Gay Lingo-isang pananaliksik

Pananaw sa Gay Lingo

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
PANIMULA
Sa mundong ating ginagalawan, hindi mawawala ang wika sa pakikipag-
ugnayan.Ginagamit ito sa pang-araw araw na pamumuhay halimbawa na lamang sa
pagpasok at paglabas sa paaralan. Ang Paaralan ang nasisilbing pangalawang tahanan
at halos dito umiikot ang buhay natin tungo sa pangangalap ng mga karunungan at sa
pagpapadala sa agos ng panahong makabago o nakikipagsabayan sa mundo.
Ayon kay Cruz (1998), sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at
nagagawa ng tao ang mga bagay-bagay na may kabuluhan sa kanilang buhay. Sa lalong
ikabubuti ng talastasan, mahalaga ring isaalang-alang ang mga aspektong may tuwirang
kinalaman sa gawaing ito tulad ng dimensyong sosyo-kultural, ang kapaligiran o
sitwasyon at ang kayarian ng wika, istruktura at balarila.
Dagdag pa niya na sa elementong sosyo-kultural ang relasyon ng mga taong
kasangkot ay mahalaga. Sa talastasan ang mga salik na sosyo-kultural ng mga nag-
uusap ay masusuri tulad ng uri ng pagkatao o personalidad, propesyon o uri ng hanap-
buhay, pinagmulan o kinalakihan ng tao at edad o gulang. Ang mga nabanggit ay
lumilikha ng barayti ng wika. Ang paraan ng paglilipat mensahe sa gawaing pasalita ay
barayti ng wika. Higit na maraming Ingles ang hiram na salita sa pagbigkas kaysa
pasulat sa dahilang oras o panahon ang kailangan upang makapag-isip. Sa usapan ay
bigla, sa pasulat nama’y may mahabang oras upang mag-isip. Malaki ang kaugnayan ng
personalidad ng tao sa paggamit ng wika.
Ayon kay Galicia (2007) ang wika ay nag-uugnay at nagsasad ng kaisipan sa
bawat kilos at gawi ng lahat ng nilalang. Ang wika ay isang behikulo sa mabisang
pagpapahayag, pagtatalakayan at pagkakaunawaan. Ito ay daan ng pambansang
pagkakaisa at kaunlaran ng isang bansa at lipunan. Ang wika ay pinakamahalagang
biyaya ng diyos sa tao, at ang paggamit nito ay isang katangiang ikinaiba nito sa iba
pang nilalang ng Diyos.
Ayon sa Websayt na www.wikipedia.com noong ika-2 ng marso (2010), ang gay
lingo ay bernakular na wikang hango sa wikang Ingles at wikang Filipino. Ito ay
ginagamit ng mga baklang Filipino kung saan pinagsama-sama dito ang elemento ng
Tagalog, Ingles, Ispanyol, manaka-nakang galing sa Nippongo, mga pangalan ng mga
artista, kilalang mga gamit kung saan nabibigyan ng panibagong kahulugan tungo sa
isang kontekstong kakaiba.
Ayon kay Santos (2007) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na Ang Gay
Lingo sa Panahon ng Impormasyon ay sinasalamin ng wikang ginagamit ng isang tao
ang kanyang kinalalagyan sa lipunan o social status. Pansinin natin na sa gay lingo,
bagaman itinuturing na wika ng mga bakla, hindi naman lahat ng mga bakla ay
gumagamit nito at hindi rin naman limitado sa mga bakla ang paggamit nito, may mga
babae at babaeng bakla ring tumatangkilik sa gay lingo. Samantala, kapag may isang
lalaking gumamit ng gay lingo, maaari siyang husgahan agad ng mga tao o ‘di kaya’y
maging kontrobersyal at kwestyunin ang kanyang pagkalalaki.
Dagdag pa dito ang gay Lingo ay isa sa barasyon ng wika sapagkat sa panahon
ngayon ay hindi na maitatanggi na mayroon na itong espasyo sa loob at labas ng pang-
araw araw na pamumuhay ng mga Pilipino maging sa paaralan sa larangan ng
pakikipagtalatasan.
Ayon kay Rubrico (2001), Ang lenggwahe na ginagamit ng mga bakla o gay lingo
ay para sa kanilang grupo lamang. Wala silang intensiyong ipagamit ito sa hindi nila
kauri. Ito ay sekretong lingo o argot na dapat hindi maiintindihan ng mga taga-labas.
Ngunit sa paglipas ng panahon, ito ay naging isang bukas na lenguwahe maging sa mga
hindi bakla, ang iba nito ay nakakalabas at ginagamit na rin sa mainstream --tulad ng
bading, tsimay, tsugi, jeproks, tsibug, chika, jowa at iba pa. Maliban sa katotohanan na
ang wikang bakla ay kasalukuyan nang nasa proseso ng pakikipagsabayan sa iba pang
wika sa Pilipinas sa paraang palabaybayan o sa balarila man, nagsaad din si Haughen
(1997) sa Standardisasyon ng Wika na ang pagsasalita ay basiko sa pagkatuto ng wika.
Dagdag pa ni Galicia (2007), Walang makapagsasabi kung saan at kailan
nagsimula ang mga salitang ito. Ipinapakita lamang na ang wikang Filipino ay buhay.
May nawawala at may napapa-litan tanda ng pag-unlad ng ating wikang pambansa.
Hindi maikakaila ang katotoha-nang ang mga salitang ito ay ginagamit sa kasalukuyan
na hindi gaanong binibigyan ng pansin ng mga mananaliksik-wika kung ano ang epekto
nito sa wikang Filipino. Kaya hindi dapat pagtakhan kung nakakarinig ng mga bagong
usbong na salita na bago sa pandinig na galing sa isang pangkat o grupo ng mga taong
nasa ikatlong kasarian.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang wika ay napakahalaga para sa isang bansa, ito ay isang mahalagang salik sa
pansariling kaunlaran at pang-araw-araw na pamunuhay ng isang tao.(Mag-atas, 1998).
Ayon nga kay Henry Gleason (1979), isang Linggwista, ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Ayon sa nasabing pahayag ni Gleason (1979), ang wika ay ginagamit sa
komunikasyon kung saan pumapasok ang pakikipagtalastasan sa aspetong sosyal.
Ipinahayag rin niya ang wika ay nagbabago at kabuhol ng kultura kaya naman sa
pagbabagong ito ay naipasok na sa wikang mayroon sa Pilipinas ang pagsulpot ng
lenggwaheng nasa ikatlong kasarian o ang wikang sinasalita ng mga bakla o mas kilala
sa tawag na Gay Lingo.
Ayon sa Websayt na www.WikiPilipinas.com noong ika-27 ng Pebrero, 2010, Ang gay
lingo o tinatawag ding sward language, gay language, showbiz slang, sward speak at
gay slang ay mga katawagang bunga ng baryasyon ng wikang Filipino, wikang Ingles at
iba pang wikang umiiral sa bansa. Ang wikang ito ay binuo ng mga taong nasa ikatlong
uri o mga bakla bunga na rin ng pangangailangan sa lipunang kanilang ginagalawan.
Ang baryasyong ito ay hindi kagaya ng ibang mga wika na may sariling sinusunod nang
sariling alituntunin pang-gramatika o balarila, ang gay Lingo ay walang sinusunod na
unibersal na tuntuning pang-gramatika.
Sa barasyong ito ng wika, ayon nga kay Bickerton (1975 sa Joan Russel 1982) ay
maaring magbago sa bawat panahon ngunit laging nakikita ang kanyang kaantasan.
Ayon naman kay Whitehead, isang edukador at pilsopong ingles ang wika daw ay
kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Isinaad naman ni Mangahis (1994) na
hindi mapapasubalian na ang wika ay pinakamabisang kasangkapan sa
pakikipagtalastasan. Ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang, higit dito ay
katangian, kalikasan at kagamitan ng wika. Ito’y tagapagdala ng ideya. Nahihikayat nito
ang ugali ng tao, ang isip at damdamin, gawa o kilos nito. ang wika ay instrumento ng
paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip upang magamit nang sukdulang
kagamitan ang wika, dapat itong mahawakan nang buong husay at angking ganap.
Dagdag pa ni Santiago (1986):
“Tulad ng isa pang barayti ng Wikang Filipino, ang wika ng mga bakla o gay
language ay patuloy na namamayagpag sa ating Lipunan. Ginagamit ito sa iba’t
ibang paraan o uri ng komunikasyon o pakikipagtalastasan. Kadalasan ang mga gay
lingo ay nababasa sa mga pahayagang tabloid, naririnig sa radyo at naririnig sa
telebisyon.”
Ang mga mananaliksik ay naganyak ng kanilang mga sariling interes na tuklasin ang
pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa gay lingo na palasak na rin sa mga loob ng
paaralan. Naisip ng mga mananaliksik na ang gay lingo ay ginagamit ng mga mag-aaral
na hindi gaanong nabibigyang pansin kung ano ang nagiging dulot nito sa wikang
Filipino kabilang na rito ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta sa
lalawigan ng Quezon kung saan laganap na ang paggamit nito at mayroon na itong
puwang bunga na rin ng pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha ng mga mag-aaral sa
ibang tao.
Isa sa Pinagmamalaking paaralan sa Munisipalidad ng Infanta sa lalawigan ng
Quezon, ang Infanta National Highschool. Tahanan ito ng mga karunungan at patuloy
na bumubuo, humuhubog ng mga kabataan tungo sa isang ganap na lipunang may pag-
unlad. Patuloy ng pinaunlad ang paaralan. Binuo ang mga logo, ang mga alintuntunin at
ang pagsasaayos ng mga pasilidad. Taong 1994, Mula sa Infanta Junior Highschool ay
nakilala ito bilang Infanta National Highschool. Ito ay pinananahanan ng mahigit
kumulang dalawang libong mag-aaral mula sa unang taon hanggang ikaapat na taon.
Sa kabila ng limitadong pinagkukuhaan ng pinansyal na suporta mula sa gobyernong
nasyonal, ang paaralan ay patuloy na nagsisikap na gawin ang adhikain nitong
makapagbigay sa mga kabataan ng Infanta ng de kalidad na edukasyong nararapat sa
kanila. Napansin ng mga mananaliksik na ang mga lenggwaheng ito ay ginagamit ng
mga mag-aaral na hindi gaanong nabibigyan ng pansin kung ano ang nagiging epekto
nito sa wikang Filipino.
BALANGKAS TEORETIKAL
Magalang na binigyang-pansin ng mga mananalisik ang iba’t ibang teorya na
sumuporta sa ginawang pananaliksik.na paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo
ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon”. Tumalakay ito sa
pananaw sa paggamit ng Gay Lingo o wikang sinasalita ng isang grupo sa lipunan ng
Pilipinas kung saan nagkakaroon sila ng iisang aydentidad sa kanilang lipunang
ginagalawan o kilala sa tawag na bakla na nasa ikatlong kasarian ng lipunan at ipinasok
dito ang pananaw ng mga mag-aaral ng nasabing Paaralan.
Sa kalagayan ng gay lingo, umugnay ang iba’t ibang teorya o pag-aaral hinggil
sa mga sitwasyong pagkatuto ng wika katulad ng Teoryang Innative, Teoryang Kognitib
at De individuation theory.
Ayon sa pananaw sa Teoryang Kognitib ni Jean Piaget, ang pagkatuto ng isang
wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang mag-aaral ng wika ay palaging
nangangai-langang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na
impormasyon, alamin ang pumailaim na tuntunin at mailapat ang mga ito upang
makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit
na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mag-aaral ng wika o di kaya
nama’y naiilapat nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang mga
kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali sa isang
palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinasto.
Ang pagkakamali ay tinatanaw ng mga kognitibist bilang isang integral na bahagi ng
pagkatuto (Badayos, 1999).
Ang teoryang ito ni Piaget ay iniugnay sa wikang bakla sa aspetong ang wika ay
dinamiko o nagbabago. Ayon kay Siguitan ka kanyang ginawang dyornal na may titulong
A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in Philippine Gay Lingo (2008) ang
gay lingo tulad ng ibang wika ay patuloy ring nagbabago. Subalit hindi katulad ng ibang
wika, ang mga salita at termenolohiya nito ay mabilis na naipoproseso sa labi at hindi
makikita sa diksyunaryo nang agad-agad at kung may sinulid na humahawak sa wikang
ito para mabuo, iyon ay ang kalayaan: kalayaan sa mga batas at dikta ng lipunan.
Si Murphy Red (1996) naman, ayon sa kanyang article na Gayspeak in the
Nineties ay nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla sa Pilipinas,
isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga bakla ay walang
pinaghahawakang alituntunin.
Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na
pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa
pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang
makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng
dulog na pabuod. Kung ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa
paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang dulog pasaklaw naman ay nagsisimula sa
paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teyoryang
kognitibist ay palaging nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong
prosesong pangkaisipan. Sa ganitong pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng
mga bagong impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito’y maiuugnay ng mga
mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating
kaalaman. Sa pagkatuto ng wika, kailangang sa implikasyon sa pagtuturo.
Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo
ng wika dahil likas niya itong matutuhan. Samantalng sa kampo ng mga kognitibist,
kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng
wika ( Badayos, 1999).
Bilang isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng
mga bata at paano sila natututo.
Ang De individuation theory ni Leon Festinger (Linguistic Divergence) ay hinggil
sa pagkawala ng idibidwal na pagkakakilanlan dahil sa napapalitan na ito ng identitad ng
isang grupo ng lipunan. Ang grupo ang nagdidikta ng mga istandard na dapat sundin ng
bawat indibidwal na pagkakakilanlan dahil nahahalinhan naman ito ng identitad ng
grupo. (Syque 2002-2010).
Sabi nga sa isang artikulo ng magasin, ipinaliwanag at binigyang pagtatanggol
nina Jose at Meily (1984) ang kapakanan ng mga homosekswal, na kung sila man ay
gumagawa ng sariling daigdig na may sariling wika ay sa dahilang kahit ang mga
magulang na kanilang inaasahang mangangalaga at magtatanggol sa kanila ay
nasusuklam rin at ikinakahiya sila. Kaya nararamdaman nilang sila’y hindi tinatanggap at
waring hindi kabilang sa mundo. (Badayos, 1999)
Sa isa pa ring Ingles na magasin, ang artikulo ni Fortich (1991) na nagsasaad ng
mga sitwasyon at reaksyon ng mga bakla bilang tao ay naglalarawan ng hindi
maipaliwanag na pag-iwas sa kapwa; takot sa mga pang-uuyam at pag-aalipusta,
damdamin na parang ang kanilang kaluluwa sa waring walang katapusang kapighatian.
Wala silang masilungan ni mahingan ng tulong. Kaya sa paghihimagsik ng kanilang
kalooban narerelease lamang ang kanilang damdamin kung sila’y magsasalita ng gay
lingo. sa ganitong paraan, naaalpasan nang nila ang mga alalahanin at paghihimagsik
nang walang nasasaktan.
Tunay na ang wika ay mabisang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, sapagkat
ito ay mabisang kasangkapan at nagbibigay ng kulay at buhay sa mga kaisipan upang
maisatinig sa pamamagitan ng sariling wika.
BALANGKAS KONSEPTUWAL
Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay
Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay
binigyan ng konseptong konseptwal upang higit na maintindihan at malaman ang
tutunguhin ng pag-aaral na ito.
Pigura Blg. 1: Paradigma ng Gay Lingo
-Propayl ng mga
mag-aaral
- Ang gay lingo sa
kasalukuyan bilang
wikang ginagamit
ng mga mag-aaral
-Bentahe ng gay
lingo sa loob ng
paaralan
-Disbentahe ng gay
lingo sa loob ng
paaralan
Teyoryang
Innavative
Teyoryang
Kognitb
De
individua-
tion Theory
Pananaw
sa
Paggamit
ng Gay
Lingo ng
mga Piling
Mag-aaral
ng Mataas
na
Paaralan
ng
Infanta,
Quezon
Ayon sa Pigura, may tatlong prosesong binuo para maisakatuparan ang pag-aaral na
ito. Pumapasok sa unang kahon bilang input ang suliranin o layunin ng pag-aaral na ito
katulad ng Propayl ng mga mag-aaral, Ang gay lingo sa kasalukuyan bilang wikang
ginagamit ng mga mag-aaral,kahalagahan ng gay lingo sa loob ngpaaralan, hindi
kahalagahan ng gay lingo sa loob ng paaralan.
Makikita naman sa kasunod na kahon bilang proseso ang mga teoryang ginamit na
tapakan ng mga mananaliksik upang mabatid ang pagpasok ng mga wika batay sa
pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika. Ito ay ang Teoryang Innavative, Teoryang
Kognitib at De- Individuation Theory. At sa panghuling kahon naman bilang output ay
lumabas ang Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga piling mag-aaral ng Mataas
na paaralan ng Infanta, Quezon.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo
ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay
naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano-ano ang Demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa Mataas na
Paaralan ng Infanta? Sa punto ng:
a. Edad
b. Kasarian
2. Gaano kalawak ang baryasyon ng Wika na ginagamit sa bahay ng mga
magaaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta?
3. Kailan/ Gaano kadalas ginagamit ang Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas
na Paaralan ng Infanta?
4. Saan malimit naririnig ang Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas na
Paaralan ng Infanta?
5. Ano-ano ang dahilan ng Paggamit ng Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas
na Paaralan ng Infanta?
6. Sino-sino ang kinariringgan ng Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas na
Paaralan ng Infanta?
7. Ano-ano ang bentahe at disbentahe ng Gay Lingo sa mga mag-aaral ng
Mataas na Paaralan ng Infanta?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo
ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay
makatutulong ng malaki sa mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat malaki ang papel na ginagampanan ng
wika sa ating lipunan. Kung patuloy na gagamitin ng mga mag-aaral ang gay lingo,
magkakaroon ito ng epekto sa Wikang Filipino. Magmumulat rin ang pananaliksik na ito
sa kanila ng mga kaalaman hinggil sa kasaysayan at pinagmulan ng Gay Lingo.
Mababatid ng mga mag-aaral ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pag-usbong nito at
katanggapan para dito.
Sa mga manunulat
Ang pag-aaral na ito ay magbibigay-daan sa kaisipang ang pagsulat ay isang
kalayaan, kalayaang nagpipilit sa bawat isang indibidwal na ilahad ang tunay niyang
saloobin sa paraang pasulat man. Ang panitikan ang buhay ng mga manunulat at
makakapagsusulat lamang sila, kung sila’y may kalayaang gamitin ang wikang nais
nilang gamitin kung ito man ay Gay Lingo.
Sa mga mananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanilang panibagong lakas upang
saliksikin nila ang higit na mahahalagang bagay o ideya na makatutulong upang
mapalawak ang hangarin ng bawat isa na mabuksan ang pananaw ng mga mag-aaral
hinggil sa Gay Lingo at ang epekto nito sa Wikang Filipino.
Sa mga magulang
Sa panig ng mga magulang, ang resulta ng pagsusuri ay magsisilbing paalala sa
kanilang malaking tungkulin sa paggabay at pagbibigay kalayaan sa pag-aaral ng
kanilang mga anak. Ito ay magpapabatid sa kanila bilang kasama o katuwang sa
pagbabago sa paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan.
Magpapaunawa rin ang pananaliksik na ito sa mga magulang upang mabatid nila ang
mga pananaw ng kanilang mga anak hinggil sa pag-usbong ng gay lingo.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay
Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay
sumasaklaw sa pananaw ng dalawang daan at limampu’t dalawa (252) na mga piling
mag-aaral mula sa kabuuang bilang na animnadaan at limampu’t anim (686) na
populasyon ng nasa ikaapat na antas sa sekondarya ng Mataas na Paaralan ng Infanta
at pinili sa pamamagitan ng Random Sampling ang naging kalahok o respondente ng
pag-aaral. Ginamit ang Formyula ni Slovin upang ilahad ang teknik na kinasangkapan sa
pagkuha ng sampol.
Hindi sinasaklawan ng pag-aaral na ito ang anumang opinyon o pananaw ng
mga kaguruan, o maging mga nasa ikatlong kasarian na hindi naman mag-aaral ng
nasabing paaralan.
KATUTURAN NG TALAKAY
Ang mga sumusunod ay mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito batay
sa kabuuan ng pananaliksik. Ang mga nasabing terminolohiya ay nasa paalbabetong
pagkakasunod-sunod:
 Baryasyon - pagkakaiba-iba ng anyo
 Balarila - ito ang hanay ng Lohikal at istruktural na mga alintunin na namamahala
sa komposisyon ng mga pangungusap, parirala at mga salita sa anumang Likas na
wika.
 Elementarya- ito ay isang institusyon kung saan ang mga bata ay naghahanap at
tinuturan ng mga bagong karunungan. Ito’y binubuo ng hanggang anim na taon sa
paaralan.
 Gay Lingo - tinatawag ding sward language, gay language, showbiz slang, sward
speak at gay slang ay mga katawagang bunga ng baryasyon ng wikang Filipino,
wikang Ingles at iba pang wikang umiiral sa bansa.
 Komunikasyon - isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na
ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang
komunikasyon.
 Lalawigan - ito ang lugar kung saan tinatawag ding rural o labas sa lungsod
 Linguistic convergence - ipinapakita na sa bawat ugnayan ng mga tao ay naroon
ang pakikipag-uganayan o katanggapan ng wikang iyon bilang simbolo ng pakikiisa
ng grupong iyon at pagtangkilik dito.
 Linguistic divergence- ang pagpapakita ng pagtutol o pagpapahayag ng pagiging
iba sa grupo at pagkakaroon ng sariling aydentidad.
 Wika - masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili sa paraang arbitraryo
upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
 Wikang Filipino - ang opisyal na wika ng Pilipinas at batay sa lahat ng wikang
umiiral sa bansa.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang kabanatang ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo
ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay
naglalaman ng banyagang literatura, banyagang pag-aaral, lokal na pag-aaral at lokal
na literaturang mula sa mga aklat, journal, nalathala at hindi nailathalang tesis at iba
pang lathalain na nagbigay ng mga impormasyon na nagamit ng mga mananaliksik
kaugnay sa nasabing paksa.
BANYAGANG LITERATURA
Sa aklat ni Weinrich na may titulong Language in Contact, ipinaliwanag ni Marine
(1998) na ang panglinggwistikang mga pagkakaiba (diversity) ay nagsimula sa sariling
lahi, sa katangian ng isang tao. Hindi kailangang sabihin na ang isang tao ay larangan
ng pagtutunggali sa panglinggwistikang uri at gawi.
Si Weinrich (1998) ay naniniwalang maliit man o malaki ang pagkakaiba o
pagkakatulad ng mga wika na ginagamit ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan ay dapat na
lubusang mailahad sa bawat larangan sa ponema, balarila at mga salita bilang pang-
unang kailangan sa pagsusuri ng mga balakid.
Ipinahayag ni Contreras noong 1994 sa kanyang nilimbag na lathalain na
naipalabas sa Readers Digest Vol.10, No.5 ang katangian ng isang bakla. Sa
pamamagitan nito, karagdagang unawa ang kailangang matamo ukol sa pagkakaroon sa
lipunan ng mga bakla o gay.
variety kadalasan pa ay mix-mix o Taglish Variety ang ginagamit.
Inilahad ni Phillips (1990) sa wikang Ingles na ang homosexual sa Amerika ay
mahilig gumamit ng mga swards lingo na kung saan kalimitan ay para lamang sa
kanilang pangkat na mamamayan. Ipinahayag ni Conteras (1994) sa kanyang nilimbag
na lathalain na ipinalabas sa Readers Digest Vol.10, No.5 ang katangian ng isang gay o
bakla. Sa pamamagitan nito, karagdagang unawa ang kinakailangang matamo ukol sa
pagkakaroon sa lipunan ng mga bakla.
Sinabi naman ni Benjamin (1996) na ang swards lingo ay nauso lamang dahil
ang mga bakla ay nagnanais na matamo ang kalayaan at ang pang-unawang lipunan.
Ipinahayag ni Umali (1991) na ang ating wikang Filipino ang pinagbabayan ng
kaalaman na dapat maiukol at maipasok sa kaisipang ng bawat mag-aaral. Ito ay isang
mayamang batayan ng karunungan na maibabahagi sa bawat mag-aaral. Ito ay isang
mayamang pahayagan na naibahagi ang balita at kultura sa bunog kapuluan na
maunlad at nakararating sa pinakaabang nasa ng bansa. Ang mga babasahing nakikiisa
sa bawat nilikhang kayumanggi ay dapat pang bigyang diin upang mapalawak sa
pamamagitan ng wika. Sa wika madaling maipahayag ang nais na maipadaman at
maipahayag ng nagsasalita nito.
Ipinahayag naman ni Bay (1987) na ang nagsasalita ay isang masining na
paraan ng pagpapahayag ng iniisip, nadarama, niloloob at nakikita o naguguni-guni.
Samakatuwid, ang pagsasalita ay nagbibigay ng isang sitwasyong kinalalagyan ng
disiplinang intelektwal o pagkamalikhain.
Ang gawaing pagsasalita ang sinasabing pinakamahalaga na dapat linangin ng
mga mag-aaral sa pang-unawa ng kanilang sinasabi o ipinapahayag sa pamamagitan
kung paano sila lilikha ng mga talasalitaan o salita upang makabuo ng isang
pangunahing diwa.
Sa isang seminar, winika ni Papa (1987) ang ganito:
“Ang pangunahing layunin ng pagtuturo ng wika ay ang
kasanayang magagamit ito ng buong bukas sa aktwal at angkop na
sitwasyon. Hindi lamang kaalaman sa mga kayariang panglinggwistika
ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral, kundi lalo’t higit ang
kasanayang magamit ito sa angkop na pagkakataon at tamang
paraan.”
Ayon naman kay Sebastian (1982), ang iba pang suliranin sa pagpapalaganap at
pagtuturo ng wika sa mga saligan at batayang aklat at karaniwang pagdampu’t- damput
ng mga guro sa pagbibigay ng paksang aralin.
Binigyang diin ni Paz (1993), na mula sa pagkabata ay may wikang katutubo
tayong natututuhan at ginagamit natin ito sa pakikipagtalastasan sa mga kamag-anak at
komunidad. Maaaring sa sa mga kamag-anak at komunidad. Maaaring isa sa mga
tagalog ,ilocano, cebuano, o mas maliit na grupo gaya ng bagobo, kalinga at iba pa. ang
karamihan ay marunong din ng wikang rehiyunal, gaya ng Ilocos na ginagamit sa norte.
Cebuano sa isang parte ng Bisayas at Mindanao, Tagalog sa Gitnang Luzon at iba pa.
Bukod dito, sila ay marunong ngayon ng wikang Filipino na ginagamit ngayon sa sentro
ng kalakalan.
Ang mabilis na pag-unlad ng sibilisasyon ayon kay Sauco (1990) ay batay sa
kakayahan ng taong makibahagi sa karanasan ng kapwa, makipagpalitan ng ideya at
mag- ambag pa ng karanasan sa mga sumusunod pang saling-lahi.
Ang Gay Lingo ayon pa kay Talde (1993) ay para lamang sa mga minoryang
pangkat tulad ng mga gay na noo’y payak, tago at marunong mahiya subalit sa pagdaan
ng maraming panahon ay naging mapusok.
Sa isang Ingles na magasin, ang artikulo ni Fortich (1991) na nagsasaad ng mga
sitwasyon at reaksyon ng mga bakla bilang tao ay naglalarawan ng hindi maipaliwanag
na pag-iwas sa kapwa; takot sa mga pang-uuyam at pag-aalipusta, damdamin na
parang ang kanilang kaluluwa sa waring walang katapusang kapighatian. Wala silang
masilungan ni mahingan ng tulong. Kaya sa paghihimagsik ng kanilang kalooban
narerelease lamang ang kanilang damdamin kung sila’y magsasalita ng gay lingo. sa
ganitong paraan, naaalpasan nang nila ang mga alalahanin at paghihimagsik nang
walang nasasaktan.
Sa aklat ni Holmes (1993) inilahad niya sa pamamagitan ng kompilasyon
(compilation) ng mga liham ng mga momosekswal ang mga problemang kanilang
nararanasan tulad ng pagtatago sa kabinet o closet, pagiging biktima ng homophobia,
paghaharap ng katapat na relasyo at hindi pagtanggap ng lipunan at simbahan sa kanila.
Nasabi rin niya na dahil sa mga problemang nabanggit kaya nagawa nila ang mga
wikang nagkukubli ng kanilang hinanakit.
Sa isa ring artikulo ng magasin, ipinaliwanag at binigyang pagtatanggol nina Jose
at Meily (1984) ang kapakanan ng mga homosekswal, na kung sila man ay gumagawa
ng sariling daigdig na may sariling wika ay sa dahilang kahit ang mga magulang na
kanilang inaasahang mangangalaga at magtatanggol sa kanila ay nasusuklam rin at
ikinakahiya sila. Kaya nararamdaman nilang sila ay hindi tinatanggap at waring hindi
kabilang sa mundo.
Ipinaliwanag na nangingibabaw pa rin na ang pinagbabatayan ay ang
pagkakalalang sa unang lalaki at babae. Gayundin, kinokundina rin ng lipunan ang mga
salitang gay lingo ay hindi pinahihintulutan ng diyos na makapangyarihan dahil wala
itong orihinal na pinagmulan.
Gayunman, ang gay lingo na umiiral ngayon sa ngayon ay binigyang katwiran ni Galang
(1998) sa kanyang isang artukulong isinulat. Sinabi ng may-akda na:
“The gay language is a natural offshoot of the sub-culture
created by the members of the third sex. Just as the social outcasts of
England have given birth to the punk sub-culture as a form of rebellion
against the straight-laced English society to which they could not conform,
homosexuals, precisely because they belong to neither male or female sex,
have to create a world entirely their own to in order to feel even a
semblance of that elusive sense of belonging.”
Binigyang–diin ni Rogers (1990) na ang kaisipan ng isang indibidwal ukol sa sarili
ay binubuo ng lahat ng mga ideya, kakayahan at kahalagahang maaakalang nasa kanya
at ito’y nagbibigay imluwensya upang kumilos batay sa pananaw na ito. Ang ganitong
kaisipan ang humuhubog sa bakla upang magpahayag siya ng sarili na hindi maririnig o
mauunawaan ng karaniwang kasarian. Kaya gumagamit siya ng gay lingo na ang naka-
uunawa ay kapwa bakla o mga taong tumatanggap sa kanila.
BANYAGANG PAG-AARAL
Ayon kay Ball (1998) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na Dictionaries and
Ideology: The Treatment of Gays, lesbians and Bisexuals in lexicographic works na:
“There are two different but related approaches to the study of the
influence of language structure on cognitive processes and other symbolically
mediated behavior. One approach deals with the generic function of language in
shaping cognitive processes, while the other is concerned with the comparative
problem of how lexical and grammatical differences among languages
systematically relate to differences in the cognitive processes of their speakers.”
Ayon dito, may dalawang pagkakaiba subalit may kinalaman sa kung paano
naiimpluwensyahan ang istruktura ng wika sa kognitibong proseso at ibang simbolikong
pagkilos. May pagkakatulad at pagkakaiba sa kung paanong nag-iisip ang tagapagsalita
batay sa kanilang personalidad halimbawa na lamang ang tagapagsalita na nasa ikatlong
kasarian.
Ayon naman kay Baker (2000) sa kanyang papel na may pamagat na Construc-
ting Polari-Speaking Gay Identities: The Triangulation Approach na:
“It has become descriptive of the overall experience of life in the gay
community, includes names for common words that have no exclusive relation to
the culture. Most of the middle aged gays seemed to be aware of gay life,
identity and culture in the West.”
Ayon dito, nagkaroon na ng deskriptibo sa kabuuan ng kmga karanasan sa
komunidad ng mga bakla, kasama na dito ang mga salitang hindi eksklusibo sa pang
araw-araw na pamumuhay.
Ayon naman kay Troiden (1979) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na
Becoming homosexuals. Research on acquiring a gay identity na:
“There are also people who still think of homosexuality as a disease and
therefore as contigious, even if this view has long been drunked…and by
studying sexuality and gender, they will be able to free themselves from their
prescribed roles in society.”
Ayon dito, sa pag-aaral ng kasarian, maaaring magkaroon ng kalayaan ang
bawat isa na gumalaw sa kanyang lipunan tulad ng mga bakla sa lipunan.
LOKAL NA LITERATURA
Nagbigay ng kongklusyon si Baytan (2002) sa kanyang librong “Language, Sex,
and Insults: Notes on Garcia and Remoto’s The Gay Dict” na ang pag-unlad ng wikang
bakla sa Pilipinas sa halos mga taon ay isang uri ng defens mechanism na
makipagtalastasan sa paraang pasalita.
Ayon naman kay Siguitan (2008) sa kanyang ginawang dyornal na may titulong
“A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in Philippine Gay Lingo” ang gay
lingo tulad ng ibang wika ay patuloy ring nagbabago. Subalit hindi katulad ng ibang wika
ang mga salita at terminolohiya nito ay mabilis na naipopro seso at hindi makikita sa
diksyunaryo nang agad-agad at kung may sinulid na humahawak sa wikang ito para
mabuo, iyon ay ang kalayaan: kalayaan sa mga batas at dikta ng lipunan.
Si Murphy Red (1996) naman, ayon sa kanyang article na “Gayspeak in the
Nineties” ay nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla sa Pilipinas,
isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga bakla ay walang
pinaghahawakang alituntunin. Buhat sa mga lumabas na pag-aaral tungkol sa wikang
bakla o gay Lingo sa lokal at internasyunal na konteksto na ang gay Lingo ay wika ng
marginalisadong sektor ayon kay Suguitan (2005).
Kaugnay dito, sinabi ni Cruz (2006) sa kanyang column na may pamagat na “Don
we now our gay apparel” na na nailimbag ng Philippine Star press ay:
“...At ang mga paaralan ngayon ay nababalot na ng paglaganap
ng ikatlong uri o mga bakla. Isang araw, habang naglalakad ako sa
bandang university belt, napadaan sa harapan ko ang grupo ng mga
kalalakihang nagbibiruan habang sinabi ng isang lalaki sa seryosong
paraan. Aalis na ako. Magpapasuso pa ako!. Ang ganoong pananalita ay
laganap na sa paaralan ng lima kong anak na lalaki noong dekada ’70
habang ang mga estudyante ay maskuladong lahat. Ngayon, karamihan
sa mga estudyante ay bakla at hindi ko ibig sabihing masaya ako.
Marahil ay naimpluwensyahan na sila ng mga palabas katulad ng
Brokeback Mountains, ang gawa sa Pilipinas o ating atin na Ang
Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Queer Eye for the Straight Guy at iba
pa.”
Sa pahayag na ito ni Cruz (2006) nilalaman na maging sa paaralan ay
laganap na rin ang paggamit ng wikang bakla. Idinagdag pa niya ang mga salik na
sa tingin niya ay nakaimpluwensya ng pag-usbong nito sa nasabing paaralan.
LOKAL NA PAG-AARAL
May mga pag-aaral din na isinagawa hinggil sa paksang may kinalaman sa Gay
Lingo sa Pilipinas. Sinasakop ng mga nasabing pag-aara ang suliranin, layunin at iba
pang may kinalaman sa Gay Lingo.
Isang Pagsusuri sa gay Lingua ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sining at
Agham ng University of the East ni Rosalie M. Galicia ng Manuel L. Quezon University
taong 2001. Ayon sa kanyang pag-aaral:
“Ang salitang gay lengua na madalas gamitin ng mga mag-aaral
ay mga salitang repleksyon sa pang-araw-araw na buhay ng isang
mag-aaral. Malaki ang papel na ginagampanan ng kasarian sa
paggamit ng gay lingo at nagpapapatunay lamang na popular ang
paggamit ng gay lingo sa mga kababaihan.”
Ayon naman sa pag-aaral ni Miko D. santos na may Pamangat na Ang Gay lingo
sa Panahon ng impormasyon taong 2007 ay nagsaad na :
“ Ang panahon ng Impormasyon at ang yumayabong na wika ng mga
bading, ang sward language o gay lingo, lahat ay sa konteksto ng
Pilipinas.”
Ayon naman sa pamanahong papel ni Oriondo Sandy (1992) na may Pamagat na
“Isang paglilinaw sa salitang bakla at wikang berbal ng mga Maricona na Resulta ng
Kanilang pakikipagsapalaran na naging bahagi ng pag-unlad ng Wikang Filipino” ay
naglalalaman ng:
“Isa lamang ito sa mga nagsasalamin sa pagkakamalikhain ng
mga Pilipino. Maraming paraan kung saan tayo angat sa nakararami
lalo na kung paglikha ng iba’t ibang bagay ang pinag-uusapan.sabi
nga ng karamihan, marami tayong pauso, pakulo, marami tayong
alam pagdating sa mga bagay-bagay,sa kalokohan man o seryosong
usapan. Iba tayong mga Pilipino, kahit saang bahagi man tayo ng
mundo ilagay.”
Batay sa pahayag na ito ni Sandy (1992), ang Gay Lingo ay sumasalamin sa
pagkamalikhain ng mga Pilipino. marami tayong mga pakulo,pauso at iba tayong
mga Pilipino saan man ilagay sa mundo.
KABANATA III
METODO NG PANANALIKSIK
Ipinapakita sa bahaging ito ng pananaliksik ang metodong ginamit ng mga
mananaliksik upang makamtan ang layuning alamin ang “Pananaw sa Paggamit ng
Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta,
Quezon” .
Uri ng Pananaliksik
Gumamit ang mga mananaliksik ng Deskriptibong pamamaraan.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng paglalarawan ng kasalukuyang paggamit ng gay lingo
sa pananaw ng mga mag-aaral na nasa lalawigan. Ang kaparaanang paglalarawan ang
tumutuklas sa kasalukuyang kalagayan ng isang tiyak na bagay o pangkat at ng mga
pangyayaring nagaganap sa isang pangkat. Sa pag-aaral na ito, inalam ng pananaliksik
ang mga gay lingo na ginagamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta sa
Lalawigan ng Quezon. Gumamit din ng kaparaanang pang-estadistika gaya ng prekwensi
at bahagdan.
Paglalarawan ng Respondente
Ang mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta na nagsilbing
respondente ng pananaliksik ay mga nasa ikaapat na taon ng panuruan, Taong aralan
2010-2011. Pinili ang mga mag-aaral sa kaisipang ang mga mag-aaral ay isa sa mga
nagsisilbing tagagamit ng anumang wika sa loob ng paaralan at nasa mga mag-aaral
ang desisyon kung anung wika ang nais nilang gamitin sa paraan mang pasulat o
pakikipagtalastasan sa loob ng paaralan.
Populasyon
Upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito, pumili ang mga mananaliksik
ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan ng Infanta na nasa ika-apat na antas,
Taong panuruan 2010-2011 sa Lalawigan ng Quezon, ang bayan ng Infanta. Ang mga
mag-aaral sa ika-apat na antas ng Mataas na Paaralan ng Infanta ay may kabuuang
bilang na 686. Pinili sa pamamagitan ng Random Sampling ang mga naging respondente
ng Pag-aaral. Ang mga piling mag-aaral ng nasa ika-apat na antas na naging
respondente ay may bilang na Dalawang daan at limampu’t dalawa (252). Sila ang
naging tagasagot sa mga katanungan upang masuri ang mga gay lingo na ginamit ng
mga mag-aaral.
May dalawangdaan at limampu’t dalawa (252) na mga piling mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na animnadaan at limampu’t anim (686) na populasyon ng nasa
ikaapat na antas sa sekondarya ng Infanta National Highschool at pinili sa pamamagitan
ng Random Sampling ang naging kalahok ng pag-aaral na ito.
Nasa ibaba ang Pormyula ni Slovin upang ilahad ang teknik na kinasangkapan sa
pagkuha ng sampol:
n= __N__
1+ Ne ²
Na ang:
n= ay tumutukoy sa Sampol N= ay tumutukoy sa populasyon
e= ay tumutukoy naman sa tinatayang datas ng kamalian
n= 686
1+ 686 (.05)²
n= 686
1+ 686 ( .0025)
n= 686
1+ 1.715
n= 686
2.715
n= 252.67
n=253
Pagkuha ng Proposyon na Sampol
Proposyon na sampol (%)= _n_= 253 = .3688
N 686
Ang .3688 ay ini-round off sa .37 o 37% para sa maayos na komputasyon ng mga
mananaliksik.
Mga Seksyon Bilang ng mga
mag-aaral
Bahagdan Bilang ng
Respondente
DMU 58 37% 21
LEU 58 37% 21
NSD 58 37% 21
MBM 54 37% 20
JEB 58 37% 21
JMS 59 37% 22
CGP 59 37% 22
RJB 55 37% 20
RVT 61 37% 23
EML 57 37% 21
BPB 58 37% 21
AMD 51 37% 19
Kabuuang
Bilang ng
Respondente
686 37% 252
Ang kabuuang sampol ng pananaliksik ay 252.
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Ang mga mananaliksik gumamit ng simpleng estadistika gaya ng pagkuha ng
bahagdan upang makatuwang sa ikalilinaw at ikadadali ng pagpapaunawa sa mga
inilarawang kalagayan. Dinagdagan ang mga impormasyong nakalap sa mga library, sa
pamamagitan ng impormal na pagtatanong, obserbasyon at pag-aaral sa resulta ng
questionnare na tinugunan ng mga respondente. Ang mga Instrumentasyon ay
ipinamahagi nang personal ng mga mananaliksik matapos
mapahintulutan ng Prinsipal ng paaralan na kasangkot at tiniyak na ang bawat sampol
ay natamo at maayos na nasagutan ng respondente.
Instrumentasyon
Upang makalikom ng kinakailangang datos, ginamit ng mananaliksik ang
talatanungan o researh questionnaire. Isang talatanungan ang inihanda ng mananaliksik
para sa mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral.
Nilalaman ng isang talatanungan ang sampu (10) na tanong. Ang una at
pangalawang ay naglalaman ng demograpikong propayl ng mga mag-aaral ng Mataas
na Paaralan ng Infanta. Pangatlo, Ang baryasyon ng wika na ginagamit sa bahay ng
mga mag-aaral. Pang-apat, Ang panahong ginagamit ang Gay Lingo ng mga mag-aaral
at Pang-lima ang dalas ng paggamit ng Gay Lingo. Sa Pang-anim at pang-pitong tanong
ang lugar na kadalasang naririning ang Gay Lingo at dahilan ng paggamit nito. Pang-
walo, ang kasariang Kinariringgan ng Gay Lingo. Nasa ika-siyam at ika-sampung tanong
ang bentahe at disbentahe ng paggamit ng gay lingo. Ito ay naging batayan ng
mananaliksik upang malaman kung ano pananaw sa paggamit ng gay Lingosa mga
mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
Sa bahaging ito ng pananaliksik ay tinukoy ang mga kasangkapang ginamit sa
pangangalap ng mga datos, impormasyon ukol sa kabatiran at kahandaan ng mga guro
ng Mababang Paaraalan ng Bacnar sa pagpapatupad ng Multilingual Education na
nagsilbing daan upang mabigyang linaw ang mga isyung nakapaloob sa paksa.
Nagsagawa ang mga mananaliksik ng sarbey gamit ang talatanungan na kung saan ay
may pagpipiliang sagot sa pamamagitan ng checklists.
Kompyutasyong Estadistikal
Upang malapatan ng karampatang bahagdan ang mga nakalap na datos at
impormasyon sa isinagawang sarbey ay napagpasyahan ng mga mananaliksik na
gamitin ang mga sumusunod na pormula:
Kung saan:
P= Bahagdan
R= Bilang ng sagot
N= Kabuuang bilang ng respondente.
KABANATA IV
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pagpapahayag ng mga kabatiran mula sa
nakalap na mga datos sa mga respondente na mga piling mag-aaral na nasa ikaapat na
antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta, lalawigan ng Quezon sa bayan ng Infanta na
nauukol sa mga salitang bakla o gay lingo na ginagamit at dinadala kahit sa paaralan.
Ang mga datos ay inlilahad sa pamamagitan ng mga talahanayan, inanalisa at binigyang
pakahulugan upang matuklasan at magkaroon ng resulta.
Ang mga datos ay nalikom mula sa mga kasagutang nakuha sa mga taga tugon
na ang pinagbatayang pinagkunan ay ang suliranin ng pag-aaral na ito. Ang mga ito ay
ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral na respondente ayon sa edad, kasarian.
Ang barasyon ng Wika na ginagamit sa bahay ng mga mag-aaral. Ang panahon na
ginagamit ang gay lingo, dalas ng paggamit ng gay lingo, lugar na kadalasang naririnig
ang gay lingo, dahilan ng paggamit ng gay lingo at kasariang kadalasang kinariringgan
ng gay lingo. Ang Bentahe ng paggamit ng gay lingo at ang Disbentahe sa paggamit
nito sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon.
Makikita mula sa mga talahanayan ang mga bilang at bahagdan ng mga
respondente na kumakatawan upang tumugon sa mga talatanungang ipinamahagi at
ipinamudmod sa mga mag-aaral. Una, ang Demograpikong Propayl ng mga
respondente na kalahok sa pag-aaral ayon sa edad at Kasarian.
Talahanayan Blg. 1.
Edad ng mga Respondente
Edad ng respondente Bilang ng mga
sumagot
Bahagdan
11-12 0 0%
13-14 7 3%
15-16 222 88%
17- Pataas 23 9%
Kabuuang Bilang ng Sumagot 252 100%
Makikita sa Talahanayang 1 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa kanilang
edad. Nangunguna ang mga nasa gulang 15-16 sa may pinakamataas na bahagdan na
tumugon na may bilang na 222 mag-aaral o 88%, sumunod ang mga nasa gulang 17-
pataas 0 9 % at ang mga nasa gulang 13-14 o 3%. Walang Mag-aaral ang nasa gulang
11-pababa.
Sa kabuuan, ang unang opsyon na batay sa edad ay may kinalaman sa
demograpikong propayl ng mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa gulang 15-16 o 88%,
nangangahulugang ito ang edad ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral
ng nasabing paaralan.
Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Distribusyon ng Kasarian ng mga
Respondente na may kaugnayan parin sa Demograpikong Propayl ng mga mag-aaral.
Talahanayan Blg. 2
Kasarian ng mga Respondente
Kasarian ng respondente Bilang ng mga
sumagot
Bahagdan
Babae 163 65%
Lalaki 86 34%
Ikatlong kasarian 3 1%
Kabuuang Bilang ng sumagot 252 100%
Makikita sa Talahanayang 2 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa kanilang
kasarian. Nangunguna ang bilang ng mga Babae sa may pinakamataas na bahagdan na
tumugon na may bilang na 163 mag-aaral o 65%, sumunod ang mga lalaki na may
bilang na 86 mag-aaral o 36% at ang mga nasa ikatlong kasarian na may bilang na 3
mag-aaral o 1%.
Sa kabuuan, ang pangalawang opsyon na batay sa kasarian ng mga respondente
ay may kinalaman pa rin sa demograpikong propayl ng mga piling mag-aaral ng Mataas
na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa babae,
nangangahulugang ito ang kasarian ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-
aaral ng nasabing paaralan.
Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Distribusyon ng baryasyon ng
Wikang Filipino na ginagamit sa bahay ng mga Respondente na may kaugnayan parin sa
Demograpikong Propayl ng mga mag-aaral.
Talahanayan Blg. 3
Baryasyon ng wika na ginagamit sa Bahay
Makikita sa Talahanayang 3 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa Baryasyon ng
wikang Filipino na ginagamit nila sa Bahay. Nangunguna ang mga gumagamit ng
Tagalog sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 185 mag-
aaral o 73%, sumunod ang mga gumagamit ng Taglish na may bilang na 65 mag-aaral
o 26% at ang mga gumagamit ng Gay Lingo na may bilang na 2 mag-aaral o 1%. Sa
kabuuan, ang pangatlong opsyon na batay sa baryasyon ng wika na ginagamit sa Bahay
ay may kinalaman pa rin sa demograpikong propayl ng mga piling mag-aaral ng Mataas
na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Tagalog,
Wikang ginagamit ng respondente Bilang ng mga
Sumagot
Bahagdan
Tagalog 185 73%
Taglish 65 26%
Gay Lingo 2 1%
Kabuuang Bilang 252 100%
nangangahulugang ito ang baryasyon ng wika na ginagamit bahay ng karamihan sa
ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Panahong Ginagamit ang Gay Lingo
ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.
Talahanayan Blg. 4
Panahong Ginagamit ang Gay Lingo
Makikita sa Talahanayang 4 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa panahong
ginagamit nila ang Gay Lingo. Nangunguna ang kapag kasama ang barkada sa may
pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 158 mag-aaral o 63%,
sumunod ang sa malayang oras na may bilang na 64 mag-aaral o 25%, sinundan ng
kapag nasa labas ng paaralan na may bilang ng 26 mag-aaral o 10% at sa oras ng
Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng mga
sumagot
Bahagyan
Sa malayang oras 64 25%
Kapag kasama ang barkada 158 63%
Kapag nasa labas ng paaralan 26 10%
Sa oras ng talakayan 4 2%
Kabuuang Bilang ng Sumagot 252 100%
Talakayan na may bilang na 4 mag-aaral o 2%.
Sa kabuuan, ang opsyon na Panahong Ginagamit ang Gay Lingo ay may
kinalaman sa kung paano nakaaapekto sa mag-aaral at paaralan ang paggamit ng Gay
Lingo sa Mataas na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon
sa kapag kasama ang Barkada, nangangahulugang ito ang panahong ginagamit ang Gay
Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng dalas ng Paggamit ng Gay Lingo ng
mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.
Talahanayan Blg. 5
Dalas ng Paggamit ng Gay Lingo
Makikita sa Talahanayang 5 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa Dalas ng
Paggamit nila sa Gay Lingo. Nangunguna na minsan nila ito ginagamit sa may
pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 158 mag-aaral o 63%,
Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng mga sumagot Bahagdan
Palagi 12 5%
Madalas 63 25%
Minsan 158 63%
Hindi kailanman 19 7%
Kabuuang bilang ng sumagot 252 100%
sumunod na madalas sa may bilang na 63 mag-aaral o 25%, sinundan na hindi
kailanman nila ginagamit sa may bilang na 19 mag-aaral o 7% at palagi sa may bilang
na 12 mag-aaral o 5%.
Sa kabuuan, ang opsyon na Dalas ng Paggamit ng Gay Lingo ay may kinalaman
sa kung paano nakaaapekto sa mag-aaral at paaralan ang paggamit ng Gay Lingo sa
Mataas na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa
minsan, nangangahulugang minsan lamang ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa
ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Lugar na kadalasang naririnig ang
Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng
Infanta.
Talahanayan Blg. 6
Lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo
Makikita sa Talahanayang 6 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa Lugar
nkadalasan nilang naririnig ang Gay Lingo. Nangunguna na sa parlor nila ito naririnig sa
may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 193 mag-aaral o 77%,
sumunod na sa paaralan sa may bilang na 55 mag-aaral o 22%, sumunod na sa
paaralan sa may bilang na 55 mag-aaral o 22%, sinundan na sa palengke na may bilang
na 4 mag-aaral o 1% at sa bahay naman ay hindi kariringgan nito sapagkat 0 mag-
aaral o 0% ito.
Sa kabuuan, ang opsyon na Lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo ay may
kinalaman sa kung paano nakaaapekto sa mag-aaral ang ang lugar kung saan nila
naririnig ng Gay Lingo. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Parlor,
nangangahulugang sa Parlor kadalasang naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa
ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng infanta.
Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng mga sumagot Bahagdan
Sa paaralan 55 22%
Sa bahay 0 0%
Sa palengke 4 1%
Sa parlor 193 77%
Kabuuang bilang ng Sumagot 252 100%
Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Dahilan ng paggamit ng Gay Lingo
ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.
Talanahayan Blg. 7
Dahilan ng paggamit ng Gay lingo
Makikita sa Talahanayang 7 ang tugon ng mga mag-aaral na dahilan ng
paggamit ng Gay Lingo. Nangunguna sa mga dahilan na kapag kausap ang gumagamit
din nito sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 110 mag-
aaral o 44%, sumunod na dahilang na sumusunod lamang sa uso na may bilang na 99
mag-aaral o 39%, sinundan na kapag nagkakaroon ng malayang talakayan na may
bilang na 32 mag-aaral o 13% at kapag kailangan sa pagpapahayag ng kaisipan na may
bilang na 11 mag-aaral o 4%.
Pagpipilian/ Opsyon ng Lugar Bilang ng mga sumagot Bahagdan
Kailangan sa pagpapahayag ng kaisipan 11 4%
Kapag kausap ang gumagamit din nito 110 44%
Kapag nagkakaroon ng malayang
talakayan
32 13%
Sumusunod lamang sa uso 99 39%
Kabuuang Bilang ng sumagot 252 100%
Sa kabuuan, ang opsyon na dahilan ng paggamit ng Gay Lingo ay may
kinalaman sa kung paano nakaaapekto ang paggamit ng Gay Lingo sa Mataas na
Paaralan ng Infanta sa mga mag-aaral at paaralan. Dahil sa napakaraming mag-aaral na
tumugon na kapag kausap din ang gumagamit nito, nangangahulugang kapag kapag
kausap ang gumagamit din ng gumagamit ng gay lingo ang dahilan ng karamihan sa
ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infantal.
Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Kasariang Kinariringgan ng Gay
Lingo ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.
Talahanayan Blg. 8
Kasariang kinariringgan ng Gay Lingo
Makikita sa Talahanayang 8 ang tugon ng mga mag-aaral sa kasariang kinari-
ringgan ng Gay Lingo. Nangunguna sa Kahit Kanino (binubuo ng Kababaihan,
Piagppipilian/ Opsyon Bilang ng mga
Sumagot
Bahagdan
Sa mga kababaihan 11 5%
Sa mga kalalakihan 6 2%
Sa mga bakla at tomboy 86 34%
Kahit kanino 149 59%
Kabuuang bilang ng Sumagot 252 100%
kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) sa may pinakamataas na bahagdan na
tumugon na may bilang na 149 mag-aaral o 59%, sumunod sa mga bakla at tomboy na
may bilang na 86 mag-aaral o 34%, sinundan sa mga kababaihan na may bilang na 11
mag-aaral o 5% at sa kalalakihan na may bilang na 11 mag-aaral o 4%.
Sa kabuuan, ang opsyon na Kasariang kinariringgan ng Gay Lingo ay may
kinalaman sa kung paano nakaaapekto ang paggamit ng Gay Lingo sa Mataas na
Paaralan ng Infanta sa mga mag-aaral at paaralan. Dahil sa napakaraming mag-aaral na
tumugon na kahit kanino, nangangahulugang sa kahit kanino (binubuo ng Kababaihan,
kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa
ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng kahalagahan ng paggamit ng gay
Lingo sa pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa ika-apat na antas sa Mataas na Paaralan
ng Infanta.
Talahanayan Blg. 9
Bentahe ng Paggamit ng Gay Lingo
Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang nga
mga
sumagot
Bahagdan
Masayang gamitin sa paraang pasalita man o
pasulat
44 17%
Nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla
at iba pang gumagamit nito
68 27%
Nakakabuo ng mga salitang kayo lamang ang may
alam
42 16%
Nagagamit para sa enterteynment sa loob ng klase 32 13%
Nagagamit saan mang larangan, sa mga talakayan
at mas nauunawaan ng ibang tao o kaklase
34 14%
Natututong makibagay sa mga nasa ikatlong lahi o
bakla na siyang nagpauso nito sa loob ng paaralan
27 11%
Napapaunlad ang wikang Filipino sapagkat ito’y
hango rin sa wikang Filipino
5 2%
Iba pang kasagutan 0 0%
Kabuuang bilang ng sumagot 252 100%
Makikita sa Talahanayang 9 ang tugon ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng
Paggamit ng gay Lingo.Nangunguna ang tumugon na sa paggamit ng gay lingo,
nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito sa may
pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 68 mag-aaral o 27%,
Sumunod ang tumugon na masayang gamitin ang gay lingo sa paraang pasalita man o
pasulat na may bilang ng 44 mag-aaral o 17%. Sunod dito ang tumugon sa paggamit ng
gay lingo, nakakabuo ng mga salitang maaaring kayo lamang ang may alam na may
bilang na 42 mag-aaral o 16%, sinundan ng mga tumugon na sa paggamit ng gay lingo,
maaari itong magamit saan mang larangan, sa mga talakayan at mas nauunawaan ng
ibang tao o mga kaklase na may bilang na 34 mag-aaral o 14%, sumunod ang nagsaad
na nagagamit ang gay lingo para sa enterteynment sa loob ng klase na may bilang na
32 mag-aaral o 13&, habang ang nagsaad na sa paggamit ng gay lingo, natututong
makibagay sa mga nasa ikatlong kasarian o kung sino man ang nagsasalita nito na may
bilang na 27 mag-aaral o 11% at may pinakamamabang tumugon na sa paggamit ng
gay lingo, napapaunlad ang wikang Filipino sapagkat ito’y hango rin sa wikang Filipino
na may bilang na 5 mag-aaral o 2 %.
Sa kabuuan, ang opsyon na Kahalagahan sa paggamit ng Gay Lingo ay may
kinalaman sa kung paano tumutugon ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng
Infanta sa Pag-usbong ng gay Lingo sa Paaralan. kung. Dahil sa napakaraming mag-
aaral na tumugon na sa paggamit ng gay lingo, nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha
sa mga bakla at iba pang gumagamit nito, nangangahulugang nailalagay ang sarili sa
pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito kahit kanino ang Bentahe ng
paggamit ng Gay Lingo sa pananaw ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-
aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Disbentahe ng paggamit ng gay
Lingo sa pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa ika-apat na antas sa Mataas na Paaralan
ng Infanta.
Talahanayan Blg. 10
Disbentahe ng Paggamit ng Gay Lingo
Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng
mga
sumagot
Bahagdan
Hindi nakakatuwang pakinggan ang gay lingo sa loob ng
klase
33 13%
Hindi magamit sa mga pormal na usapan lalo na sa
pagsagot sa guro
125 50%
Hindi mailagay ang sarili sa usapang gamit ang gay
lingo sa loob ng klase
9 4%
Hindi madaling matutunan ang gay lingo kung hindi mo
alam ang salitang ito at walang ugnayan dito
21 8%
Hindi kaagad maintindihan sa karaniwang usapan gamit
ang gay lingo lalo na sa diskusyon
27 11%
Hindi karaniwang ginagamit sa loob ng paaralan lalo na
sa pagtuturo ng guro
21 8%
Hindi magamit sa mga pormal na talakayan kaharap ang
guro
16 6%
Iba pang kasagutan 0 0%
Kabuuang bilang ng sumagot 252 100%
Makikita sa Talahanayang 10 ang tugon ng mga mag-aaral sa hindi kahalagahan ng
Paggamit ng gay Lingo. Nangunguna ang mga tumugon na hindi magamit ang gay lingo
sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro sa may pinakamataas na bahagdan na
tumugon na may bilang na 125 mag-aaral o 50%. Sumunod ang mga tumugon na hindi
nakakatuwang pakinggan ang gay lnigo sa loob ng klase na may bilang na 33 mag-aaral
0 13%, sinundan ito na hindi kaagad maintindihan ang gay lingo sa karaniwang usapan
o diskusyon na may bilang na 27 na mag-aaral o 11%. Sumunod na hindi karaniwang
magamit sa mga pormal na talakayan ang gay lingo lalo na sa pagtuturo ng guro na
may bilang na 21 mag-aaral o 8% at hindi madaling matutunan ang gay lingo kung
hindi ka bakla o walang uganayan sa mga ito na katulad din na bilang na tumugon na
21 mag-aaral o 8%. Sinundan na hindi magamit sa mga pormal na talakayan kasama
ang guro na may bilang na 16 mag-aaral o 6% at nakakuha ng pinakamababang bilang
ng tumugon sa hindi mailagay ang sarili sa usapan ng mga gumagamit ng gay lingo sa
loob ng klase sa bilang na 9 mag-aaral o 4%.
Sa kabuuan, ang opsyon na hindi kahalagahan ng paggamit ng Gay Lingo ay
may kinalaman sa kung paano tumutugon ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan
ng Infanta sa Pag-usbong ng Gay Lingo sa Paaralan. Dahil sa napakaraming mag-aaral
na tumugon na hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa
guro, nangangahulugang hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa
pagsagot sa guro ang Disbentahe ng paggamit ng Gay Lingo sa pananaw ng karamihan
sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
KABANATA V
PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Sa bahaging ito ng pananaliksik ay nakatala ang mga paglalagom, natuklasan,
kongklusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik batay sa kinalabasan na bahagdan
ng mga kasagutan na may kaugnayan sa Ikaapat na kabanata. Ang mga sumusunod na
talata ay ibinatay ng mga mananaliksik sa interpretasyon ng mga nakalap na datos mula
sa isinagawang pag-aaral:
PAGLALAGOM
Ang pananaliksik na ito na may paksang “PANANAW SA PAGGAMIT NG GAY
LINGO NG MGA PILING MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALAN NG INFANTA,
QUEZON” ay naglalayon na malaman kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil
sa paggamit ng Gay Lingo. Mabatid ang Demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa
Mataas na Paaralan ng Infanta sa punto ng Edad at Kasarian; mabatid ang baryasyon
ng Wika na ginagamit sa bahay ng mga mag-aaral; malaman kung kailan/Gaano kadalas
ginagamit ang Gay Lingo ng mga mag-aaral; malaman kung saan malimit naririnig ang
Gay Lingo ng mga mag-aaral; mabatid ang dahilan ng Paggamit ng Gay Lingo ng mga
mag-aaral; matukoy kung sinu-sino ang kinariringgan ng Gay Lingo ng mga mag-aaral
ng Mataas na Paaralan ng Infanta at mabatid kung anu-ano ang bentahe at disbentahe
ng Gay Lingo sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
Sinaklaw ng pananaliksik na ito ang dalawang daan at limampu’t dalawang
(252) mga piling mag-aaral mula sa kabuuang bilang na anim na daan at limampu’t
anim (686) na populasyon ng nasa ikaapat na antas sa sekondarya ng Infanta National
Highschool at pinili sa pamamagitan ng Random Sampling ang naging kalahok ng pag-
aaral na ito. Gumamit ng pamamaraang deskriptibo ang pananaliksik na ito at ng
talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng datos.
NATUKLASAN
1. Na nangunguna sa edad ng mga respondente ang mga nasa gulang
15-16 sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na
222 mag-aaral o 88%, sumunod ang mga nasa gulang 17-pataas 0 9 %
at ang mga nasa gulang 13-14 o 3%. Walang Mag-aaral ang nasa gulang
11-pababa. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa gulang 15-
16 o 88%, nangangahulugang ito ang edad ng karamihan sa ikaapat na
antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
2. Na nangunguna sa kasarian ng mga Respondente ang bilang ng mga
Babae sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na
163 mag-aaral o 65%, sumunod ang mga lalaki na may bilang na 86
mag-aaral o 36% at ang mga nasa ikatlong kasarian na may bilang na 3
mag-aaral o 1%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa
babae, nangangahulugang ito ang kasarian ng karamihan sa ikaapat na
antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
3. Na nangunguna sa baryasyon ng wika na ginagamit sa Bahay ng
mga respondente ang mga gumagamit ng Tagalog sa may pinakamataas
na bahagdan na tumugon na may bilang na 185 mag-aaral o 73%,
sumunod ang mga gumagamit ng Taglish na may bilang na 65 mag-aaral
o 26% at ang mga gumagamit ng Gay Lingo na may bilang na 2 mag-
aaral o 1%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Tagalog,
nangangahulugang ito ang barasyon ng wikang ginagamit sa batay ng
karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
4. Na nangunguna sa panahong ginagamit ang Gay Lingo ang kapag
kasama ang barkada sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na
may bilang na 158 mag-aaral o 63%, sumunod ang sa malayang oras na
may bilang na 64 mag-aaral o 25%, sinundan ng kapag nasa labas ng
paaralan na may bilang ng 26 mag-aaral o 10% at sa oras ng Talakayan
na may bilang na 4 mag-aaral o 2%. Dahil sa napakaraming mag-aaral
na tumugon sa kapag kasama ang Barkada, nangangahulugang ito ang
panahong ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng
mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
5. Na nangunguna sa dalas ng paggamit ng Gay Lingo na minsan nila
ito ginagamit sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may
bilang na 158 mag-aaral o 63%, sumunod na madalas sa may bilang ng
63 mag-aaral o 25%, sinundan na hindi kailanman nila ginagamit sa may
bilang na 19 mag-aaral o 7% at palagi sa may bilang na 12 mag-aaral o
5%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa minsan,
nangangahulugang minsan lamang ginagamit ang Gay Lingo ng
karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
6. Na nangunguna sa lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo ay
sa parlor na may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang
na 193 mag-aaral o 77%, sumunod na sa paaralan sa may bilang na 55
mag-aaral o22%, sinundan na sa palengke na may bilang na 4 mag-aaral
o 1% at sa bahay naman ay hindi kariringgan nito sapagkat 0 mag-aaral
o 0% ito. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Parlor,
nangangahulugang sa Parlor kadalasang naririnig ang gay Lingo ng
karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan
ng Infanta.
7. Na nangunguna sa dahilan ng paggamit ng Gay lingo na kapag
kausap ang gumagamit din nito sa may pinakamataas na bahagdan na
tumugon na may bilang na 110 mag-aaral o 44%, sumunod na dahilang
na sumusunod lamang sa uso na may bilang na 99 mag-aaral o 39%,
sinundan na kapag nagkakaroon ng malayang talakayan na may bilang
na 32 mag-aaral o 13% at kapag kailangan sa pagpapahayag ng kaisipan
na may bilang na 11 mag-aaral o 4%. Dahil sa napakaraming mag-aaral
na tumugon na kapag kausap din ang gumagamit nito,
nangangahulugang kapag kapag kausap ang gumagamit din ng
gumagamit ng gay lingo ang dahilan ng karamihan sa ikaapat na antas
ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
8. Na nangunguna sa kasariang kinariringgan ng Gay Lingo sa Kahit
Kanino (binubuo ng Kababaihan, kalalakihan at maging nasa ikatlong
kasarian) sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang
na 149 mag-aaral o 59%, sumunod sa mga bakla at tomboy na may
bilang na 86 mag-aaral o 34%, sinundan sa mga kababaihan na may
bilang na 11 mag-aaral o 5% at sa kalalakihan na may bilang na 11 mag-
aaral o 4%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon na kahit
kanino, nangangahulugang sa kahit kanino (binubuo ng Kababaihan,
kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) naririnig ang Gay Lingo ng
karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan
ng Infanta.
9. Na Nangunguna sa Bentahe ng Paggamit ng Gay Lingo ang tumugon
na sa paggamit ng gay lingo, nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa
mga bakla at iba pang gumagamit nito sa may pinakamataas na
bahagdan na tumugon na may bilang na 68 mag-aaral o 27%, Sumunod
ang tumugon na masayang gamitin ang Gay Lingo sa paraang pasalita
man o pasulat na may bilang ng 44 mag-aaral o 17%. Sunod dito ang
tumugon sa paggamit ng gay lingo, nakakabuo ng mga salitang maaaring
kayo lamang ang may alam na may bil Lang na 42 mag-aaral o 16%,
sinundan ng mga tumugon na sa paggamit ng gay lingo, maaari itong
magamit saan mang larangan, sa mga talakayan at mas nauunawaan ng
ibang tao o mga kaklase na may bilang na 34 mag-aaral o 14%,
sumunod ang nagsaad na nagagamit ang gay lingo para sa
enterteynment sa loob ng klase na may bilang na 32 mag-aaral o 13%,
habang ang nagsaad na sa paggamit ng gay lingo, natututong makibagay
sa mga nasa ikatlong kasarian o kung sino man ang nagsasalita nito na
may bilang na 27 mag-aaral o 11% at may pinakamamabang tumugon na
sa paggamit ng gay lingo, napapaunlad ang wikang Filipino sapagkat ito’y
hango rin sa wikang Filipino na may bilang na 5 mag-aaral o 2 %. Dahil
sa napakaraming mag-aaral na tumugon na sa paggamit ng gay lingo,
nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang
gumagamit nito, nangangahulugang nailalagay ang sarili sa
pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito kahit kanino
ang kahalagahan ng paggamit ng Gay Lingo sa pananaw ng karamihan sa
ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
10. Na nangunguna sa disbentahe ng Paggamit ng Gay Lingo ang mga
tumugon na hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa
pagsagot sa guro sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na
may bilang na 125 mag-aaral o 50%. Sumunod ang mga tumugon na
hindi nakakatuwang pakinggan ang gay lnigo sa loob ng klase na may
bilang na 33 mag- aaral 0 13%, sinundan ito na hindi kaagad
maintindihan ang gay lingo sa karaniwang usapan o diskusyon na may
bilang na 27 na mag-aaral o 11%. Sumunod na hindi karaniwang
magamit sa mga pormal na talakayan ang gay lingo lalo na sa pagtuturo
ng guro na may bilang na 21 mag-aaral o 8% at hindi madaling
matutunan ang gay lingo kung hindi ka bakla o walangugnayan sa mga
ito na katulad din na bilang na tumugon na 21 mag-aaral o 8%. Sinundan
na hindi magamit sa mga pormal na talakayan kasama ang guro na may
bilang na 16 mag-aaral o 6% at nakakuha ng pinakamababang bilang ng
tumugon sa hindi mailagay ang sarili sa usapan ng mga gumagamit ng
gay lingo sa loob ng klase sa bilang na 9 mag-aaral o 4%. Dahil sa
napakaraming mag-aaral na tumugon na sa paggamit ng Gay lingo, hindi
magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro,
nangangahulugang hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo
na sa pagsagot sa guro ang hindi kahalagahan ng paggamit ng Gay Lingo
sa pananaw ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng
Mataas na Paaralan ng Infanta.
KONGKLUSYON
Sa pananaliksik na ito na may paksang “ PANANAW SA PAGGAMIT NG GAY LINGO
NG MGA PILING MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALAN NG INFANTA,
QUEZON ”, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga kongklusyon batay sa mga
natuklasan sa isinagawang pag-aaral.
1. Na nasa gulang 15-16 ang edad ng karamihan sa mga mag-aaral ng
Mataas na Paaralan ng Infanta.
2. Na babae ang Kasarian ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na
Paaralan ng Infanta.
3. Na Tagalog ang baryasyon ng wika na ginagamit sa bahay ng karamihan
sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
4. Na kapag kasama ang barkada ang panahong ginagamit ang Gay Lingo ng
karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
5. Na minsan lamang ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa mga mag-
aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
6. Na sa Parlor kadalasang naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa mga
mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
7. Na ang dahilan ng paggamit ng Gay Lingo ay kapag kausap ang
gumagamit din nito ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na
Paaralan ng Infanta.
8. Na sa kahit kanino (binubuo ng Kababaihan, kalalakihan at maging nasa
ikatlong kasarian) naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa mga mag-aaral
ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
9. Na nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang
gumagamit nito kahit kanino ang bentahe ng paggamit ng Gay Lingo sa
karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
10. Na hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot
sa guro ang Disbentahe ng paggamit ng Gay Lingo sa karamihan sa mga
mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
REKOMENDASYON
1. Ipaunawa ng mga guro, magulang, punungguro sa kanilang mag-aaral na
nasa tamang edad ang Gay Lingo bilang bunga ng pakikisalamuha sa
kapwa at ang maaaring maging epekto nito sa wikang Filipino.
2. Mahalagang pagtuunan ng mga guro ang papel ng kasarian sa Paggamit
ng Gay Lingo sa paaralan. Siguraduhing hindi magkakaroon ng tinatawag
ng Gender Discrimination.
3. Maglaan ang mga guro ng isang komprehensibong talakayan hinggil sa
Gay Lingo at Ipatuklas sa mga mag-aaral ang maidudulot ng mga salitang
ito sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga mag-aaral sa bahay.
4. Magkaroon ng malinaw na talakayan sa loob ng klase hinggil sa
panahong ginagamit ang Gay Lingo partikular na kung magkakasama ang
mga barkadahan sa paaralan.
5. Alamin ng mga guro ang dalas ng paggamit sa Gay Lingo ng mga mag-
aaral at ipaunawa ang epekto ng mga salitang ito sa wikang Filipino.
6. Bigyang pansin ng mga guro ang lugar na kadalasang naririnig ang Gay
Lingo partikular na sa parlor at unawain ang kalayaan ng mga mag-aaral
hinggil sa pakikisalamuha sa kapwa.
7. Magkaroon ng talakayan sa klase sa kahulugan ng Gay Lingo at alamin
ang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit ito ginagamit, isa na dito ang
kapag kausap din ang gumagamit nito.
8. Pagtuunan ng pansin ng mga guro ang kasariang kinariringgan ng Gay
Lingo lalo na’t kahit kanino ito naririnig at ipabatid sa mga mag-aaral ang
epekto nito sa ating wikang Filipino.
9. Maglungsad ang mga guro ng mga talakayan kung saan ipababatid sa
mga mag-aaral ang bentahe sa paggamit ng Gay Lingo katulad nang
nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang
gumagamit nito at kung paano ito nakaapekto sa wikang Filipino.
10. Magsagawa ang mga guro ng mga talakayan kung saan ipababatid sa
mga mag-aaral ang disbentahe sa paggamit ng Gay Lingo katulad nang
hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa
guro at kung paano ito nakaaapekto sa wikang Filipino.
BIBLIYOGRAPIYA
Mga Aklat
1. Baytan, Ronald. Language, Sex, and Insults: Notes on Garcia and Remoto’s The
Gay Dict. Ruptures and Departures: Language and Culture in Southeast Asia.
2002.
2. Baylon, Norma. Pamamaraan sa pagsulat ng komposisyon. Handout in seminar-
workshop, makati, metro manila.1987
3. Blackburn, Mollie V. Agency in Borderland Discourses: Examining Language Use in
a Community Center with Black Queer Youth. Teachers College Record.
Ateneo de Manila University, 2007
4. Fishman, Joshua A. The Sociology of Language. Sociolinguistics A Reader and
Coursebook. Macmillan,London. 1997.
5. Bickerton, Derek. Dynamics of a Creole System. Cambridge University Press.
London, 1975.
6. Giles, Howard. et al. The Psychological and Linguistic parameters of speech
Accommodation Theory: Advances in the social Psychology of Language.
Cambridge University Press. Cambridge, 1982
7. Labov, William. Sociolinguistic Patterns. University of Pennsylvania Press.
Philadelphia, 1972.
8. Lindgen, Henry Clay and Lingren, Fedia. Current Readings in Educational
Psychology. 2nd
edition N.Y John meily and Sons Inc. 1981.
9. Red, Murphy. Gay speak in the Nineties.Ladlad 2: An Anthology of Philippine Gay
Writing, Anvil, Pasig. 1999
10. Haughen, Einar. Language Standardization, Sociolinguistics A Reader and Course
book. Macmillan, London. 1997.
11. Montgomery, Martin. An introduction to language and society. London and New
York. I986.
Mga Dyornal
1. Casabal, Norberto V. Gay Language: Defying the structural limits of English
Language in the Philippines. Kritika Kultura: Issue 11. P.89-120. August 2008
2. Cruz, Isagani. Don we now our gay apparel Philippine Daily Inquirer. Page A10
August 12, 2006.
3. Remoto, Danton. On Philippine Gay Lingo. May 8, 2008.
4. Tan, Micheal. The English Divide Philippine Daily inquirer. August 29, 2007
5. Santos, Miko D. Ang Gay Lingo sa Panahon ng Impormasyon. 2007
6. Suguitan, Cynthia Grace B. A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in
Philippine Gay Lingo. June 7, 2008.
Tesis/ Disertasyon
1. Del Mundo, Elena. “katangian ng Wikang Filipino sa Komunikasyong pasalita ng
mga mag-aaral sa unang Taon, Antas Terserya: Isang Pagsusuri: Di
nalathalang master tesis. 1994
2. Galicia, Rosalie M. Isang Pagsusuri sa gay Lingua ng mga mag-aaral sa Kolehiyo
ng Sining at Agham Pamantasan ng Silangan. Manuel L. Quezon University,
2001.
3. Santiago, Teresa L. The self-concept, adjustments, and interpersonal values of
college male homosexuals unpublished Masteral Thesis, Manila 1987
Mga Websayt
1. http://www.wikipedia.com. March 2, 2010
2. http://www.gayDictionary.com. Feb.25, 2010
3. http://www.wikipilipinas.com.February 27, 2010

Recommandé

Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaWENDELL TARAYA
102.1K vues11 diapositives
FilipinoFilipino
FilipinoHannah Merina Reyno
263.8K vues26 diapositives
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayanRoel Dancel
457.2K vues71 diapositives
Batas ng Wikang FilipinoBatas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang FilipinoAllan Ortiz
365.6K vues12 diapositives

Contenu connexe

Tendances(20)

Wika(teorya)Wika(teorya)
Wika(teorya)
Cecilia Repalda330.4K vues
Kasaysayan ng Wikang FilipinoKasaysayan ng Wikang Filipino
Kasaysayan ng Wikang Filipino
Avigail Gabaleo Maximo73.5K vues
Ang Tungkulin Ng WikaAng Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng Wika
Persia831.3K vues
Uri ng wika (fil.1)Uri ng wika (fil.1)
Uri ng wika (fil.1)
Janmarie Nuevo73.3K vues
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASAMAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT236K vues
Kasaysayan ng linggwistika (1)Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
University of Rizal System416K vues
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
Christopher E Getigan629.3K vues
Ang linggwistika at ang guroAng linggwistika at ang guro
Ang linggwistika at ang guro
RosalynDelaCruz518.5K vues
wikang pambansawikang pambansa
wikang pambansa
Jewel del Mundo327.9K vues
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
REGie3394K vues
Varayti ng wikaVarayti ng wika
Varayti ng wika
Justin Thaddeus Soria239.5K vues
PonolohiyaPonolohiya
Ponolohiya
Jose Emmanuel Maningas286.4K vues
Mga tungkulin ng wikaMga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wika
Mj Aspa242.9K vues
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Rochelle Nato308.7K vues
Verbal at di verbal na komunikasyonVerbal at di verbal na komunikasyon
Verbal at di verbal na komunikasyon
Katherine Bautista224.1K vues
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
Rhodz Fernandez121.2K vues
Ponolohiya (FIL 101)Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)
NeilStephen19209K vues
Bilingguwalismo at MultilingguwalismoBilingguwalismo at Multilingguwalismo
Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
Rochelle Nato124.5K vues

En vedette(10)

WikaWika
Wika
Armilyn Nadora294K vues
Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipinoYunit 2  kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
Rita Mae Odrada298.4K vues
Instruktura ng wikaInstruktura ng wika
Instruktura ng wika
Antonnie Glorie Redilla35.9K vues
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term PaperEbolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
Elyka Marisse Agan318.1K vues
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksik
Allan Ortiz316.1K vues

Similaire à Gay Lingo-isang pananaliksik(20)

Gay Lingo-isang pananaliksik

  • 1. KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN PANIMULA Sa mundong ating ginagalawan, hindi mawawala ang wika sa pakikipag- ugnayan.Ginagamit ito sa pang-araw araw na pamumuhay halimbawa na lamang sa pagpasok at paglabas sa paaralan. Ang Paaralan ang nasisilbing pangalawang tahanan at halos dito umiikot ang buhay natin tungo sa pangangalap ng mga karunungan at sa pagpapadala sa agos ng panahong makabago o nakikipagsabayan sa mundo. Ayon kay Cruz (1998), sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at nagagawa ng tao ang mga bagay-bagay na may kabuluhan sa kanilang buhay. Sa lalong ikabubuti ng talastasan, mahalaga ring isaalang-alang ang mga aspektong may tuwirang kinalaman sa gawaing ito tulad ng dimensyong sosyo-kultural, ang kapaligiran o sitwasyon at ang kayarian ng wika, istruktura at balarila. Dagdag pa niya na sa elementong sosyo-kultural ang relasyon ng mga taong kasangkot ay mahalaga. Sa talastasan ang mga salik na sosyo-kultural ng mga nag- uusap ay masusuri tulad ng uri ng pagkatao o personalidad, propesyon o uri ng hanap- buhay, pinagmulan o kinalakihan ng tao at edad o gulang. Ang mga nabanggit ay lumilikha ng barayti ng wika. Ang paraan ng paglilipat mensahe sa gawaing pasalita ay barayti ng wika. Higit na maraming Ingles ang hiram na salita sa pagbigkas kaysa pasulat sa dahilang oras o panahon ang kailangan upang makapag-isip. Sa usapan ay bigla, sa pasulat nama’y may mahabang oras upang mag-isip. Malaki ang kaugnayan ng
  • 2. personalidad ng tao sa paggamit ng wika. Ayon kay Galicia (2007) ang wika ay nag-uugnay at nagsasad ng kaisipan sa bawat kilos at gawi ng lahat ng nilalang. Ang wika ay isang behikulo sa mabisang pagpapahayag, pagtatalakayan at pagkakaunawaan. Ito ay daan ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran ng isang bansa at lipunan. Ang wika ay pinakamahalagang biyaya ng diyos sa tao, at ang paggamit nito ay isang katangiang ikinaiba nito sa iba pang nilalang ng Diyos. Ayon sa Websayt na www.wikipedia.com noong ika-2 ng marso (2010), ang gay lingo ay bernakular na wikang hango sa wikang Ingles at wikang Filipino. Ito ay ginagamit ng mga baklang Filipino kung saan pinagsama-sama dito ang elemento ng Tagalog, Ingles, Ispanyol, manaka-nakang galing sa Nippongo, mga pangalan ng mga artista, kilalang mga gamit kung saan nabibigyan ng panibagong kahulugan tungo sa isang kontekstong kakaiba. Ayon kay Santos (2007) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na Ang Gay Lingo sa Panahon ng Impormasyon ay sinasalamin ng wikang ginagamit ng isang tao ang kanyang kinalalagyan sa lipunan o social status. Pansinin natin na sa gay lingo, bagaman itinuturing na wika ng mga bakla, hindi naman lahat ng mga bakla ay gumagamit nito at hindi rin naman limitado sa mga bakla ang paggamit nito, may mga babae at babaeng bakla ring tumatangkilik sa gay lingo. Samantala, kapag may isang lalaking gumamit ng gay lingo, maaari siyang husgahan agad ng mga tao o ‘di kaya’y maging kontrobersyal at kwestyunin ang kanyang pagkalalaki.
  • 3. Dagdag pa dito ang gay Lingo ay isa sa barasyon ng wika sapagkat sa panahon ngayon ay hindi na maitatanggi na mayroon na itong espasyo sa loob at labas ng pang- araw araw na pamumuhay ng mga Pilipino maging sa paaralan sa larangan ng pakikipagtalatasan. Ayon kay Rubrico (2001), Ang lenggwahe na ginagamit ng mga bakla o gay lingo ay para sa kanilang grupo lamang. Wala silang intensiyong ipagamit ito sa hindi nila kauri. Ito ay sekretong lingo o argot na dapat hindi maiintindihan ng mga taga-labas. Ngunit sa paglipas ng panahon, ito ay naging isang bukas na lenguwahe maging sa mga hindi bakla, ang iba nito ay nakakalabas at ginagamit na rin sa mainstream --tulad ng bading, tsimay, tsugi, jeproks, tsibug, chika, jowa at iba pa. Maliban sa katotohanan na ang wikang bakla ay kasalukuyan nang nasa proseso ng pakikipagsabayan sa iba pang wika sa Pilipinas sa paraang palabaybayan o sa balarila man, nagsaad din si Haughen (1997) sa Standardisasyon ng Wika na ang pagsasalita ay basiko sa pagkatuto ng wika. Dagdag pa ni Galicia (2007), Walang makapagsasabi kung saan at kailan nagsimula ang mga salitang ito. Ipinapakita lamang na ang wikang Filipino ay buhay. May nawawala at may napapa-litan tanda ng pag-unlad ng ating wikang pambansa. Hindi maikakaila ang katotoha-nang ang mga salitang ito ay ginagamit sa kasalukuyan na hindi gaanong binibigyan ng pansin ng mga mananaliksik-wika kung ano ang epekto nito sa wikang Filipino. Kaya hindi dapat pagtakhan kung nakakarinig ng mga bagong usbong na salita na bago sa pandinig na galing sa isang pangkat o grupo ng mga taong nasa ikatlong kasarian.
  • 4. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Ang wika ay napakahalaga para sa isang bansa, ito ay isang mahalagang salik sa pansariling kaunlaran at pang-araw-araw na pamunuhay ng isang tao.(Mag-atas, 1998). Ayon nga kay Henry Gleason (1979), isang Linggwista, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura. Ayon sa nasabing pahayag ni Gleason (1979), ang wika ay ginagamit sa komunikasyon kung saan pumapasok ang pakikipagtalastasan sa aspetong sosyal. Ipinahayag rin niya ang wika ay nagbabago at kabuhol ng kultura kaya naman sa pagbabagong ito ay naipasok na sa wikang mayroon sa Pilipinas ang pagsulpot ng lenggwaheng nasa ikatlong kasarian o ang wikang sinasalita ng mga bakla o mas kilala sa tawag na Gay Lingo. Ayon sa Websayt na www.WikiPilipinas.com noong ika-27 ng Pebrero, 2010, Ang gay lingo o tinatawag ding sward language, gay language, showbiz slang, sward speak at gay slang ay mga katawagang bunga ng baryasyon ng wikang Filipino, wikang Ingles at iba pang wikang umiiral sa bansa. Ang wikang ito ay binuo ng mga taong nasa ikatlong uri o mga bakla bunga na rin ng pangangailangan sa lipunang kanilang ginagalawan. Ang baryasyong ito ay hindi kagaya ng ibang mga wika na may sariling sinusunod nang sariling alituntunin pang-gramatika o balarila, ang gay Lingo ay walang sinusunod na unibersal na tuntuning pang-gramatika.
  • 5. Sa barasyong ito ng wika, ayon nga kay Bickerton (1975 sa Joan Russel 1982) ay maaring magbago sa bawat panahon ngunit laging nakikita ang kanyang kaantasan. Ayon naman kay Whitehead, isang edukador at pilsopong ingles ang wika daw ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Isinaad naman ni Mangahis (1994) na hindi mapapasubalian na ang wika ay pinakamabisang kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang, higit dito ay katangian, kalikasan at kagamitan ng wika. Ito’y tagapagdala ng ideya. Nahihikayat nito ang ugali ng tao, ang isip at damdamin, gawa o kilos nito. ang wika ay instrumento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip upang magamit nang sukdulang kagamitan ang wika, dapat itong mahawakan nang buong husay at angking ganap. Dagdag pa ni Santiago (1986): “Tulad ng isa pang barayti ng Wikang Filipino, ang wika ng mga bakla o gay language ay patuloy na namamayagpag sa ating Lipunan. Ginagamit ito sa iba’t ibang paraan o uri ng komunikasyon o pakikipagtalastasan. Kadalasan ang mga gay lingo ay nababasa sa mga pahayagang tabloid, naririnig sa radyo at naririnig sa telebisyon.” Ang mga mananaliksik ay naganyak ng kanilang mga sariling interes na tuklasin ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa gay lingo na palasak na rin sa mga loob ng paaralan. Naisip ng mga mananaliksik na ang gay lingo ay ginagamit ng mga mag-aaral na hindi gaanong nabibigyang pansin kung ano ang nagiging dulot nito sa wikang Filipino kabilang na rito ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta sa lalawigan ng Quezon kung saan laganap na ang paggamit nito at mayroon na itong
  • 6. puwang bunga na rin ng pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha ng mga mag-aaral sa ibang tao. Isa sa Pinagmamalaking paaralan sa Munisipalidad ng Infanta sa lalawigan ng Quezon, ang Infanta National Highschool. Tahanan ito ng mga karunungan at patuloy na bumubuo, humuhubog ng mga kabataan tungo sa isang ganap na lipunang may pag- unlad. Patuloy ng pinaunlad ang paaralan. Binuo ang mga logo, ang mga alintuntunin at ang pagsasaayos ng mga pasilidad. Taong 1994, Mula sa Infanta Junior Highschool ay nakilala ito bilang Infanta National Highschool. Ito ay pinananahanan ng mahigit kumulang dalawang libong mag-aaral mula sa unang taon hanggang ikaapat na taon. Sa kabila ng limitadong pinagkukuhaan ng pinansyal na suporta mula sa gobyernong nasyonal, ang paaralan ay patuloy na nagsisikap na gawin ang adhikain nitong makapagbigay sa mga kabataan ng Infanta ng de kalidad na edukasyong nararapat sa kanila. Napansin ng mga mananaliksik na ang mga lenggwaheng ito ay ginagamit ng mga mag-aaral na hindi gaanong nabibigyan ng pansin kung ano ang nagiging epekto nito sa wikang Filipino. BALANGKAS TEORETIKAL Magalang na binigyang-pansin ng mga mananalisik ang iba’t ibang teorya na sumuporta sa ginawang pananaliksik.na paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon”. Tumalakay ito sa pananaw sa paggamit ng Gay Lingo o wikang sinasalita ng isang grupo sa lipunan ng Pilipinas kung saan nagkakaroon sila ng iisang aydentidad sa kanilang lipunang
  • 7. ginagalawan o kilala sa tawag na bakla na nasa ikatlong kasarian ng lipunan at ipinasok dito ang pananaw ng mga mag-aaral ng nasabing Paaralan. Sa kalagayan ng gay lingo, umugnay ang iba’t ibang teorya o pag-aaral hinggil sa mga sitwasyong pagkatuto ng wika katulad ng Teoryang Innative, Teoryang Kognitib at De individuation theory. Ayon sa pananaw sa Teoryang Kognitib ni Jean Piaget, ang pagkatuto ng isang wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang mag-aaral ng wika ay palaging nangangai-langang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumailaim na tuntunin at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mag-aaral ng wika o di kaya nama’y naiilapat nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang mga kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali sa isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinasto. Ang pagkakamali ay tinatanaw ng mga kognitibist bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto (Badayos, 1999). Ang teoryang ito ni Piaget ay iniugnay sa wikang bakla sa aspetong ang wika ay dinamiko o nagbabago. Ayon kay Siguitan ka kanyang ginawang dyornal na may titulong A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in Philippine Gay Lingo (2008) ang gay lingo tulad ng ibang wika ay patuloy ring nagbabago. Subalit hindi katulad ng ibang wika, ang mga salita at termenolohiya nito ay mabilis na naipoproseso sa labi at hindi
  • 8. makikita sa diksyunaryo nang agad-agad at kung may sinulid na humahawak sa wikang ito para mabuo, iyon ay ang kalayaan: kalayaan sa mga batas at dikta ng lipunan. Si Murphy Red (1996) naman, ayon sa kanyang article na Gayspeak in the Nineties ay nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla sa Pilipinas, isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga bakla ay walang pinaghahawakang alituntunin. Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang dulog pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teyoryang kognitibist ay palaging nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong prosesong pangkaisipan. Sa ganitong pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng mga bagong impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman. Sa pagkatuto ng wika, kailangang sa implikasyon sa pagtuturo. Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matutuhan. Samantalng sa kampo ng mga kognitibist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng wika ( Badayos, 1999).
  • 9. Bilang isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng mga bata at paano sila natututo. Ang De individuation theory ni Leon Festinger (Linguistic Divergence) ay hinggil sa pagkawala ng idibidwal na pagkakakilanlan dahil sa napapalitan na ito ng identitad ng isang grupo ng lipunan. Ang grupo ang nagdidikta ng mga istandard na dapat sundin ng bawat indibidwal na pagkakakilanlan dahil nahahalinhan naman ito ng identitad ng grupo. (Syque 2002-2010). Sabi nga sa isang artikulo ng magasin, ipinaliwanag at binigyang pagtatanggol nina Jose at Meily (1984) ang kapakanan ng mga homosekswal, na kung sila man ay gumagawa ng sariling daigdig na may sariling wika ay sa dahilang kahit ang mga magulang na kanilang inaasahang mangangalaga at magtatanggol sa kanila ay nasusuklam rin at ikinakahiya sila. Kaya nararamdaman nilang sila’y hindi tinatanggap at waring hindi kabilang sa mundo. (Badayos, 1999) Sa isa pa ring Ingles na magasin, ang artikulo ni Fortich (1991) na nagsasaad ng mga sitwasyon at reaksyon ng mga bakla bilang tao ay naglalarawan ng hindi maipaliwanag na pag-iwas sa kapwa; takot sa mga pang-uuyam at pag-aalipusta, damdamin na parang ang kanilang kaluluwa sa waring walang katapusang kapighatian. Wala silang masilungan ni mahingan ng tulong. Kaya sa paghihimagsik ng kanilang kalooban narerelease lamang ang kanilang damdamin kung sila’y magsasalita ng gay lingo. sa ganitong paraan, naaalpasan nang nila ang mga alalahanin at paghihimagsik nang walang nasasaktan.
  • 10. Tunay na ang wika ay mabisang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, sapagkat ito ay mabisang kasangkapan at nagbibigay ng kulay at buhay sa mga kaisipan upang maisatinig sa pamamagitan ng sariling wika. BALANGKAS KONSEPTUWAL Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay binigyan ng konseptong konseptwal upang higit na maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag-aaral na ito. Pigura Blg. 1: Paradigma ng Gay Lingo -Propayl ng mga mag-aaral - Ang gay lingo sa kasalukuyan bilang wikang ginagamit ng mga mag-aaral -Bentahe ng gay lingo sa loob ng paaralan -Disbentahe ng gay lingo sa loob ng paaralan Teyoryang Innavative Teyoryang Kognitb De individua- tion Theory Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon
  • 11. Ayon sa Pigura, may tatlong prosesong binuo para maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Pumapasok sa unang kahon bilang input ang suliranin o layunin ng pag-aaral na ito katulad ng Propayl ng mga mag-aaral, Ang gay lingo sa kasalukuyan bilang wikang ginagamit ng mga mag-aaral,kahalagahan ng gay lingo sa loob ngpaaralan, hindi kahalagahan ng gay lingo sa loob ng paaralan. Makikita naman sa kasunod na kahon bilang proseso ang mga teoryang ginamit na tapakan ng mga mananaliksik upang mabatid ang pagpasok ng mga wika batay sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika. Ito ay ang Teoryang Innavative, Teoryang Kognitib at De- Individuation Theory. At sa panghuling kahon naman bilang output ay lumabas ang Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga piling mag-aaral ng Mataas na paaralan ng Infanta, Quezon. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pag-aaral na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Ano-ano ang Demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Infanta? Sa punto ng: a. Edad b. Kasarian 2. Gaano kalawak ang baryasyon ng Wika na ginagamit sa bahay ng mga
  • 12. magaaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta? 3. Kailan/ Gaano kadalas ginagamit ang Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta? 4. Saan malimit naririnig ang Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta? 5. Ano-ano ang dahilan ng Paggamit ng Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta? 6. Sino-sino ang kinariringgan ng Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta? 7. Ano-ano ang bentahe at disbentahe ng Gay Lingo sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta? KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang pag-aaral na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay makatutulong ng malaki sa mga sumusunod: Sa mga mag-aaral Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat malaki ang papel na ginagampanan ng wika sa ating lipunan. Kung patuloy na gagamitin ng mga mag-aaral ang gay lingo,
  • 13. magkakaroon ito ng epekto sa Wikang Filipino. Magmumulat rin ang pananaliksik na ito sa kanila ng mga kaalaman hinggil sa kasaysayan at pinagmulan ng Gay Lingo. Mababatid ng mga mag-aaral ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pag-usbong nito at katanggapan para dito. Sa mga manunulat Ang pag-aaral na ito ay magbibigay-daan sa kaisipang ang pagsulat ay isang kalayaan, kalayaang nagpipilit sa bawat isang indibidwal na ilahad ang tunay niyang saloobin sa paraang pasulat man. Ang panitikan ang buhay ng mga manunulat at makakapagsusulat lamang sila, kung sila’y may kalayaang gamitin ang wikang nais nilang gamitin kung ito man ay Gay Lingo. Sa mga mananaliksik Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanilang panibagong lakas upang saliksikin nila ang higit na mahahalagang bagay o ideya na makatutulong upang mapalawak ang hangarin ng bawat isa na mabuksan ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa Gay Lingo at ang epekto nito sa Wikang Filipino. Sa mga magulang Sa panig ng mga magulang, ang resulta ng pagsusuri ay magsisilbing paalala sa kanilang malaking tungkulin sa paggabay at pagbibigay kalayaan sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Ito ay magpapabatid sa kanila bilang kasama o katuwang sa pagbabago sa paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan.
  • 14. Magpapaunawa rin ang pananaliksik na ito sa mga magulang upang mabatid nila ang mga pananaw ng kanilang mga anak hinggil sa pag-usbong ng gay lingo. SAKLAW AT LIMITASYON Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay sumasaklaw sa pananaw ng dalawang daan at limampu’t dalawa (252) na mga piling mag-aaral mula sa kabuuang bilang na animnadaan at limampu’t anim (686) na populasyon ng nasa ikaapat na antas sa sekondarya ng Mataas na Paaralan ng Infanta at pinili sa pamamagitan ng Random Sampling ang naging kalahok o respondente ng pag-aaral. Ginamit ang Formyula ni Slovin upang ilahad ang teknik na kinasangkapan sa pagkuha ng sampol. Hindi sinasaklawan ng pag-aaral na ito ang anumang opinyon o pananaw ng mga kaguruan, o maging mga nasa ikatlong kasarian na hindi naman mag-aaral ng nasabing paaralan. KATUTURAN NG TALAKAY Ang mga sumusunod ay mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito batay sa kabuuan ng pananaliksik. Ang mga nasabing terminolohiya ay nasa paalbabetong pagkakasunod-sunod:  Baryasyon - pagkakaiba-iba ng anyo
  • 15.  Balarila - ito ang hanay ng Lohikal at istruktural na mga alintunin na namamahala sa komposisyon ng mga pangungusap, parirala at mga salita sa anumang Likas na wika.  Elementarya- ito ay isang institusyon kung saan ang mga bata ay naghahanap at tinuturan ng mga bagong karunungan. Ito’y binubuo ng hanggang anim na taon sa paaralan.  Gay Lingo - tinatawag ding sward language, gay language, showbiz slang, sward speak at gay slang ay mga katawagang bunga ng baryasyon ng wikang Filipino, wikang Ingles at iba pang wikang umiiral sa bansa.  Komunikasyon - isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon.  Lalawigan - ito ang lugar kung saan tinatawag ding rural o labas sa lungsod  Linguistic convergence - ipinapakita na sa bawat ugnayan ng mga tao ay naroon ang pakikipag-uganayan o katanggapan ng wikang iyon bilang simbolo ng pakikiisa ng grupong iyon at pagtangkilik dito.  Linguistic divergence- ang pagpapakita ng pagtutol o pagpapahayag ng pagiging iba sa grupo at pagkakaroon ng sariling aydentidad.  Wika - masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.  Wikang Filipino - ang opisyal na wika ng Pilipinas at batay sa lahat ng wikang umiiral sa bansa.
  • 16. KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang kabanatang ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay naglalaman ng banyagang literatura, banyagang pag-aaral, lokal na pag-aaral at lokal na literaturang mula sa mga aklat, journal, nalathala at hindi nailathalang tesis at iba pang lathalain na nagbigay ng mga impormasyon na nagamit ng mga mananaliksik kaugnay sa nasabing paksa. BANYAGANG LITERATURA Sa aklat ni Weinrich na may titulong Language in Contact, ipinaliwanag ni Marine (1998) na ang panglinggwistikang mga pagkakaiba (diversity) ay nagsimula sa sariling lahi, sa katangian ng isang tao. Hindi kailangang sabihin na ang isang tao ay larangan ng pagtutunggali sa panglinggwistikang uri at gawi. Si Weinrich (1998) ay naniniwalang maliit man o malaki ang pagkakaiba o pagkakatulad ng mga wika na ginagamit ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan ay dapat na lubusang mailahad sa bawat larangan sa ponema, balarila at mga salita bilang pang- unang kailangan sa pagsusuri ng mga balakid. Ipinahayag ni Contreras noong 1994 sa kanyang nilimbag na lathalain na naipalabas sa Readers Digest Vol.10, No.5 ang katangian ng isang bakla. Sa pamamagitan nito, karagdagang unawa ang kailangang matamo ukol sa pagkakaroon sa lipunan ng mga bakla o gay.
  • 17. variety kadalasan pa ay mix-mix o Taglish Variety ang ginagamit. Inilahad ni Phillips (1990) sa wikang Ingles na ang homosexual sa Amerika ay mahilig gumamit ng mga swards lingo na kung saan kalimitan ay para lamang sa kanilang pangkat na mamamayan. Ipinahayag ni Conteras (1994) sa kanyang nilimbag na lathalain na ipinalabas sa Readers Digest Vol.10, No.5 ang katangian ng isang gay o bakla. Sa pamamagitan nito, karagdagang unawa ang kinakailangang matamo ukol sa pagkakaroon sa lipunan ng mga bakla. Sinabi naman ni Benjamin (1996) na ang swards lingo ay nauso lamang dahil ang mga bakla ay nagnanais na matamo ang kalayaan at ang pang-unawang lipunan. Ipinahayag ni Umali (1991) na ang ating wikang Filipino ang pinagbabayan ng kaalaman na dapat maiukol at maipasok sa kaisipang ng bawat mag-aaral. Ito ay isang mayamang batayan ng karunungan na maibabahagi sa bawat mag-aaral. Ito ay isang mayamang pahayagan na naibahagi ang balita at kultura sa bunog kapuluan na maunlad at nakararating sa pinakaabang nasa ng bansa. Ang mga babasahing nakikiisa sa bawat nilikhang kayumanggi ay dapat pang bigyang diin upang mapalawak sa pamamagitan ng wika. Sa wika madaling maipahayag ang nais na maipadaman at maipahayag ng nagsasalita nito. Ipinahayag naman ni Bay (1987) na ang nagsasalita ay isang masining na paraan ng pagpapahayag ng iniisip, nadarama, niloloob at nakikita o naguguni-guni. Samakatuwid, ang pagsasalita ay nagbibigay ng isang sitwasyong kinalalagyan ng disiplinang intelektwal o pagkamalikhain.
  • 18. Ang gawaing pagsasalita ang sinasabing pinakamahalaga na dapat linangin ng mga mag-aaral sa pang-unawa ng kanilang sinasabi o ipinapahayag sa pamamagitan kung paano sila lilikha ng mga talasalitaan o salita upang makabuo ng isang pangunahing diwa. Sa isang seminar, winika ni Papa (1987) ang ganito: “Ang pangunahing layunin ng pagtuturo ng wika ay ang kasanayang magagamit ito ng buong bukas sa aktwal at angkop na sitwasyon. Hindi lamang kaalaman sa mga kayariang panglinggwistika ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral, kundi lalo’t higit ang kasanayang magamit ito sa angkop na pagkakataon at tamang paraan.” Ayon naman kay Sebastian (1982), ang iba pang suliranin sa pagpapalaganap at pagtuturo ng wika sa mga saligan at batayang aklat at karaniwang pagdampu’t- damput ng mga guro sa pagbibigay ng paksang aralin. Binigyang diin ni Paz (1993), na mula sa pagkabata ay may wikang katutubo tayong natututuhan at ginagamit natin ito sa pakikipagtalastasan sa mga kamag-anak at komunidad. Maaaring sa sa mga kamag-anak at komunidad. Maaaring isa sa mga tagalog ,ilocano, cebuano, o mas maliit na grupo gaya ng bagobo, kalinga at iba pa. ang karamihan ay marunong din ng wikang rehiyunal, gaya ng Ilocos na ginagamit sa norte. Cebuano sa isang parte ng Bisayas at Mindanao, Tagalog sa Gitnang Luzon at iba pa. Bukod dito, sila ay marunong ngayon ng wikang Filipino na ginagamit ngayon sa sentro ng kalakalan.
  • 19. Ang mabilis na pag-unlad ng sibilisasyon ayon kay Sauco (1990) ay batay sa kakayahan ng taong makibahagi sa karanasan ng kapwa, makipagpalitan ng ideya at mag- ambag pa ng karanasan sa mga sumusunod pang saling-lahi. Ang Gay Lingo ayon pa kay Talde (1993) ay para lamang sa mga minoryang pangkat tulad ng mga gay na noo’y payak, tago at marunong mahiya subalit sa pagdaan ng maraming panahon ay naging mapusok. Sa isang Ingles na magasin, ang artikulo ni Fortich (1991) na nagsasaad ng mga sitwasyon at reaksyon ng mga bakla bilang tao ay naglalarawan ng hindi maipaliwanag na pag-iwas sa kapwa; takot sa mga pang-uuyam at pag-aalipusta, damdamin na parang ang kanilang kaluluwa sa waring walang katapusang kapighatian. Wala silang masilungan ni mahingan ng tulong. Kaya sa paghihimagsik ng kanilang kalooban narerelease lamang ang kanilang damdamin kung sila’y magsasalita ng gay lingo. sa ganitong paraan, naaalpasan nang nila ang mga alalahanin at paghihimagsik nang walang nasasaktan. Sa aklat ni Holmes (1993) inilahad niya sa pamamagitan ng kompilasyon (compilation) ng mga liham ng mga momosekswal ang mga problemang kanilang nararanasan tulad ng pagtatago sa kabinet o closet, pagiging biktima ng homophobia, paghaharap ng katapat na relasyo at hindi pagtanggap ng lipunan at simbahan sa kanila. Nasabi rin niya na dahil sa mga problemang nabanggit kaya nagawa nila ang mga wikang nagkukubli ng kanilang hinanakit. Sa isa ring artikulo ng magasin, ipinaliwanag at binigyang pagtatanggol nina Jose at Meily (1984) ang kapakanan ng mga homosekswal, na kung sila man ay gumagawa
  • 20. ng sariling daigdig na may sariling wika ay sa dahilang kahit ang mga magulang na kanilang inaasahang mangangalaga at magtatanggol sa kanila ay nasusuklam rin at ikinakahiya sila. Kaya nararamdaman nilang sila ay hindi tinatanggap at waring hindi kabilang sa mundo. Ipinaliwanag na nangingibabaw pa rin na ang pinagbabatayan ay ang pagkakalalang sa unang lalaki at babae. Gayundin, kinokundina rin ng lipunan ang mga salitang gay lingo ay hindi pinahihintulutan ng diyos na makapangyarihan dahil wala itong orihinal na pinagmulan. Gayunman, ang gay lingo na umiiral ngayon sa ngayon ay binigyang katwiran ni Galang (1998) sa kanyang isang artukulong isinulat. Sinabi ng may-akda na: “The gay language is a natural offshoot of the sub-culture created by the members of the third sex. Just as the social outcasts of England have given birth to the punk sub-culture as a form of rebellion against the straight-laced English society to which they could not conform, homosexuals, precisely because they belong to neither male or female sex, have to create a world entirely their own to in order to feel even a semblance of that elusive sense of belonging.” Binigyang–diin ni Rogers (1990) na ang kaisipan ng isang indibidwal ukol sa sarili ay binubuo ng lahat ng mga ideya, kakayahan at kahalagahang maaakalang nasa kanya at ito’y nagbibigay imluwensya upang kumilos batay sa pananaw na ito. Ang ganitong kaisipan ang humuhubog sa bakla upang magpahayag siya ng sarili na hindi maririnig o mauunawaan ng karaniwang kasarian. Kaya gumagamit siya ng gay lingo na ang naka-
  • 21. uunawa ay kapwa bakla o mga taong tumatanggap sa kanila. BANYAGANG PAG-AARAL Ayon kay Ball (1998) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na Dictionaries and Ideology: The Treatment of Gays, lesbians and Bisexuals in lexicographic works na: “There are two different but related approaches to the study of the influence of language structure on cognitive processes and other symbolically mediated behavior. One approach deals with the generic function of language in shaping cognitive processes, while the other is concerned with the comparative problem of how lexical and grammatical differences among languages systematically relate to differences in the cognitive processes of their speakers.” Ayon dito, may dalawang pagkakaiba subalit may kinalaman sa kung paano naiimpluwensyahan ang istruktura ng wika sa kognitibong proseso at ibang simbolikong pagkilos. May pagkakatulad at pagkakaiba sa kung paanong nag-iisip ang tagapagsalita batay sa kanilang personalidad halimbawa na lamang ang tagapagsalita na nasa ikatlong kasarian. Ayon naman kay Baker (2000) sa kanyang papel na may pamagat na Construc- ting Polari-Speaking Gay Identities: The Triangulation Approach na: “It has become descriptive of the overall experience of life in the gay community, includes names for common words that have no exclusive relation to the culture. Most of the middle aged gays seemed to be aware of gay life, identity and culture in the West.”
  • 22. Ayon dito, nagkaroon na ng deskriptibo sa kabuuan ng kmga karanasan sa komunidad ng mga bakla, kasama na dito ang mga salitang hindi eksklusibo sa pang araw-araw na pamumuhay. Ayon naman kay Troiden (1979) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na Becoming homosexuals. Research on acquiring a gay identity na: “There are also people who still think of homosexuality as a disease and therefore as contigious, even if this view has long been drunked…and by studying sexuality and gender, they will be able to free themselves from their prescribed roles in society.” Ayon dito, sa pag-aaral ng kasarian, maaaring magkaroon ng kalayaan ang bawat isa na gumalaw sa kanyang lipunan tulad ng mga bakla sa lipunan. LOKAL NA LITERATURA Nagbigay ng kongklusyon si Baytan (2002) sa kanyang librong “Language, Sex, and Insults: Notes on Garcia and Remoto’s The Gay Dict” na ang pag-unlad ng wikang bakla sa Pilipinas sa halos mga taon ay isang uri ng defens mechanism na makipagtalastasan sa paraang pasalita. Ayon naman kay Siguitan (2008) sa kanyang ginawang dyornal na may titulong “A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in Philippine Gay Lingo” ang gay lingo tulad ng ibang wika ay patuloy ring nagbabago. Subalit hindi katulad ng ibang wika ang mga salita at terminolohiya nito ay mabilis na naipopro seso at hindi makikita sa
  • 23. diksyunaryo nang agad-agad at kung may sinulid na humahawak sa wikang ito para mabuo, iyon ay ang kalayaan: kalayaan sa mga batas at dikta ng lipunan. Si Murphy Red (1996) naman, ayon sa kanyang article na “Gayspeak in the Nineties” ay nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla sa Pilipinas, isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga bakla ay walang pinaghahawakang alituntunin. Buhat sa mga lumabas na pag-aaral tungkol sa wikang bakla o gay Lingo sa lokal at internasyunal na konteksto na ang gay Lingo ay wika ng marginalisadong sektor ayon kay Suguitan (2005). Kaugnay dito, sinabi ni Cruz (2006) sa kanyang column na may pamagat na “Don we now our gay apparel” na na nailimbag ng Philippine Star press ay: “...At ang mga paaralan ngayon ay nababalot na ng paglaganap ng ikatlong uri o mga bakla. Isang araw, habang naglalakad ako sa bandang university belt, napadaan sa harapan ko ang grupo ng mga kalalakihang nagbibiruan habang sinabi ng isang lalaki sa seryosong paraan. Aalis na ako. Magpapasuso pa ako!. Ang ganoong pananalita ay laganap na sa paaralan ng lima kong anak na lalaki noong dekada ’70 habang ang mga estudyante ay maskuladong lahat. Ngayon, karamihan sa mga estudyante ay bakla at hindi ko ibig sabihing masaya ako. Marahil ay naimpluwensyahan na sila ng mga palabas katulad ng Brokeback Mountains, ang gawa sa Pilipinas o ating atin na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Queer Eye for the Straight Guy at iba pa.”
  • 24. Sa pahayag na ito ni Cruz (2006) nilalaman na maging sa paaralan ay laganap na rin ang paggamit ng wikang bakla. Idinagdag pa niya ang mga salik na sa tingin niya ay nakaimpluwensya ng pag-usbong nito sa nasabing paaralan. LOKAL NA PAG-AARAL May mga pag-aaral din na isinagawa hinggil sa paksang may kinalaman sa Gay Lingo sa Pilipinas. Sinasakop ng mga nasabing pag-aara ang suliranin, layunin at iba pang may kinalaman sa Gay Lingo. Isang Pagsusuri sa gay Lingua ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sining at Agham ng University of the East ni Rosalie M. Galicia ng Manuel L. Quezon University taong 2001. Ayon sa kanyang pag-aaral: “Ang salitang gay lengua na madalas gamitin ng mga mag-aaral ay mga salitang repleksyon sa pang-araw-araw na buhay ng isang mag-aaral. Malaki ang papel na ginagampanan ng kasarian sa paggamit ng gay lingo at nagpapapatunay lamang na popular ang paggamit ng gay lingo sa mga kababaihan.” Ayon naman sa pag-aaral ni Miko D. santos na may Pamangat na Ang Gay lingo sa Panahon ng impormasyon taong 2007 ay nagsaad na : “ Ang panahon ng Impormasyon at ang yumayabong na wika ng mga bading, ang sward language o gay lingo, lahat ay sa konteksto ng Pilipinas.”
  • 25. Ayon naman sa pamanahong papel ni Oriondo Sandy (1992) na may Pamagat na “Isang paglilinaw sa salitang bakla at wikang berbal ng mga Maricona na Resulta ng Kanilang pakikipagsapalaran na naging bahagi ng pag-unlad ng Wikang Filipino” ay naglalalaman ng: “Isa lamang ito sa mga nagsasalamin sa pagkakamalikhain ng mga Pilipino. Maraming paraan kung saan tayo angat sa nakararami lalo na kung paglikha ng iba’t ibang bagay ang pinag-uusapan.sabi nga ng karamihan, marami tayong pauso, pakulo, marami tayong alam pagdating sa mga bagay-bagay,sa kalokohan man o seryosong usapan. Iba tayong mga Pilipino, kahit saang bahagi man tayo ng mundo ilagay.” Batay sa pahayag na ito ni Sandy (1992), ang Gay Lingo ay sumasalamin sa pagkamalikhain ng mga Pilipino. marami tayong mga pakulo,pauso at iba tayong mga Pilipino saan man ilagay sa mundo.
  • 26. KABANATA III METODO NG PANANALIKSIK Ipinapakita sa bahaging ito ng pananaliksik ang metodong ginamit ng mga mananaliksik upang makamtan ang layuning alamin ang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” . Uri ng Pananaliksik Gumamit ang mga mananaliksik ng Deskriptibong pamamaraan. Isinagawa ito sa pamamagitan ng paglalarawan ng kasalukuyang paggamit ng gay lingo sa pananaw ng mga mag-aaral na nasa lalawigan. Ang kaparaanang paglalarawan ang tumutuklas sa kasalukuyang kalagayan ng isang tiyak na bagay o pangkat at ng mga pangyayaring nagaganap sa isang pangkat. Sa pag-aaral na ito, inalam ng pananaliksik ang mga gay lingo na ginagamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta sa Lalawigan ng Quezon. Gumamit din ng kaparaanang pang-estadistika gaya ng prekwensi at bahagdan. Paglalarawan ng Respondente Ang mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta na nagsilbing respondente ng pananaliksik ay mga nasa ikaapat na taon ng panuruan, Taong aralan 2010-2011. Pinili ang mga mag-aaral sa kaisipang ang mga mag-aaral ay isa sa mga nagsisilbing tagagamit ng anumang wika sa loob ng paaralan at nasa mga mag-aaral
  • 27. ang desisyon kung anung wika ang nais nilang gamitin sa paraan mang pasulat o pakikipagtalastasan sa loob ng paaralan. Populasyon Upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito, pumili ang mga mananaliksik ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan ng Infanta na nasa ika-apat na antas, Taong panuruan 2010-2011 sa Lalawigan ng Quezon, ang bayan ng Infanta. Ang mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng Mataas na Paaralan ng Infanta ay may kabuuang bilang na 686. Pinili sa pamamagitan ng Random Sampling ang mga naging respondente ng Pag-aaral. Ang mga piling mag-aaral ng nasa ika-apat na antas na naging respondente ay may bilang na Dalawang daan at limampu’t dalawa (252). Sila ang naging tagasagot sa mga katanungan upang masuri ang mga gay lingo na ginamit ng mga mag-aaral. May dalawangdaan at limampu’t dalawa (252) na mga piling mag-aaral mula sa kabuuang bilang na animnadaan at limampu’t anim (686) na populasyon ng nasa ikaapat na antas sa sekondarya ng Infanta National Highschool at pinili sa pamamagitan ng Random Sampling ang naging kalahok ng pag-aaral na ito.
  • 28. Nasa ibaba ang Pormyula ni Slovin upang ilahad ang teknik na kinasangkapan sa pagkuha ng sampol: n= __N__ 1+ Ne ² Na ang: n= ay tumutukoy sa Sampol N= ay tumutukoy sa populasyon e= ay tumutukoy naman sa tinatayang datas ng kamalian n= 686 1+ 686 (.05)² n= 686 1+ 686 ( .0025) n= 686 1+ 1.715 n= 686 2.715 n= 252.67 n=253
  • 29. Pagkuha ng Proposyon na Sampol Proposyon na sampol (%)= _n_= 253 = .3688 N 686 Ang .3688 ay ini-round off sa .37 o 37% para sa maayos na komputasyon ng mga mananaliksik. Mga Seksyon Bilang ng mga mag-aaral Bahagdan Bilang ng Respondente DMU 58 37% 21 LEU 58 37% 21 NSD 58 37% 21 MBM 54 37% 20 JEB 58 37% 21 JMS 59 37% 22 CGP 59 37% 22 RJB 55 37% 20 RVT 61 37% 23 EML 57 37% 21 BPB 58 37% 21 AMD 51 37% 19 Kabuuang Bilang ng Respondente 686 37% 252 Ang kabuuang sampol ng pananaliksik ay 252.
  • 30. Paraan ng Pangangalap ng Datos Ang mga mananaliksik gumamit ng simpleng estadistika gaya ng pagkuha ng bahagdan upang makatuwang sa ikalilinaw at ikadadali ng pagpapaunawa sa mga inilarawang kalagayan. Dinagdagan ang mga impormasyong nakalap sa mga library, sa pamamagitan ng impormal na pagtatanong, obserbasyon at pag-aaral sa resulta ng questionnare na tinugunan ng mga respondente. Ang mga Instrumentasyon ay ipinamahagi nang personal ng mga mananaliksik matapos mapahintulutan ng Prinsipal ng paaralan na kasangkot at tiniyak na ang bawat sampol ay natamo at maayos na nasagutan ng respondente. Instrumentasyon Upang makalikom ng kinakailangang datos, ginamit ng mananaliksik ang talatanungan o researh questionnaire. Isang talatanungan ang inihanda ng mananaliksik para sa mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral. Nilalaman ng isang talatanungan ang sampu (10) na tanong. Ang una at pangalawang ay naglalaman ng demograpikong propayl ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. Pangatlo, Ang baryasyon ng wika na ginagamit sa bahay ng mga mag-aaral. Pang-apat, Ang panahong ginagamit ang Gay Lingo ng mga mag-aaral at Pang-lima ang dalas ng paggamit ng Gay Lingo. Sa Pang-anim at pang-pitong tanong ang lugar na kadalasang naririning ang Gay Lingo at dahilan ng paggamit nito. Pang- walo, ang kasariang Kinariringgan ng Gay Lingo. Nasa ika-siyam at ika-sampung tanong ang bentahe at disbentahe ng paggamit ng gay lingo. Ito ay naging batayan ng
  • 31. mananaliksik upang malaman kung ano pananaw sa paggamit ng gay Lingosa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay tinukoy ang mga kasangkapang ginamit sa pangangalap ng mga datos, impormasyon ukol sa kabatiran at kahandaan ng mga guro ng Mababang Paaraalan ng Bacnar sa pagpapatupad ng Multilingual Education na nagsilbing daan upang mabigyang linaw ang mga isyung nakapaloob sa paksa. Nagsagawa ang mga mananaliksik ng sarbey gamit ang talatanungan na kung saan ay may pagpipiliang sagot sa pamamagitan ng checklists. Kompyutasyong Estadistikal Upang malapatan ng karampatang bahagdan ang mga nakalap na datos at impormasyon sa isinagawang sarbey ay napagpasyahan ng mga mananaliksik na gamitin ang mga sumusunod na pormula: Kung saan: P= Bahagdan R= Bilang ng sagot N= Kabuuang bilang ng respondente.
  • 32. KABANATA IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pagpapahayag ng mga kabatiran mula sa nakalap na mga datos sa mga respondente na mga piling mag-aaral na nasa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta, lalawigan ng Quezon sa bayan ng Infanta na nauukol sa mga salitang bakla o gay lingo na ginagamit at dinadala kahit sa paaralan. Ang mga datos ay inlilahad sa pamamagitan ng mga talahanayan, inanalisa at binigyang pakahulugan upang matuklasan at magkaroon ng resulta. Ang mga datos ay nalikom mula sa mga kasagutang nakuha sa mga taga tugon na ang pinagbatayang pinagkunan ay ang suliranin ng pag-aaral na ito. Ang mga ito ay ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral na respondente ayon sa edad, kasarian. Ang barasyon ng Wika na ginagamit sa bahay ng mga mag-aaral. Ang panahon na ginagamit ang gay lingo, dalas ng paggamit ng gay lingo, lugar na kadalasang naririnig ang gay lingo, dahilan ng paggamit ng gay lingo at kasariang kadalasang kinariringgan ng gay lingo. Ang Bentahe ng paggamit ng gay lingo at ang Disbentahe sa paggamit nito sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon. Makikita mula sa mga talahanayan ang mga bilang at bahagdan ng mga respondente na kumakatawan upang tumugon sa mga talatanungang ipinamahagi at ipinamudmod sa mga mag-aaral. Una, ang Demograpikong Propayl ng mga respondente na kalahok sa pag-aaral ayon sa edad at Kasarian.
  • 33. Talahanayan Blg. 1. Edad ng mga Respondente Edad ng respondente Bilang ng mga sumagot Bahagdan 11-12 0 0% 13-14 7 3% 15-16 222 88% 17- Pataas 23 9% Kabuuang Bilang ng Sumagot 252 100% Makikita sa Talahanayang 1 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa kanilang edad. Nangunguna ang mga nasa gulang 15-16 sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 222 mag-aaral o 88%, sumunod ang mga nasa gulang 17- pataas 0 9 % at ang mga nasa gulang 13-14 o 3%. Walang Mag-aaral ang nasa gulang 11-pababa. Sa kabuuan, ang unang opsyon na batay sa edad ay may kinalaman sa demograpikong propayl ng mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa gulang 15-16 o 88%, nangangahulugang ito ang edad ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
  • 34. Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Distribusyon ng Kasarian ng mga Respondente na may kaugnayan parin sa Demograpikong Propayl ng mga mag-aaral. Talahanayan Blg. 2 Kasarian ng mga Respondente Kasarian ng respondente Bilang ng mga sumagot Bahagdan Babae 163 65% Lalaki 86 34% Ikatlong kasarian 3 1% Kabuuang Bilang ng sumagot 252 100% Makikita sa Talahanayang 2 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa kanilang kasarian. Nangunguna ang bilang ng mga Babae sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 163 mag-aaral o 65%, sumunod ang mga lalaki na may bilang na 86 mag-aaral o 36% at ang mga nasa ikatlong kasarian na may bilang na 3 mag-aaral o 1%. Sa kabuuan, ang pangalawang opsyon na batay sa kasarian ng mga respondente ay may kinalaman pa rin sa demograpikong propayl ng mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa babae, nangangahulugang ito ang kasarian ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag- aaral ng nasabing paaralan.
  • 35. Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Distribusyon ng baryasyon ng Wikang Filipino na ginagamit sa bahay ng mga Respondente na may kaugnayan parin sa Demograpikong Propayl ng mga mag-aaral. Talahanayan Blg. 3 Baryasyon ng wika na ginagamit sa Bahay Makikita sa Talahanayang 3 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa Baryasyon ng wikang Filipino na ginagamit nila sa Bahay. Nangunguna ang mga gumagamit ng Tagalog sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 185 mag- aaral o 73%, sumunod ang mga gumagamit ng Taglish na may bilang na 65 mag-aaral o 26% at ang mga gumagamit ng Gay Lingo na may bilang na 2 mag-aaral o 1%. Sa kabuuan, ang pangatlong opsyon na batay sa baryasyon ng wika na ginagamit sa Bahay ay may kinalaman pa rin sa demograpikong propayl ng mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Tagalog, Wikang ginagamit ng respondente Bilang ng mga Sumagot Bahagdan Tagalog 185 73% Taglish 65 26% Gay Lingo 2 1% Kabuuang Bilang 252 100%
  • 36. nangangahulugang ito ang baryasyon ng wika na ginagamit bahay ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan. Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Panahong Ginagamit ang Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta. Talahanayan Blg. 4 Panahong Ginagamit ang Gay Lingo Makikita sa Talahanayang 4 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa panahong ginagamit nila ang Gay Lingo. Nangunguna ang kapag kasama ang barkada sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 158 mag-aaral o 63%, sumunod ang sa malayang oras na may bilang na 64 mag-aaral o 25%, sinundan ng kapag nasa labas ng paaralan na may bilang ng 26 mag-aaral o 10% at sa oras ng Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng mga sumagot Bahagyan Sa malayang oras 64 25% Kapag kasama ang barkada 158 63% Kapag nasa labas ng paaralan 26 10% Sa oras ng talakayan 4 2% Kabuuang Bilang ng Sumagot 252 100%
  • 37. Talakayan na may bilang na 4 mag-aaral o 2%. Sa kabuuan, ang opsyon na Panahong Ginagamit ang Gay Lingo ay may kinalaman sa kung paano nakaaapekto sa mag-aaral at paaralan ang paggamit ng Gay Lingo sa Mataas na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa kapag kasama ang Barkada, nangangahulugang ito ang panahong ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan. Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng dalas ng Paggamit ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta. Talahanayan Blg. 5 Dalas ng Paggamit ng Gay Lingo Makikita sa Talahanayang 5 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa Dalas ng Paggamit nila sa Gay Lingo. Nangunguna na minsan nila ito ginagamit sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 158 mag-aaral o 63%, Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng mga sumagot Bahagdan Palagi 12 5% Madalas 63 25% Minsan 158 63% Hindi kailanman 19 7% Kabuuang bilang ng sumagot 252 100%
  • 38. sumunod na madalas sa may bilang na 63 mag-aaral o 25%, sinundan na hindi kailanman nila ginagamit sa may bilang na 19 mag-aaral o 7% at palagi sa may bilang na 12 mag-aaral o 5%. Sa kabuuan, ang opsyon na Dalas ng Paggamit ng Gay Lingo ay may kinalaman sa kung paano nakaaapekto sa mag-aaral at paaralan ang paggamit ng Gay Lingo sa Mataas na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa minsan, nangangahulugang minsan lamang ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan. Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.
  • 39. Talahanayan Blg. 6 Lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo Makikita sa Talahanayang 6 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa Lugar nkadalasan nilang naririnig ang Gay Lingo. Nangunguna na sa parlor nila ito naririnig sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 193 mag-aaral o 77%, sumunod na sa paaralan sa may bilang na 55 mag-aaral o 22%, sumunod na sa paaralan sa may bilang na 55 mag-aaral o 22%, sinundan na sa palengke na may bilang na 4 mag-aaral o 1% at sa bahay naman ay hindi kariringgan nito sapagkat 0 mag- aaral o 0% ito. Sa kabuuan, ang opsyon na Lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo ay may kinalaman sa kung paano nakaaapekto sa mag-aaral ang ang lugar kung saan nila naririnig ng Gay Lingo. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Parlor, nangangahulugang sa Parlor kadalasang naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng infanta. Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng mga sumagot Bahagdan Sa paaralan 55 22% Sa bahay 0 0% Sa palengke 4 1% Sa parlor 193 77% Kabuuang bilang ng Sumagot 252 100%
  • 40. Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Dahilan ng paggamit ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta. Talanahayan Blg. 7 Dahilan ng paggamit ng Gay lingo Makikita sa Talahanayang 7 ang tugon ng mga mag-aaral na dahilan ng paggamit ng Gay Lingo. Nangunguna sa mga dahilan na kapag kausap ang gumagamit din nito sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 110 mag- aaral o 44%, sumunod na dahilang na sumusunod lamang sa uso na may bilang na 99 mag-aaral o 39%, sinundan na kapag nagkakaroon ng malayang talakayan na may bilang na 32 mag-aaral o 13% at kapag kailangan sa pagpapahayag ng kaisipan na may bilang na 11 mag-aaral o 4%. Pagpipilian/ Opsyon ng Lugar Bilang ng mga sumagot Bahagdan Kailangan sa pagpapahayag ng kaisipan 11 4% Kapag kausap ang gumagamit din nito 110 44% Kapag nagkakaroon ng malayang talakayan 32 13% Sumusunod lamang sa uso 99 39% Kabuuang Bilang ng sumagot 252 100%
  • 41. Sa kabuuan, ang opsyon na dahilan ng paggamit ng Gay Lingo ay may kinalaman sa kung paano nakaaapekto ang paggamit ng Gay Lingo sa Mataas na Paaralan ng Infanta sa mga mag-aaral at paaralan. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon na kapag kausap din ang gumagamit nito, nangangahulugang kapag kapag kausap ang gumagamit din ng gumagamit ng gay lingo ang dahilan ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infantal. Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Kasariang Kinariringgan ng Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta. Talahanayan Blg. 8 Kasariang kinariringgan ng Gay Lingo Makikita sa Talahanayang 8 ang tugon ng mga mag-aaral sa kasariang kinari- ringgan ng Gay Lingo. Nangunguna sa Kahit Kanino (binubuo ng Kababaihan, Piagppipilian/ Opsyon Bilang ng mga Sumagot Bahagdan Sa mga kababaihan 11 5% Sa mga kalalakihan 6 2% Sa mga bakla at tomboy 86 34% Kahit kanino 149 59% Kabuuang bilang ng Sumagot 252 100%
  • 42. kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 149 mag-aaral o 59%, sumunod sa mga bakla at tomboy na may bilang na 86 mag-aaral o 34%, sinundan sa mga kababaihan na may bilang na 11 mag-aaral o 5% at sa kalalakihan na may bilang na 11 mag-aaral o 4%. Sa kabuuan, ang opsyon na Kasariang kinariringgan ng Gay Lingo ay may kinalaman sa kung paano nakaaapekto ang paggamit ng Gay Lingo sa Mataas na Paaralan ng Infanta sa mga mag-aaral at paaralan. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon na kahit kanino, nangangahulugang sa kahit kanino (binubuo ng Kababaihan, kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng kahalagahan ng paggamit ng gay Lingo sa pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa ika-apat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.
  • 43. Talahanayan Blg. 9 Bentahe ng Paggamit ng Gay Lingo Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang nga mga sumagot Bahagdan Masayang gamitin sa paraang pasalita man o pasulat 44 17% Nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito 68 27% Nakakabuo ng mga salitang kayo lamang ang may alam 42 16% Nagagamit para sa enterteynment sa loob ng klase 32 13% Nagagamit saan mang larangan, sa mga talakayan at mas nauunawaan ng ibang tao o kaklase 34 14% Natututong makibagay sa mga nasa ikatlong lahi o bakla na siyang nagpauso nito sa loob ng paaralan 27 11% Napapaunlad ang wikang Filipino sapagkat ito’y hango rin sa wikang Filipino 5 2% Iba pang kasagutan 0 0% Kabuuang bilang ng sumagot 252 100% Makikita sa Talahanayang 9 ang tugon ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng Paggamit ng gay Lingo.Nangunguna ang tumugon na sa paggamit ng gay lingo, nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 68 mag-aaral o 27%, Sumunod ang tumugon na masayang gamitin ang gay lingo sa paraang pasalita man o pasulat na may bilang ng 44 mag-aaral o 17%. Sunod dito ang tumugon sa paggamit ng
  • 44. gay lingo, nakakabuo ng mga salitang maaaring kayo lamang ang may alam na may bilang na 42 mag-aaral o 16%, sinundan ng mga tumugon na sa paggamit ng gay lingo, maaari itong magamit saan mang larangan, sa mga talakayan at mas nauunawaan ng ibang tao o mga kaklase na may bilang na 34 mag-aaral o 14%, sumunod ang nagsaad na nagagamit ang gay lingo para sa enterteynment sa loob ng klase na may bilang na 32 mag-aaral o 13&, habang ang nagsaad na sa paggamit ng gay lingo, natututong makibagay sa mga nasa ikatlong kasarian o kung sino man ang nagsasalita nito na may bilang na 27 mag-aaral o 11% at may pinakamamabang tumugon na sa paggamit ng gay lingo, napapaunlad ang wikang Filipino sapagkat ito’y hango rin sa wikang Filipino na may bilang na 5 mag-aaral o 2 %. Sa kabuuan, ang opsyon na Kahalagahan sa paggamit ng Gay Lingo ay may kinalaman sa kung paano tumutugon ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta sa Pag-usbong ng gay Lingo sa Paaralan. kung. Dahil sa napakaraming mag- aaral na tumugon na sa paggamit ng gay lingo, nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito, nangangahulugang nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito kahit kanino ang Bentahe ng paggamit ng Gay Lingo sa pananaw ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag- aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Disbentahe ng paggamit ng gay Lingo sa pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa ika-apat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.
  • 45. Talahanayan Blg. 10 Disbentahe ng Paggamit ng Gay Lingo Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng mga sumagot Bahagdan Hindi nakakatuwang pakinggan ang gay lingo sa loob ng klase 33 13% Hindi magamit sa mga pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro 125 50% Hindi mailagay ang sarili sa usapang gamit ang gay lingo sa loob ng klase 9 4% Hindi madaling matutunan ang gay lingo kung hindi mo alam ang salitang ito at walang ugnayan dito 21 8% Hindi kaagad maintindihan sa karaniwang usapan gamit ang gay lingo lalo na sa diskusyon 27 11% Hindi karaniwang ginagamit sa loob ng paaralan lalo na sa pagtuturo ng guro 21 8% Hindi magamit sa mga pormal na talakayan kaharap ang guro 16 6% Iba pang kasagutan 0 0% Kabuuang bilang ng sumagot 252 100% Makikita sa Talahanayang 10 ang tugon ng mga mag-aaral sa hindi kahalagahan ng Paggamit ng gay Lingo. Nangunguna ang mga tumugon na hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 125 mag-aaral o 50%. Sumunod ang mga tumugon na hindi nakakatuwang pakinggan ang gay lnigo sa loob ng klase na may bilang na 33 mag-aaral
  • 46. 0 13%, sinundan ito na hindi kaagad maintindihan ang gay lingo sa karaniwang usapan o diskusyon na may bilang na 27 na mag-aaral o 11%. Sumunod na hindi karaniwang magamit sa mga pormal na talakayan ang gay lingo lalo na sa pagtuturo ng guro na may bilang na 21 mag-aaral o 8% at hindi madaling matutunan ang gay lingo kung hindi ka bakla o walang uganayan sa mga ito na katulad din na bilang na tumugon na 21 mag-aaral o 8%. Sinundan na hindi magamit sa mga pormal na talakayan kasama ang guro na may bilang na 16 mag-aaral o 6% at nakakuha ng pinakamababang bilang ng tumugon sa hindi mailagay ang sarili sa usapan ng mga gumagamit ng gay lingo sa loob ng klase sa bilang na 9 mag-aaral o 4%. Sa kabuuan, ang opsyon na hindi kahalagahan ng paggamit ng Gay Lingo ay may kinalaman sa kung paano tumutugon ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta sa Pag-usbong ng Gay Lingo sa Paaralan. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon na hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro, nangangahulugang hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro ang Disbentahe ng paggamit ng Gay Lingo sa pananaw ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
  • 47. KABANATA V PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Sa bahaging ito ng pananaliksik ay nakatala ang mga paglalagom, natuklasan, kongklusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik batay sa kinalabasan na bahagdan ng mga kasagutan na may kaugnayan sa Ikaapat na kabanata. Ang mga sumusunod na talata ay ibinatay ng mga mananaliksik sa interpretasyon ng mga nakalap na datos mula sa isinagawang pag-aaral: PAGLALAGOM Ang pananaliksik na ito na may paksang “PANANAW SA PAGGAMIT NG GAY LINGO NG MGA PILING MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALAN NG INFANTA, QUEZON” ay naglalayon na malaman kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng Gay Lingo. Mabatid ang Demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Infanta sa punto ng Edad at Kasarian; mabatid ang baryasyon ng Wika na ginagamit sa bahay ng mga mag-aaral; malaman kung kailan/Gaano kadalas ginagamit ang Gay Lingo ng mga mag-aaral; malaman kung saan malimit naririnig ang Gay Lingo ng mga mag-aaral; mabatid ang dahilan ng Paggamit ng Gay Lingo ng mga mag-aaral; matukoy kung sinu-sino ang kinariringgan ng Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta at mabatid kung anu-ano ang bentahe at disbentahe ng Gay Lingo sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
  • 48. Sinaklaw ng pananaliksik na ito ang dalawang daan at limampu’t dalawang (252) mga piling mag-aaral mula sa kabuuang bilang na anim na daan at limampu’t anim (686) na populasyon ng nasa ikaapat na antas sa sekondarya ng Infanta National Highschool at pinili sa pamamagitan ng Random Sampling ang naging kalahok ng pag- aaral na ito. Gumamit ng pamamaraang deskriptibo ang pananaliksik na ito at ng talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng datos. NATUKLASAN 1. Na nangunguna sa edad ng mga respondente ang mga nasa gulang 15-16 sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 222 mag-aaral o 88%, sumunod ang mga nasa gulang 17-pataas 0 9 % at ang mga nasa gulang 13-14 o 3%. Walang Mag-aaral ang nasa gulang 11-pababa. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa gulang 15- 16 o 88%, nangangahulugang ito ang edad ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan. 2. Na nangunguna sa kasarian ng mga Respondente ang bilang ng mga Babae sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 163 mag-aaral o 65%, sumunod ang mga lalaki na may bilang na 86 mag-aaral o 36% at ang mga nasa ikatlong kasarian na may bilang na 3 mag-aaral o 1%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa babae, nangangahulugang ito ang kasarian ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
  • 49. 3. Na nangunguna sa baryasyon ng wika na ginagamit sa Bahay ng mga respondente ang mga gumagamit ng Tagalog sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 185 mag-aaral o 73%, sumunod ang mga gumagamit ng Taglish na may bilang na 65 mag-aaral o 26% at ang mga gumagamit ng Gay Lingo na may bilang na 2 mag- aaral o 1%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Tagalog, nangangahulugang ito ang barasyon ng wikang ginagamit sa batay ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan. 4. Na nangunguna sa panahong ginagamit ang Gay Lingo ang kapag kasama ang barkada sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 158 mag-aaral o 63%, sumunod ang sa malayang oras na may bilang na 64 mag-aaral o 25%, sinundan ng kapag nasa labas ng paaralan na may bilang ng 26 mag-aaral o 10% at sa oras ng Talakayan na may bilang na 4 mag-aaral o 2%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa kapag kasama ang Barkada, nangangahulugang ito ang panahong ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan. 5. Na nangunguna sa dalas ng paggamit ng Gay Lingo na minsan nila ito ginagamit sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 158 mag-aaral o 63%, sumunod na madalas sa may bilang ng 63 mag-aaral o 25%, sinundan na hindi kailanman nila ginagamit sa may bilang na 19 mag-aaral o 7% at palagi sa may bilang na 12 mag-aaral o
  • 50. 5%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa minsan, nangangahulugang minsan lamang ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan. 6. Na nangunguna sa lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo ay sa parlor na may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 193 mag-aaral o 77%, sumunod na sa paaralan sa may bilang na 55 mag-aaral o22%, sinundan na sa palengke na may bilang na 4 mag-aaral o 1% at sa bahay naman ay hindi kariringgan nito sapagkat 0 mag-aaral o 0% ito. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Parlor, nangangahulugang sa Parlor kadalasang naririnig ang gay Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 7. Na nangunguna sa dahilan ng paggamit ng Gay lingo na kapag kausap ang gumagamit din nito sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 110 mag-aaral o 44%, sumunod na dahilang na sumusunod lamang sa uso na may bilang na 99 mag-aaral o 39%, sinundan na kapag nagkakaroon ng malayang talakayan na may bilang na 32 mag-aaral o 13% at kapag kailangan sa pagpapahayag ng kaisipan na may bilang na 11 mag-aaral o 4%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon na kapag kausap din ang gumagamit nito, nangangahulugang kapag kapag kausap ang gumagamit din ng gumagamit ng gay lingo ang dahilan ng karamihan sa ikaapat na antas
  • 51. ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 8. Na nangunguna sa kasariang kinariringgan ng Gay Lingo sa Kahit Kanino (binubuo ng Kababaihan, kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 149 mag-aaral o 59%, sumunod sa mga bakla at tomboy na may bilang na 86 mag-aaral o 34%, sinundan sa mga kababaihan na may bilang na 11 mag-aaral o 5% at sa kalalakihan na may bilang na 11 mag- aaral o 4%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon na kahit kanino, nangangahulugang sa kahit kanino (binubuo ng Kababaihan, kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 9. Na Nangunguna sa Bentahe ng Paggamit ng Gay Lingo ang tumugon na sa paggamit ng gay lingo, nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 68 mag-aaral o 27%, Sumunod ang tumugon na masayang gamitin ang Gay Lingo sa paraang pasalita man o pasulat na may bilang ng 44 mag-aaral o 17%. Sunod dito ang tumugon sa paggamit ng gay lingo, nakakabuo ng mga salitang maaaring kayo lamang ang may alam na may bil Lang na 42 mag-aaral o 16%, sinundan ng mga tumugon na sa paggamit ng gay lingo, maaari itong magamit saan mang larangan, sa mga talakayan at mas nauunawaan ng
  • 52. ibang tao o mga kaklase na may bilang na 34 mag-aaral o 14%, sumunod ang nagsaad na nagagamit ang gay lingo para sa enterteynment sa loob ng klase na may bilang na 32 mag-aaral o 13%, habang ang nagsaad na sa paggamit ng gay lingo, natututong makibagay sa mga nasa ikatlong kasarian o kung sino man ang nagsasalita nito na may bilang na 27 mag-aaral o 11% at may pinakamamabang tumugon na sa paggamit ng gay lingo, napapaunlad ang wikang Filipino sapagkat ito’y hango rin sa wikang Filipino na may bilang na 5 mag-aaral o 2 %. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon na sa paggamit ng gay lingo, nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito, nangangahulugang nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito kahit kanino ang kahalagahan ng paggamit ng Gay Lingo sa pananaw ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 10. Na nangunguna sa disbentahe ng Paggamit ng Gay Lingo ang mga tumugon na hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 125 mag-aaral o 50%. Sumunod ang mga tumugon na hindi nakakatuwang pakinggan ang gay lnigo sa loob ng klase na may bilang na 33 mag- aaral 0 13%, sinundan ito na hindi kaagad maintindihan ang gay lingo sa karaniwang usapan o diskusyon na may bilang na 27 na mag-aaral o 11%. Sumunod na hindi karaniwang magamit sa mga pormal na talakayan ang gay lingo lalo na sa pagtuturo
  • 53. ng guro na may bilang na 21 mag-aaral o 8% at hindi madaling matutunan ang gay lingo kung hindi ka bakla o walangugnayan sa mga ito na katulad din na bilang na tumugon na 21 mag-aaral o 8%. Sinundan na hindi magamit sa mga pormal na talakayan kasama ang guro na may bilang na 16 mag-aaral o 6% at nakakuha ng pinakamababang bilang ng tumugon sa hindi mailagay ang sarili sa usapan ng mga gumagamit ng gay lingo sa loob ng klase sa bilang na 9 mag-aaral o 4%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon na sa paggamit ng Gay lingo, hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro, nangangahulugang hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro ang hindi kahalagahan ng paggamit ng Gay Lingo sa pananaw ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. KONGKLUSYON Sa pananaliksik na ito na may paksang “ PANANAW SA PAGGAMIT NG GAY LINGO NG MGA PILING MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALAN NG INFANTA, QUEZON ”, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga kongklusyon batay sa mga natuklasan sa isinagawang pag-aaral. 1. Na nasa gulang 15-16 ang edad ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 2. Na babae ang Kasarian ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
  • 54. 3. Na Tagalog ang baryasyon ng wika na ginagamit sa bahay ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 4. Na kapag kasama ang barkada ang panahong ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 5. Na minsan lamang ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa mga mag- aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 6. Na sa Parlor kadalasang naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 7. Na ang dahilan ng paggamit ng Gay Lingo ay kapag kausap ang gumagamit din nito ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 8. Na sa kahit kanino (binubuo ng Kababaihan, kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 9. Na nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito kahit kanino ang bentahe ng paggamit ng Gay Lingo sa karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta. 10. Na hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro ang Disbentahe ng paggamit ng Gay Lingo sa karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.
  • 55. REKOMENDASYON 1. Ipaunawa ng mga guro, magulang, punungguro sa kanilang mag-aaral na nasa tamang edad ang Gay Lingo bilang bunga ng pakikisalamuha sa kapwa at ang maaaring maging epekto nito sa wikang Filipino. 2. Mahalagang pagtuunan ng mga guro ang papel ng kasarian sa Paggamit ng Gay Lingo sa paaralan. Siguraduhing hindi magkakaroon ng tinatawag ng Gender Discrimination. 3. Maglaan ang mga guro ng isang komprehensibong talakayan hinggil sa Gay Lingo at Ipatuklas sa mga mag-aaral ang maidudulot ng mga salitang ito sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga mag-aaral sa bahay. 4. Magkaroon ng malinaw na talakayan sa loob ng klase hinggil sa panahong ginagamit ang Gay Lingo partikular na kung magkakasama ang mga barkadahan sa paaralan. 5. Alamin ng mga guro ang dalas ng paggamit sa Gay Lingo ng mga mag- aaral at ipaunawa ang epekto ng mga salitang ito sa wikang Filipino. 6. Bigyang pansin ng mga guro ang lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo partikular na sa parlor at unawain ang kalayaan ng mga mag-aaral hinggil sa pakikisalamuha sa kapwa.
  • 56. 7. Magkaroon ng talakayan sa klase sa kahulugan ng Gay Lingo at alamin ang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit ito ginagamit, isa na dito ang kapag kausap din ang gumagamit nito. 8. Pagtuunan ng pansin ng mga guro ang kasariang kinariringgan ng Gay Lingo lalo na’t kahit kanino ito naririnig at ipabatid sa mga mag-aaral ang epekto nito sa ating wikang Filipino. 9. Maglungsad ang mga guro ng mga talakayan kung saan ipababatid sa mga mag-aaral ang bentahe sa paggamit ng Gay Lingo katulad nang nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito at kung paano ito nakaapekto sa wikang Filipino. 10. Magsagawa ang mga guro ng mga talakayan kung saan ipababatid sa mga mag-aaral ang disbentahe sa paggamit ng Gay Lingo katulad nang hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro at kung paano ito nakaaapekto sa wikang Filipino.
  • 57. BIBLIYOGRAPIYA Mga Aklat 1. Baytan, Ronald. Language, Sex, and Insults: Notes on Garcia and Remoto’s The Gay Dict. Ruptures and Departures: Language and Culture in Southeast Asia. 2002. 2. Baylon, Norma. Pamamaraan sa pagsulat ng komposisyon. Handout in seminar- workshop, makati, metro manila.1987 3. Blackburn, Mollie V. Agency in Borderland Discourses: Examining Language Use in a Community Center with Black Queer Youth. Teachers College Record. Ateneo de Manila University, 2007 4. Fishman, Joshua A. The Sociology of Language. Sociolinguistics A Reader and Coursebook. Macmillan,London. 1997. 5. Bickerton, Derek. Dynamics of a Creole System. Cambridge University Press. London, 1975. 6. Giles, Howard. et al. The Psychological and Linguistic parameters of speech Accommodation Theory: Advances in the social Psychology of Language. Cambridge University Press. Cambridge, 1982
  • 58. 7. Labov, William. Sociolinguistic Patterns. University of Pennsylvania Press. Philadelphia, 1972. 8. Lindgen, Henry Clay and Lingren, Fedia. Current Readings in Educational Psychology. 2nd edition N.Y John meily and Sons Inc. 1981. 9. Red, Murphy. Gay speak in the Nineties.Ladlad 2: An Anthology of Philippine Gay Writing, Anvil, Pasig. 1999 10. Haughen, Einar. Language Standardization, Sociolinguistics A Reader and Course book. Macmillan, London. 1997. 11. Montgomery, Martin. An introduction to language and society. London and New York. I986. Mga Dyornal 1. Casabal, Norberto V. Gay Language: Defying the structural limits of English Language in the Philippines. Kritika Kultura: Issue 11. P.89-120. August 2008 2. Cruz, Isagani. Don we now our gay apparel Philippine Daily Inquirer. Page A10 August 12, 2006. 3. Remoto, Danton. On Philippine Gay Lingo. May 8, 2008. 4. Tan, Micheal. The English Divide Philippine Daily inquirer. August 29, 2007
  • 59. 5. Santos, Miko D. Ang Gay Lingo sa Panahon ng Impormasyon. 2007 6. Suguitan, Cynthia Grace B. A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in Philippine Gay Lingo. June 7, 2008. Tesis/ Disertasyon 1. Del Mundo, Elena. “katangian ng Wikang Filipino sa Komunikasyong pasalita ng mga mag-aaral sa unang Taon, Antas Terserya: Isang Pagsusuri: Di nalathalang master tesis. 1994 2. Galicia, Rosalie M. Isang Pagsusuri sa gay Lingua ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sining at Agham Pamantasan ng Silangan. Manuel L. Quezon University, 2001. 3. Santiago, Teresa L. The self-concept, adjustments, and interpersonal values of college male homosexuals unpublished Masteral Thesis, Manila 1987 Mga Websayt 1. http://www.wikipedia.com. March 2, 2010 2. http://www.gayDictionary.com. Feb.25, 2010 3. http://www.wikipilipinas.com.February 27, 2010