Isa sa mga kabanata ng El Filibusterismo na kung saan nagtatalakay sa buhay ng isang mahirap laban sa mayayaman. At paghingi ng suporta mula sa pamahalaan para sa kapakanan ng bayan.
Jenita GuinooTeaching at Department of Education à Department of Education
1. KABANATA 11: LOS BANOS
EL FILIBUSTERISMO
NI: DR. JOSE RIZAL
JENITA D. GUINOO
Filipino 10
2. Mga Layunin:
Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin
ng mga tauhan na may kaugnayan sa pagkatakot/pagkapoot (
F10PN-Ivi-j-87);
Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa
nobela na isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda
sa mga salitang panlarawan ( F10PU-Ivi-j-89)
Nauugnay ang mga isyung panlipunan nang panahon ni Jose
Rizal na makatotohanan pa rin sa kasalukuyan (F10PS-Ivi-j-89)
3. Pokus na Tanong
Paano dapat na maging positibo sa buhay sa kabila
ng pagkakait sa iyo ng katarungan?
4. ARALIN 4.2 Kabanata 11: LOS BANOS
EL FILIBUSTERISMO, pahina 82-94
CG, pahina- XXVI, Gabay ng Guro
Mga Larawan
5. III. PAMAMARAAN:
Ipakikita ang larawan sa mga mag-aaral at pabibigyang puna ang mga ito.
Ano ang karapatang pantao ang ipinagkait ng pamahalaan sa kanila? Sino ang dapat
na gumawa ng hakbang upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga
mamamayan?
6. a. Ano ba ang ginagawa ng mga mayayaman bilang
pampalipas oras nila?
b. Sa Pangulo ng Pilipinas, anu-ano ang malimit niyang
pinagkakaabalahan?
c. Bilang Pangulo ng isang bansa, ano ang magagawa niya para
sa ikagagaling ng bansang nasasakupan? Magbigay ng
halimbawa.
7. B. PAGLALAHAD
Mga Tanong Pangganyak:
a.Anu-ano ang ginagawa ng Kapitan Heneral kapag siya ay
nagpapahinga?
b.Banggitin ang ginawang pagpapahirap ng Kap.Heneral sa isang
Indiyo noong unang nangaso ito? Isalaysay.
c.Paano niya napagtakpan ang kahihiyang tinamo niya sa kanyang
pangangaso sa Bosoboso?
* Ipasasalaysay ng isang piling mag-aaral ang pangyayari sa Kabanata 11
at pasasagutan pagkatapos ang mga gabay na tanong sa akda.
8. C. PAGHAHAWAN NG SAGABAL
Bago tatalakayin ang laman ng kabanata ay pabibigyang kasingkahulugan muna
ang talasalitaan ng kabanata
1. Ang Kap.Heneral ay isang manunudla.
(a. mangangaso b. manunula c. mangangabayo d. manggagamot)
2. Iniisip ng kanyang nasasakupan ang kanyang seguridad sa lahat ng oras.
(a. kapakanan b. kasawian c. kapahamakan d. kaligtasan )
3. Maraming umaali-aligid na mababangis na hayop sa kanya sa gubat.
(a. maaamo b. mababait c. matatapang d. mga gutom)
4. Dapat na pinagpipitagan natin ang mga matatandang mahal sa buhay.
(a. minamahal b. ginagalang c. kinakalaban d. kainggitan)
9. 5. Ang ating magandang kinabukasan ay nakasalalay sa ating mga kamay. (a.
nakalaan b. nabibilang c. nakabatay d. nakapatong)
6. Ang sipol ay hudyat ng pagsisimula ng kanilang labanan.
(a. babala b. pahiwatig c. desisyon d. senyas )
7. Bawal isungaw ang ulo sa bintana ng bus.
(a. itaas b. ilabas c. ipasok d. ipatong)
8. Hindi ko na matatanggap ang labis niyang pangungutya.
(a. panghahamak b. pagmumura c. pang-aapi d. pagpupuri)
9. May malinis na budhi ang Kap. Heneral.
(a. kalooban b. kaluluwa c. konsensiya d. reputasyon)
10.Ang taong makatatapat mo ay isinilang na.
(a.ipinahaharap b. ipinanganak c. ipinapatay d. ipinalalayo)
10. Gamitin sa pagbuo ng pangungusap ang mga salitang
binigyang kasingkahulugan.
Hayaang makikibahagi ang ilang hindi pa nakasasali sa
pagsagot sa naunang gawain.
Ayusin ang nabuong pangungusap ng mga mag-aaral upang
mas magiging masining ang kalalabasan ng pangungusap.
11. D. PAGTATALAKAY SA KANABATA
Tatalakayin ang bahaging “Pag-unawa sa Binasa”
Pabibigyang kasagutan ang bawat bilang ng gawain
Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral
12. E. PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN
1. Paano ipinakikita ng kanyang Kamahalan ang kanyang kapangyarihan
sa nasasakupan?
2. Angkop ba ang kanyang ginawa sa isang Indiyo noong unang
pangangaso niya sa gubat? Pangatwiranan.
3. Iba-iba ang mga ugali ng mga prayle, anong mahihinuha ninyo sa uri
ng kanilang pagkatao batay sa paraan ng kanilang pananalita?
4. Sakaling magkaroon kayo ng katungkulan sa pamahalaan, paano niyo
ito gagampanan? Bakit?
13. IV. PAGSASANAY
A. PAGKIKILALA:
Kilalanin ang sumusunod, isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
1. Siya’y itinuturing na Gobernador ng Islas Filipinas. _______________
2. Naisipan ng Kap. Heneral na mangaso sa gubat ng ____________
3. Nakaisip siyang pagdamitin na lang bilang ______ ang isang Indiyo.
4. Inaya niya ang buong tropa na mamahinga na lamang sa ___________.
5. Ang mga prayle ay naglalaro ng _____________ kasama ang Kap. Hen.
14. 6. Galit siya dahil sa pagkatalo sa laro sa baraha. ________
7. Si ___________ ang naisipang ipalit kay Padre Camorra.
8. Siya ang kalaro ni Simoun ng bilyar sa isang kwartong katapat
ng mga prayle. ______________
9. Ang kurang panig sa pagpapatayo ng akademya.
______________
10. Sa halip na tulungan ay pinatalsik ng Kap. Hen. Sa kanyang
trabaho ang isang _________ na humingi ng isang silid aralan.
15. B. Pagpapahayag:
Ipaliwanag ang pahayag na batay sa kabanatang natalakay.
1. Bakit iba ang gustong itumbas ni Simoun sa pusta niyang mga
dyamante sa mga magiging kalaro niya? Ipaliwanag
2. Tama ba ang naging hatol ng Kap. Heneral sa isang gurong humingi ng
isang silid-aralan? Bakit?
3. Anong magiging kahihinatnan ng desisyon ng Kap.Heneral kapag
nagiging madalas ang kaniyang pagkokunsulta sa mga prayle?
4. Maaari kayang darating ang panahong di na siya maaaring
makapagdesisyon nang siya lamang mag-isa?Isalaysay.
16. 5. Anong katangiang pantao ang taglay ng sumusunod na tauhan?
a. Kap. Heneral b. Simoun c. Padre Camorra
d. Padre Irene e. Padre Sybila f. Padre Fernandez
g. Mataas na Kawani h. Don Custodio
6. Magbigay halimbawa ng sitwasyong magtatalakay sa kahinaan ng
pinuno na nakapaloob sa kabanata.
7. Maglahad ng pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa
pangyayari sa kabanata.
8. Anong kaisipan ang inilalahad ng may-akda sa kabanata.
17. Pagbabahaginan ng awtput
Ipalalahad sa bawat mag-aaral ang kani-kanilang ideya
tungkol sa paksa at saka iproseso ang kanilang sagot sa
bawat gawain.
18. V. Takda
Sa isang kalahating papel ipahayag ang iyong opinion sa sumusunod na
katanungan.
1. Paano masusulusyunan ang maling palakad ng gobyerno kung ang
mga pinuno ang siyang pangunahing problema? Ipaliwanag.
2. Ano ang nararapat gawin upang maayos na magampanan ang
tungkulin para sa bayan? Magbigay ng halimbawa.
19. Antas ng Kaalaman:
Bilang ng mag-aaral na nasa Mastery level ___________
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
remediation __________o reinforcement___________
20. Maraming salamat! Sana makatutulong itong
binanghay kong aralin para sa pagkatuto sa
akdang El Filibusterismo. Hanggang sa
susunod na pagsasama.
JENITA D. GUINOO