1. Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao
sa Pilipinas a. Teorya (Austronesyano) b. Mito (Luzon,
Visayas, Mindanao) c. Relihiyon
2. Ang mga Austronesysano
Sinasabing unang dumating sa bansa ang mga
Austronesyano o Austronesians sa pagitan ng taong
5000 hanggang 2500 BC. Ang pangkat na ito ng mga
tao ang kinikilala ng mga siyentipiko na pinagmulan
ng lahing Pilipino sa kasalukuyan batay na rin sa
ebidensyang natagpuan.
Ang salitang Austronesian ay nagmula sa salitang
Latin na auster na ang ibig sabihin ay “hanging mula
sa timog” (south winds) at nesos na salitang Griyego
na nangangahulugan naman na “isla”.
3. Ang mga Austronesysano
Dalawa ang teoryng pinagbabatayan ng pinagmulan ng
mga Austronesyano. Una ay ang Teorya ng Nusantao na
pinag-aralan ng “Ama ng Arkeolohiya sa Timog-Silangang
Asya” na si Wilhelm Solheim II. Tinawag niyang
Nusantao ang pangkat ng mga taong sinabi niyang ninuno
ng mga Pilipino dahil sa salitang nusa o timog at ang
salitang tao. Kaya naman ang Nusantao ay tinaguriang mga
“tao sa katimugang isla.” Ayon sa kanya, mayroong mga
pangkat na nakatira sa Melanesia at katimugang Mindanao
na nakikipagkalakalan at umabot sa baybayin ng hilagang
luzon , katimugang Taiwan, at katimugang Tsina mula
4500 hanggang 500 BC.
4. Ang mga Austronesysano
Ang isa namang Teorya ay ayon sa pag-aaral ni Peter
Bellwood ng Australia na tinawag na Teoryang
Migrasyong Hilaga-Patimog. Ayon sa kanya ay
mayroon ng pamayanan sa Timog Tsina at Vietnam
ang mga Austronesyano noong 6000 BC. Sa paglaki ng
kanilang populasyon ang ilan sa kanila ay umalis sa
kanilang lugar. naging paraan rin nila ito para
maiwasan ang pagkaubos ng kanilang mga likas na
yaman. Gamit ang kanilang mga bangka sila ay
naglakbay hanggang sa marating nila ang pulo ng
Formosa (Taiwan ngayon) mula 5000 hanggang 4000
BC.
5. Pinagmulan ng mga Pilipino Ayon
sa Alamat
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga alamt ng
pinagmulan ng lahing Pilipino na nagpasalin-salin na
sa maraming henerasyon.
Si Malakas at si Maganda
Mula sa bersyon ni Ma. Odulio De Guzman
Alamat ng Paglikha ng mga Tao
7. Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan
ng Cagayan
Ang hindi nakasulat na yugto ng kasaysayan ng lahingn Pilipino
ay nagsimula noong Panahon ng Yelo, may 750,000 hanggang
500,000 taon na ang nakakalipas.
Mayroong mga batayan ng pag-aaral na natagpuan sa Lambak
ng Cagayan. Pinatunayan nito na may prehistorikong tao sa
Pilipinasna tinatawag na Cagayan Man. Natagpuan rin sa
bhaging ito ng Pilipinas ang mga labi ng hayop tulad ng mga
elepante, stegodon, rhinoceros, higanteng pagong, at iba pang
malalaking hayop.
8. Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan
ng Cagayan
Ang mga ito ay maaaring namuhay sa lugar na iyon. Ang
kanilang mga labi ay nagsisilbing patunay na mayroong
buhay sa Pilipinas bago pa umusbong ang tao rito. Sang-
ayon sa mga siyentipiko, ang mga unang tao ay nangalap at
nangaso ng kanilang makakain gamit ang mga tinapyas na
bato. Pinatutunayan ito ng mga kagamitang natagpuan na
pawang mga yari sa bato at maaaring ginamit sa
pangangaso, pangingisda at pangangalap ng pagkain sa
paligid.
9. Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan
ng Cagayan
Mula sa mga kagamitang natagpuan sa lugar sinasabing
ang mga unang taong nanirahan sa Lambak ng Cagayan ay
kabilang sa mga tinatawag na Homo Erectus at maaaring
nabuhay noong panahon ng lumang bato.
Natagpuan ang labi ng mga taong ito sa Kweba ng Callao
noong taong 2007. isang bahagi ng buto sa paa ng maliit na
tao ang natagpuan dito . Matapos itong masuri sinasabing
ito ay nabuhay noong 67,000 BC. Sa kasalukuyan ay ito ang
itinuturing na pinakamatandang labi ng tao na natagpuan
sa Asya-Pasipiko.
10. Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan
ng Cagayan
Tinatayang namuhay ang Callao Man sa
Pilipinas may 67,000 taon na ang
nakalilipas. Pinaniniwalaang sila ay
naglayag mula sa Indonesia o India gamit
ang bangka o balsa.
12. Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan
ng Palawan
Taong 1962 ng mahukay ng Amerikanong siyentipiko
na si Dr. Robert Fox ang mga ebidensya ng labi ng tao
sa Kweba ng Tabon sa lalawigan ng Palawan.
Mga bahagi ito ng bungo na may edad na 16,000 taon
at panga na tinatayang may edad na 31,000 taon.
Sa muling paghuhukay ng Pambansang Museo sa
Kweba ng Tabon , natagpuan naman nila ang mga buto
sa binti na may edad na 47,000 taon
13. Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan
ng Palawan
Tinatayang ang mga nahukay ay nauuri sa Homo
Sapiens, mula sa mga ebidensyang natagpuan, sila ay
ipinalagay na namuhay sa pamamagitan ng
pangangaso at pangangalap ng pagkain. Natagpuan din
ang ilang kasangkapang bato na gawa sa matigas na
bato.
Kabilang din ang negrito na dumating sa Pilipinas na
tinatayang nagmula sa Papua New Guinea may 25,000
taon na ang nakalilipas