Research Paper: Social Networking Sites Preferences of the Senior High School...
Posisyong Papel: Pisikal Na Pambubulalas
1. PISIKAL NA PAMBUBULALAS
(Posisyong Papel)
Sa paaralan, dito tayo natututo. Natututo ng mga bagong aral. Aral na kung
saan magagamit natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit, sa
eskwelahan dito din tayo naiimpluwensyahan mula sa mga taong nasa ating
kapaligiran ng mga bagay-bagay na walang makabuluhan at marapat nating iwasan.
Gaya lamang ng pananakit sa kapwa tao. At ito’y tinatawag na “pisikal na
pambubulalas”, bullying sa wikang Ingles.
Ang pang-aapi sa pisikal na aspeto ng tao ay isang agresibong pag-uugali na
nagdudulot ng negatibong epekto sa taong dumaranas nito. Ito’y maaaring
humantong sa depresyon na maging sanhi ng pagkawalang-tiwala sa sarili o di
kaya’y pagpapakamatay.
Kaya para sa amin, hindi kami sang ayon sa mga epekto ng pisikal na
pambubulalas. Madaming hindi magandang epekto ang pang-aapi sa kapwa,
maraming pwedeng kahantungan, kagaya ng pagsu-suicide, pagkatakot sa pagpasok
sa eskwelahan o di kaya ay titigil sa pag-aaral at magtatago na lamang sa kanilang
bahay, pagrerebelde at madami pang iba. Ang pang-aapi sa iba ay parang pagsira na
rin ng kanilang pangarap, kinabukasan at ng kanilang buhay. Kaya’t dapat pagtuunan
ng pansin ang isyung ito dahil ito’y masasabing napakaseryosong suliranin sa ating
lipunan lalo na sa mga paaralan kung kaya’t sabay-sabay nating solusyonan para ang
lahat ay magkaroon ng magandang kinabukasan at makamtan ang kapayapaan.
AKSIYON!