2. --pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa
pakikipagtalastasan.
-- behikulo ng ating ekspresyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit.
3. Isang sistema na binubuo ng mga tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo na ginagamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan.
Ang wika ay isang sistema
-- anyo– magkakaugnay na anyo o kahulugan
-- pangungusap – sintaktik na kaayusan
tunog
-- nagagawa sa pamamagitan ng mga sangkap sa
pagsasalita gaya ng labi, dila, ngalangala, babagtingang tinig.
arbitraryo
-- may kani-kaniyang set ng palatunugan, leksikal at
gramatikal na istruktura na ikinaiba niya sa ibang wika.
pantao
-- naililipat o naisasalin ang kultura ng mga tao sa
pamamagitan ng wikang pantao.
pakikipagtalastasan
-- pagpapahayag ng mga nararamdaman, opinyon, haka-
haka atbp.
4. Ang wika ay buhay
naglalarawan ng
kultura ng bansa
naglalantad ng saloobin
ng tao
5. Bilinggwal– taong marunong magsalita ng dalawang wika
Monolinggwal– isang wika lamang ang alam ng isang
tao.
Poliglot– mahigit sa tatlong wika ang
ginagamit ng isang tao
Linggwistika– maagham na pag-aaral ng
wika
Linggwista– taong nag-aaral ng wika
Wikang kolokyal– isang istandard na anyo ng Wikang
Pambansa na sinasalita sa pribado at semi- official na
mga kalagayan ng mga taong may pinag-aralan
Wikang Pambansa– isang wikang ginagamit sa
pulitikal, sosyal at kultural na aspeto ng pamumuhay,
nagpapakita na ang isang wika ay nagsisilbi sa
6. Pinagmulan ng Wika
= Teorya ng Wika =
Tore ng Babel
Genesis 11:1-9
Teoryang Bow-wow
-- nagsimula sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga
hayop hal. Kahol ng aso
Teoryang Dingdong
-- tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na
pinaniniwalaang may sariling tunog. Hal. Tunog ng kampana
Teoryang Pooh-pooh
-- ang unang mga salita na namutawi sa bibig ng mga sinaunang
tao ay mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin bunga ng
pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan.
Teoryang Yo-he-ho
-- nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga taong
nagtatrabaho nang sama-sama
Teoryang Yum-yum
-- nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika
7. Genesis 2:19
-- sinasabi na ang wika ay kaloob ng Diyos sa
tao.
Jean Jacques Roussea
-- ang kalayaan ng tao ang nagtulak sa kanya
na lumikha ng wika. Ang unang wika ay
magaspang at primitibo
Aramean
-- sinaunang tao na nanirahan sa Syria at
Mesopotamia na ang wika ay ARAMAIC na
nagmula sa Afro- Asiatic Timog- Silangang Kanluran
ng Asya.
8. Paano Nagsimula ang Wika?
1. Ehipto
Haring Psammatichos– sadyang natututunan ang
wika
2. Charles Darwin
“ Origin of Language”
sinasabi niyang ang pakikipagsapalaran ng tao para
mabuhay ang nagturo sa kanila upang makalikha ng
wika.
3. Plato -- nabuo ang wika ayon sa batas ng
pangangailangan
4. Siyentipiko– “ Homo Sapiens” unggoy – tayo ay
nagmula sa unggoy kung kaya’t ang tunog na nalilikha
ng unggoy ang siyang pinagmulan ng wika.
5. Rene Descartes– ayon sa kanya, mas mataas ang antas
ng tao kaysa sa hayop kung kaya’t ang wika ang
nagpapatunay na ang tao ay kakaiba.
9. Tungkulin ng Wika
• Ferdinand Sausure-- isang functionalist
-- mas kailangan pagtuunan ng pansin
ang anyo at paraan ng wikang
ginagamit, subalit sa katunayan, ang
kahulugan ng sinasabi ng nagsasalita ay
nakasalalay sa paraan at anyo ng
pagsasalita.
-- ang bawat salitang ginagamit ay
makabuluhan at magkakaugnay.
10. • Emile Durkheim (1985)
“ Ama ng Makabagong Sosyolohiya”
-- ang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan ng mga
taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang
bawat isa ay may kani-kaniyang papel na
ginagampanan.
-- “Ang tao ay nabubuhay, nakikipagtalastasan at
nakikisama sa lipunang kinabibilangan niya.
11. Ayon kay Jakobson (2003)– may anim na paraan na
paggamit ng wika
1. Pagpapahayag ng Damdamin ( Emotive)
-- palutangin ang karakter ng nagsasalita.
2. Paghihikayat (conative)
-- ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o
magpakilos
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
-- panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa
kapwa.
4. Paggamit bilang Sanggunian (referential)
-- nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga
taong nagtatrabaho nang sama-sama
5. Pagbibigay ng Kuro-kuro (metalingual)
-- ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay
ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (poetic)
-- masining na paraan ng pagpapahayag
12. Ayon kay M.A.K. Halliday (1973)
1. Pang-instrumental -- tugunan ang
pangangailangan
2. Panregulatori -- pagkontrol ng ugali o asal ng tao
hal. Pagbibigay ng direksyon
3. Pang-interaksyon -- paraan ng pakikipagtalakayan
ng tao sa kanyang kapwa.
4. Pampersonal -- pala-palagay o kuro-kuro;
talaarawan at jornal
5. Pang-imahinasyon -- malikhaing guni-guni ng isang
tao sa paraang pasulat o pasalita.
6. Pang-heuristiko -- pagkuha p paghahanap ng
impormasyon hal. Pag-iinterbyu,pakikinig sa radyo
7. Pang-impormatibo -- pagbibigay ng impormasyon
7 Tungkulin ng Wika – “Explorations in the functions of Language
14. 1. Artikulo 14, seksyon 3 ng Saligang Batas (1935) –
“Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansa na nababatay sa isa sa mga umiiral na
wika…”
2. Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) -- Lumikha ng
isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan
nito kabilang na rito ang pagpili ng isang
katutubong wika na siyang pagbabatayan ng
wikang pambansa.
15. 3. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)–
Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang magiging
batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
4. Kautusang Tagapagpanaganap Blg. 263 (1940)–
Nagbigay ng pahintulot sa pagpapalimbag ng
isang diksyunaryo at ng balarila ng wikang
pambansa at itinagubilin din ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan
man o pampubliko.
16. 5. Batas Komonwelt Blg. 570 (1976) – Pinagtibay na
ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa
mga ofisyal na wika ng bansa.
6. Proklama Blg. 12 (1954) – Nilagdaan ng Pangulong
Magsaysay ang batas na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29
hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng
Wikang Pambansa.
7. Proklama Blg. 186 (1959) – Nilagdaan ng Pangulong
Magsaysay at sinusugan ang Proklama Blg. 12; s
1954. Itinakda ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika
simula ika – 13 ng Agosto hanggang 19 taon-taon.
17. 8. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1957) –
Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero at itinagubilin na
kailanman at tinutukoy ang wikang pambansa,
ang salitang Pilipino ang itatawag.
9. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) –
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Rosec at iniutos na
simula sa Taong-Aralan ‘63-64, ang mga sertifiko at
diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa Wikang
Pilipino.
10. Kautusang Tagapagpaganap Blg.60 (1963) –
Nilagdaan ng Pangulong Macapagal ang pag-
uutos na awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas
sa titik nitong Pilipino.
18. 11. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967) –
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at itinadhana na
ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng
pamahalaan ay pangangalanan sa Pilipino.
12. Memorandum Sirkular Blg. 96 (1967) -- Nilagdaan
ni Kalihim Rafael Salas at ipunag-utos na ang mga
letterheads ng mga tanggapan at pamahalaan
ay isulat sa Pilipino.
13. Memorandum Sirkular 199 (1968) – Itinagubilin ang
pagbuo ng seminar sa Pilipino ng mga kawani ng
pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian
ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang pook
panlinggwistika ng kapuluan.
19. 14. Kautusang Taganapagpaganap Blg. 187 (1969) --
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at inutos sa lahat
ng kagarawan, kawanihan, tanggapan at iba
pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang
wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng
Wikang Pambansa at pagkaraan man sa lahat ng
ofisyal na transakyan at komunikasyon.
15. Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970) -- Ipinalabas
ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor
ang pagtatalaga ng may kakayahang tauhan
upang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa
Filipino sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan.
20. 16. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971) –
Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang
pagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ng
Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga
kapangyarihan at tungkulin nito.
17. Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972) -- Nilagdaan ng
Pangulong Marcos at nag-atas ng Surian ng
Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa
mga wikang sinalita ng may limampung libong
mamamayan alinsunod sa provisyon ng Saligang
Batas, Artikulo XV, seksyon 3.
21. 18. Artikulo XV, Seksyon 3 (1973) -- “ Ang pambansang
asemblea ay dapat gumawa ng hakbang sa
pagpapaunlad at formal na adapsyon ng panlahat
na wikang pambansa na makikilalang Filipino.
19. Kautusang pangkawagaran Blg. 25 (1974) –
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang
pagpapatupad sa patakarang Edukasyong Bilinggwal
sa mga paaralan.
20. Artikulo XIV, seksyon 3 (1987) -- “ Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika.
seksyon 6—midyum ng opisyal na komunikasyon
seksyon 7 – wikang opisyal ng pilipinas—Filipino; wikang
pantulong sa mga rehiyon—pantulong sa pagtuturo.
22. 21. Kautusang Blg. 52 – Pinalabas ni Kalihim Lourdes
Quisumbing ang pag-uutos sa wikang Filipino
bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa
paaralan kaalinsabay ng Ingles.
22. Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)– Iniutos
ni Kalihim Isidro Carino na gamitin ang wikang
Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng
katapatan sa Saligang batas at sa bayan natin.
23. 23. Proklama blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at
ipinalabas ng Wikang ng taun-taon sa iba’t ibang
sangay at tanggapan ng pamahalaan at sa mga
paaralan.
24. Praymer sa Revisyon ng Ortografiyang Filipino
(2001) – Inilabas ng Komisyon ng Filipino ang
Revisyon sa mga tuntunin ng Ortografiyang Filipino
tungo sa istandardisasayon at intelektwalisasyon
ng wikang pambansa.
24. Dahilan kung bakit Tagalog
1. Mas marami ang nakapagsasalita at
nakauunawa.
2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog, kung ano
ang bigkas ay siyang sulat.
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila.
4. May historikal na basehan– ito ang wikang ginamit
sa himagsikan na pinamunuan ni Andres
Bonifacio.
5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo
ang wikang Tagalog.
27. Masistemang
balangkas
Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong
nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Lahat ng
wika ay nakabatay sa tunog.
Ponema – tawag sa makabuluhang tunog
Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga
tunog
Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita
Morpolohiya – pag-aaral ng morpema
28. Morpema Salitang-ugat
paruparo halu-halo
sarisari alang-alang
Panlapi
unlapi – unahan
gitlapi – gitna
hulapi – hulihan
kabilaan – kabilaan
laguhan – una, gitna at hulihan
Ponema
ponema --- morpema --- salita --- parirala --- sugnay (makapag-iisa at di
makapag-iisa) --- pangungusap
Sintaks – makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap
Diskors – makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawa o higit
pang tao.
29. Sinasalitang tunog
Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga
makahulugang tunog o ponema.
Makahulugan ang isang tunog sa isang wika kapag
ito ay nagtataglay ng kahulugan o di kaya’y may
kakayahang makapagbago ng kahulugan ng
isang morpema o salita.
30. Pinipili at
isinasaayos
Pinipili ang wikang ating gagamitin upang tayo’y
maunawaan ng ating kausap.
Samantala upang maging epektib ang
komunikasyon, kailangang isaayos natin ang
paggamit ng wika.
31. Arbitraryo
Ang isang taong walang ugnayan sa isang
komunidad ay hindi matututong magsalita
kung paanong ang mga naninirahan sa
komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat
ang esensya ng wika ay panlipunan.
Kakaiba
32. Ginagamit
Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at
katulad ng ib pang kasangkapan, kailangang
patuloy itong ginagamit.
33. Nakabatay sa
kultura
Nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil sa
pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at
mga pangkat.
Ice formations (Ingles) = yelo at nyebe (Filipino)
34. Nagbabago
Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging
magbago.
Ang isang wika ay maaring nadaragdagan ng mga
bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain
ng mga tao, maring sila ay nakakalikha ng mga
bagong salita.
Halimbawa nito ay mga salitang balbal,
pangkabataan, pamprodukto.
35. Mga Antas ng Wika
1. Salitang Pabalbal- Ito ang pinakamababang
antas ng wika. Sinasalita rin ito ng mga taong walang
pinag-aralan. Tinatawag din itong pangkanto o
kalokohang salita.
Hal. erpats, parak, chimay, yosi, syota atbp.
36. 2. Salitang Panlalawigan- ito ang mga
salitang kilala o higit na ginagamit ng
mga tao sa isang partikular na pook na
gaya ng probinsiya.
Hal: itlog – ebun
maganda – napintas
pangga - mahal
37. 3. Salitang Kolokyal – Ito ang ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipag-usap.
Hal. mayroon- meron
aray ko – rayko
nasaan- asan
38. 4. Salitang Pambansa o Lingua franca –
ito ang mga salitang kilala o higit na
ginagamit sa pook na sentro ng
sibilisasyon at kalakalan.Ito ang
pinaghalong Tagalog at English.
Hal: Can I make tusok the bola-bola?
39. 5. Salitang Pang-edukado – ito ang
wikang may pinakamataas na uri
sapagkat mabisa ito sa
pakikipagtalastasan. Ginagamit sa
paaralan, kolehiyo, unibersidad.
Hal: teknikal at siyentipikong salita
40. 6. Salitang Pampanitikan- Ito ang uri
ng wikang ginagamit ng mga
manunulat ng tula, kuwento at iba
pang kauri nito.Ginagamitan ito ng
mga idyoma at tayutay.
Hal: Butas ang bulsa ni Miguel sa
dami ng kanyang binayaran.
Di- mahulugang karayom
konsiyerto ni Regine.