Publicité

Mga Uri ng Pagsasalin.pptx

31 Mar 2023
Publicité

Contenu connexe

Publicité

Mga Uri ng Pagsasalin.pptx

  1. Mga Uri ng Pagsasalin Republic of the Philippines President Ramon Magsaysay State University Iba, Zambales, Philippines GRADUATE SCHOOL Pagsasaling-Wika (Fil 203) Inihanda ni: JOVELYN G. DINGLASAN MAEd Filipino
  2. 2 Pangkalahatang Uri ng Pagsasalin
  3. Pagsasaling Pampanitikan
  4. Pagsasaling Teknikal
  5. Pagsasaling Pampanitikan - masining na paglalaro sa wika na kung saan kinakailangan ng masusing pag-aaral at pagpapakadalubhasa ng tagasalin sa dalawang wika sa isang ordinaryong sitwasyon. - ang pangunahing hamon nito ay ang paghahanap at pagsusuri ng mga salita na pwedeng itumbas sa akdang isasalin upang mapanatili ang diwa nito.
  6. Pagsasaling Teknikal - tungkulin nitong magpalaganap ng kaalaman sa buong mundo bilang isang tunay at aktibong wika ng globalisasyon at lokalisasyon. - gumaganap bilang tagapamagitan ng mga wika at kultura ng mundo.
  7. 3 Uri ng Larangan ng Pagsasalin
  8. 1. Intalingual - ito’y pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng magkaparehong wika.
  9. 2. Interlingual translation - tinatawag din itong ‘translation proper’
  10. 3. Intersemiotic o transmutation - ito’y pagsasalin ng isang mensahe mula sa isang masistematikong simbolo patungo sa iba.
  11. 2 Uri ng Salin
  12. Lantad na Salin (Overt Translation)
  13. Di-Lantad na Salin (Covert Translation)
  14. 1. Lantad na Salin ( Overt Translation) - karaniwang kailangan ng orihinal na teksto ay nakatali sa kultura ng pinagmulang wika at malayang katayuan sa komunidad ng pinagmulang wika. (House, 1977)
  15. 2. Di-Lantad na Salin ( Covert Translation) - karaniwan kapag ang alinmang dalawang nabanggit na kondisyon ay wala. (House, 1977)
  16. Pamamaraan ng Pagsasaling-Wika
  17. 1. Sansalita-bawat-sansalita (Word for word) - sa pagsasaling ito, ang ayos ng mga salita ay nanatili. Ang mga salita ay isinasalin ayon sa pinakapalasak na kahulugan. - Layunin ng paraang ito na madama ang mechanics ng wikang isinasalin bilang panimulang hakbang.
  18. Halimbawa: Each citizen must aim at personal perfection and social justice through education. - Bawat mamamayan dapat layunin sa personal kaganapan at panlipunan katarungan sa pamamagitan edukasyon.
  19. 2. Literal -isinasalin ang mensahe mula sa orihinal na wika tungo sa target na wika sa pinakamalapit at natural na katumbas na nagbibigay halaga sa gramatikal na aspekto ng tumatanggap na wika.
  20. Halimbawa: 1. He went out of the room. - Lumabas siya ng kwarto. 2. Give me a piece of string. - Bigyan mo ako ng kapirasong tali. 3. “The wind is blowing” - “Ang hangin ay umiihip” - “Umiihip ang hangin” - “ Humahangin” 4. Father bought Pedro a new car. Ang tatay ay ibinili si Pedro ng isang bagong kotse.
  21. 3. Matapat - sa pamamaraang ito ay ginagamit ng isang tagasalin ang lahat ng kanyang kakayahan upang manatiling tapat sa mensahe ng orihinal sa paraang tanggap sa bagong wika. Halimbawa: Where there is hatred, let me sow love - Itulot mong ako’y maghasik ng pag-ibig kung saan may galit.
  22. 4. Saling Semantiko - pinangingibabaw ng tagasalin ang pagiging katanggp-tanggap ng salin sa mga bagong mambabasa sa pamamagitan ng pagtiyak na natural sa pandinig at paningin nila ang salin at hindi ito lumalabag sa pinaniniwalaang katanggap-tanggap.
  23. Halimbawa: And lights her leafy arms to pray. Ang dahumang bisig ay nangakataas sa panalangin.
  24. 5. Komunikatibong Salin - hindi lamang nagiging tapat sa pagpapakahulugan ang tagasalin, ngunit maging sa konteksto ng mensahe at mailipat niya ito sa paraang madaling tanggapin ng bagong mambabasa dahil sa ginagamit na wika ay yaong karaniwan at payak.
  25. Halimbawa: - I was given poverty that I might be wise. Binigyan niya ako ng karalitaan nang matuto sa buhay. -All things bright and beautiful All creatures great and small All things wise and wonderful The Lord God made them all. Ang lahat ng bagay, magaganda’t makinang Lahat ng nilikhang dakila’t hamak man May angking talino at dapat hangaan Lahat ay nilikha ng Poong Maykapal
  26. 6. Idyomatikong Salin - ang kakayahan ng isang tagasalin na unawain ang kalaliman ng wika ng orihinal at hanapin ang katumbas nito sa target na wika ang nangingibabaw.
  27. Halimbawa: - bread and butter (hanapbuhay, trabaho) - to have a hand/voice (magkaroon ng kinalaman, magkaroon ng kaugnaya sa pagpapasya) - dressed to kill (bihis na bihis, nakapamburol, isputing) - hand to mouth existence (isang kahig, isang tuka)
  28. 7. Adaptasyon - sa paraang ito, tila isinasantabi ng tagasalin ang orihinal bilang simulain at mula roon ay papalaot upang makabuo ng bagong akda.
  29. Halimbawa: - But to act that each tomorrow find us further than today. - Kundi ang gumawa upang bawat bukas ay maging mayabong, maging mabutaktak at maging mabungang higit kaysa noon.
  30. 8. Malaya - inilalagay ng tagasalin sa kanyang kamay ang pagpapasya kung paano isasalin ang mga bahagi ng isang teksto na maituturing na may kahirapan.
  31. Halimbawa: - Rizal started writing poems at an early age. 1. Bata pa lamang ay nagsimula na si Rizal sa pagsusulat ng mga tula. 2. Si Rizal ay bata pa nang simulan ang pasusulat ng mga tula. 3. Sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng mga tula nang siya’y bata pa.
  32. 9. Komunikatibo - pagtatangkang magbigay pakahulugan sa nilalaman sa paraang katanggap-tangap at nauunawaan ng mambabasa.
  33. 10. Literal na Pagsasalin - Naniniwala si Newmark na ang literal na salin ang pangunahing hakbang sa gawaing pagsasaling-wika; ang semantika at komunikatibong pagsasalin ay kapwa nagsisimula sa paraang ito. - Mula sa literal na salin mahuhugot natin ang mga kahulugang nakapaloob, nakapagitan o nakakubli sa pagitan ng mga salita.
  34. 10. Literal na Pagsasalin - Karaniwan na, habang ang salita ay nagiging teknikal at tiyak, ito ay hindi nagkakaroon ng pagbabago sa nilalaman, kaya ang literal na salin ang pinakamainam na gamitin dito. .
  35. 11. Pagsasalin ng Tula - Ang pagsasaling-wika ay maihahalintulad sa pagsasalin ng isang basong tubig sa ibang baso. Sa pagsasalin ng tubig, hindi lahat naisasalin, ang basong pinaggalingan ng tubig ay nanatiling basa, isang patunay na hindi lahat ng laman ng baso ay naisalin. Sa pagsasalin ng tubig, ang elemento nito ay maari ring maapektuhan ng mga sangkap sa hangin.
  36. 11. Pagsasalin ng Tula - Ayon kay Newmark, ang pagsasalin ng tula ay isang larangan kung saan ang diin ay nalalagay sa pagbuo ng isang bago at malayang tula, dito ang literal na salin ay laging napupulaan. - Ang totoo walang masasabing ganap na pagsasalin. Ayon nga kay Alfonso Santiago (1976):
  37. 11. Pagsasalin ng Tula - Nangangahulugan na anumang ingat, anumang pagsisikap na gawin ng nagsasalin ay hindi makapagbibigay ng ganap na salin.
  38. Iba pang Uri at Paraan ng Pagsasalin
  39. Transferens - ang paglilipat ng isang salita na nasusulat sa ibang alpabeto sa TL at pagkatapos ang salitang ito ay nagiging hiram na at sa pagdaraan ng panahon dumadaan sa naturalisasyon.
  40. Transferens - Halimbawa ang salitang diplomatiko ng Frances na coup de'etat ay nilapat sa ating wika na naging salitang hiram at dumaan sa naturalisasyon kaya ngayon ay mayroon na tayong kudeta.
  41. Transferens • pangngalang pantangi Halimbawa: John Valenzuela Coke Qantas Airlines • Salitang katutubo na may natatanging kahulugang kultural Halimbawa: caňao (Ifugao) hadji (Maranao) masjid (Maguindanao) vakul (Ivatan) ifun (Ibanag) azan (Tausug)
  42. Transferens • Salitang hindi konsistent ang ispeling sa bigkas. Halimbawa: buoquet champagne jogging plateau rendezvous ambiance • Mga salitang sayantipik at teknikal. Halimbawa: carbohydrates chlorophyll cellphone zoom vertebrate quartz x-ray enzyme
  43. Transferens • Mga simbulong pang-agham, akronim at pormula Halimbawa: Fe NaCl cm CHED • Salitang may internasyunal na anyong kinikilala at ginagamit Halimbawa: taxi fax
  44. One-To-One Transition Mga halimbawa: - ability to apply knowledge (kakayahang magamit ang kaalaman) - supervised reading activities (mga pinatnubayang gawain sa pagbasa) written activity (pasulat na gawain) - discover new talents (tumuklas ng mga bagong talent) - entertaining show (mapang-aliw na palabas) - plump woman (matandang babae)
  45. Through Translation (saling –hiram) - ginagamit sa pagsasalin ng mga karaniwang collocations Brainwashing- paghuhugas-isip (Tiongson 1975) Defence mechanism- mekanismong pananggalang (Iñigo, 1973) French: Comite du Commerece et du Development (Newmark, 1988a) Brain-storming- pagbabagyuhang utak
  46. Naturalisation Halimbawa: Cheque cheque tseke Liter litro litro liquid liquido likido education educacion edukasyon percent por ciento porsyento
  47. Baybayin sa Filipino ang salita kung paano binibigkas sa wikang Ingles. Halimbawa: centripetal sentripetal participant partisipant census sensus quarter kwarter taxonomi taksonomi computer kompyuter
  48. Lexical Synonymy ‘old’ house- ‘lumang’ bahay ‘old’ man- ‘matandang’ lalaki ‘old’ clothes (mga lumang damit) ‘old’ acquaintances(mga dating kakilala) ‘old’ woman(matandang babae)
  49. Transposition (shift) - Stone mill- gilingang –bato (nagpalit ng posisyon) pang-uri + pangngalan = pang-uri + salita - The baby/cried = Umiiyak ang sanggol. paksa + pangngalan = pang-uri + paksa (naiba ang ayos ng pangungusap) Is that you, Aling Atang? =Aling Atang, ikaw ba yan?
  50. Modulation Reinforcement - karagdagang lakas (militar) - pabuya o reward (edukasyon) - pagpapatupad (batas) Transition - (medicine) the onset of the final stage of childbirth. - (some sports) a change from defense to attack, or attack to defense. - (genetics) a point mutation in which one base is replaced by another of the same class (purine or pyrimidine); compare transversion
  51. Cultural Equivalent American: coffee break English: tea break Filipino: merienda English: festival English: Religion French: festival French: Religion Swedish: festivalen Dutch: religie Filipino: piyesta Indonesian: agama Filipino: Relihiyon
  52. Functional Equivalent Refreshment - pampalamig (sa halip na malamig na inumin ) Uncooked peanuts - hilaw na mani (sa halip na hindi pa lutong mani)
  53. Descriptive Equivalent (Amplipikasyon) Kimchi - isang pagkaing itinuturing na pampalusog sa Korea. Badminton - isang uri ng palakasan na ginagamitan ng raketa
  54. Recognized Mayor - mayor o mayora (bihira ang punung-bayan) Signature - lagda (hindi signatura) Chair - upuan (bihira gamitin ang salum-puwit) Ballpen - bolpen (Bihirang gamitin ang Pluma)
  55. Additon/ Expansion Are you coming? Yes. Pupunta ka ba? Oo, Pupunta ako.
  56. Reduction/ Contraction Halimbawa: When she first saw me, she was furious! -from New Yorker in Tondo Pagkakitang pagkakita sakin, nako! Galit na galit! -galing sa New Yorker na taga Tondo
  57. Componencial Analysis The beautiful/ rubber doll/ lying/ on the floor/ belongs to/ Selma. Ang magandang/ gomang/ manyika/ na nakahiga/ sa sahig/ ay kay/ Selma.
  58. Paraphase She says that in New York people do not wake up before twelve o’clock noon. -from New Yorker in Tondo Sabi ni Kikay ang mga tao daw sa New York ay tanghali na gumigising. -galing sa New Yorker na taga Tondo
  59. Compensation Kikay went to New York to study cosmetology and hair styling in ten months and when Kikay came back in her mother town at Tondo, Kikay seems don’t remember anything from where she grew up. Kikay wants to be called not by her real name but as Francesca. Si Kikay ay nagpunta sa New York upang mag aral ng cosmetology at hair styling ng sampung buwan at pagbalik nang Tondo, tila walang maalala. Gusto niyang itawag sa kanya ay Francesca.
  60. Improvements “That's how people is in New York.. Not must ever get too serious. Tonight, give all your heart, tomorrow, forget. And when you meet again, smile and shake hands.. just good sports! Ganyan ang mga tao sa New York.. Dapat di ka masyadong seryoso. Ibigay mo lahat ngayon, bukas, kalimutan mo na at kapag nagkita kayo ulit, ngiti ka lang at makipagkamay..just good sports!
  61. Couplet Because of hungriness and thirstiness, Tin bought a cake and a litre of pepsi. Dahil sa gutom at uhaw na, bumili si Tin ng Cake at isang litro ng pepsi. (gumamit ng transference, naturalisation at transposisyon )
  62. Maraming salamat po! Iniulat ni: JOVELYN G. DINGLASAN MAED - Filipino
Publicité