10. Ano ang Tinutukoy sa Panahong ito ?
- Mula ika-15 hanggang ika-17 siglo nang
nagsimulang maglayag at tumuklas ng mga bagong
lupain at rutang pangkalakalan ang mga Europeo.
Ito and dakilang panahon ng eksplorasyon o
paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng
mga Europeo.
11. KOLONYALISMO
- Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang
bansa sa iba pa upang manakaw o makuha ang yaman nito o
makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop.
IMPERYALISMO
- Paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin
ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o
paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at
pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
12. DAHILAN UPANG ANGF EUROPA AY MAGSAGAWA NG
PAGGALUGAD AT PANANAKOP
1. KRUSADA
2. PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE
3. PAGLALAKBAY NI MARCO POLO
4. RENAISSANCE
5. MERKANTILISMO
13. 1. KRUSADA
Ang Krusada ay ang mga digmaang panrelihiyon noon ng mga Kristiyano laban sa
mga Muslim upang mabawi ang mga lupaing nasakop.
2. PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE
Ang Constantinople ay bahagi ng Turkey sa kasalukuyan . Ito ang nagsilbing
rutang kalakalan mula sa Europa patungong India at China, Napasakamay ng
Turkong Muslim noong 1453 at Ito rin ang madalas na daan noong panahon ng
Krusada.
3. PAGLALAKBAY NI MARCO POLO
- Si Marco Polo (1254-1324) ay isang mangangalakal na taga-Venice na
pinaniniwalaang naglakbay sa buong Asya sa kasagsagan ng Imperyong Mongol.
Una siyang umalis sa edad na 17 kasama ang kanyang ama at tiyuhin, na
naglalakbay sa lupain kasama ang kalaunan ay kilala bilang Silk Road.
- Siya din ang gumawa ng aklat na may pamagat na THE TRAVELS OF MARCO
POLO
14. 4. RENAISSANCE
Ang renaissance ay isang salitang Pranses na ang kahulugan ay muling pag-
usbong, muling pagkabuhay o muling pagsilang. Sa Ingles, ang katumbas nito ay
rebirth o revival. Ito ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan mula 1350
hanggang 1600 AD. Ito ang muling pagkamulat o muling pagkapukaw ng interes
sa mga kultural at klasikal na kaalaman ng Greece at Rome na nagbibigay sa
kahalagahan ng tao.
5. MERKANTILISMO
Unang lumitaw ang merkantilismo sa kasagsagan ng “panahon ng eksplorasyon”
na muling nagpasigla sa kalakalan ng Europa. Ang dating sentro ng kalakalan at
kapangyarihan na mga manor ay unti unti nang iniwan ng mga pinuno ng mga
Europeong bansa, ito rin ay sistemang pang-ekonomiya na naghahangad ng
pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kapangyarihan at
kayamanan.
16. 1. GOD
Ito ang paraan upang palaganapin ang kristyanismo sa
mga naabot at nasasakop na bansa.
2. GOLD
Sa panahong ito umiral ang tinatawag na merkantilismo kung
saan ang batayan ng yaman ay ang dami ng ginto, pilak,
pampalasa at iba pa.
3. GLORY
Katanyagan, Ninais ng mga europeo na maging tanyag sila sa tuwing
nakakadiskubre ng mga bagong teritoryo
Ang Naging motibo o misyon ng europa sa kanilang paglalayag
17. Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng
paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain -
ang Portugal at Spain, At itoy sinundan ng iba
pang mga bansa tulad ng France, England at
netherland.
18. Mga kagamitang naimbento upang maisakatuparan
ang mga paggalugad ng Europa.
1. Compass
- ito ay ginagamit sa paglalayag upang matukoy ang
direksyon ng isang lugar
19. 2. Astrolabe
Ang astrolabe ay isang instrumento sa pagsukat na ang pinaka-kilalang
paggamit ay upang makalkula ang altitude ng isang celestial body (buwan,
planeta o bituin) sa itaas ng abot-tanaw at sa gayon kilalanin ang oras at
latitude nang lokal. Ang bagay na ito ay ginamit sa buong kasaysayan ng mga
astronomo at nabigador.
21. • Bago paman maglayag ang ibang europeo ay may
nauna ng europeo na nag mula sa italya ang unang
naglakbay patungo sa silangan. Sya ay si Marco polo na
gumawa ng libro tungkol sa kanyang karanasan at
nasaksihan sa silangan. Ito ang pumukaw sa
kuryusidad ng mga europeo upang maghangad na
makapunta din sa silangan.
• Ang paglalakbay ni marco polo ay naganap mahigit 200
taon ang nakalipas bago ang panahon ng pag galugad at
kolonisasyon.
22. MGA MANLALAYAG / MANLALAKBAY
MANLALAKBAY NG PORTUGAL
1. PRINCE HENRY
- isang mahalagang tao noong mga unang
panahon ng Imperyong Portuges. Siya ang
may kagagawan ng pagsisimula ng
Europeanong pandaigdigang mga
eksplorasyon. Kilala rin siya bilang Prinsipe
Henry ang Nabigador (Prince Henry the
Navigator),
23. 2. BARTOLOMEU DIAS
Si Bartolomeu Dias ay isang
Portuguese explorer. Siya ay isang
maharlikang tagapagsilbi. Dahil sa
kanyang paglalayag, natuklasan niya
ang Cape of Good Hope noong 1488.
Siya ang unang taga-Europa na
nakalayag sa lugar na ngayo'y kilala na
bilang Timog Aprika.
24. 3. VASCO DE GAMA
Ang maharlikang Portuges na si Vasco da
Gama (1460-1524) ay naglayag mula sa
Lisbon noong 1497 sa isang misyon na
maabot ang India at buksan ang isang
ruta sa dagat mula Europa hanggang
Silangan. Matapos ang paglalayag sa
kanlurang baybayin ng Africa at pag-ikot
sa Cape of Good Hope, ang kanyang
ekspedisyon ay huminto ng maraming mga
paghinto sa Africa bago makarating sa
pwesto sa Calicut, India,
25. 4. Si Pedro Cabral o Pedro Alvares Cabral
Isang nobleng Portugese, komander ng
militar, navigator at manggagalugad.
Siya ang nakadiskubre ng bansang Brazil. Noong
1500, nasimula silang maglayag at bahagyang
manggalugad sa Hilaga-Silangan ng Timog Amerika
at inangkin ito bilang pagmamay-ari ng Portugal.
Noong 1500 din, siya ang naging punong
manggagalugad ng mga grupo sa Aprika na
sinusundan ang rutang binagtas ni Vasco de Gama.
26. ESPANYA
Ang naging pi nakamahigpit na katungali ng
purtugal sa larangan ng pagpapaunlad at pag
tuklas. Ito ang bansang ka kompitensya ng Portugal
sa larangan ng ekspidisyon.
28. Ang Kasunduan sa Tordesillas
Isang kasunduan o tratado sa pagitan ng Portugal at ng Espanya
noong 1494, kung saan nagkasundo sila na hatiin ang lahat ng mga
lupain sa Mundo na nasa labas ng Europa para sa pagitan ng
dalawang mga bansa nila, na hindi isinasaalang-alang kung
sinuman ang naninirahan na sa mga lupaing ito.
ANG PAGHAHATI SA MUNDO
Hinati ni Pope Alexander VI ang mundo,dahil sa lumalalang
paligsahan na namamagitan sa portugal at spain. Nag palabas
siya ng kautusan o Papal Bull at gumuhit ng demarcation line
mula sa gitnang Atlantiko.
29. MANLALAKBAY NG SPANYA
1. Christopher Columbus
Nakarating sa pulo ng Bahamas at
natuklasan ang tinatawag na NEW
WORLD
2.AMERIGO VESPUCCI
Ang nakatuklas sa lupaing sa ngayo’y
tinatawag na AMERICA
30. 3. HERNANDO CORTES
MANLALAKBAY NG SPANYA NA NAKATUKLAS NG
MEXICO
4. FERDINAND MAGELLAN
ang unang Europeo na nakatawid
ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno
ng unang ekspedisyon para sa
sirkumnabegasyon ng daigdig.
31. 4. FRANCISCO PIZZARO
- ANG NAKATUKLAS NG PERU
5. JUAN PONCE DELEON
-ANG NAKA DISKUBRE NG FLORIDA
6. VASCO NUNEZ DE BALBOA
- NAKADISKUBRE NG KARAGATANG
PASIPIKO
33. 1. Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at
paglalayag noong ika15 at ika-16 na siglo. Nawala sa dating kinalalagyan ang
Italy sa kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period.
2. Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic
mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands at England. Sa
pagkakatuklas ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal at spices na
nagmula sa Asia.
3. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga bangko.
4. Natuklasan ang paggamit ng Perang papel
5. Pagkatatag ng Kapitalismo
6. Kumalat ang Kultura ng Europa sa ibat ibang bahagi ng mundo
34. Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuges ang
nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa
nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang
nagpalakas ng ugnayan ng Silangan at Kanluran.
2. Nakapukaw rin ng interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa
heograpiya at paglalayag ang mga eksplorasyon.
3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan dahil sa
kolonisasyon.
4. Nagdulot ng maraming suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang sakop
tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mananakop at pagsasamantala
sa likas na yaman ng mga bansang ito.