1. MEKANIKS
• Hahatiin ang klase sa apat o limang miyembro
bawat pangkat.
• Ang mga ito ay magsasama-sama at bubuo ng isang
bilog.
• Magbibigay ang guro mga papel na may nakasulat
at ito ang gagawan nila ng pagpapatuloy sa
kuwento.
• Ang aktibidad na ito ay gagwin lamang sa loob ng
10mins.
• Pipili ang bawat pangkat ng isang representative
para siyang magbabasa ng kanilang naisulat.
4. Maikling kuwento ang tawag sa anyo ng panitikan na
naratibong nagsasalaysay ng tungkol sa pangyayaring sangkot
ang isa o higit pang mga tauhan.
Isa sa mga pinakakilalang halimbawa ng estruktura ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang banghay ng
kuwento ay ang piramide ni Gustav Freytag, isang Aleman na
mandudula at nobelista.
6. Nagsisimula ito sa eksposisyon (exposition) na hudyat ng panimulang
pangyayari sa kuwento at pagpapakilala sa mga tauhan.
Sinusundan ito ng pasidhing pangyayari (rising action) na naglalantad ng
suliranin ng naratibo.
Pangatlo ang kasukdulan (climax) na pinakainteresanteng ganap sa tauhan ng
isang akda. Ito rin ang bahaging naglalaman ng pinakamataas na emosyon.
Nagsisimula namang malutas ang suliranin sa kakalasan (falling action).
Panghuli ay ang wakas (denouement) na naglalahad ng pagtatagumpay o
pagkabigo ng pangunahing karakter nito.
7. Isa sa mga kinikilalang akda ng premyadong manunulat na si Mochtar
Lubis ang "Ang Bahay na Yari sa Teak."
Isinalaysay nito ang kuwento ni Pak Kasim, ang itinuturing na lurah ng
kanilang baryo, o ang kinikilalang pinuno ng kanilang lugar. Matagal na
siyang nagnanais na makapagtayo ng bahay na gawa sa teak.
Itinuturing ang "teak" bilang isa sa mga pinakamahal na uri ng kahoy na
ginagamit sa pagpapatayo ng mga gusali, maging ng bahay.
8. Karaniwan na itong ginagamit ng mga may sinasabi sa lipunan o yaong
pawang nasa kapangyarihan at mayayamang uri.
Ang tagpuan ng akdang babasahin ay ang sentro ng Indonesia na Jakarta.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1942), tinawag itong Djakarta
mula sa dati nitong pangalan na Sunda Kelapa at Batavia.
Tinatawag din ang Jakarta na "The Big Durian."
9. Nabuo ng may-akda ang kuwentong ito habang nakapiit sa kaniyang
bahay. Nakulong siya dahil sa kaniyang politikal na paniniwala laban sa
noo'y diktador ng Indonesia na si Sukarno.
Sa ilalim ng pamahalaang Sukarno, ipinatupad ang "Guided Democracy"
na nagsulong ng ilang programang tinuligsa ng mamamayan nito.
Ang pagkakapiit ng may-akda ang dahilan kung bakit unang nailimbag
ang nobelang ito sa Ingles noong 1963 bago ito mailabas sa wika ng
Indonesia noong 1970.
Ito rin ang kauna-unahang nobelang Indones na naisulat sa wikang
Ingles.
10. Si Mochtar Lubis ay isa sa mga pinakakinikilalang manunulat sa
Indonesia.
Pinarangalan siya ng Gawad Ramon Magsaysay para sa panitikan noong
1958. Ang naturang parangal ay taunang iginagawad sa mga indibidwal
o grupong Asyano na nagkamit ng kahusayan sa kanilang larangan.
Si Lubis din ay isang mamamahayag at isa sa mga tagapagtatag ng
Indonesia Raya-lokal na peryodikong naglantad ng maling mga
pamamalakad ng iba-ibang rehimen sa Indonesia.
11. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa teksto.
1. Sino si Pak Kasim? Batay sa kuwento, ano ang ibig sabihin ng kaniyang
pagiging lurah?
2. Paano itinuturing ang lurah ng kaniyang pamilya? ng mga kasama sa
baryo?
3. Batay sa kuwento, ano ang teak? Bakit pinagbabawal ang basta-bastang
pagkuha nito sa mga kagubatan?
4. Bakit gustong-gusto ng lurah na magkaroon ng teak house?
5. Paano niya unti-unting binubuo ang pangarap niyang teak house?
12. 6. Sino sa mga anak niya ang tumulong sa kaniyang pangarap? Ano ang
naisip nito para makompleto na ang nais ng ama?
7. Sang-ayon ka ba sa naging plano ng kaniyang anak upang matupad ang
nais ng lurah? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
8. Kung ikaw ang lurah, magiging masaya ka ba sa sinapit ng iyong anak
kahit nakakuha man ito ng teak?
9. Ikaw, ano-ano na ang iyong mga ginawa o ginagawa upang makamit ang
iyong pangarap?
10. Aral na nakuha sa akda na magagamit sa iyong buhay.