyong pampulitika, panlipunan at pang ekonomiya. Nanghimasok at sinakop ng
Europeong nation state ang mga bansang America, Asya at maging ang Africa.
ENGLAND
Si william The conqueror ay duke ng normandy na sumakop sa England noong 1006.
Siya rin ang gumawa ng patakaran sa bagong nasasakupan. Inangkin din nya ang 1/6 na
lupain at ibinigay ang nalalabi sa Noble. Pinanatili din nya ang Shire , ang shire ay
pinamumunuan ng Sherrif o ahente. Nag utos si william na magsagawa ng “sensus” sa
mga tao at ang naging resulta ay inilagay sa Domesday Book.
Noong 1215 ay pinilit ng mga Landlord ang haring John na lagdaan ang Magna Carta
dito nakasaad ang mga batas na hindi maaaring Makulong ang isang taong nagkasala mna
hindi dumaraan sa paglilitis , hindi rin maaring itaas ng hari ng walang pahintulot ng
Great Council. Noong 1295 naitatag ang parlamento na House of Lords (obispo at
nobility) at House of Commons (kabalyero at bourgeoisie) ito ang mga sistemang pag
bubuwis sa England.
FRANCE
Napasakamay ni CharleMagne ang France simula 771 C.E ginawa nya ang lahat upang
mapanatili ang kasarinlan at mapalawak ang teritoryo ng France sa pamamagitan ng
hukbong militar , siay ang naglunsad ng unang kontra-atake laban sa mga muslim sa
spain.
Namatay sya noong 814 C.E at ipinamana ang imperyo sa kanyang anak na si Louis the
Pious. Sa pamamagitan ng Treaty of Verdun hinati ng mga apo ni Charlemagne ang
imperyo. Ngunit dahil sa di pag kakaunawaan tuluyang bumagsak ang imperyo dahil sa
mga bagong mananalakay sa Europe ito ay ang mga bansang Muslim , Magyar at Viking.
Ang capetian abg pumalit sa Carolingian at itinatag ang monarkiyang Frence sa
pamamagitan ng pagkamkam ng Teritoryo. Mula kay Louis VI hanggang kay Philip
Augustus ay lumawak ang teritoryo ng France . Lalo pa itong tumatag kay Louis IX sa
pamamagitan ng digmaan at pagpapakasal ay nadagdag ang lupain upang madagdagan
ang yaman ipinatupad ang pag bibigay ng buwis.
PAG USBONG NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA PAG LAKAS NG EUROPE
Ang pang abuso ng mga hari ang naging dahilan upang lumakas ang simbahan. Noong
1073 , itinakda ni Papa Gregory VII na ang kaayusang banal ay napapasa ilalim sa batas
ng Diyos. Ang Papa ang pinakamataas at lahat ay napapasa ilalim sa kanya sa simbahan
gayundin ang Hari na di pwedeng ganitin ang kapangyarihan sa layuning kristiyano.
Maari din nyang tanggalin sa posisyon ang Hari kapag hindi sumunod sa obligasyonng
kristyano.
Ang Investure Controversy ay ideya ng Papa kung saan sumasailalim na tunggaliang
interest ngunit hindi ito nagustuhan ni Henry IV . Dahil para kay Henry ang panatisismo
ay nakaka apekto sa usaping politikal. Ngunit idineklara ng Papa na eksmulgado si Henry
sa simbahan.
Ang Concrad of Worms noong 1122 ang kumilala sa tungkulin ng Obispo bilang liderispiritwal at sa Landlord kung saan ang hari ay hindi napapasa ilalim sa Papa.
Ang simbahan ang pinaka makapang yarihan sa panahon ng Middle Ages , naitatag din
nila ang Republica Christiana na pinamumunuan ng hari sa patnubay ng Papa.
Ang Europe ay lalong lumakas mula 11-13 siglo nagkaroon din ng kasiglahan at mga
Nation State ang lapangyarihan ng simbahan. Ito ang mag nagging dahilan ng pag lakas
ng Europe.