14. Ipaskil sa harapan kung sino
ang karaniwang gumawa ng
gawain na inilahad.
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Bibigyan
ko kayo ng strips na naglalaman ng salitang
BABAE at LALAKI.
18. Gender roles ay nangangahulugang
kung paano tayo inaasahang
kumilos, magsalita,
manamit, mag-alaga, at
mag-uugali batay sa
nakatalaga sa ating kasarian.
Halimbawa, ang mga babae
at babae ay karaniwang
inaasahan na manamit sa
karaniwang pambabae na
paraan at maging magalang,
matulungin, at mag-alaga.
Ang mga lalaki ay
karaniwang inaasahan na
19. Gender Identity
Ang panloob na
pakiramdam ng
isang tao bilang
lalaki, babae, ilang
kumbinasyon ng
lalaki at babae, o
hindi lalaki o babae.
20. 1. Ang ama ang dapat masunod at magbigay ng huling desisyon sa tahahan
o solusyon sa suliraning pamilya. Siya rin ay nararapat na magtrabaho
upang may panustos sa pamilya.
Mga paniniwala at
gawain na gender-
normative
21. 2. Ang mga lalaki ang dapat na gumagawa ng mga mabibigat na gawain
samantalang ang mga kababaihan ay dapat na gumagawa ng mga gawaing
bahay kagaya ng pagluluto, paglalaba, at pamamalantsa.
Mga paniniwala at
gawain na gender-
normative
22. Hindi dapat nakikialam sa problema at away-pamilya ang mga kapitbahay at
ibang tao dahil ang lalaki ang magreresolba nito sa kaniyang nais na
paraan.
Mga paniniwala at
gawain na gender-
normative
23. Isang kahihiyan sa pamilya ang magkaroon ng bakla o lesbianang anak.
Mga paniniwala at
gawain na gender-
nonconformity
24. 2. Ang babaeng may asawa at may ibang karelasyon ay hindi
katanggap-tanggap at nilalapastangan ang kaniyang asawa at pamilya
Mga paniniwala at
gawain na gender-
nonconformity
25. 3. Hindi tanggap ng karamihan na magkaroon ng babaeng tsuper
ng bus, jeep, at taxi dahil hindi sila kasing husay ng mga lalaking tsuper.
Mga paniniwala at
gawain na gender-
nonconformity
26. 4. Hindi nararapat na magsuot ng pambabae ang isang lalaki at ang
isang babae ng panlalaking kasuotan.
Mga paniniwala at
gawain na gender-
nonconformity
27. 5. Ang babae ay nararapat na sundin ang inuutos ng asawa, anuman
ito. Dapat siyang magsilbi at maglingkod sa kaniyang asawa.
Mga paniniwala at
gawain na gender-
nonconformity
28. Mga Salik na
Nakaaapekto sa
Pagpili ng Gender
Identity
Sa pamilya unang makikita at mararanasan ang
mga gender roles ng bawat kasarian. Dito
tinuturo na iba ang mga gawain ng mga babae sa
gawain ng mga lalaki. May ibang pamilya naman
na pinapayagang gawin ang mga gawain ng nasa
kabilang kasarian ngunit hindi malilihis ang
pakiramdam, pag-uugali, at saloobin ng
kaniyang tunay na kasariang pisikal.
PAMILYA
30. Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng Gender
Identity
Sa pamilya unang makikita at mararanasan ang mga gender roles ng
bawat kasarian. Dito tinuturo na iba ang mga gawain ng mga babae sa
gawain ng mga lalaki. May ibang pamilya naman na pinapayagang gawin
ang mga gawain ng nasa kabilang kasarian ngunit hindi malilihis ang
pakiramdam, pag-uugali, at saloobin ng kaniyang tunay na kasariang
pisikal. Maraming Pilipino ang binabatay sa turo ng kanilang simbahan
ang nararapat na gender identity at mga gawaing angkop sa kanilang
pisikal na kasarian. Bukod sa Kristiyano, maimpluwensiya rin ang turo ng
Islam kung saan bawal ang paglihis ng kasarian na inaatang ng Maykapal
sa isang tao. May relihiyon na nagtuturo na dalawa lamang ang kasarian
at gender, ito ay ang babae at lalaki. Sa nagbabagong panahon, may mga
simbahan na pumapayag na tanggapin ang iba pang gender identity
Relihiyon
32. Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng Gender
Identity
Ang paaralan ang itinuturing na pangalawang
tahanan ng mga bata. Sa kanila ipinagkakatiwala
ng mga magulang at tagapag-alaga ang pagtuturo
ng mga bagong kaalaman, kasanayan, at saloobin
ng kanilang mga anak. Ang paaralan din ay
malakas ang impluwensiya sa pagbibigay at
pagsasalin ng mga paniniwala, opinion, at
magiging pagkakakilanlan ng isang bata sa
kaniyang sarili sa hinaharap.
Paaralan
33. Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng Gender
Identity
Kabilang sa media ang mga pahayagan, radyo,
telebisyon, pelikula, at mga teleserye, bulletin
board, Internet, at iba pang mapagkukunan ng
impormasyon ng mga tao. Ang media ay
napakalakas ng impluwensiya sa kaalaman at
pagpapahalaga ng mga tao. Nakukuha ng media
na baguhin ang pananaw, kaalaman, saloobin, at
pagpapahalaga ng mga tao na kanilang naaakit.
Media.
34. Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng Gender
Identity
Ang lipunan na kinabibilangan ay may malakas
ding impluwensiya sa pagpili ng ninanais na
kasarian ng isang tao. Kabilang dito ang mga
matatalik na kaibigan, kamag-aral, kapitbahay, at
kasama sa trabaho.
Lipunan
35. Panuto: Punan ang graphic
organizer sa kung saan ang
pamilya, media, relihiyon,
paaralan at lipunan sa
pangkalahatan ay nagpapatibay
sa gender roles.
37. Panuto: Tukuyin ang salik na nakaapekto sa pagpili ng gender roles
na isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang PAMILYA,
RELIHIYON,PAARALAN at LIPUNAN.
___________ 1. Binabatay sa turo ng kanilang simbahan ang nararapat na
gender identity at mga gawaing angkop sa kanilang pisikal na kasarian.
___________ 2. Dito unang makikita at mararanasan ang mga gender roles ng
bawat kasarian.
___________ 3. Kabilang dito ang mga matatalik na kaibigan, kamag-aral,
kapitbahay, at kasama sa trabaho.
___________ 4. Kabilang dito ang pahayagan, radyo, telebisyon, pelikula, at
mga teleserye, bulletin board, Internet, at iba pang mapagkukunan ng
impormasyon ng mga tao.
___________ 5. Ito ay ang itinuturing na pangalawang tahanan ng mga bata.