SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  16
Télécharger pour lire hors ligne
Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa
pagtutungayaw ng mga Cebuano
I. Paghinumdom sa Kahapon: Pagbabalik-tanaw sa pinanggalingan ng mga
Cebuano
Ang tunay na pinanggalingan ng mga Cebuano ay parang isang
nakakabighaning uruy na masisilayan sa malalapad na lupain ng Pilipinas. Uruy
na makikita sa mayayabong na bulubundukin ng Gitnang Visayas at Mindanao.
Uruy na mala-higante at lingid sa kaalaman ng karamihan saanmang sulok ng
bansa.
Ganito namin ihahalintulad ang pinanggalingan ng mga Cebuano.
Datapwat makikita sila sa mga mumunting pulo ng Pilipinas, sila ay madali pa
ring makilala at matukoy buhat sa napakalaking lupon at mga pagkakalinlanlan
nito.
Tungo rito, masusuri namin ang lugar kung saan sila nagmula, kung
paano sila nabuo at nakilala nang lubusan at mabigyang-kasagutan ang
kinalakhan ng bawat salitang binibitaw ng kanilang mga dila. Bukod dito,
mapaiilawan namin ang isip at puso ng mga tao hinggil sa matinding pagsibol ng
kanilang mga pagtutungayaw.
II. Kostumbreng Nakasanayan: Kaugalian at Paniniwala ng mga Cebuano
Kostumbre – isang siyokoy na salita na ang ibig sabihin ay nakasanayan
at kinagisnan; sa Ingles, custom, habit, tradition.
Ang salitang “kultura” ay hinango mula sa wikang Latin na “cultura” na
may kahulugang literal na kultibasyon o paglilinang. Ang etimolohiya ng
makabagong katagang “kultura” ay may salitaing klasikal. Sa wikang Ingles, ang
salitang “kultura” ay ibinatay sa isang katagang ginamit ni Cicero, mula sa
kanyang Tusculanae Disputationes (Tuskulanong Pagmamatuwiran), kung saan
siya nagsulat ng paglilinang ng kaluluwa o “cultura animi”, kung kaya’t gumamit
ng isang metapor na pang-agikultura upang ilarawan ang pag-unlad ng isang
kaluluwang makapilosopiya, na nauunawaan sa teolohiya bilang isang nag-iisang
likas at pinakamataas na maaaring adhikain para sa kaunlarang pantao.
Giit pa ni Bartle, P. (2017), “the simplest definition of culture is that it is
composed of everything symbolic that we learn.” Lahat ng kultura ay natutunan,
ngunit hindi lahat ng natutunan ay kultura. Kabilang dito ang lahat ng ating mga
kilos at paniniwala na hindi na ipinapadala sa pamamagitan ng genes, ngunit
ipinapadala (at nakaimbak na) sa pamamagitan ng mga simbolo.
Dagdag pa, ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na
nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan
(Andersen & Taylor, 2007). Kung kaya’t ang kultura ay napakamahalagang
bahagi ng ating bansa sapagkat ito ang nagbubuklod at gumagabay sa ating
mga Pilipino. Ito ay nagpapakita na mayroon tayong pinagmulan sa mga bagay
at gawaing nakasanayan natin. Ang ating bansa ay may makulay na kultura at
kinilala rin bilang mayaman dahil sa iba-ibang mga kostumbreng ito iilan sa mga
impluwensiya ng ating mga ninuno at mga bansang sumakop noon sa atin ay
ang pagsasayaw, mga awitin, mga iba’t ibang klase ng pagkain, mga
pagdiriwang, mga kasuotan, at iba pa.
Taong 2014, nang ang mga Cebuano ay nagdiwang para sa ika-445th na
anibersarya para sa kanilang probinsiya partikular na sa Cebu. Ang midyum na
twitter, bilang isang instrumento ng pagpapahayag, ay sinakop ng lahat-lahat ng
mga Cebuano sa buong mundo gamit ang folksonomy na #BisayangDako upang
ipakita ang pagmamalaki sa kanilang kultura. Sa katunayan, ang mga Cebuano
sa kasalukuyan ay nanatiling nakakapit sa mga pamanang ipinagkaloob sa
kanila ng kanilang mga ninuno. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga buhay na
kaugalian at paniniwala ng mga Cebuano (Alba, 2015):
` Panganganak. Ang pagsilang ng sanggol ay lubos na tanggap ng
mga Cebuano. Sila ay naglalagay ng dahon ng pomelo sa ilalim ng bahay upang
mataboy ang mga masasamang espiritu umaaligid dito. Habang kasalukuyang
nanganganak ang babae, ang mga magulang nagsusunog ng tuyong dahon at
ugat sapagkat sila’y naniniwala na ang usok ay makakatulong upang mapadali
ang panganganak.
Pagbibinyag. Ito ay kaugalian ng mga Cebuano na binyagan ang
bata ilang araw pagkatapos ng kapanganakan o sa isang linggong ang mga
Godparents ay napili nang mabuti dahil sila ang pangalawang magulang ng bata.
Inaasahan ng mga magulang na tularan ng bata ang magagandang halimbawa
na ipinakita ng kanyang mga lolo at lola.
Pagkamatay. Naniniwala ang mga Cebuano na hindi dapat magwalis
sa sahig kapag may patay kasi ito ay maaaring magng sanhi ng pagkamatay ng
iba pang miyembro ng mga pamilya.
Relihiyon. Karamihan sa mga Bisaya ay mga Katoliko. Sa Cebu,
ipinagdiriwang ang Sinulog, ang kapistahan nga Batang Hesus o ang Santo
Ninyo. Ito ay ipinagdiriwang taon-taon sa buwan ng Enero. Ang orihinal na imahe
na ibinigay ni Magelan sa sinaunang mga tribu ay nasa pangangalaga ng
Basilica Minore del Sto. Nino, na matatagpuan malapit lamang sa nakatayong
krus na ginawa nga mga Kastila.
Pagkain. Gaya ng karamihan sa mga Filipino, kanin ang pangunahing
pagkain ng mga Bisaya. Sikat din ang barbecue at and puso, kaning niluto sa
dahoon ng niyog. Ang impluwensya ng mga Mehikano at Kastila ay damang-
dama sa pagkain ng mga Bisaya. Sikat din ang lumpia sa mga Bisaya.
Tradisyon. Ang Sinulog ang pinakamalaki at pinakamakulay na
pagdiriwang ng mga Cebuano sa Cebu. Ang mga kalapit bayan ng Cebu naman,
ay may mga sariling bersyon ng pagdiriwang.
Panliligaw. Ang mga Cebuano ay kilala sa pagiging likas na
masayahin at mapagmahal sa iniirog. Sa panliligaw, dinadaan nila ang
pagtatapat ng pag-ibig sa pamamagitan ng pagkanta at harana. Karamihan sa
mga kalalakihan ay mahiyain sa mga babae. Sabi nga nila, kung ano ang tapang
nila sa pakikipaglaban ay iyon naman ang pagkamahiyain nila pagdating sa mga
pinupusuan.
III. Instrumento sa Pagsinabtanay: Wikang nag-uugnay sa mga Cebuano
Ang mga katutubong nagsasalita gamit ang wikang Cebuano ay
bumubuo ng halos ¼ ng populasyon at bilang tulad ay bumubuo ng
pinakamalaking pangkat ng lingguwistika at pangkultura sa bansa. Sa kabila ng
sinasalita nitong dalas, ang wikang Cebuano ay maliit na ginagamit bilang
wikang pampanitikan bagaman ang mga pahayagan at pelikula ay parehong
gumagamit ng wikang ito (Alba, 2015).
Ang wikang Cebuano ay isang pangunahing wikang Filipino na sinasalita
hindi lamang sa Cebu kundi sa Bohol, Leyte, Negros Oriental at sa karamihang
bahagi ng Mindanao (Aguilar, et.al., 2014). Sa katunayan, ang mga Cebuano ay
matatawag ring “Bisaya”, hindi lamang sa mga taga-Cebu kundi sa ibang
pangkat-etniko rin ng Visayas. Ang Cebuano (na kung tawagin ng mga
katutubong tagapagsalita nito ay Sugbuanon), ay ang ikalawa sa pinakamalaking
wika na sinasalita sa Pilipinas na may humigit-kumulang 20 milyong mga
nagsasalita nito bilang kanilang unang wika at 11 milyong mga nagsasalita nito
bilang kanilang pandagdag na wika.
Ang Cebuano ay katutubong wika ng Isla ng Cebu sa Pilipinas, at ito ang
itinuturing na lingua franca o pangunahing wika ng katimugang Pilipinas (at sanhi
nito ay tinatawag ito minsan bilang Visayan, Visaya o Bisaya) . Tinatawag din
minsan bilang Bol-anon at Kana depende sa mga pagkakaiba-iba ng lenggwahe,
ang wika ay sinasalita bilang katutubong wika ng mga nakatira sa Cebu, Bohol,
silangang bahagi ng isla ng Negros, mga kanlurang bahagi ng mga isla ng Leyte
at Biliran, katimugang sangkatlo ng isla ng Masbate, at sa kabuuan ng
karamihan ng rehiyong Mindanao, at bilang isang pang-ikalawang wika ng mga
Waray sa Samar at Leyte, Porohanon sa Poro, mga Ilonggo sa Negros Oriental,
at Eskaya sa Bohol.
IV. Hanay ng mga salitang may kinalaman sa pagtutungayaw ng mga Cebuano
Ayon kay GRL(60), ang pagmumura ay bunga ng pagkagulat o
pagkabigla sa hindi inaasahang pangyayari, pwede ring sa matinding galit.
Ang hanay ng mga salita sa pagtutungayaw ng mga Cebuano ay
ang mga sumusunod:
Yawa (pangngalan) – tumutukoy sa isang tao na ang kahulugan ay
dimonyo.Salumang hebreo ang salitang“YA-WA” ay isang masamang salita sa
bisaya. Ang“WA” ang ibig sabihin ay “WALA” atang “YA” ay ang pina-Ikling
pangalan ng makapangyarihan ni Abraham na si YAH-WEH, Awit68:4
samakatwid ang ibig sabihin ng “YAWA” ay “WALA si YAH-WEH” o ibig sabihin
ay “ dimonyo” (Tabilog, 2010). Ayon rito sa bawat pagsasalita ng yawa sa isang
tao ay sinasabihan mo siyang wala syang pananampalataya sa panginoon o
wala siyang kinikilalang Diyos sa kaniyang buhay.
Hal.
“Pagkayawa naman langgyud! ”- Pagka dimonyo mo lang gid ba!
“Yawa-yawa ka gid ba”-demonyo ka gid ba
Iba pang panawag o pampalit
Yawards!
Yawas!
Piste (pang-uri) - Ang salitang “ piste” ang ibig sabihin sa wikang hebreo ay
“stupidity” o “ mahina ang isip” .Kaya ang masamang salita na binabanggit ng
mga bisaya na “Piste-Yawa-Ka” ay ang ibig sabihin ay “mahina ang isip wala sa
iyo si Yahweh”(Tabilog,2010). Naksaad rito na ang pagsambit ng piste sa isang
tao ay direkta mo na ring sinasabihan ang taong iyon na hindi niya kaya dahil
siya’y bobo at matagal makaintindi ng mga panuto.
Hal.
“Piste kang bata ka!” – Walang hiya kang bata ka!
“Pisteha aning kinabuhi uy! “- Bwiset na buhay ‘to!
Iba pang katawagan:
Pistey
Pisteha
Animal (pang-uri) - O tinatawag rin sa Spanish na "salbahis" na
nangangahulugang masama ang ugali o walang respeto. Nangangahulugan ring
gumagalaw nang di naaayon sa kaniyang antas o parang hayop kung umasta
(Rey, 2018).Ang isa pang pakahulugan nito ay kung isasalin mo ang salitang
animal ay literal na lalabas ang salitang hayop na kung saan ay nagtataglay ng
mga ugaling di makontrol ng mga tao. Ito rin ay isang ekspresyon na
napapabulalas ng mga tao dahil sa pagkagulat o pagkainis sa isang tao. Ang pag
usbong nito, ay dahil sa ugaling mga hayop na di kaaya-aya na nagiging isang
daan upang maging isa sa mga pagtutungayaw ng mga Cebuano ito.
Hal.
“Animala ka!”- Wala kang respeto!
“Hoy, animal!”–Hoy, Bastos!
Iba pang katawagan
Animel!
Animels!
Pastilan-Isang bulalas na nagsasaad ng paghanga, hinahamak,o hindi gusto at
nilalait. Matigas ang puso,kulang sa pakiramdam o awa o init (Wolff, 1972).
Minsan nasasambit rin ito dahil sa masidhing damdamin na nararamdaman ng
tao. Hindi makontrol na emosyon at walang mapagbalingan ng sama ng loob
kundi ang pagmumura o pagtutungayaw. Ayon pa nga kay Baroza(50), na
sadiyang hindi maiwasan ang pagsasalita ng ganitong mga bagay lalong-lalo na
dahil may mga anak siyang sadyang pasaway at napkahirap paintindihin.
Hal.
“Pastilan, mapati ako sina?”- Satingin mo maniniwala ako dyan?
“Pastilan si Fulano” –mapapahamak katalaga dyan Fulano
Atay(pang–uri)-ito ay nangangahulugang"liver"sa ingles ngunit sa kasalukuyan
ay ginagamit na bilang isa sa pagtutungayaw ng mga bisaya o cebuano.Ang
kahulugan ng atay sa mga bisaya ay nangangahulugan ring sakitng manok na
nakakahawa sa ibang manok pagito ay nakalapit o nakapagsalamuha sa iba
pang manok. Dahil ditto nagging bukambibig na ng mga nag-aalga ng manok
ang atay at sakasalukuyan ay nagging isa na sa mga pagtutungayaw ng mga
Cebuano.(Tan,2016). Ang Sabong o “cock fighting” sa Ingles ay isang laganap
na aliwan at libangan ng mga Pilipino (Lontok , 2005). Ayon sa kaniya ito ay
malawakang libangan ng mga tao sa pilalipinas lalo na ng mga Cebuano kung
kaya’t mas nagging kilala ang atay o giatay na pagtutungayaw ng mga Cebuano.
Hal.
“Ataya!”– bobo,tanga
“Gi-atay!”–kabobohan“
“Gi-atay na ng bayhana.Miápas na pud”–andyan na ang pahamak na babae
nagsunod na naman.
Iba pang katawagan:
Taya nimo oi!
Taya!
Taya gud!
Gi-atay!
V. Pagtuklod sa Lunggati: Pagsusuri sa mga kadahilanan ukol sa patuloy
na pagtutungayaw ng mga Cebuano
Marami ang mga damdamin, iba-iba at kumplikado kung uriin. Ngunit
ang mga sikologo ay may ibat’t ibang paraan ng pag-uuri ng mga emosyon.
Batay kay Morgan, na binanggit ni Arena (2004) sa aklat na General Psychology
Today, mayroong apat na katangian ang damdamin: Una – ito ay isang estado
mula malalim na pagtulog hanggang sa mataas na pag-igting. Kapag natutulog
ang isang tao, mababa ang kanyang arousal level, ngunit kapag nagising at
natutuwa, mataas ang antas ng kanyang pagpukaw. Pangalawa – ito ay etado
ng physiological (estado ng katawan) na maaaring masukat sa pisikal na paraan.
Halimbawa, maaaring masukat ang presyon ng dugo at rate ng pulso. Pangatlo –
ito ay kamalayan sa isang bagay na nararamdaman natin at isang ekspresyon na
ipinakita ng ugali na nakikita ng iba. Halimbawa, kapag ang isang butiki ay
nakapatong sa ating braso, nagpapakita tayo ng emotional tension at silakbo.
Pang-apat at panghuli – ito ay isang pwersang “motivating” na namumuno sa
ating pag-uugali, o subukang iwasan o bawiin ito. Halimbawa, ang isang mataas
na grado na nakuha mula sa isang Pangkalahatang Sikolohikal na Pagsubok ay
maaaring mag-udyok sa isang mag-aaral na magsikap na mapanatili ang
kanyang marka o makamit ang higit pa; ang takot na ibagsak ng isang guro sa
anumang paksa ay nag-uudyok sa isang mag-aaral na maiwasan ang pagliban
sa kanyang mga klase.
Inuri ni Plutchik (2010) ang walong pangunahin damdamin: takot, galit,
kagalakan, kalungkutan, pagkasuklam, pag-asa, at surpresa. Ang mga
damdaming ito ay nauugnay o konektado sa bawat isa tulad ng mga emosyon ng
takot na konektado sa proteksyon; ang galit sa pagkawasak.
Pinaniniwalaan noon na ang mga sugat sa katawan ay naghihilom
ngunit ang mga sugat na dala ng mga salita ay hindi (Morga, 1963). Ang sarili ay
madaling masaktan kapag binabato ng mga masasamang salita partikular na
ang pagmumura. Ito’y nagdudulot ng kawalan ng gana at pagtitiwala sa sarili na
nagtutulak sa isang taong makaramdam ng emosyonal na sakit.
Ayon kay Rose (60) residente ng Davao city na siya ay madalas na
nakakapagmura dahil sa pagkayamot sa isang bagay o pangyayari na hindi niya
nagustuhan... “ako ay nakakapagmura madalas dahil sa pagkayamot sa isang
bagay o pangyayari na hindi ko nagustuhan.” Kadalasan, sa tuwing tayo ay
nayayamot sa isang pangyayaring sa tingin natin ay hindi maganda, napapamura
na lang tayo nang bigla. Kaunting galos lang, mura kaagad. Sa kasong ito, ang
kinakapanayam ay nakakapagmura dala ng pagkainis sa isang tao o isang
bagay.
Ayon naman kay Angelica (23) residente ng koronadal city na ang
rason kung bakit napapamura siya ay ang pagkainis… “dahil sa kalagot gud ba.”
Kung lubusang papansinin, ang pagmumura buhat ng pagkainis ang siyang
paulit-ulit na dahilan ng pagmumura buhat na rin sa pagiging karaniwan nito.
Kadalasan, ang pagmumura ay buhat ng pagkagalit. Ang galit ay
nagpapakita ng isang negatibong pakiramdam sa isang tao, bagay o kaganapan.
Ito ay isang malakas na emosyon na maaaring magresulta sa mas matinding
galit at maaaring maging mapahamak. Ito ay maaaring sanhi ng pagkabigo,
pagseselos, pagkagalit, paninibugho, pagkapoot at pangungutya. Kung ang
isang indibidwal ay edukado, mas makokontrol niya ang kanyang mga emosyon.
Ang pagkamayamutin ay ang mas banayad na anyo ng galit. Mas mabuting
ipahayag ang galit kaysa kimkimin ito. Kagaya ng takot, ang galit ay maaaring
makontrol.
Batay naman sa pagpapaliwanag ni Elaine (51) residente ng Iligan City na
“... nagapamalikas ko pag nasuko, init ang ulo, ug nakuratan…” Ito ay
nangangahulugang siya ay nakakapagmura kapag nagagalit, mainit ang ulo, at
kapag nagugulat.
Giit pa ni Katherine (41) residente ng koronadal city na “... minsan
maranasan ko, o may mahulog, mga aksidente, o may pumutok, minsan din
kapag nanonood ka ng t.v. na medyo thrilling or may challenging yung napanood
mo, minsan sa sobra mong saya ka o nagulat ka… hindi lang man sa lahat ng
bagay na kapag masaya ka o nagulat ka… minsan mayroon ding times sa akin
kapag sobra kang masaya, yun napapamura ka!”
Ang pahayag sa itaas ay sumasalaming hindi lamang sa sektor ng
pagkayamot, pagkainis, pagkagalit, at pagka-agrabyado umiikot ang konsepto ng
pagtutungayaw. Hindi lang sa galit at inis, minsan ay dala lang talaga ito nang
sobrang kagalakan.
Kahit na, malimit pa ring ipinagbabawal sa maraming kultura ang
pagmumura dahil: ang simpleng pagpapakawala ng salita ay yumuyurak sa
dignidad ng isanvg tao na lubos na nagpapabaga ng galit sa mga ninuno at
itinuturing ang mura bilang isang mortal na kasalanan (Wolman, 1973). Hindi
lamang bukambibig ang mga ito. Sinabi ni Hesus: “Kung ano ang bukambibig
siyang laman ng dibdib”.
Pansinin na ang lumalabas sa mga bibig natin ay hindi lamang
repleksiyon ng uri ng pagkataong gusto nating taglayin – ipinakikita nito kung ano
ang talagang pagkatao natin. Sabihin na nating nagmumura ka dahil nahahawa
ka lamang sa iba. Pero ang pagtulad sa kanila ay nagpapakitang sumusunod ka
sa karamihan at wala kang sariling paninindigan (Exodo 23:2).
Bukod dito, may isa pang kakaibang panig kung bakit napapamura minsan
ang isang indibidwal. Kagaya na lamang ni Baroza (50) residente ng koronadal
city na siya ay napapamura sa tuwing siya ay nagagalit sa kanyang mga kapit-
bahay. “… mahambal ko lang gid siya kung nasuko na ko sa akong mga
silingan.”
Base sa talata sa itaas, mahihinuha nating hindi lang pala pang-isaha ang
pagmumura. Sakop rin pala nito ang aspetong sosyal at pakikitungo natin sa iba.
Ang kaugaliang pagmumura ay maaaring ugatin sa kanilang mga
karanasan noong sila ay bata pa. Marahil ay natutunan ng mga bata mula sa iba
ring matatanda sa lipunan gaya ng magulang, guro, at kamag-anak sapagkat
ang pagkatuto ng pagmumura ay patuloy at walang patid. Wala itong pinipiling
edad. Maaaring magsimula ang isang tao sa paggaya-gaya lamang o lantarang
pangkopya kung paano gamitin ang mga mura sa sitwasyong komprontasyonal
(Bandura at Huston, 1961).
VI. Tumoy sa Sinugdanan: Pagbubuhol-buhol sa mga nailikom na kaalaman
Sa panahong ito na malago na ang karunungan ay malaki ang
pagbabagong naidulot sa tao. Malawak na ginagamit ngayon ang modernong
paraan ng komunikasyon sa buong mundo, sa pamamagitan ng mga cellphone,
computer at iba pang gadgets. Hindi rin matatawaran ang malaking bahagi
ngayon ng social media upang mabilis na palaganapin at maihatid sa
kinauukulan ang mga impormasyon at iba pang mahalagang kaalaman.
Masasabi nating ang makabagong kaparaanang ito ay nagsilbing
extension ng ating bibig at dila. Nagiging kasangkapan din ang iba’t ibang uri ng
media sa pagmimisyon. Kaya sa panahong ito, ang broadcast media, printe
media, at social media ay malawak na ginagamit sa pagpapalaganap ng
katotohanan, ngunit nakapagdudulot din ng malaking panganib sa pagkakalat ng
kasinungalingan.
Ang patuloy na rumaragasang pagsulong ng pagtutungayaw ng mga
Cebuano ay parang matuturing na kidlat sa karon, na nagpapahiwatig na sa
kasalukuyan ay isang natural na lintik lamang ito na nagmula rin sa natural
nitong proseso. Subalit sa paglipas ng panahon, kagaya ng wika, buhay at
dinamiko rin ang pagtutungayaw saanmang sulok ng bansa. Kung kaya ang
pagtutungayaw ay kidlat muna sa kasalukuyan pero sa susunod ay isang ganap
na dalogdog na dumudumog sa mga kawikaan.
MGA TALA:
1. Alba, R. (2015). FILIPINO CUSTOMS AND TRADITIONS. Mizrack
Publications: Novaliches, Caloocan City. Retrieved October 11, 2019.
2. Ariola, M. (2012). General Psychology Today: With drug education. Purely
Books Trading & Publishing Corp: Manila. Retrieved October 11, 2019.
3. Aguilar, Buenaventura, et.al(2014). Panitikang Pilipinas. Grandbooks
Publishing Inc: Paretos, Metro Manila. Retrieved October 11, 2019.
4. Akademyang Bisaya, et.al(2009). English-Visayan Cebuano Dictionary.
Sun Star. Retrieved October 14, 2019.
5. Ruadap, V. (2001). HEOGRAPIYA, KASAYSAYAN, AT SIBIKA AT
KULTURA NG BANSANG PILIPINAS. St. Augustine Publications Inc:
Manila. Retrieved October 15, 2019.
6. Wolff, J. (1972). A DICTIONARY OF CEBUANO AND VISAYAN. Asia
Program and Linguistic Society of the Philippines: Cornell University,
Philippines. Retrieved October 16, 2019.
Mula sa: www.gutenberg.org/files/40074/40074-h/40074-h.htm
Mula sa: www.opinion.inquirer.net/96944/ay-atay
Mula sa: www.prezi.com/pagmumuraatpamimintas
Mula sa: www.rappler.com/6564
Mula sa: www.bisdakwords.com/common-bisaya-expressions/
Mula sa: www.bisdakwords.com/common-bisaya-swear-words/
Mula sa: www.slideshare.com/jaredram55
Mula sa: www.wol.jw.org/wol/lp-tg.com
Mula sa: www.cec.vcn.bc.ca/cmp/modules/per-culm.com
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
Division of Koronadal City
KORONADAL NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Rizal St., Zone IV, Koronadal City, South Cotabato
KILAT KARON, DALOGDOG SA KAUGMAON:
Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungayaw ng mga
Cebuano
Ipinasa nina:
Facun, Meliza L.
Galay, Reinz Russel C.
Quidilla, Joaquin Karlos D.
2019 – 2020
Richard P. Moral Jr.
Guro sa Pananaliksik
Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungayaw ng mga Cebuano

Contenu connexe

Similaire à Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungayaw ng mga Cebuano

Sir bias ni dhang, lourdes at janice badjao 1
Sir bias ni dhang, lourdes at janice badjao 1Sir bias ni dhang, lourdes at janice badjao 1
Sir bias ni dhang, lourdes at janice badjao 1Lily Salgado
 
Domain2 linguisticsoftl
Domain2 linguisticsoftlDomain2 linguisticsoftl
Domain2 linguisticsoftlrej_temple
 
Lingguwistikong komunidad.pptx
Lingguwistikong komunidad.pptxLingguwistikong komunidad.pptx
Lingguwistikong komunidad.pptxmechilledelacruz1
 
ARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docx
ARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docxARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docx
ARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docxIGIEBOYESPINOSAJR
 
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdkbaraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdkronaldfrancisviray2
 
baraytingwika-180926023656 (1).pdf
baraytingwika-180926023656 (1).pdfbaraytingwika-180926023656 (1).pdf
baraytingwika-180926023656 (1).pdfCbaJrmsuKatipunan
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wikaREGie3
 
Varayti ng Wikang Sugbuanong Binisaya sa Hilagang Cebu
Varayti ng Wikang Sugbuanong Binisaya sa Hilagang CebuVarayti ng Wikang Sugbuanong Binisaya sa Hilagang Cebu
Varayti ng Wikang Sugbuanong Binisaya sa Hilagang CebuAJHSSR Journal
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptx
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptxKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptx
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptxlucasmonroe1
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanJenita Guinoo
 

Similaire à Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungayaw ng mga Cebuano (20)

Sir bias ni dhang, lourdes at janice badjao 1
Sir bias ni dhang, lourdes at janice badjao 1Sir bias ni dhang, lourdes at janice badjao 1
Sir bias ni dhang, lourdes at janice badjao 1
 
Domain2 linguisticsoftl
Domain2 linguisticsoftlDomain2 linguisticsoftl
Domain2 linguisticsoftl
 
Lingguwistikong komunidad.pptx
Lingguwistikong komunidad.pptxLingguwistikong komunidad.pptx
Lingguwistikong komunidad.pptx
 
WIKA.pptx
WIKA.pptxWIKA.pptx
WIKA.pptx
 
pwrpt_wika_v1.pptx
pwrpt_wika_v1.pptxpwrpt_wika_v1.pptx
pwrpt_wika_v1.pptx
 
ARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docx
ARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docxARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docx
ARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docx
 
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdkbaraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
 
Barayti ng wika.pptx
Barayti  ng wika.pptxBarayti  ng wika.pptx
Barayti ng wika.pptx
 
baraytingwika-180926023656 (1).pdf
baraytingwika-180926023656 (1).pdfbaraytingwika-180926023656 (1).pdf
baraytingwika-180926023656 (1).pdf
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
Varayti ng Wikang Sugbuanong Binisaya sa Hilagang Cebu
Varayti ng Wikang Sugbuanong Binisaya sa Hilagang CebuVarayti ng Wikang Sugbuanong Binisaya sa Hilagang Cebu
Varayti ng Wikang Sugbuanong Binisaya sa Hilagang Cebu
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
BARAYTI NG WIKA.pptx
BARAYTI NG WIKA.pptxBARAYTI NG WIKA.pptx
BARAYTI NG WIKA.pptx
 
Konsepto ng Wika.pptx
Konsepto ng Wika.pptxKonsepto ng Wika.pptx
Konsepto ng Wika.pptx
 
ARALIN 1.pptx
ARALIN 1.pptxARALIN 1.pptx
ARALIN 1.pptx
 
Barayti ng wika.pptx
Barayti  ng wika.pptxBarayti  ng wika.pptx
Barayti ng wika.pptx
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptx
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptxKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptx
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptx
 
FILIPINO 7.pptx
FILIPINO 7.pptxFILIPINO 7.pptx
FILIPINO 7.pptx
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
 

Dernier

Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxJoyceAgrao
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttJuliaFaithMConcha
 
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1AngelRgndlaa
 
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralinErickaCagaoan
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralinIsang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralinErickaCagaoan
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxSundieGraceBataan
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxJohnMarkAlarconPunta
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxBlessGely
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ferdinandsanbuenaven
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptxJoelleG1
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 

Dernier (20)

Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
 
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralinIsang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 

Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungayaw ng mga Cebuano

  • 1. Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungayaw ng mga Cebuano I. Paghinumdom sa Kahapon: Pagbabalik-tanaw sa pinanggalingan ng mga Cebuano Ang tunay na pinanggalingan ng mga Cebuano ay parang isang nakakabighaning uruy na masisilayan sa malalapad na lupain ng Pilipinas. Uruy na makikita sa mayayabong na bulubundukin ng Gitnang Visayas at Mindanao. Uruy na mala-higante at lingid sa kaalaman ng karamihan saanmang sulok ng bansa. Ganito namin ihahalintulad ang pinanggalingan ng mga Cebuano. Datapwat makikita sila sa mga mumunting pulo ng Pilipinas, sila ay madali pa ring makilala at matukoy buhat sa napakalaking lupon at mga pagkakalinlanlan nito. Tungo rito, masusuri namin ang lugar kung saan sila nagmula, kung paano sila nabuo at nakilala nang lubusan at mabigyang-kasagutan ang kinalakhan ng bawat salitang binibitaw ng kanilang mga dila. Bukod dito, mapaiilawan namin ang isip at puso ng mga tao hinggil sa matinding pagsibol ng kanilang mga pagtutungayaw. II. Kostumbreng Nakasanayan: Kaugalian at Paniniwala ng mga Cebuano Kostumbre – isang siyokoy na salita na ang ibig sabihin ay nakasanayan at kinagisnan; sa Ingles, custom, habit, tradition. Ang salitang “kultura” ay hinango mula sa wikang Latin na “cultura” na may kahulugang literal na kultibasyon o paglilinang. Ang etimolohiya ng makabagong katagang “kultura” ay may salitaing klasikal. Sa wikang Ingles, ang salitang “kultura” ay ibinatay sa isang katagang ginamit ni Cicero, mula sa kanyang Tusculanae Disputationes (Tuskulanong Pagmamatuwiran), kung saan
  • 2. siya nagsulat ng paglilinang ng kaluluwa o “cultura animi”, kung kaya’t gumamit ng isang metapor na pang-agikultura upang ilarawan ang pag-unlad ng isang kaluluwang makapilosopiya, na nauunawaan sa teolohiya bilang isang nag-iisang likas at pinakamataas na maaaring adhikain para sa kaunlarang pantao. Giit pa ni Bartle, P. (2017), “the simplest definition of culture is that it is composed of everything symbolic that we learn.” Lahat ng kultura ay natutunan, ngunit hindi lahat ng natutunan ay kultura. Kabilang dito ang lahat ng ating mga kilos at paniniwala na hindi na ipinapadala sa pamamagitan ng genes, ngunit ipinapadala (at nakaimbak na) sa pamamagitan ng mga simbolo. Dagdag pa, ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan (Andersen & Taylor, 2007). Kung kaya’t ang kultura ay napakamahalagang bahagi ng ating bansa sapagkat ito ang nagbubuklod at gumagabay sa ating mga Pilipino. Ito ay nagpapakita na mayroon tayong pinagmulan sa mga bagay at gawaing nakasanayan natin. Ang ating bansa ay may makulay na kultura at kinilala rin bilang mayaman dahil sa iba-ibang mga kostumbreng ito iilan sa mga impluwensiya ng ating mga ninuno at mga bansang sumakop noon sa atin ay ang pagsasayaw, mga awitin, mga iba’t ibang klase ng pagkain, mga pagdiriwang, mga kasuotan, at iba pa. Taong 2014, nang ang mga Cebuano ay nagdiwang para sa ika-445th na anibersarya para sa kanilang probinsiya partikular na sa Cebu. Ang midyum na twitter, bilang isang instrumento ng pagpapahayag, ay sinakop ng lahat-lahat ng mga Cebuano sa buong mundo gamit ang folksonomy na #BisayangDako upang ipakita ang pagmamalaki sa kanilang kultura. Sa katunayan, ang mga Cebuano sa kasalukuyan ay nanatiling nakakapit sa mga pamanang ipinagkaloob sa kanila ng kanilang mga ninuno. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga buhay na kaugalian at paniniwala ng mga Cebuano (Alba, 2015): ` Panganganak. Ang pagsilang ng sanggol ay lubos na tanggap ng mga Cebuano. Sila ay naglalagay ng dahon ng pomelo sa ilalim ng bahay upang
  • 3. mataboy ang mga masasamang espiritu umaaligid dito. Habang kasalukuyang nanganganak ang babae, ang mga magulang nagsusunog ng tuyong dahon at ugat sapagkat sila’y naniniwala na ang usok ay makakatulong upang mapadali ang panganganak. Pagbibinyag. Ito ay kaugalian ng mga Cebuano na binyagan ang bata ilang araw pagkatapos ng kapanganakan o sa isang linggong ang mga Godparents ay napili nang mabuti dahil sila ang pangalawang magulang ng bata. Inaasahan ng mga magulang na tularan ng bata ang magagandang halimbawa na ipinakita ng kanyang mga lolo at lola. Pagkamatay. Naniniwala ang mga Cebuano na hindi dapat magwalis sa sahig kapag may patay kasi ito ay maaaring magng sanhi ng pagkamatay ng iba pang miyembro ng mga pamilya. Relihiyon. Karamihan sa mga Bisaya ay mga Katoliko. Sa Cebu, ipinagdiriwang ang Sinulog, ang kapistahan nga Batang Hesus o ang Santo Ninyo. Ito ay ipinagdiriwang taon-taon sa buwan ng Enero. Ang orihinal na imahe na ibinigay ni Magelan sa sinaunang mga tribu ay nasa pangangalaga ng Basilica Minore del Sto. Nino, na matatagpuan malapit lamang sa nakatayong krus na ginawa nga mga Kastila. Pagkain. Gaya ng karamihan sa mga Filipino, kanin ang pangunahing pagkain ng mga Bisaya. Sikat din ang barbecue at and puso, kaning niluto sa dahoon ng niyog. Ang impluwensya ng mga Mehikano at Kastila ay damang- dama sa pagkain ng mga Bisaya. Sikat din ang lumpia sa mga Bisaya. Tradisyon. Ang Sinulog ang pinakamalaki at pinakamakulay na pagdiriwang ng mga Cebuano sa Cebu. Ang mga kalapit bayan ng Cebu naman, ay may mga sariling bersyon ng pagdiriwang. Panliligaw. Ang mga Cebuano ay kilala sa pagiging likas na masayahin at mapagmahal sa iniirog. Sa panliligaw, dinadaan nila ang pagtatapat ng pag-ibig sa pamamagitan ng pagkanta at harana. Karamihan sa
  • 4. mga kalalakihan ay mahiyain sa mga babae. Sabi nga nila, kung ano ang tapang nila sa pakikipaglaban ay iyon naman ang pagkamahiyain nila pagdating sa mga pinupusuan. III. Instrumento sa Pagsinabtanay: Wikang nag-uugnay sa mga Cebuano Ang mga katutubong nagsasalita gamit ang wikang Cebuano ay bumubuo ng halos ¼ ng populasyon at bilang tulad ay bumubuo ng pinakamalaking pangkat ng lingguwistika at pangkultura sa bansa. Sa kabila ng sinasalita nitong dalas, ang wikang Cebuano ay maliit na ginagamit bilang wikang pampanitikan bagaman ang mga pahayagan at pelikula ay parehong gumagamit ng wikang ito (Alba, 2015). Ang wikang Cebuano ay isang pangunahing wikang Filipino na sinasalita hindi lamang sa Cebu kundi sa Bohol, Leyte, Negros Oriental at sa karamihang bahagi ng Mindanao (Aguilar, et.al., 2014). Sa katunayan, ang mga Cebuano ay matatawag ring “Bisaya”, hindi lamang sa mga taga-Cebu kundi sa ibang pangkat-etniko rin ng Visayas. Ang Cebuano (na kung tawagin ng mga katutubong tagapagsalita nito ay Sugbuanon), ay ang ikalawa sa pinakamalaking wika na sinasalita sa Pilipinas na may humigit-kumulang 20 milyong mga nagsasalita nito bilang kanilang unang wika at 11 milyong mga nagsasalita nito bilang kanilang pandagdag na wika. Ang Cebuano ay katutubong wika ng Isla ng Cebu sa Pilipinas, at ito ang itinuturing na lingua franca o pangunahing wika ng katimugang Pilipinas (at sanhi nito ay tinatawag ito minsan bilang Visayan, Visaya o Bisaya) . Tinatawag din minsan bilang Bol-anon at Kana depende sa mga pagkakaiba-iba ng lenggwahe, ang wika ay sinasalita bilang katutubong wika ng mga nakatira sa Cebu, Bohol, silangang bahagi ng isla ng Negros, mga kanlurang bahagi ng mga isla ng Leyte at Biliran, katimugang sangkatlo ng isla ng Masbate, at sa kabuuan ng karamihan ng rehiyong Mindanao, at bilang isang pang-ikalawang wika ng mga Waray sa Samar at Leyte, Porohanon sa Poro, mga Ilonggo sa Negros Oriental, at Eskaya sa Bohol.
  • 5. IV. Hanay ng mga salitang may kinalaman sa pagtutungayaw ng mga Cebuano Ayon kay GRL(60), ang pagmumura ay bunga ng pagkagulat o pagkabigla sa hindi inaasahang pangyayari, pwede ring sa matinding galit. Ang hanay ng mga salita sa pagtutungayaw ng mga Cebuano ay ang mga sumusunod: Yawa (pangngalan) – tumutukoy sa isang tao na ang kahulugan ay dimonyo.Salumang hebreo ang salitang“YA-WA” ay isang masamang salita sa bisaya. Ang“WA” ang ibig sabihin ay “WALA” atang “YA” ay ang pina-Ikling pangalan ng makapangyarihan ni Abraham na si YAH-WEH, Awit68:4 samakatwid ang ibig sabihin ng “YAWA” ay “WALA si YAH-WEH” o ibig sabihin ay “ dimonyo” (Tabilog, 2010). Ayon rito sa bawat pagsasalita ng yawa sa isang tao ay sinasabihan mo siyang wala syang pananampalataya sa panginoon o wala siyang kinikilalang Diyos sa kaniyang buhay. Hal. “Pagkayawa naman langgyud! ”- Pagka dimonyo mo lang gid ba! “Yawa-yawa ka gid ba”-demonyo ka gid ba Iba pang panawag o pampalit Yawards! Yawas! Piste (pang-uri) - Ang salitang “ piste” ang ibig sabihin sa wikang hebreo ay “stupidity” o “ mahina ang isip” .Kaya ang masamang salita na binabanggit ng mga bisaya na “Piste-Yawa-Ka” ay ang ibig sabihin ay “mahina ang isip wala sa iyo si Yahweh”(Tabilog,2010). Naksaad rito na ang pagsambit ng piste sa isang tao ay direkta mo na ring sinasabihan ang taong iyon na hindi niya kaya dahil siya’y bobo at matagal makaintindi ng mga panuto.
  • 6. Hal. “Piste kang bata ka!” – Walang hiya kang bata ka! “Pisteha aning kinabuhi uy! “- Bwiset na buhay ‘to! Iba pang katawagan: Pistey Pisteha Animal (pang-uri) - O tinatawag rin sa Spanish na "salbahis" na nangangahulugang masama ang ugali o walang respeto. Nangangahulugan ring gumagalaw nang di naaayon sa kaniyang antas o parang hayop kung umasta (Rey, 2018).Ang isa pang pakahulugan nito ay kung isasalin mo ang salitang animal ay literal na lalabas ang salitang hayop na kung saan ay nagtataglay ng mga ugaling di makontrol ng mga tao. Ito rin ay isang ekspresyon na napapabulalas ng mga tao dahil sa pagkagulat o pagkainis sa isang tao. Ang pag usbong nito, ay dahil sa ugaling mga hayop na di kaaya-aya na nagiging isang daan upang maging isa sa mga pagtutungayaw ng mga Cebuano ito. Hal. “Animala ka!”- Wala kang respeto! “Hoy, animal!”–Hoy, Bastos! Iba pang katawagan Animel! Animels! Pastilan-Isang bulalas na nagsasaad ng paghanga, hinahamak,o hindi gusto at nilalait. Matigas ang puso,kulang sa pakiramdam o awa o init (Wolff, 1972). Minsan nasasambit rin ito dahil sa masidhing damdamin na nararamdaman ng
  • 7. tao. Hindi makontrol na emosyon at walang mapagbalingan ng sama ng loob kundi ang pagmumura o pagtutungayaw. Ayon pa nga kay Baroza(50), na sadiyang hindi maiwasan ang pagsasalita ng ganitong mga bagay lalong-lalo na dahil may mga anak siyang sadyang pasaway at napkahirap paintindihin. Hal. “Pastilan, mapati ako sina?”- Satingin mo maniniwala ako dyan? “Pastilan si Fulano” –mapapahamak katalaga dyan Fulano Atay(pang–uri)-ito ay nangangahulugang"liver"sa ingles ngunit sa kasalukuyan ay ginagamit na bilang isa sa pagtutungayaw ng mga bisaya o cebuano.Ang kahulugan ng atay sa mga bisaya ay nangangahulugan ring sakitng manok na nakakahawa sa ibang manok pagito ay nakalapit o nakapagsalamuha sa iba pang manok. Dahil ditto nagging bukambibig na ng mga nag-aalga ng manok ang atay at sakasalukuyan ay nagging isa na sa mga pagtutungayaw ng mga Cebuano.(Tan,2016). Ang Sabong o “cock fighting” sa Ingles ay isang laganap na aliwan at libangan ng mga Pilipino (Lontok , 2005). Ayon sa kaniya ito ay malawakang libangan ng mga tao sa pilalipinas lalo na ng mga Cebuano kung kaya’t mas nagging kilala ang atay o giatay na pagtutungayaw ng mga Cebuano. Hal. “Ataya!”– bobo,tanga “Gi-atay!”–kabobohan“ “Gi-atay na ng bayhana.Miápas na pud”–andyan na ang pahamak na babae nagsunod na naman. Iba pang katawagan: Taya nimo oi! Taya!
  • 8. Taya gud! Gi-atay! V. Pagtuklod sa Lunggati: Pagsusuri sa mga kadahilanan ukol sa patuloy na pagtutungayaw ng mga Cebuano Marami ang mga damdamin, iba-iba at kumplikado kung uriin. Ngunit ang mga sikologo ay may ibat’t ibang paraan ng pag-uuri ng mga emosyon. Batay kay Morgan, na binanggit ni Arena (2004) sa aklat na General Psychology Today, mayroong apat na katangian ang damdamin: Una – ito ay isang estado mula malalim na pagtulog hanggang sa mataas na pag-igting. Kapag natutulog ang isang tao, mababa ang kanyang arousal level, ngunit kapag nagising at natutuwa, mataas ang antas ng kanyang pagpukaw. Pangalawa – ito ay etado ng physiological (estado ng katawan) na maaaring masukat sa pisikal na paraan. Halimbawa, maaaring masukat ang presyon ng dugo at rate ng pulso. Pangatlo – ito ay kamalayan sa isang bagay na nararamdaman natin at isang ekspresyon na ipinakita ng ugali na nakikita ng iba. Halimbawa, kapag ang isang butiki ay nakapatong sa ating braso, nagpapakita tayo ng emotional tension at silakbo. Pang-apat at panghuli – ito ay isang pwersang “motivating” na namumuno sa ating pag-uugali, o subukang iwasan o bawiin ito. Halimbawa, ang isang mataas na grado na nakuha mula sa isang Pangkalahatang Sikolohikal na Pagsubok ay maaaring mag-udyok sa isang mag-aaral na magsikap na mapanatili ang kanyang marka o makamit ang higit pa; ang takot na ibagsak ng isang guro sa anumang paksa ay nag-uudyok sa isang mag-aaral na maiwasan ang pagliban sa kanyang mga klase. Inuri ni Plutchik (2010) ang walong pangunahin damdamin: takot, galit, kagalakan, kalungkutan, pagkasuklam, pag-asa, at surpresa. Ang mga damdaming ito ay nauugnay o konektado sa bawat isa tulad ng mga emosyon ng takot na konektado sa proteksyon; ang galit sa pagkawasak.
  • 9. Pinaniniwalaan noon na ang mga sugat sa katawan ay naghihilom ngunit ang mga sugat na dala ng mga salita ay hindi (Morga, 1963). Ang sarili ay madaling masaktan kapag binabato ng mga masasamang salita partikular na ang pagmumura. Ito’y nagdudulot ng kawalan ng gana at pagtitiwala sa sarili na nagtutulak sa isang taong makaramdam ng emosyonal na sakit. Ayon kay Rose (60) residente ng Davao city na siya ay madalas na nakakapagmura dahil sa pagkayamot sa isang bagay o pangyayari na hindi niya nagustuhan... “ako ay nakakapagmura madalas dahil sa pagkayamot sa isang bagay o pangyayari na hindi ko nagustuhan.” Kadalasan, sa tuwing tayo ay nayayamot sa isang pangyayaring sa tingin natin ay hindi maganda, napapamura na lang tayo nang bigla. Kaunting galos lang, mura kaagad. Sa kasong ito, ang kinakapanayam ay nakakapagmura dala ng pagkainis sa isang tao o isang bagay. Ayon naman kay Angelica (23) residente ng koronadal city na ang rason kung bakit napapamura siya ay ang pagkainis… “dahil sa kalagot gud ba.” Kung lubusang papansinin, ang pagmumura buhat ng pagkainis ang siyang paulit-ulit na dahilan ng pagmumura buhat na rin sa pagiging karaniwan nito. Kadalasan, ang pagmumura ay buhat ng pagkagalit. Ang galit ay nagpapakita ng isang negatibong pakiramdam sa isang tao, bagay o kaganapan. Ito ay isang malakas na emosyon na maaaring magresulta sa mas matinding galit at maaaring maging mapahamak. Ito ay maaaring sanhi ng pagkabigo, pagseselos, pagkagalit, paninibugho, pagkapoot at pangungutya. Kung ang isang indibidwal ay edukado, mas makokontrol niya ang kanyang mga emosyon. Ang pagkamayamutin ay ang mas banayad na anyo ng galit. Mas mabuting ipahayag ang galit kaysa kimkimin ito. Kagaya ng takot, ang galit ay maaaring makontrol.
  • 10. Batay naman sa pagpapaliwanag ni Elaine (51) residente ng Iligan City na “... nagapamalikas ko pag nasuko, init ang ulo, ug nakuratan…” Ito ay nangangahulugang siya ay nakakapagmura kapag nagagalit, mainit ang ulo, at kapag nagugulat. Giit pa ni Katherine (41) residente ng koronadal city na “... minsan maranasan ko, o may mahulog, mga aksidente, o may pumutok, minsan din kapag nanonood ka ng t.v. na medyo thrilling or may challenging yung napanood mo, minsan sa sobra mong saya ka o nagulat ka… hindi lang man sa lahat ng bagay na kapag masaya ka o nagulat ka… minsan mayroon ding times sa akin kapag sobra kang masaya, yun napapamura ka!” Ang pahayag sa itaas ay sumasalaming hindi lamang sa sektor ng pagkayamot, pagkainis, pagkagalit, at pagka-agrabyado umiikot ang konsepto ng pagtutungayaw. Hindi lang sa galit at inis, minsan ay dala lang talaga ito nang sobrang kagalakan. Kahit na, malimit pa ring ipinagbabawal sa maraming kultura ang pagmumura dahil: ang simpleng pagpapakawala ng salita ay yumuyurak sa dignidad ng isanvg tao na lubos na nagpapabaga ng galit sa mga ninuno at itinuturing ang mura bilang isang mortal na kasalanan (Wolman, 1973). Hindi lamang bukambibig ang mga ito. Sinabi ni Hesus: “Kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib”. Pansinin na ang lumalabas sa mga bibig natin ay hindi lamang repleksiyon ng uri ng pagkataong gusto nating taglayin – ipinakikita nito kung ano ang talagang pagkatao natin. Sabihin na nating nagmumura ka dahil nahahawa ka lamang sa iba. Pero ang pagtulad sa kanila ay nagpapakitang sumusunod ka sa karamihan at wala kang sariling paninindigan (Exodo 23:2).
  • 11. Bukod dito, may isa pang kakaibang panig kung bakit napapamura minsan ang isang indibidwal. Kagaya na lamang ni Baroza (50) residente ng koronadal city na siya ay napapamura sa tuwing siya ay nagagalit sa kanyang mga kapit- bahay. “… mahambal ko lang gid siya kung nasuko na ko sa akong mga silingan.” Base sa talata sa itaas, mahihinuha nating hindi lang pala pang-isaha ang pagmumura. Sakop rin pala nito ang aspetong sosyal at pakikitungo natin sa iba. Ang kaugaliang pagmumura ay maaaring ugatin sa kanilang mga karanasan noong sila ay bata pa. Marahil ay natutunan ng mga bata mula sa iba ring matatanda sa lipunan gaya ng magulang, guro, at kamag-anak sapagkat ang pagkatuto ng pagmumura ay patuloy at walang patid. Wala itong pinipiling edad. Maaaring magsimula ang isang tao sa paggaya-gaya lamang o lantarang pangkopya kung paano gamitin ang mga mura sa sitwasyong komprontasyonal (Bandura at Huston, 1961). VI. Tumoy sa Sinugdanan: Pagbubuhol-buhol sa mga nailikom na kaalaman Sa panahong ito na malago na ang karunungan ay malaki ang pagbabagong naidulot sa tao. Malawak na ginagamit ngayon ang modernong paraan ng komunikasyon sa buong mundo, sa pamamagitan ng mga cellphone, computer at iba pang gadgets. Hindi rin matatawaran ang malaking bahagi ngayon ng social media upang mabilis na palaganapin at maihatid sa kinauukulan ang mga impormasyon at iba pang mahalagang kaalaman. Masasabi nating ang makabagong kaparaanang ito ay nagsilbing extension ng ating bibig at dila. Nagiging kasangkapan din ang iba’t ibang uri ng media sa pagmimisyon. Kaya sa panahong ito, ang broadcast media, printe media, at social media ay malawak na ginagamit sa pagpapalaganap ng
  • 12. katotohanan, ngunit nakapagdudulot din ng malaking panganib sa pagkakalat ng kasinungalingan. Ang patuloy na rumaragasang pagsulong ng pagtutungayaw ng mga Cebuano ay parang matuturing na kidlat sa karon, na nagpapahiwatig na sa kasalukuyan ay isang natural na lintik lamang ito na nagmula rin sa natural nitong proseso. Subalit sa paglipas ng panahon, kagaya ng wika, buhay at dinamiko rin ang pagtutungayaw saanmang sulok ng bansa. Kung kaya ang pagtutungayaw ay kidlat muna sa kasalukuyan pero sa susunod ay isang ganap na dalogdog na dumudumog sa mga kawikaan. MGA TALA: 1. Alba, R. (2015). FILIPINO CUSTOMS AND TRADITIONS. Mizrack Publications: Novaliches, Caloocan City. Retrieved October 11, 2019. 2. Ariola, M. (2012). General Psychology Today: With drug education. Purely Books Trading & Publishing Corp: Manila. Retrieved October 11, 2019. 3. Aguilar, Buenaventura, et.al(2014). Panitikang Pilipinas. Grandbooks Publishing Inc: Paretos, Metro Manila. Retrieved October 11, 2019. 4. Akademyang Bisaya, et.al(2009). English-Visayan Cebuano Dictionary. Sun Star. Retrieved October 14, 2019. 5. Ruadap, V. (2001). HEOGRAPIYA, KASAYSAYAN, AT SIBIKA AT KULTURA NG BANSANG PILIPINAS. St. Augustine Publications Inc: Manila. Retrieved October 15, 2019. 6. Wolff, J. (1972). A DICTIONARY OF CEBUANO AND VISAYAN. Asia Program and Linguistic Society of the Philippines: Cornell University, Philippines. Retrieved October 16, 2019. Mula sa: www.gutenberg.org/files/40074/40074-h/40074-h.htm Mula sa: www.opinion.inquirer.net/96944/ay-atay Mula sa: www.prezi.com/pagmumuraatpamimintas Mula sa: www.rappler.com/6564 Mula sa: www.bisdakwords.com/common-bisaya-expressions/ Mula sa: www.bisdakwords.com/common-bisaya-swear-words/ Mula sa: www.slideshare.com/jaredram55 Mula sa: www.wol.jw.org/wol/lp-tg.com Mula sa: www.cec.vcn.bc.ca/cmp/modules/per-culm.com
  • 13.
  • 14.
  • 15. DEPARTMENT OF EDUCATION Region XII Division of Koronadal City KORONADAL NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL Rizal St., Zone IV, Koronadal City, South Cotabato KILAT KARON, DALOGDOG SA KAUGMAON: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungayaw ng mga Cebuano Ipinasa nina: Facun, Meliza L. Galay, Reinz Russel C. Quidilla, Joaquin Karlos D. 2019 – 2020 Richard P. Moral Jr. Guro sa Pananaliksik