Kahulugan:
Kolonyalismo - tumutukoy sa proseso ng pamamalagi
ng mga Europeo at pagkakaroon ng kapangyarihang
politikal sa malalaking bahgi ng daigdig, kabilang na ang
America, Austrailia, at bahagi ng Africa at Asya.
• Sa madaling salita, ang pagsakop sa isang bansa
at pagkaroon ng kapangyarihang political sa lugar
na ito.• Ang tawag sa bansang sinakop ay kolonya.
• Ang tawag sa mananakop ay kolonyalista.
Kahulugan:
Imperyalismo - dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon
sa:
• aspetong pang-politika
• pangkabuhayan
• kultural na pamumuhay
ng mahina at maliit na nasyon upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.
• Sa madaling sabi, kapag ang isang makapangyarihang bansa ay
nanakop ng maraming maliliit na bansa.
• Ang kolonyalismo ay isang anyo ng imperyalismo.
Mga Dahilan kung bakit naganap
ang Unang Yugto ng Kolonyalismo
at Imperyalismo sa Asya
Mga Dahilan:
▪ Paglunsad ng Krusada
▪ Paglalakbay ni Marco Polo
▪ Paghahanap ng Bagong
Rutang Pagkalakalan
▪ Panahon ng Paggalugad at
Pagtuklas
▪ Paniniwala sa
Merkantilismo
Paglunsad ng Krusada
▪ Inilunsad ang Krusada noong
1096 hanggang 1273 dahil sa
panawagan ni Pope Urban II
sa mga kristiyanong kalbaryo.
Isa sa mga layunin ng
Krusada ay mabawi ang
Jerusalem na nasakop ng
mga Muslim.
Sa paglalakbay ng mga kalbaryo sa Asya, nakita nila ang
kagandahan ng kontinente. Ang kanilang mga akda ay
nakarating sa Europa. Ito ang naghikayat sa mga ibang
Europeo na pumunta sa Asya.
Paglalakbay ni Marco Polo
Si Marco Polo ay anak ni
Niccolo, isang mangangalakal
sa Venice, Italy.
Noong 1265, narating nila ang
China na pinamumunuan pa ni
Kublai Khan ng Imperyong
Mongol.
Naging magkaibigan si Marco Polo
at Kublai Khan. Binigyan ni Kublai
Khan si Marco Polo ng
pagkakataong maglingkod sa
kanyang pamahalaan.
Dahil sa tagal na pananatili ni Marco Polo sa China,
nakita nya ang kagandahan ng kabihasnang Tsino.
Namangha siya sa kultura, mga gawaing panrelihiyon, at
masaganang likas na yaman ng bansa.
Makalipas ng ilang taon,
nagsulat siya ng isang aklat na
nangangalang “Travels of
Marco Polo” na tungkol sa
kagandahan ng China at iba
pang lugar sa Asya na
Nagbalik sina Marco Polo sa Europe noong 1925.
Nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng
Venice at Genoa noong 1928, nagtungo sila
sa Venice upang harapin ang kaaway.
Nabihag at ikinulong ng mga taga-Genoa si
Marco Polo.
Habang nasa kulungan,
ikinukwento niya ang kanyang
mga paglalakbay sa kapwa niyang
bilanggong na si Rustichello.
Paghahanap ng Bagong Rutang
Pangkalakalan
• Naging tanyag sa Europe ang mga produktong Asyano tulad ng
pampalasa, seda, at mga mamahaling bato tulad ng ginto,
diyamante, at ruby.
• Mahalaga ang Constatinopole
(kasalukuyang Istanbul) sa
sinaunang kalakalan dahil ito ang
nagsisilbing tulay sa pagitan ng
Asya at Europe.
Constatinopol
e
• Sa pagsapit ng ika-14 hanggang
ika-15 na siglo, nasakop ng mga
Seljuk Turk ang malaking bahagi
ng silangang rehiyon ng
Mediterranean, kabilang ang
Constatinopole.
1.) Monopolyo ng Italian
Isinara ng Seljuk Turk ang mga sinaunang rutang pangkalakalan. Halos nahinto ang
malayang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ang mga mangangalakal mula sa
Venice, Genoa, at Florence ay pinahihintulutang mamili sa daungang kontrolado ng
mga Seljuk Turk.
2.) Pagtaas ng Presyo ng Bilihin
Dahil dito, lubhang tumaas ang presyo ng mga bilihin sa Europe( inflation). Dahil
walang kakompetensiya at sa mataas na pangangailangan ng mga Europeo, ipinagbili
ng mga Italian ang mga produktong Asyano sa mas mataas na halaga.
3.) Paghahanap ng bagong ruta
Ninais ng ibang bansa sa Europe na masira ang monopolyo ng mga Italian. Bunga
nito, naghangad ang Portugal, Spain, England, France, at Netherlands ng ibang ruta
patungo sa India at China. Sa ganitong paraan, maiiwasan nila ang mga Seljuk Turk
at tuwirang mabibili ang mga produktong Asyano sa mas mababang halaga.
Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas
Nagsimula noong 1450 hanggang 16Tumutukoy ito sa panahon ito sa
panahon kung kailan nagsimulang
maglakbay ang mga Europeo upang
tumuklas ng mga bagong lupain at
mga bagong rutang pangkalakalan.
Dulot ng pagkakatuklas ng
mga bagong lupain, nagkaroon
ng idea ang mga Europeo na
sakupin ang mga bansang
kanilang narrating upang
mapakinabangan ang mga likas
na yaman nito.Ito ang nagbigay-daan sa isa
mahalagang yugto sa
kasaysayang Asyano: ang
kolonyalismo at imperyalismong
Kanluranin.
Paniniwala sa Merkantilismo
Tumutukoy ito sa paniniwalang ang tunay na panukat
sa kamayanan ng isang bansa ay ang kabuuang dami ng
ginto at pilak na mayroon ito.
Naging batayan ng kaunlaran ng isang bansa.
Sapagkat ang merkantilismo ay
nakatuon sa pagpaparami ng ginto at
pilak na kinukuha nila sa kanilang mga
kolonya.
Bakit mahalaga
ang kolonya sa
merkantilismo?
Mga Salik ng Iklawang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo
2.) Ang hilaw na sangkap na galing sa mga
kolonya ay pinapadala sa mga lugar kagaya ng
Europe at North America.
1.) May mga malawak na plantasyon ng mga
hilaw na sangkap ang mga kolonya.
3.) Ginagamit ang mga sangkap upang
gumawa ng produkto gamit ang mga makina.
4.) Dinadala ang mga produkto sa mga kolonya
tulad ng mga bansa sa Asya.
5.) Nagsisilbing pamilihan ang mga kolonya sa mga labis na produkto
ng mga bansang may sakop sa kanila
Dahil sa industriyalisasyon, namayani ang kapitalismo.
Tumutukoy ito sa sistemang pang-
ekonomiya kung saan ay may pribadong
pag-aari ng kapital at malayang
kompetisyon sa pamilihan.
Dahil dito, nagkaroon ng tunggalian ang mga bansa sa Kanlur
Dahil dito, naging hamon ang ibayong paghahanap
ng mga bagong mapagkukunan ng mga hilaw na
sangkap.
Dahil mayaman sa hilaw na sangkap ang Asya,
ipinagpatuloy nila ang pagkontrol sa kanilang mga
kolonya sa Asya.
Pamumuhunan
Mahalagang mapanatili ng mga kanluranin ang kanilang
mga sakop na lupain sa Asya. Sa ilalim ng kapitalismo,
itinuturing ang Asya bilang mahalagang mapagkukunan ng
pakinabang o tubo. Ang labis na kapital ng mga
kanluranin ay ginagamit nilang kapital sa mga pananim
at minahan sa Asya upang lumago at magbigay sa kanila
ng mas maunlad na pamumuhay.
White Man’s Burden
Isang tula na sinulat ni Rudyard Kipling.
• Mataas ang pagtingin ng mga Kanluranin sa kanilang sarili.
• Itinuturing nila ang kanilang kabihasnan bilang higit na mahusay,
mabuti, at nakaaangat kaysa sa kabihasnan ng mga Asyano.
Bunga nito, natanim sa kanilang isipan na
tungkulin nilang palaganapin ang kanilang
kabihasnan sa daigdig.
• Ginamit ng mga Kanluranin ang white man’s
burden upang katuwiran na sakupin ang mga
ibang bansa sa Asya.