3. VARAYTI NG WIKA
Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na
ating ginagalawan, heograpiya, antas ng
edukasyon, trabaho, edad at kasarian at uri ng
pangkat-etniko na ating kinabibilangan.
6. HALIBAWA
Tagalog Manila – Bakit?
Tagalog Batangas – Bakit ga?
Tagalog Bataan Bakit ah?
Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang
lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa
isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at
katayuang sosyal.
7. HALIBAWA
Sige, jujumbagin kita! (Sige ka, susuntukin kita)
May amats na ako ‘tol (Lasing na ako kaibigan/kapatid)
Repapips, alaws na ako datung eh (Pare, wala na akong
pera)
Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang
partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may
kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at
kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga
naturang salita.
SOSYOLEK
8. HALIBAWA
“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavi
”I shall returen” ni Douglas MacArthur
“Ang buhay ay weather-weather lang” ni Kim Atienza
Tawag sa kanya-kanyang paraan ng paggamit
ng wika. Gaya ng pagkakaroon ng personal na
paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o
tatak ng kanilang pagkatao.
IDYOLEK
9. HALIBAWA
Payew – Hagdan-hagdang Palayan (Wika ng mga Ifugao)
Vakul – Tumutukoy sa gamit ng Ivatan na pantakip sa kanilang
ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
Wika na nadebelop mula sa mga salita ng
mga etnolinggwistikong grupo. Taglay nito ang
mga wikang naging bahagi ng kanilang
pagkakakilanlan.
ETNOLEK
10. HALIBAWA
Palikuran – banyo
Pamingganan – Lalagyan ng plato
Wika na kadalasan ay mula o sinasalita sa
loob ng bahay.
EKOLEK
11. HALIBAWA
Justice, Court, Hearing (Abogado)
Class Record, Lesson Plan, Kurikulum (Titser)
Baryasyon ng wikang may kaugnayan sa
taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito ay
barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng
isang partikular propesyon.
JARGON
12. HALIBAWA
Kayo bili alak akin (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin)
Suki ikaw bili akin, ako bigay diskawnt (Suki, bumili ka na ng
paninda ko, bibigyan kita ng diskwento)
Isang uri ng barayti ng wika na tumutukoy sa
sa wikang walang pormal na istruktura.
Nadedebelop ito dahil na rin sa pangangailangan
na makabuo ng isang pahayag.
PIDGIN
13. HALIBAWA
Chavacano – pinaghalong wikang Espanyol at Filipino
Barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga
pinaghalo-halong salita ng indibidwal mula sa
magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging
pangunahing wika ng particular na lugar.
CREOLE
15. PAGSASANAY
PANUTO: Tukuyin kung anong barayti ng wika ang
pahayag o isinasaad sa bawat aytem. Isulat ang
pinakatamang sagot.
1. Pinakain ng alikabok ng Cavs ang Golden State kagabi sa
kanilang unang laban.
2. I told you not to play eh! You look dirty na oh!
3. Napakakaros ng batang ire.
4. Bongga ang handaan sa bertday ni mader.
5. “Excuse me po!” – Mike Enriquez
16. Gawain#__
Pumunta sa mataong lugar gaya ng kantina o covered
court, itala sa papel ang mga salitang ginagamit ng mga tao sa
kanilang pakikipag-usap at tukuyin kung anong barayti ng
wika kabilang ang salitang kanilang ginagamit.
LUGAR
SALITANG
NAKALAP
BARAYTI NG
WIKA
1. 1.
2. 2.
3. 3.
1. Anong barayti ng wika ang madalas gamitin sa mga usapan?
2. Nakatulong ba ang wikang ginamit nila upang mapadali ang komunikasyon? Patunayan