Ce diaporama a bien été signalé.
Le téléchargement de votre SlideShare est en cours. ×

Maam-Laras-Gawain.docx

Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Chargement dans…3
×

Consultez-les par la suite

1 sur 5 Publicité

Plus De Contenu Connexe

Plus récents (20)

Publicité

Maam-Laras-Gawain.docx

  1. 1. HOMEROOM ACTIVITY (IPASULAT SA KANILANG KWADERNO) 1ST and 2ND PERIOD 10C – RICHARD DUERR 4TH and 5TH PERIOD 10B – FIDELIS LEDDY GAWAIN: READ-WATCH-COMPARE READ Si Liongo ng Kenya Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles WATCH Gamit ang Cornell Notes, babasahin mo ang nasabing mitolohiya mula sa rehiyong Africa. Pagkatapos itong basahin ay panonoorin ang vidyo clip tungkol sa mitolohhiya mula sa bansang griyego. https://www.youtube.com/watch?v=zk1FY03aXD0 (Cupid and Psyche) (Offline module: Mag-isip nalang ng isang mitolohiya mula sa Griyego na naitalakay ninyo noong nakaraang kwarter o pelikulang iyong napanood) Pagkatapos mong panoorin ang Vidyo ay paghahambingin mo ang dalawang mitolohiya. COMPARE ELEMENTO MITOLOHIYANG AFRICA MITOLOHIYANG GRIYEGO MGA TAUHAN PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHO TAGPUAN PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHO PAKSA AT MENSAHE PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHO ARAL NA TAGLAY PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHO Pamprosesong Katanungan: 1. Ano-anong mga impormasyon ang iyong nakuha sa inyong mga nabasa/napanood? 2. Samakatuwid, paano mo ilalarawan ang mitolohiyang kanluranin?
  2. 2. 3RD PERIOD 8B – GREGORY THE GREAT ORYENTASYON NG STANDARDS Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kultulang Pilipino. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social awareness campaign). MAHALAGANG TANONG: PAANO MAUUNAWAAN ANG POPULAR NA KULTURA GAMIT ANG KONTEMPORARYONG PANITIKAN? UNANG GAWAIN: GAWAIN 1: My Goals for this Subject Dahil alam mo na ngayon ang pamantayan at kasanayan para sa kwarter na ito ay kailangan mong bumuo ng makabuluhang layunin o mga inaasahan mong magaganap at matutunan layunin para sa kwarter na ito. Gamitin mo ang estratihiyang smart goals upang mabuo mo ang nasabing gawain. Specific Ano ang iyong tiyak na layunin? Ang gusto ko ay ________________ ___________________________. Measurable Paano mo malalaman na nakamit mo ang iyong layunin? Malalaman ko ito sa pamamagitan ng ___________________________. Achievable Ano ang iyong kailangan upang matamo mo ang layunin? Ang kailangan ko ay ____________ __________________________. Paano ka nakakatulong upang matamo ito? Nakakatulong ako dahil ________ _________________________. Realistic Bakit mahalaga ang layunin sa iyo? Mahalaga ito sa akin dahil _______ __________________________. Timely Kailan mo makakamit ang layunin? Makakamit koi to _____________ __________________________.
  3. 3. GAWAIN 2: MAPA NG KONSEPTO NG PAGBABAGO Base sa mga pamantayan, sa tulong ng K-W-L-S Chart ay sikapin mong makapagtala ng tatlong sagot sa bawat hanay. Iwan munang blangko ang bahagi ng “Learned” sapagkat ito ay sasagutan lamang sa sandaling matapos na ang aralin. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa talakayan. EQ: PAANO MAUUNAWAAN ANG POPULAR NA KULTURA GAMIT ANG KONTEMPORARYONG PANITIKAN? Pamprosesong Katanungan: 1. Ano ang pagkakatulad ng iyong sagot sa hanay ng KNOW at WANT? 2. Sa iyong palagay, marami ka pa bang dapat malaman tungkol sa mga isyu ukol sa kasarian?
  4. 4. 4TH and 5TH PERIOD 10B – FIDELIS LEDDY GAWAIN: READ-WATCH-COMPARE READ Si Liongo ng Kenya Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Ibinuod ni Kristine Mae N. Cabales Si Liongo ay isang mitolohikal na bayani ng mga mamamayan ng Swahili, isang bayan na malapit sa baybaying-dagat ng Kenya. Maraming tula ng mga Swahili ang inialay kay Liongo. Karamihan dito ay mga tanyag na awit na sinasaliwan ng mga sayaw na tinatawag na gungu. Ang kuwento ng paglalakbay ni Liongo ay may iba’t ibang bahagi at mayroon ding iba-ibang bersiyon. Si Liongo, gaya sa ibang alamat, ay nagtataglay ng kakaibang lakas at taas ng isang higante. Hindi siya nasasaktan o nasusugatan ng anumang sandata ngunit kung siya’y tatamaan ng isang karayom sa kaniyang pusod, siya ay mamamatay. Sa kabutihang-palad, siya at ang kaniyang inang si Mbwasho lamang ang nakaaalam nito. Siya ang hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa, isla ng Pate. Sa madaling sabi, siya ay iginagalang at pinakikitunguhan ng malaking bilang ng mga mamamayan ng Kenya. Nagtagumpay siya sa pag-agaw ng trono ng Pate na unang napunta sa kaniyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinikilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Sa pagsasalin ng trono, nagkaroon ng malaking pagbabago mula sa matrilineal na pamamahala ng kababaihan tungo sa patrilineal na pamumuno naman ng kalalakihan. Dahil sa galit, ninais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya iginapos at ibinilanggo niya ito. Habang nakakulong, gumawa siya ng isang awit- papuri na aawitin ng mga mamamayan sa labas ng bilangguan. Ang koro ng awit ay nakalikha ng malakas na ingay na kumalag sa tanikala ni Liongo. Nakalaya si Liongo at nagtungo sa kagubatan at nanirahan doon kasama ang mga Watwa, ang mga taong nananahan sa kagubatan. Natuto si Liongo na pandayin ang kaniyang kasanayan sa paghawak ng busog at pana. Kalaunan, siya ay nanalo sa paligsahan ng pagpana na pinlano din ng hari upang siya ay mahuli. Siya ay muling nabilanggo at muli ring nakatakas. Nagkaroon ng pakikipagsapalaran at pakikidigma si Liongo sa Galla (Wagala) kung saan siya ay nagtagumpay, kaya naman nagpasya ang hari na ipakasal sa kaniya ang anak na babae nito upang mapabilang ang bayani sa kanilang pamilya. Si Liongo ay nagkaroon ng anak na lalaki na kalaunan ay nagtaksil at pumatay sa kaniya. ~Wakas~ WATCH Gamit ang Cornell Notes, babasahin mo ang nasabing mitolohiya mula sa rehiyong Africa. Pagkatapos itong basahin ay panonoorin ang vidyo clip tungkol sa mitolohhiya mula sa bansang griyego. https://www.youtube.com/watch?v=zk1FY03aXD0 (Cupid and Psyche) (Offline module: Mag-isip nalang ng isang mitolohiya mula sa Griyego na naitalakay ninyo noong nakaraang kwarter o pelikulang iyong napanood) Pagkatapos mong panoorin ang Vidyo ay paghahambingin mo ang dalawang mitolohiya.
  5. 5. COMPARE ELEMENTO MITOLOHIYANG AFRICA MITOLOHIYANG GRIYEGO MGA TAUHAN PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHO TAGPUAN PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHO PAKSA AT MENSAHE PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHO ARAL NA TAGLAY PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHO Pamprosesong Katanungan: 3. Ano-anong mga impormasyon ang iyong nakuha sa inyong mga nabasa/napanood? 2. Samakatuwid, paano mo ilalarawan ang mitolohiyang kanluranin?

×