2. Ang wika ay masistemang balangkas
ng mga sinasalitang tunog na
isinaayos sa paraang arbitraryo at
nagsisilbing daan sa pagtupad ng
tungkulin ng pagpapabatid.
- Henry gleason
3. Ang wika ay isang panlipunang phenomenon.
Ibig sabihin, mahalaga ito hindi lamang sa
indibidwal kundi lalo na sa lipunang kanyang
kinabibilangan.
Lagi na lang nababanggit na ang wika ay
isang kasangkapan. Ngunit ang pagtrato
dito ay isa lamang karaniwang
kasangkapan, na dahil sa karaniwan ay
nababalewala.
4. o Instrumento/kasangkapan sa PAGKAKAISA
o Instrumento sa pagkontrol at pag establis
ng KAPANGYARIHAN
o Kasangkapang kapwa ng eksploytasyon o
pagsasamantala at ng liberasyon o
pagpapaLAYA
1. Wika Bilang Mahalagang Kasangkapang
Panlipunan:
5. 2. Wika Bilang kasangkapan sa Pag-unlad
o Ang wika mismo ang nagbibigay ng istatus at humuhubog sa
sosyalisasyon.
o Sa pag-aaral ni Acuna (1987), lumalabas na mas nagiging
malikhain at tumutulong sa kognitibong pag-unlad ng bata
ang paggamit ng katutubong wika sa kanyang pag-aaral
kaysa sa banyagang wika.
6. 2. Wika Bilang kasangkapan sa Pag-unlad
o Sa pamamagitan ng KATUTUBONG WIKA mas mag-iisip,
(hindi lang magmememorya gaya ng ginagawa sa Ingles),
mas titingin at magsusuri sa kanayng kapaligirang at hindi
mahihiyang magtanong (na simula ng siyentipikong pag-
iisip) ang mga bata.
8. Ang literasi ay ang kakayahan ng isang tao na makapagbasa, makapagsulat at
ang kakayahang umunawa ng simpleng mensahe.
mahalagang iugnay sa wika lalo na kung susuriin ito bilang mahalagang aspeto
ng edukasyon, pulitika at ekonomiya ng bansa
Ang literasi ay hindi lamang pagkatuto kundi pagkatuto sa wika upang maging
kapaki-pakinabang ang mamamayan sa lipunan
Makakatulong ang paggamit ng katutubong wika (maaaring ang wika sa
rehiyon o kaya’y wikang pambansa) upang magkaroon ng minimum na
functional literacy (o iyong kaalaman sa wika para sa mga praktikal na
pangangailangan) ang mga nakararaming mamamayan sa Pilipinas at nang sa
gayo’y maging kapaki-pakinabang sila sa lipunan
LITERASI
9. 3. Wika at Literasi
PAG-UNLAD/KAUNLARAN
KATUTUBONG WIKA
10. 4. WIKA AT NASYONALISMO
NASYONALISMO
Ang nagsyonalismo bilang ideolohiya ay may
mga sumusunod na elemento: ang
pagkakaroon ng kamulatang pambansang
identidad, dimensyong heograpikal,
patriotismo at pangangailangang aksiyon
para sa lalong ikagagaling ng grupo o
komunidad.
11. 4. WIKA AT NASYONALISMO
IDEOLOHIYA
Ayon kay Plameraz (1970) ay
tumutukoy sa isang “set ng
magkakaugnay at organisadong
paniniwala o ideya, at maging
atityud ng isang grupo o
komunidad.
12. JOSHUA FISHMAN
Sociologist
Ang wika ay isang pangunahing
component ng nasyonalismo... Ang
katutubong wika ay isang aspekto
ng kaluluwa o espiya ng isang
nasyonalidad.
13. MULTILINGWALISMO MONOLINGWISTIKO
Sa buong mundo nabibilang ang
Pilipinas sa mga bansang may
maraming uri ng wika na ginagamit.
Dahil sa nahahati sa kapuluan at
iba’t-iibang rehiyon ang ating lugar,
tayo ay nagkaroon din ng kanya-
kanyang lenggwahe at dayalekto na
ginagamit.
Ayon sa huling talaan ng mga
linggwistiko, tayo ay may halos 150
uri ng wikang ginagamit. Sa
pananaliksik at pag-aaral
nagkakaroon tayo ng mga barayti at
baryasyon ng wika.
Ito naman ang tawag sa
pagpapatupad ng iisang wika sa sa
isang bansa. Iisang wika ang
ginagamit na wikang panturo sa
lahat ng larangan o asignatura.
May iisang wika ding umiiral bilang
wika din sa edukasyon, wika ng
komersyo, wika ng negosyo, at wika
ng pakikipagtalastasan sa pang-araw
–araw na buhay.
14. 1. CHINA
2. SPAIN
Mga bansang
MONOLINGWISTIKO
3. RUSSIA
4. ITALY
5. Czech Republic
6. France
7. Thailand
8. Hungary
9. Turkey
10. Brazil
15. Bilang pagbubuod at pagwawakas hindi dapat balewain ang
wika lalo na ang wikang pambansa. Hindi lang dapat itong
tignan bilang isang simbolo (dahil hindi tayo gaanong
naaakit sa mga simbolo) kundi bilang kasangkapan o
instrument ng pagkakaisa at paglaya tungo sa ekonomiyang
pag-unlad na magreresulta sa pag-unlad ng kaisipan ng mga
mamamayan sa isang kolonyal o mala-kolonyal at
multilinggwal na lipunan.
16. Ang pulitika ay ang aktibidad ng tao hinggil sa paggawa ng desisyon na hahantong
sa mga kilos ng lipunan bilang isang buo . Ang termino ay nauugnay sa "polis" na
tumutukoy sa mga Greek city na bumubuo sa mga estado. Sa konteksto ng isang
demokratikong lipunan, ang politika ay may makabuluhang kahalagahan, hangga't ito ang
disiplina na ginagarantiyahan ang paggana ng systema.
5. WIKA NG NAGHAHARING URI
Ang wika ay
makapangyarihan
PULITIKA
18. Iniingles nila ang halos lahat ng impormasyon, desisyon,
batas at mga paliwanang sa mga kilos nila para hindi
maintindihan o mamalayan ng tao ang tunay na
nangyayari.
Nasa kamay ng mga taong ito ang kapangyarihang
pang-ekonomiya’t pampulitika dahil alam nila ang
wikang banyagang makapangyarihan.
Ang patuloy na paggamit ng ingles bilang opisyal na
wika ang nakakasiguro ng pagpapatuloy ng ganap na
kapangyarihan ng mga namumuno sa gobyerno.
19. Ang wikang ginagamit sa pamamalakad ng kabuhayan
at ang ginagamit sa mga sentro ng bayan ang
nagkakaroon ng kabantugan o katanyagan.
Hangngang nitong taon pa lang nakaraan, ang Ingles
ang pinakatanyag na wika sa pilipinas. Sa ngayon may
katanyagan na rin ang Filipino, lalo na sa mga
makabayang tao.
Ang relasyong ng wika at pulitika ay nangangailangan
ng pagbabago.
20. Nanatili pa rin ang kapangyarihan ng banyaga kahit na
nasasabing independence na ang bansa.
Ang wikang ingles ay parang mabigat at makapal na
lambong o piring na humahadlang sa makasariling
pananaw at sinisiguro ang pagsang-ayon at pagsasailalim
sa pagdodomina ng Estados Unidos sa atin.
21. Sa isang bansang nagpupumiglas sa pananakop ng
banyagang kapangyarihan at naghahangad ng tunay
na Kalayaan, importanteng piliin ang wikang
makakapagpabilis sa pag-abot ng hangaring ito.
Dapat sanang kilalanin at tanggapin ang wikang
ginagamit sa buong kapuluan bilang komunikasyon –
ang Filipino.
22. “RELIHIYON”
Karaniwang ginagamit upang tukuyin ang isang
instrument o mekanismong kolektibo, sagrado,
supernatural na kinakailangan upang matugunan
ang mga naipapahayag o nailalarawang
kakailanganin sa buhay, lunas sa may sakit,
pagkain para sa nagugutom, pag-asa’t kaligtasan
para sa mga namamamatayan/nawawalan/
nanganganib.
23. Kailangan ang Wika upang maipaunawa ang relihiyon.
Nagmula sa Sakramento (komunikasyon ng pananampalataya
at ng Diyos)
Verbalisasyon – ebanghelismo/pagpapahayag ng nakasulat sa
Bibliya
Kerygma- pangangaral/testimonya/panawagan/deklarasyon
Doktrina/dogma – sistematikong pag-aaral at pagtuturo ng
tungkol sa Diyos/ mga bagay na dapat paniwalaan.
“RELIHIYON”
26. Kung susuriin ang wika sa Pilipinas, sa lantay na
obserbasyon, hindi mahalaga ang usapin ng kasarian.
6. KASARIAN NG WIKA SA PILIPINAS
ESPANYOL INGLES FILIPINO ILOKANO
EL / ELLA HE / SHE SIYA ISU / ISUNA
27. Upang maipakilala nag pagkalalaki o pagkababae ng
tao, hayop o halaman at iba pang mga bagay, ang
pangngalan ay sinsamahan ng salitang lalaki o babae
ang tao, hayop at iba pa.
Maliban lamang sa mga pangngalan na may tiyak nang
kasarian, gaya ng ina, ama, dalaga, binate, tiyo, lolo, lola
at iba pa.
6. KASARIAN NG WIKA SA PILIPINAS
28. Sa mga hayop, may ilang katawagan na nag-aangkin na ng
sariling kasarian, halimbawaý mga sumusunod.
6. KASARIAN NG WIKA SA PILIPINAS
Kalakyan Kalabaw na lalaki
Tandang o tatyaw Manok na lalaki
Bulugan Lalaking hayop na nangangasawa
Inahin Babaeng hayop na nanganganak bagamat
kadalasaý tumutukoy ito sa manok
Dumalaga Babaeng hayop na di na nanganganak
Sungayan Usang bulugan
Libay Usang babae o inahin
29. Kung paghambingin din ang mga Sistema ng panghalip sa wika
sa Pilipinas, masasbing lahat ng mga itoý di nagtataglay ng
kasarian. Di tiyak kung ang mga ito ay lalaki o babae
Sa mga propesyon, kadalasang wala ring katutubong bansag.
Halimbawa ng manggagamot, doctor, makata, hilot,
mananangol, at guro.
FILIPINO ILOKANO KALINGA
AKO / IKAW / SIYA SIAK / SIKA / ISU SAKON / SIKA /
SIYA
30. Ngunit may paglalapi sa mga katawagang hiram na
kadalasang gumagamit ng o at a,
DOKTOR DOKTORA
ABOGADO ABOGADA
MAESTRO MAESTRA
ARKITEKTO ARKITEKTA
INHINYERO INHINYERA
31. Malinaw na sa obserbasyong ito na ang ilang pangngalan
ay may kasarian kaugnay sa relasyon sa pagpapamilya.
Ang mga panghalip ay wala at yaong mga pangngalan na
hiram ay nanghihiram din ng paglalapi lalo na sa Espanyol
na o ta a o era at ero upang pag-ibahin ang lalake at babae.
Batay dito maaaaring sabihin na walang leksikal na
batayan ang misogini o misogyny na katagang mula sa
Ingles na ang ibig sabihin ay kakulangan sa persepsyon
dahil sa makasang panig na paninging pangkasarian sa
wikang Pilipino at sa mga wika sa Pilipinas.
32. Mangyari pa, ang mga obserbasyong ito ang siyang
ginagamit bilang patibay na hindi lantarang seksist o
misogynous ang wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas.
33. 7. Ang Idealisasyon Ng
Babae At Pagkababae Sa
Panitikang Bayan
Hindi mabibilang at matatawaran ang mga naging kontribusyon sa
lipunan ng kababaihang Pilipina, mula sa panahon ng Kastila
hanggang sa muling maibalik ang demokrasysa sa Republika. Dito
tumatalima ang mga katagang “Sa bawat tagumpay ng isang lalake
ay may isang babae na nasa likod nito” (in every man’s success there is
a woman). Sa panahon na naging dominante ang pamamayagpag ng
mga kalalakihan, sumasabay din ang Pilipina maging saan mang
aspeto, maging ito man ay para sa kalusugan, edukasyon, siyensya,
politika, medesina, at demokrasya. Naging simbolo rin ang Pilipina
ng katapangan at pagmamahal para sa inang bayan, paulit-ulit itong
nasusulat sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas.
34. Sa Pag-aaral Ni Priscelina Patajo Tungkol Sa Imahen
Ng Mga Babae Sa Mga Epikong Pilipino
UNA IKALAWA
Walang diskriminasyon sa
anak na babae
Maging sa pagpili o pag-asam
ng mga magulang kung ano
ang magiging anak.
Ang epikong labaw donngon
ang may artikulasyon ng
paghahangad ng anak na
lalaki.
Wala ring pag-alinsunod sa matimyas na
kadalisayan o pagiging birhen ng babae bago
ikasal
Bagamat kaparusahan sa pakikiaoid o pagsiping sa
ibang lalaki kapag may asawa na.
Ang kasal ay isang okasyon ng selebrasyon at
nagpapahiwatig na mas may pribelihiyo ang mga
babaeng may asawa doon sa wala.
Gayundin, may diborsiyo o kalayaang kumalas ang
babae sa makatwirang dahilan.
35. Panitikang bayan na iniluwal sa panahon ng
kolonisasyong espanyol
Bituin
Prinsesa
diyosa
Tahimik at
walang
boses sa
teksto
36. ◦ Donya Marcela – ay awiting bayan na kung saan ang kaparusahang
iginawad sa tauhan na si Donya Marcela ay bunga ng hindi nito pagsamba sa
kabanalan ng Beatiko. Ipinapahiwatig ng awiting bayan na ito na ang
pagsalungat sa kostumbre ng pagsamba ay nangangahulugan ng
pagkasunog, ano man ang estado ng kabuhayan, nag-iisa mang anak,
mahirap man o mayaman.
◦ Urbana at Felisa ni Padre Modestro De Castro – isang proto-nobelang
epistolaryo na tungkol sa pagsusulatan nang dalawang binibini na sina
urbana at Felisa na nagturo ng mabuting kaugalian.
◦ Pagsamo ni Maria sa Diyos Ama – mga sipi sa pasyong Pilapil, ito ay
interpretasyon ng kabutihan, karunungan at katwiran ay nagkaroon ng
nakababagabag na epekto lalo na sa usapin ng kababaihan at papel nila
sarelihiyon. Ang ama ay “Diyos” na makapangyarihan, ang ïna” ay birheng
kalinis-linisan at mapagmalasakit at ang “anak” ay banal lalo na kapag
itinaguyod ng ina.
37. Pagsamo ni Maria sa Diyos Ama
Binigyan ng sakdal-linis na identidad
ang birheng Maria bilang kinatawan
ng babae.
Ang kanyang mga katangian tulad ng
pagiging malinis, marangal, mayumi,
malumanay ang kilos,
mapagmalasakit na ina, santa at poon
ay naging tampulan ng lahat ng
kinakailangang katangian ng babaae.
38. Ano ang babaye – isang tula noong huling dekada ng siglo
19, na nagbibigay depenisyon sa dalawang mukha ng babae.
Ang una ay ang “inang Pilipinas” na mapag-aruga at may
Dalisay na puso kahit na naghihirap, samantala ang ikalawa
ay ang “inang espanya” na inilarawan bilang ganid, sukab at
pabaya.
Dalauang ina – isang tula ma nalathala sa mga pahina ng
El herald de la revolucion noong 1898 ay nagsasalaysay sa
kaibhan ng inang tunay at di-tunay. Ang epigram ng tula ay
may pasaring sa “namatay” na ina at ang pagkakalayo ng
loob sa “bagong ina”.
39. Jocelynang Baliuag
– isang kundiman
tungkol sa babaeng
nagngangalang PEPITA,
na ihinalintulad sa
mabangong sampagita,
Dalisay sa linis, dakila
sa ganda, matimyas na
bukal ng madling ligaya.
40. 8. SEKSISMO SA PAGTULA AT KRITISISMO
Ang seksismo ay ang diskriminasyon sa isang tao o grupo ng mga tao
batay sa kanilang sekswal na oryentasyon o sekswal na pag-uugali.
Karaniwang batay ito sa pagtanggap sa heterosekswal, tao na
nagkakagusto sa kasalungat na kasarian (lalaki sa babae, babae sa
lalaki), na hindi katanggap-tanggap sa mga tomboy, bakla, walang
kasarian, at iba pa. Maaari ring hindi ito pabor sa mga
heterosekswal.
SEKSISMO
41. Kaugnay rito ang tinatawag na sexual prejudice, o ang hindi mabuting pakikitungo
sa isang tao dahil sa kanyang sekswal na oryentasyon. Hindi ito katulad ng
homopobya (hindi pagtanggap sa mga bakla, tomboy at iba pa) kundi
diskriminasyon. Masasabing ang heteroseksismo, ang diskirminasyon sa kasalungat
na kasarian (halimbawa: diskriminasyon ng lalaki sa mga babae),ay hindi sa
indibidwal na katauhan kundi sa batayan na binibigay ng ating pamayanan o ang
biyolohikal na basehan, na nagreresulta sa hindi kanais-nais na pakikitungo sa iba't
ibang kasarian. Maituturing na isang karahasan ang heteroseksismo.
SEKSISMO
42. ◦ Ang Kritisismong pangkasaysayan ay isang sangay ng kritisismong pampanitikan na
sumisiyasat sa mga pinagmulan ng sinaunang panitikan o teksto upang maunawaan .
◦ Ang pangunahing layunin ng kritisismong historikal ay tiyakin ang pangunahin o orihinal
na kahulugan ng teksto sa orihinal na kontekstong historikal nito at sa literal na
kahulugan.
◦ Ang ikalawang layunin nito ay hangarin na buuin ang rekonstruksiyon ng historikal na
sitwasyon ng may akda at sinusulatan ng tekstong ito. Ito ay maaaring maisakatuparan sa
pamamagitan ng muling paglikha ng tunay na kaliksan ng mga pangyayari na
inilalarawan ng teksto. Ang sinaunang teksto ay maaari ring magsilbing isang dokumento,
rekord, o pinagkukunan sa muling paglikha ng sinaunang nakaraan na maaari ring
magsilbi bilang pangunahing interes sa kritikong historikal.
KRITISISMO
43. Ayon sa librong Kritisismo ni Soledad S. Reyes
(Kritisismo: Mga Teorya Formalismo/Bagong Kritisismo p.55-67)
Ang Bagong Kritisismo ay isang di-maiiwasang produkto ng pag-unlad ng
kilusang modernismo sa Kanluran. Nabigyang-daan ang modernistikong
pananaw dahil sa magkaugnay na mga pangyayari sa ikalawang hati ng
ikalabingsiyam na dantaon at sa unang mga dekada ng siglo dalawampu.
Sa kritisismo, lumitaw ang isang malaking bilang ng mga kritiko na nagpalagay
sa Bagong Kritisismo bilang isang siyensya ng teksto at tumingin sa kanilang
sarili bilang tagapagsuri hindi ng lipunan, hindi ng mambabasa, hindi ng
ideolohiya, hindi ng manunulat kundi ng akdang pampanitikan.
KRITISISMO
44. Sa makabagong pananaw, sa madaling salita, hindi na binibigyang halaga ang
sumususnod na mga element: ang may-akda, ang kasaysayan o konteksto, at ang
mambabasa. Walang kabuluhang mabatid ang intensiyon ng may-akda sa kanyang
paglikha sapagkat siya ay isang indibidwal na pumasok sa sistema ng pagsulat na
may kahulugan lamang doon sa loob ng diskurso ng panitikan.
Bukod rito, ang kanyang likha ay isang walang interes na saksi na nagnanasa
lamang na sagutin ang pangangailangan ng teksto bilang isang akda at hindi upang
maging instrument para ipahayag ang ideolohiya o pananaw.
KRITISISMO
46. ORTELANO: ING BAYANING ERA BALU – Isang mahabang tula tungkol sa
magsasaka na orihinal na binibigkas sa wikang Pampango at dahil sa pagiging popular nito sa
gitnang luson ay naisalin na sa wikang Tagalog. Sa naturang tula, makikita ang di makatwirang
paghahati sa papel ng lalaki at babae sa bukid. Sa pagsasaka kung gayon, ang lalaki ang nasa
bukid samantala ang babae ay nasa bahay na naghihintay.
Hitik na hitik pa rin sa ganitong paglalarawan ang panitikan kahit ulit-ulit nang pinapaalala na
ang pagsasaka ay kapwa panlalaki at pambabaeng larangan.
ANINO NG MAGSASAKA NI ADORA FAYE DE VERA – isang tula na hindi
lamang naggigiit sa papel ng babae sa bukid kundi naglalatag din ng iba pang prosesong kaugnay
ng produksyon ng pagsasaka yulad ng paggamas, pagbayo ng palay at pangangalaga ng hayop.
47. NOW SHOWING – isang tula na tungkol sa isang retorikal na pakikipag-usap kay ELMA
DE LECHE isang bold star at bilang isang pobreng manggagawang biktima ng pagdaralita at
nagkukunsumisyonn sa pag-uwi dahil walang bus o kulang ang pamasahe sa pag-uwi.
JAPAYUKI SAN ni REUEL MOLINA AGUILA – isang tula na kung saan mababanaag
ang higit na kalmanteng disposisyon sa estratehiya ng pagtula tungkol sa mananayaw. Ang babae ditto
ay isang kababayan at ang persona ay kapwa kababayang napadpad sa ibang bayan upang
maghanapbuhay. Gayunpaman, samanatalang naroon at nais iparating ang simpatya sa japayuki san,
“nadulas” namna ang dila ng makata na gamit ng “putang-ina”. Ang murang “putang-ina” kanino
pa man, nakapatungkol sa sa malas ay isnag seksistang katawaga, pagkat babae at ina ang nakatay.
48. MANANAYAW SA ALIBANGBANG ni NENA GAJUDO – isa ring tula na kumukilatis sa
persona-makata na walang pagkakaiba ang sitwasyon ng makata at mananayaw.
AKO AY IKAW ni PL. LANOT - isang tula tungkol sa isang nakababagabag na panunundot-
budhi ang ipinupukol ng tula di lamang sa kalalakihang mahilig manood ng mga bold show kundi kapwa
babae.
PRIMAL PASSION (1976) – sinusuri ni B.S MEDINA ang pag-unlad ng tinatawag niyang
“romantikong agunyas” o romatikong pagdurusa sa panitikang Tagalog. Bahagi sa tulang ito ang pagiging
mandirigma, pagnanasa at paghahangad.
ANG MAKATA SA PANAHON NG MAKINA (1972) – Dito tinalakay ni Almario ang
makinasyon ng mga taludtod at panulat ng makata. Isang heneralisasyon ito na kung tutuusin ay walang
instensyong magpuwera sa babae sa pagkamakata ngunit ang paglikha ng magkaibang domeyn, ang
makata, ang lipunan, at ang babae, ang babaebilang katulad ng lipunang di makaunawa sa makata ay
pagkakahon sa kalagayan ng babae bilang labas sa panulaan.