PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 1
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
DELA CRUZ, CIARA JANE L.
GARCIA, GLIZEL ANN B.
MANILA, RAFAELITO M.
MARGATINEZ, IVILEN MARIE C.
VILLAR, MERLYN R.
Mga Guro sa Asignatura
Gamit sa Aralin blg. 7
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 2
ANG TEKSTONG
PERSUWEYSIB
7
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang
salitang ginamit ng tekstong Persuweysib. (FIIPT-IIIa-88)
2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong
Persuweysib. (FIIPS-IIIb-91)
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong Persuweysib.
(F11PU IIIb - 89)
4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang
tekstong Persuweysib sa sarili, pamilya, komunidad, bansa
at daigdig. (F11PB IIId - 99)
5. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang
tekstong Persuweysib. (F11PS IIIf - 92)
6. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
kalinawan, kaugnayan at bisa sa reaksiyon ng sinulat
(F11PU - IIIfg - 90)
MGA SANGGUNIAN:
Sa araling ito, magagamit ang mga nakatalang sanggunian:
• Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Linggo 7
• Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 3
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na tanong at pumili ng
sagot mula sa kahon sa ibaba. Isulat sa patlang ang titik na
katumbas ng inyong sagot.
___1. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat
ay tumutukoy sa lohikal na pagmamatuwid ng manunulat.
___2. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat
ay tumutukoy sa emosyon ng mambabasa
___3. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat
ay tumutukoy sa reputasyon ng manunulat
___4. Ito ay isang uri ng propaganda device na nagbibigay ng
hindi magandang puna sa isang produkto
___5. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumamit ng isang
sikat na personalidad upang mailipat sa produkto ang
kasikatan nito.
___6. Ito ay isang uri ng propaganda device na pinalalabas na
ordinaryong tao ang isang sikat na tao.
___7. Ito ay isang uri ng propaganda device na hinihikayat ang
iba pa na gumamit ng produkto dahil marami na ang
gumagamit nito.
___8. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumagamit ng
magagandang pahayag ukol sa produkto
___9. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumagamit ng
sikat na tao upang direktang i-endorso ang produkto
___10. Ito ay isang uri ng propaganda device na binabanggit
lahat ng magagandang katangian ng produkto at hindi ang
masasama.
SUBUKAN NATIN!
Mga Nilalaman ng
Modyul
3 Subukan Natin!
Magsanay
Pagyamanin
Pagtalakay
Tuklasin
Mga Terminong
Ginamit
Buod ng Aralin
Mga Sanggunian
4
5
9
10
11
11
Bu
do
d
ng
Ar
ali
n
15
15 Susi sa Pagwawasto
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 4
PANUTO: Ang mga sumusunod ay mga tagline ng mga kilalang patalastas na
makikita sa telebisyon. Anong produkto kaya ang tinutukoy nila?
1. Bida ang saya!
2. Hari ng Padala!
3. I-bottomless ang saya!
4. We find ways.
5. In the service of the Filipino.
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Batay sa ginawa sa
itaas, naging madali
ba sa iyo na kilalanin
ang produkto na
gumagamit ng
nabanggit na taglines?
Bakit?
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 5
KAHULUGAN
Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng
mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilahad.
MGA LAYUNIN
1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang makuha ang simpatiya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad
3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatiya ng
mambabasa
MGA KATANGIAN
1. May subhetibong tono.
2. Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda.
3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at
pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY
ARISTOTLE
1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng
Manunulat/ Tagapagsalita
Ang salitang ethos ay salitang Griyego na
nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong angkop
ngayon sa salitang "Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang
ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng
tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang elementong ethos ang magpapasiya kung
kapani-paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o mambabasa
ang manunulat. Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay
kilalang may pag-uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang
hangarin.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 6
Halimbawa:
Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa
Pilipinas.
2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita
Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan
din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging
lohikal na nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala
ang tagapakinig na ito ay totoo. Sa ating lipunan, malaki ang pagpapahalaga sa lohika at
pagiging makatwiran ng mga estratehiya gamit ang mga retorikal na pangangatwirang
pabuod (Deductive) at pasaklaw (Inductive).
Halimbawa:
Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang sabon na
iyon ay makakaputi.
3. Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig
Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng
mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil
mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip.
Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit,
awa, at takot sa pagde desisyon at paghuhusga. Emosyon ang pinakamabisang motibasyon
upang kumilos ang isang tao. Halimbawa:
Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso tulad ng galit o awa ay
isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 7
PROPAGANDA DEVICES
Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang isang kandidato ay
isang bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung mapapansin, ang mga patalastas sa
telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin ay kinakailangang makapukaw ng atensiyon upang
mapansin. Ang mga eksperto sa likod ng mga propagandang ito ay may mga ginamit na
propaganda device. Ating alamain kung ano-ano ito:
1. Name Calling - Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto
o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.
Halimbawa:
Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
2. Glittering Generalities - Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Halimbawa:
Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa
katipiran, bossing sa kaputian.
3. Transfer - Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto
o tao ang kasikatan.
Halimbawa:
Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand
4. Testimonial - Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag- endorso ng isang
tao o produkto.
Halimbawa:
Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa
pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya. Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng
testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang
kapartido.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 8
5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga
kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto,
o serbisyo.
Halimbawa:
Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at
pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.
6. Card Stacking - Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit
hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
Halimbawa:
Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain
nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto
o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
Halimbawa:
Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 9
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 10
A. Panuto: Basahin ang liham ni Mary Jane sa baba. Bigyan itong
emosyon na naaayon sa hinihingi ng liham.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 11
MGA TERMINONG GINAMIT
Persuweysib name-calling
Ethos transfer
Logos testimonial
Pathos plain folks
Propaganda devices bandwagon
Card stacking glittering generalities
TANDAAN
Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng
mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilahad.
MGA LAYUNIN MGA KATANGIAN
1. Manghikayat. 1. May subhetibong tono.
2. Umapela 2. Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda.
3. Manghimok 3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas,
propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa
isang samahan o networking.
BUOD NG ARALIN
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 12
ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE
1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita
2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita
3. Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig.
PROPAGANDA DEVICES
1. Name Calling - Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto
2. Glittering Generalities - Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
3. Transfer - Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao
ang kasikatan.
4. Testimonial - Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag- endorso ng isang tao o
produkto.
5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o
tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
6. Card Stacking - Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang katangian.
7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o
sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
PANUTO: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan. Titik lamang ang isulat na
sagot sa nakalaang espasyo.
____1. Ang salitang Griyego na ay tumutukoy sa pangangatwiran.
a. Logos
b. Ethos
c. Pathos
d. Ethospathos
____2. Paraan ito ng panghihikayat kung saan ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang
karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig
a. Logos
b. Ethos
c. Pathos
d. Ethospathos
____3. Ito ay elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng
mamababasa o tagapakinig
a. Logos
b. Ethos
c. Pathos
d. Ethospathos
PAGTATAYA
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 13
____4. Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.
a. Name -Calling
b. Testimonial
c. Transfer
d. Plain folks
____5. Ito ay isa sa propaganda devices na ginagamit kapag ang isang sikat na personalidad ay
tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.
a. Name -Calling
c. Transfer
b. Testimonial
d. Plain Folks
____6. Ito ay panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o
sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
a. Name -Calling
c. Transfer
b. Bandwagon
d. Plain Folks
____7. Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang katangian
a. Name -Calling
c. Transfer
b. Bandwagon
d. Card Stacking
____8. Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag
na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat
sa boto, produkto, o serbisyo.
a. Name -Calling
c. Plain Folks
b. Bandwagon
d. Card Stacking
____9. Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikataan.
a. Name -Calling
c. Transfer
b. Bandwagon
d. Card Stacking
____10. Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon
sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa
a. Glittering Generalities
c. Transfer
b. Bandwagon
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 14
d. Card Stacking
____11. Kung ang tagapagsalita ay may mainam na reputasyon ay mas madali siyang
makakumbinse. Ibig sabihin ay epektibo ang elementong
a. Logos
b. Ethos
c. Pathos
d. Ethospathos
____12. Konsiderasyon ng tagapagkumbinse ang sitwasyon at damdamin ng kanyang
tagapakinig upang mas madali ang panghihikayat. Paraan ito upang mahasa ang elementong.
a. Logos b. Ethos
c. Pathos
d. Ethospathos
____13. Ang maayos na daloy ng mga impormasyon sa pagsasalita sa pangungumbinse ay isang
patunay na isinaalang-alang ng nangungumbinse ang kanyang
a. Logos
b. Ethos
c. Pathos
d. Ethospathos
____14. “Inirerekomenda ng lahat ng mga dentista ang HIMALA TOOTHPASTE kontra
pangingilo." Ito ay halimbawa ng propaganda device na
a. Name -Calling
c. Bandwagon
b. Testimonial
d. Plain folks
____15. "Mula pa pagkabata, ito na ang ginagamit kong germicidal soap kaya natitiyak ko ang
pagiging epektibo nito." Ito ay halimbawa ng
propaganda device na a. Name -Calling
c. Bandwagon
b. Testimonial
d. Plain folks
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 15
SUSI SA PAGWAWASTO
A. MGA AKLAT
Atanacio, Heide C., Yolanda S. Lingat, and Rita D. Morales. 2016. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C & E
Publishing Inc.
Bandril, Lolita T., Voltaire M. Villanueva, Alma T. Bautista, and Diana F. Palmes.
2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: Vibal Group Inc.
B. WEBSITE
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fold.marketing-
interactive.com%2Fwatch-lbc-express-silently-rebrands
%2F&psig=AOvVaw1AcfXAoMRKU8XPZrD4tH-
B&ust=1590396878161000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPIC 1J6
https://www.scribd.com/document/490109142/Pagbasa11-Q3-Mod3-Tekstong-Persuweysib-v3
SUBUKAN NATIN
1. LOGOS
2. PATHOS
3. ETHOS
4. NAME CALLING
5. TRANSFER
6. PLAIN FOLKS
7. BANDWAGON
8. GLITTERING GENERALITIES
9. TESTIMONIAL
10. CARD STACKING
PAGATATAYA
1. A
2. B
3. C
4. A
5. B
6. B
7. D
8. C
9. C
10. A
11. B
12. C
13. A
14. C
15. B
MGA SANGGUNIAN