Publicité
Publicité

Contenu connexe

Publicité

MTB 1 PPT Q3 – Arrozcaldo ni Lolo Waldo.pptx

  1. Arroz caldo lolo namumuhay sangkap buntong hininga yumao
  2. Nag-iisa akong anak ni Tatay Sito.Nang yumao si Nanay, sa amin na tumira ang mabait kong Lolo Waldo.
  3. Sa isang malayong bahay sa bayan ng Pulang Bato ay masaya kaming namumuhay nina Lolo Waldo at Tatay Sito.
  4. Habang si Tatay ay nasa trabaho, kasa-kasama ko naman sa bahay ang aking lolo- -
  5. nag-aalaga, nagtuturo, at nagpapayo
  6. Maaasahan talaga si Lolo sa maraming bagay, lalong-lalo na sa pagluluto. Palibhasa, noon ay naging isang kusinero ang lolo kong si Lolo Waldo.
  7. Simple lang ang buhay naming tatlo. Napagkakasya ni tatay ang maliit niyang sinusweldo. Madalas, arroz caldo ang inihahanda ni lolo at pambihira talaga ang sarap nito! Parang madyik na sangkap na inihahalo ni Lolo waldo
  8. Isang araw, maagang umuwi si Tatay Sito.Malungkot siya, panay ang buntong-hininga at nakakunot ang noo. Nagsara daw ang pabrika at nawalan siyang trabaho. “Paano na po tayo?” ang nag-aalalang tanong ko.
  9. “Huwag mabahala, mahal kong apo,” sagot agad ni Lolo Waldo. “May naisip akong paraan. Walang masama kung atin itong susubukan habang naghahanap ang tatay mo ng ibang mapapasukan.”
  10. Magluluto ako ng arroz caldo!” ang masiglang pahayag ni Lolo Waldo. “At ilalalako natin ito sa iba’t-ibang tao. Gagawin ko itong masarap at malinamnam para marami ang magkagusto!”
  11. Biglang lumundag sa tuwa ang puso ko. Nasabik ako sa magandang plano ng lolo kong si Lolo Waldo!
  12. Sinimulan agad naming ang aming negosyo. Umupa kami ng isang maliit na puwesto sa may kanto.
  13. Noong una, ang mga tao ay Humihinto paralang mag-usyoso
  14. Ngunit hindi nagtagal ay dumami ang suki na dumarayo. Sa agahan, tanghalian o meryenda man, mabentang-mabenta ang arroz caldo ni Lolo
  15. Unti-unti, ang maliit naming tindahan ay umasenso. Lumipat kami sa palengke ng Pulang Bato. Doon ay nagkaroon kami ng mas malaking puwesto. Nilagyan pa naming ito ng malaking karatulang : “Arroz Caldo ni Lolo Waldo”
  16. Unti-unti, ang maliit naming tindahan ay umasenso. Lumipat kami sa palengke ng Pulang Bato. Doon ay nagkaroon kami ng mas malaking puwesto. Nilagyan pa naming ito ng malaking karatulang : “Arroz Caldo ni Lolo Waldo”
  17. Lalong sumikat ang arroz caldo ni lolo, pati taga-ibang bayan ay dinarayo ito. Hindi nalamang dine-in ang aming serbisyo, mayroon na rin kaming take-out at delivery na motorsiklo.
  18. Ngayon, kasama na ni lolo si TataySito sa pag-aasikaso ng aming negosyo. Kapag walang pasok at tuwing sabado at linggo, tumutulong naman ako bilang tagasagot ng telepono.
  19. Salamat sa masarap na arroz caldo ni Lolo. Tunay na ikinararangal ko ito. Hindi lamang nito binubusog ang tiyan ko at pinalulusog ang katawan ko, pinapaganda pa nito ang kinabukasan ko.
  20. At tulad ng kaniyang arrozcaldo, talagang pambihira ang lolo kong si Lolo Waldo! Ang kaniyang pagsisikap ay siguradong gagayahin ko.
Publicité