DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
1. 1
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/ Antas 10
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga katangian ng pagpapakatao at pagkatao ng
tao upang makapagpasya at kumilos nang may preperensya sa kabutihan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nailalapat ng mga mag-aaral ang mga tiyak na hakbang upang paunlarin ang mga katangian ng
pagpapakatao.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. Natutukoy ang mga katangian ng pagpapakatao. EsP10MP-Ia-1.1
2. Naibabahagi ang mga katangian ng pagpapakatao sa pamamagitan ng malikhaing
pamamaraan.
3. Nakasusulat ng Plano ng Personal na Misyon sa Buhay (PPMB).
II. Nilalaman Modyul 1: Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 1-10
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 1-20
3. Mga pahina sa Teksbuk
2. 2
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
pnoytalks.com/2015/06/k-to-12-learning-materials-for-grade-10.html
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
1. Tumawag ng mag-aaral at pasagutan ang tanong sa ibaba.
Paano makatutulong sa tao ang mga katangian ng pagpapakatao upang magampanan niya
ang kanyang misyon sa buhay tungo sa kanyang kaligayahan?
2. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob
ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Paunang Pagtataya
1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling maging
tao, mahirap magpakatao?
a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kanyang kapwa-tao
b. Ibang mag-isip o tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa
parehong sitwasyon.
c. Nililikha niya sa kanyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kanya habang siya
ay nagkakaedad
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kanyang kilos para lamang sa katotohanan at
kabutihan.
2. Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang isang indibidwal?
a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga at paniniwalang bukod-tangi sa
lahat.
b. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-okupa
3. 3
ng espasyong hiwalay sa ibang sanggol.
c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap at
pagpapahalaga ng bawat isa.
d. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kanyang kapwa dahil siya ang lumikha ng kanyang pagka-
sino.
3. Ano ang kahulugan ng pangungusap? “Ang tao bilang persona ay proseso ng pagpupunyagi
tungo sa pagiging ganap na siya.”
a. Nilikha ng tao ang kanyang pagka-sino sa pamamagitan ng pagsisikap
b. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad.
c. Dapat magsikap ang lahat ng tao.
d. Nagiging ganap ang tao dahil sa kanyang pagpupunyagi.
4. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kanyang kabuuan, kaya hindi
siya naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kanyang matibay na
paninindigan?
a. Persona c. Pagme-meron
b. Personalidad d. Indibidwal
5. Alin sa sumusunod ang nagpakita ng katangian ng hindi ganap na personalidad?
a. Nakibahagi si Kesz sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng kabataan sa buong mundo.
b. Naitaas ni Kap Roger ang antas ng kabuhayan ng kanyang pamilya at kapwa magsasaka.
c.Naging instrument ang mga painting ni Joey Velasco upang imulat sa mga tao ang epekto ng
kahirapan at kawalan ng katarungan sa bansa.
d.Nagpasya si Raffy na magsumite ng proposal tungkol sa Career Guidance upang bigyang-
solusyon ang problema ng job-skills mismatch sa bansa.
6. Ano ang buod ng talata?
May kakayahan ang tao na gawing obheto ang kanyang sarili. Dahil sa kanyang
kakayahang magmuni-muni, alam ng tao na alam niya o hindi niya alam.Nagiging
mundo ang kanyang kapaligiran dahil sa kakayahan niyang pag-isipan ang kanyang
sarili.
4. 4
a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b. Alam ng tao sa mundo ang anumang bagay na may kaugnayan sa kanyang sarili.
c. Maraming magagawa ang isip ng tao.
d. Gamit ang pagmumuni-muni, nalalaman ng tao ang mga bagay na hindi niya alam.
7. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinakita ni Buddha sa pangungusap?
a. May kamalayan sa sarili
b. Umiiral na nagmamahal
c. May kakayahang kumuha ng esensiya ng umiiral
d. Tumutugon sa tawag ng paglilingkod.
8. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinamalas ni Mother Theresa sa talata?
a. May kamalayan sa sarili
b. Umiiral na nagmamahal
c. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
d. May pagtanggap sa kanyang mga talento
9. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kanyang misyon sa buhay na siyang
magiging daan tungo sa kanyang kaligayahan?
a. Mga katangian ng pagpapakatao
b. Mga pangarap at mithiin
c. Mga talento at kakayahan
d. Kasipagan at katapatan
10.Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kanyang misyon sa buhay na siyang
magiging daan tungo sa kanyang kaligayahan?
Sa kanyang pagninilay, narinig niya ang tawag ng paglilingkod sa labas ng kumbento-
ang tulungan ang mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal at may sakit na
hindi inalagaan. Ginamit niya ang kanyang kaalaman sa panggagamot at kakayahan
sa pagtuturo upang tugunan ang pangangailangang pisikal at espiritwal ng mahihirap.
5. 5
a. Mga katangian ng pagpapakatao
b. Mga pangarap at mithiin
c. Mga talento at kakayahan
d. Kakayahan
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Natutukoy ang mga katangian ng pagpapakatao. EsP10MP-Ia-1.1
2. Naibabahagi ang mga katangian ng pagpapakatao sa pamamagitan ng malikhaing
pamamaraan.
3. Nakasusulat ng Plano ng Personal na Misyon sa Buhay (PPMB).
B. Ipasuri sa mag-aaral ang kasabihang: “Madaling maging tao, ngunit mahirap magpakatao” na
nakasulat sa Manila paper. Tumawag ng ilang mag-aaral upang pasagutan ito. (Gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective Approach)
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
1. Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Magkaroon ng brainstorming. Punan ng bawat pangkat
ang tsart sa ibaba. Isulat ng isang miyembro ng pangkat sa isang kartolina o i-encode sa laptop
ang matrix. Bawat kasapi ng pangkat ay magbibigay ng kanyang opinyon. Pumili ng mag-uulat.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
Mga Katangian ng Tao Mga Katangian ng Nagpapakatao
Hal. May isip at kilos-loob Ginagamit ang isip para sa paghahanap ng
katotohanan
6. 6
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Gamit ang mga tanong sa ibaba, bubuo ang bawat pangkat ng konsepto o buod mula sa mga
sagot na lumabas sa talakayan. Isulat sa graphic organizer ang kasagutan. Ibahagi ng lider ng
pangkat ang output sa klase. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Katangian
Tao Nagpapakatao
Tanong
a. Batay sa mga sagot, ano-ano ang pagkakaiba ng pagiging tao sa pagpapakatao?
b. Bakit sinasabi sa kasabihang madaling maging tao? Bakit mahirap magpakatao? Ipaliwanag.
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
.
Isadula ng bawat pangkat sa loob ng tatlong minuto ang tungkol sa taong nagpapakatao.
Pasagutan ang tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Pangkat 1- pagbisita sa mga bilanggo o maysakit
Pangkat 2- pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad
Pangkat 3- pagsagip sa mga batang lansangan
Ano-anong katangian ng pagpapakatao ang napansin mo sa mga dula-dulaan?
7. 7
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Tumawag ng ilang mag-aaral at pasagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Kung isasabuhay mo ang mga katangian ng pagpapakatao, ano ang kabutihang idudulot nito?
2. Ano ang magsisilbing gabay ng lahat ng iyong mga pagpupunyagi na dapat mong buuin upang
makamit ang tagumpay at tunay na kaligayahan? Ipaliwanag.
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Balikan ang binuo mong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) sa Baitang 9. May
gusto ka bang baguhin o paunlarin? Isulat sa iyong notbuk ang pinaunlad mong PPMB. Kung wala
ka pang PPMB, bumuo ka nito gabay ang halimbawa sa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Constructivist Approach)
Halimbawa:
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ni Rita
Isang mapagkalingang lider na tagapagdaloy ng mga gawaing nagbibigay ng prayoridad
sa kabataan at mahihirap na tagalunsod tungo sa pag-unlad ng kanilang positibong pagtingin sa
sarili at ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng kaalaman at kakayahan sa musika at isports.
Ikaw naman, isulat ang binuo o pinaunlad mong PPMB:
a. Ano ang gusto mong maging:
b. Ano ang dapat mong gawin upang matupad mo ang “a”
Sagutin ang sumusunod:
a. Mahuhubog ba ang iyong pagkatao sa mga dapat mong gawin na binanggit mo sa iyong
PPMB? Ipaliwanag.
b. Kaya mo bang tuparin ang iyong PPMB? Pangatuwiranan.
8. 8
H. Paglalahat sa aralin Ang tao ay may isip at kilos-loob, may konsensiya, may kalayaan at dignidad. Naunawaan mo
rin na iba ang tao sa hayop dahil sa kanyang kakayahang mag-isip (pagkarasyonal) at kakayahang
itakda ang kanyang mga kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan (pagkamalaya). Bukod-
tangi ang tao dahil sa kanyang isip at kilos-loob at may kamalayan siya sa
kanyang pagtungo sa sariling kaganapan.
I. Pagtataya ng Aralin
.
Sumulat ng isang maikling talata na binubuo ng limang pangungusap tungkol sa katangian ng
pagpapakatao na makatutulong upang maisakatuparan mo ang iyong PPMB.
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 50%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
Isagawa ang alinman sa sumusunod:
1. Magsaliksik sa internet, o sa Bibliya ng mga kasabihan o quotation hinggil sa misyon ng tao sa
buhay. Iugnay sa buhay mo ang nakuhang kasabihan sa pamamagitan ng pagsusulat ng
maikling reflection.
2. Humanda sa pagbabahagi sa klase.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
9. 9
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nanang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?