2. Kung may sanhi, may kalalabasan o bunga ang
mga pangyayari sa binasang kuwento. Ang mga sanhi
ay ang pagbibigay-dahilan o paliwnag sa mga
pangyayari.
Ang mga bunga ay ang resulta o kinalabasan ng
pangyayari.Madaling maunawaan ang kuwentong
binasa kung mapag-uugnay natin ang naging dahilan
at kinalabasan ng mga pangyayari sa binasa.
3. Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay
tumutukoy sa sanhi at bunga.
____ 1. May mga kaisipang makabayan na nakapaloob sa
kanyang mga isinulat.
____ 2. Naakusahan siyang mapaghimagsik at bilang
parusa, napagpasyahang ipatapon siya sa
Dapitan, Zamboangga.
____ 3. Naging bantog ang kahusayan sa panggagamot si
Dr. Jose Rizal.
____ 4. Dinayo siya sa Dapitan ng mga maysakit buhat
sa iba’t ibang dako ng bansa.
____ 5. Nagtatag siya ng kooperatiba.
4. ____ 1. Nais niyang mapangalagaan ang mga nagtatanim
ng abaka laban sa mapagsamantalang Tsino.
____ 2. Nagtayo siya ng Sistema ng ilaw at tubig.
____ 3. Nais niyang magliwanag naman ang Dapitan kung
gabi at magkaroon ng malinis na tubig ang mga
mamamayan.
____ 4. Karapat-dapat siyang tanghaling pambansang
bayani.
____ 5. Ipinakita niya ang iba’t ibang paraan ng
paglilingkod sa kapwa.
Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay
tumutukoy sa sanhi at bunga.
5. Bilugan ang sanhi at kahunan ang bunga sa
sumusunod na mga pangungusap.
1. Malayo sa kabihasnan ang baryong tinitiarhan ni Susan
kaya mahirap itong puntahan.
2. Kailangan nilang tumulong sa magulang upang hindi
magutom ang pamilya.
3. Nakakuha siya ng trabaho dahil nakatapos siya ng
pag-aaral.
4. Kakaiba ang araw na iyon para kay Susan sa pagkat
dumating ang kanyang kaibigan.
5. Nais niyang magkaroon ng trabaho kaya gagawa siya
ng paraan upang makapag-aral.
6. Isulat ang maaaring maging bunga ng mga
sumusunod na sanhi.
1.Pagsali sa proyektong Linis at Ganda sa
Barangay.
2.Pagtulong sa gawaing-bahay kung walang pasok.
3.Pag-aaral ng kompyuter sa mga paaralang
publiko na nagbibigay ng libreng pag-aaral.
4.Pagtulong sa pagtuturo ng katesismo o aral ng
Diyos sa mga bata.
5.Pagtuturo sa mga nakababatang kapatid sa
kanilang aralin.
9. Pagtukoy ng Sanhi o Bunga
A.Piliin ang sanhi sa bawat pangungusap.
1. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan magmaneho pauwi.
2. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat.
3. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang sagot sa
tanong ng guro.
4. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng bagong sapatos si
Tatay.
5. Sapagka’t hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida.
6. Dahil sa labis na paninigarilyo, nagkaroon ng sakit sa baga ang tito ni Atoy.
10. Pagtukoy ng Sanhi o Bunga
B. Piliin ang bunga sa bawat pangungusap.
1. Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain.
2. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig.
3. Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito tumatahol.
4. Itinakbo sa ospital ang babae sapagka’t nahimatay siya sa pagod.
5. Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste.
6. Dahil sinundan niya ang mga babala sa kalsada, nakaiwas siya sa sakuna.
11. Pagtukoy ng Sanhi o Bunga
A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.
1. Nakamit ni C.J. ang unang gantimpala sa paligsahan dahil napakahusay at taos puso
ang kanyang pag-awit.
2. Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat kaya nasa panganib
ang buhay nila.
3. Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya’t lumikas na ang mga tao mula sa
kanilang mga bahay.
4. Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagka’t nais nilang masorpresa si
Nanay sa kanyang kaarawan.
5. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita ang numero ng cellphone ng kanyang kaibigan,
nasaulo niya ito.
6. Pinahintulutan ni Aling Tessie na maligo ang mga bata sa ulan kasi wala naman kulog
at kidlat.
12. Pagtukoy ng Sanhi o Bunga
A. Piliin ang sanhi sa bawat pangungusap.
1. Nakamit ni C.J. ang unang gantimpala sa paligsahan dahil napakahusay at taos puso
ang kanyang pag-awit.
2. Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat kaya nasa panganib
ang buhay nila.
3. Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya’t lumikas na ang mga tao mula sa
kanilang mga bahay.
4. Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagka’t nais nilang masorpresa si
Nanay sa kanyang kaarawan.
5. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita ang numero ng cellphone ng kanyang kaibigan,
nasaulo niya ito.
6. Pinahintulutan ni Aling Tessie na maligo ang mga bata sa ulan kasi wala naman kulog
at kidlat.
13. Pagtukoy ng Sanhi o Bunga
B. Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.
1. Parating na ang trak ng mga basurero kung kaya’t inilabas na ni Noel ang mga bag ng
basura.
2. Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho dahil nais niyang bigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak.
3. Malaki ang nabago sa hitsura at laki ng kanyang katawan kaya hindi ko siya agad
namukhaan.
4. Lumubog ang malaking barko sapagka’t ang bilang ng mga pasahero roon ay labis sa
kapasidad nito.
5. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi malapit na
ang pasukan.
6. Nag-ipon ng pera ang pamilyang Santos kaya nakapagpalista ang mga bata sa
pribadong paaralan.
14. Pagtukoy ng Sanhi o Bunga