SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  3
“Juan Dela Cruz”
Isinulat ni Lucky Wilmar L. Cimatu
Taglay ko ang dugo’t diwa na nanalaytay sa bawat
Pilipinong nangangarap na balang araw babangon ang
Pilipinas mula sa pagkakahimlay nito sa kahirapan at
labis na pagkagipit.
Habang binabalangkas ko ang artikulo na ‘to sa harap
ng aking kompyuter. Tila nagkaroon ng mahika ang
kompyuter at ipinadpad ako sa mundong puno ng pasakit.
Animo’y nasa mapayapa akong daigdig at ang mga
tao’y tila ibong malayang lumilipad. Ngunit maya-maya’y
nagsimula na ang sigawan at iyakan ng mga taong ito. Sa
kabilang banda naman ay ang mga Kastila na hawak-hawak ang kanilang mga naglalakihang baril
habang nagtatawanan sa ‘di malamang dahilan.
Ang mga taong iwinangis ko sa ibong malaya ay walang-awang ikinulong sa hawlang puno ng
pasakit at pahirap na sinumang lumapit at magpangahas na palayain ang mga ibong ito ay walang awang
pinapatay.
Ngunit kasabay ng pagsibol ng araw ay ang paglabas din ng mga bayaning may paninindigan at
dala-dala ang armas upang putulin ang kadenang nakapulupot sa hawla ng mga ibong bulag at
nagbubulag-bulagan sa kahirapan dulot ng mga Kastila.
Dumanak ang dugo sa lupang tinatapakan ko. Maraming namatay. Maraming umiiyak. Pero ang
pinaglaban ng mga bayani ay hindi napunta sa wala sapagkat nakamtan ng Pilipinas ang kalayaan laban
sa Espanya noong 1898.
Subalit pagkalipas ng ilang taon… tila nanumbalik ang nakaraang ayaw na natin sanang maulit
pa.
Maingay, maraming sumisigaw, maraming umiiyak dahil sa gutom at kahirapan, habang ang iba
naman ay nakangiting nagsasalita tungkol sa kanilang propaganda, talk show, at iba pa na lagi kong
nakikita sa aking telebisyon.
Masakit isipin na lumalaki ang distansya ng mga mahihirap sa mga mayayaman. Mas lalong
yumayaman ang mga mayayaman, at mas lalong humihirap ang mga mahihirap. Nakikita mo ba ang mga
bagay na ‘to o isa ka sa rin sa mga Pilipinong pilit tinatakpan ang kanilang mga tenga at mga mata upang
hindi marinig ang sigaw at iyak ng kahirapan.?
Mas lalong lumakas ang iyak na kanina ko pa naririnig. Hindi ako nagpatumpik-tumpik at
sinundan ko ang iyak na ‘to. Sa aking paglalakbay nasilayan ko ang mga peklat ng Pilipinas na pilit
tinatago ng ating mga lider.
Ang iyak na sinusundan ko ay nadagdagan pa ng paulit-ulit na katagang nagsasabing. “Tulungan
mo ako, tulungan mo ako….”
Pinagpatuloy ko ang paglaklakbay patungo sa batang umiiyak. Hanggang sa… laking gulat ko
nang nakarating na pala ako sa Luneta at doon ko nakita ang batang umiiyak- nakapormal na kasuotan
at may hawak-hawak na kwaderno. Nakatingala sa rebulto ng ating Pambansang Bayani.
Ako’y humakbang papunta sa kanya at nang malapit na ako sa kanya. Bigla siyang lumingon sa
akin at binato ang mga katagang tumatagos mula sa aking kalamnam patungo sa aking kaluluwa…
“Juan dela Cruz! Ang bumubuo sa dugo’t diwa ng Pilipino… sinayang niyo ang dugo’t pawis ng
mga bayaning Pilipinong inalay ang kanilang buhay upang palayain ang mga ibong kinulong sa hawla
ng mga Kastila. Makasarili kayo! Patuloy kayo sa paglakbay patungo sa kayamanan at karangyaan kahit
alam niyo na may natatapakan kayong iba…
Akala ko’y napalaya na namin ang mga ibong nakakulong sa hawla ngunit tila kinulong niyo ulit
sila sa kahirapan… Wala kayong awa… Ang mga Pilipino na pilit binabangon ang Pilipinas ay walang
awa niyong pinapababa sa pwesto. Nagpapatayan kayo… nagbabatuhan ng putik… at pilit naghihilahan
pababa…
Mahirap bang magtulungan? Mahirap bang iabot ang kamay at tulungang bumangon ang
nadapa? Mahirap bang magbigay ng pagkain sa mga nangangailangan kaysa sa itapon ito?Mahirap
bang magkaroon ng malinis na eleksyong walang patayan at walang pandaraya? Mahirap bang
suportahan ang bawat lider na tumutulong upang ibangon ang Pilipinas mula sa pagkakahimlay
nito?Mahirap bang imulat ang mga mata at sabihing kailangan ako ng Pilipinas?.... Mahirap ba Juan
Dela Cruz? Mahirap ba?!
Tulungan niyo ako! Tulungan niyo akong iparating ito sa mga Pilipino, lalong lalo na sa mga
Pilipinong tulog ang diwa.Tulungan niyo ako!” patuloy ang kanyang pag-iyak… hawak-hawak ang aking
balikat habang humihingi ng tulong.
Kasunod nito ang pagbigay niya sa akin ang isang pluma. Kasabay ng aking paghawak sa plumang
ito ay ang pagliwanag ng kapiligiran na naghudyat sa aking pag-gising.
“Panaginip lang pala ang lahat”
Nagising ako sa harapan ng aking computer dala-dala ang pag-asang makakatulong ang
artikulong ito para magamot ang lumpong sistema ng ating lipunan.
Sa artikulong ito, hindi ako si Juan Dela Cruz, hindi ka si Juan Dela Cruz, kundi ‘TAYO’ si Juan Dela
Cruz. Ang sumisimbolo sa lahat ng Pilipino.
Imulat natin ang ating mga mata. Tayo mismo ang magtutulungan. Hindi sila, hindi ikaw, at mas
lalong hindi ako kundi ‘TAYO’
Dahil, “Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi tayo, Sino pa?

Contenu connexe

Tendances

Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...GeraldCanapi
 
Art 3 lm tagalog yunit 1
Art 3 lm tagalog   yunit 1Art 3 lm tagalog   yunit 1
Art 3 lm tagalog yunit 1jennifer Tuazon
 
ESP matalinong Pagpapasya 5.pptx
ESP matalinong Pagpapasya 5.pptxESP matalinong Pagpapasya 5.pptx
ESP matalinong Pagpapasya 5.pptxSaezRegina
 
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxchelsiejadebuan
 
Mga Bahagi at Gamit sa Silid-Aralan Ko
Mga Bahagi at Gamit sa Silid-Aralan KoMga Bahagi at Gamit sa Silid-Aralan Ko
Mga Bahagi at Gamit sa Silid-Aralan KoJessaMarieVeloria1
 
Halimbawa ng mga Lathalain 2
Halimbawa ng mga Lathalain 2Halimbawa ng mga Lathalain 2
Halimbawa ng mga Lathalain 2JustinJiYeon
 
Si Mangita at si Larina
Si Mangita at si LarinaSi Mangita at si Larina
Si Mangita at si LarinaMckoi M
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Desiree Mangundayao
 
Liham pangalakal ppt.
Liham pangalakal ppt.Liham pangalakal ppt.
Liham pangalakal ppt.mhhar
 
Pagtalakay sa tula (Ang Guyon, Uri ng Taudturan at Pagsulat ng Tula)
Pagtalakay sa tula (Ang Guyon, Uri ng Taudturan at Pagsulat ng Tula) Pagtalakay sa tula (Ang Guyon, Uri ng Taudturan at Pagsulat ng Tula)
Pagtalakay sa tula (Ang Guyon, Uri ng Taudturan at Pagsulat ng Tula) Allan Ortiz
 
Pagsagot ng mga tanong tungkol sa balitang napakinggan
Pagsagot ng mga tanong tungkol sa balitang napakingganPagsagot ng mga tanong tungkol sa balitang napakinggan
Pagsagot ng mga tanong tungkol sa balitang napakingganCryptic Mae Lazarte
 
Romeo at julieta pakitang turo
Romeo at julieta pakitang turoRomeo at julieta pakitang turo
Romeo at julieta pakitang turoJake Mancenido
 
Alim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugaoAlim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugaojunaid mascara
 

Tendances (20)

Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
Banghay
BanghayBanghay
Banghay
 
Esp 4 yiii a4
Esp 4 yiii a4Esp 4 yiii a4
Esp 4 yiii a4
 
Art 3 lm tagalog yunit 1
Art 3 lm tagalog   yunit 1Art 3 lm tagalog   yunit 1
Art 3 lm tagalog yunit 1
 
ESP matalinong Pagpapasya 5.pptx
ESP matalinong Pagpapasya 5.pptxESP matalinong Pagpapasya 5.pptx
ESP matalinong Pagpapasya 5.pptx
 
Masusing banghay aralin-sa_filipino @archieleous
Masusing banghay aralin-sa_filipino @archieleousMasusing banghay aralin-sa_filipino @archieleous
Masusing banghay aralin-sa_filipino @archieleous
 
PREDICTING OUTCOME
PREDICTING OUTCOMEPREDICTING OUTCOME
PREDICTING OUTCOME
 
Esp
EspEsp
Esp
 
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
 
Mga Bahagi at Gamit sa Silid-Aralan Ko
Mga Bahagi at Gamit sa Silid-Aralan KoMga Bahagi at Gamit sa Silid-Aralan Ko
Mga Bahagi at Gamit sa Silid-Aralan Ko
 
Halimbawa ng mga Lathalain 2
Halimbawa ng mga Lathalain 2Halimbawa ng mga Lathalain 2
Halimbawa ng mga Lathalain 2
 
Si Mangita at si Larina
Si Mangita at si LarinaSi Mangita at si Larina
Si Mangita at si Larina
 
unpacking-2.docx
unpacking-2.docxunpacking-2.docx
unpacking-2.docx
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
 
Liham pangalakal ppt.
Liham pangalakal ppt.Liham pangalakal ppt.
Liham pangalakal ppt.
 
Pagtalakay sa tula (Ang Guyon, Uri ng Taudturan at Pagsulat ng Tula)
Pagtalakay sa tula (Ang Guyon, Uri ng Taudturan at Pagsulat ng Tula) Pagtalakay sa tula (Ang Guyon, Uri ng Taudturan at Pagsulat ng Tula)
Pagtalakay sa tula (Ang Guyon, Uri ng Taudturan at Pagsulat ng Tula)
 
Pagsagot ng mga tanong tungkol sa balitang napakinggan
Pagsagot ng mga tanong tungkol sa balitang napakingganPagsagot ng mga tanong tungkol sa balitang napakinggan
Pagsagot ng mga tanong tungkol sa balitang napakinggan
 
Romeo at julieta pakitang turo
Romeo at julieta pakitang turoRomeo at julieta pakitang turo
Romeo at julieta pakitang turo
 
Alim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugaoAlim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugao
 

En vedette

brief presentation
brief presentationbrief presentation
brief presentationLiyi Liang
 
325151 3130-george oosad-ch01
325151 3130-george oosad-ch01325151 3130-george oosad-ch01
325151 3130-george oosad-ch01Nasz Zainuddin
 
In norgesaktiviteter telemarkreiser-april-2013
In norgesaktiviteter telemarkreiser-april-2013In norgesaktiviteter telemarkreiser-april-2013
In norgesaktiviteter telemarkreiser-april-2013visittelemark
 
Social Manifesto
Social ManifestoSocial Manifesto
Social ManifestoJohn Pratt
 
Net part a model que
Net part a model queNet part a model que
Net part a model quemvijimanohar
 
Focus2 personality
Focus2 personalityFocus2 personality
Focus2 personalityekeoguob
 
Taylor swift
Taylor swiftTaylor swift
Taylor swiftrui-1234
 
160829 personal scrum pecha kucha final
160829 personal scrum pecha kucha final160829 personal scrum pecha kucha final
160829 personal scrum pecha kucha finalPeter Stevens
 
презентация автомост 2014
презентация автомост 2014презентация автомост 2014
презентация автомост 2014Руслан Che
 
CD cover analysis
CD cover analysisCD cover analysis
CD cover analysishacksophi
 
Data representation number
Data representation   numberData representation   number
Data representation numberahunneyball
 
Telemarkreiser 151112
Telemarkreiser 151112Telemarkreiser 151112
Telemarkreiser 151112visittelemark
 
Why Design Thinking? UnConference 2016
Why Design Thinking?   UnConference 2016Why Design Thinking?   UnConference 2016
Why Design Thinking? UnConference 2016John Pratt
 
What if Scrum had no Rules?
What if Scrum had no Rules?What if Scrum had no Rules?
What if Scrum had no Rules?Peter Stevens
 
Reveal comparison Victory Motorcycle Mechanisms vs Car Mechanisms
Reveal comparison Victory Motorcycle Mechanisms vs Car MechanismsReveal comparison Victory Motorcycle Mechanisms vs Car Mechanisms
Reveal comparison Victory Motorcycle Mechanisms vs Car Mechanismsdeclester10
 
Om guidesystemer i skottland for telemarksreiser 15.11.12
Om guidesystemer i skottland for telemarksreiser 15.11.12Om guidesystemer i skottland for telemarksreiser 15.11.12
Om guidesystemer i skottland for telemarksreiser 15.11.12visittelemark
 

En vedette (20)

brief presentation
brief presentationbrief presentation
brief presentation
 
325151 3130-george oosad-ch01
325151 3130-george oosad-ch01325151 3130-george oosad-ch01
325151 3130-george oosad-ch01
 
In norgesaktiviteter telemarkreiser-april-2013
In norgesaktiviteter telemarkreiser-april-2013In norgesaktiviteter telemarkreiser-april-2013
In norgesaktiviteter telemarkreiser-april-2013
 
Social Manifesto
Social ManifestoSocial Manifesto
Social Manifesto
 
APIDD Document
APIDD DocumentAPIDD Document
APIDD Document
 
Net part a model que
Net part a model queNet part a model que
Net part a model que
 
Focus2 personality
Focus2 personalityFocus2 personality
Focus2 personality
 
Taylor swift
Taylor swiftTaylor swift
Taylor swift
 
Fluval aquariums
Fluval aquariumsFluval aquariums
Fluval aquariums
 
Media presentation
Media presentationMedia presentation
Media presentation
 
160829 personal scrum pecha kucha final
160829 personal scrum pecha kucha final160829 personal scrum pecha kucha final
160829 personal scrum pecha kucha final
 
Star wars land
Star wars landStar wars land
Star wars land
 
презентация автомост 2014
презентация автомост 2014презентация автомост 2014
презентация автомост 2014
 
CD cover analysis
CD cover analysisCD cover analysis
CD cover analysis
 
Data representation number
Data representation   numberData representation   number
Data representation number
 
Telemarkreiser 151112
Telemarkreiser 151112Telemarkreiser 151112
Telemarkreiser 151112
 
Why Design Thinking? UnConference 2016
Why Design Thinking?   UnConference 2016Why Design Thinking?   UnConference 2016
Why Design Thinking? UnConference 2016
 
What if Scrum had no Rules?
What if Scrum had no Rules?What if Scrum had no Rules?
What if Scrum had no Rules?
 
Reveal comparison Victory Motorcycle Mechanisms vs Car Mechanisms
Reveal comparison Victory Motorcycle Mechanisms vs Car MechanismsReveal comparison Victory Motorcycle Mechanisms vs Car Mechanisms
Reveal comparison Victory Motorcycle Mechanisms vs Car Mechanisms
 
Om guidesystemer i skottland for telemarksreiser 15.11.12
Om guidesystemer i skottland for telemarksreiser 15.11.12Om guidesystemer i skottland for telemarksreiser 15.11.12
Om guidesystemer i skottland for telemarksreiser 15.11.12
 

Similaire à Juan dela cruz

Gabay sa pagbabalik aral
Gabay sa pagbabalik aralGabay sa pagbabalik aral
Gabay sa pagbabalik aralnej2003
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationMarti Tan
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2aguilarliezelann
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdfSamNavarro13
 
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................PrinceAirolSolmayor
 
Panahon propaganda at himagsikan
Panahon propaganda at himagsikanPanahon propaganda at himagsikan
Panahon propaganda at himagsikanceblanoantony
 
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasBisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasSa May Balete University
 
Kay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaarKay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaarmichael saudan
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikanoisabel guape
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoMae Garcia
 

Similaire à Juan dela cruz (18)

Gabay sa pagbabalik aral
Gabay sa pagbabalik aralGabay sa pagbabalik aral
Gabay sa pagbabalik aral
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
 
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
 
Panahon propaganda at himagsikan
Panahon propaganda at himagsikanPanahon propaganda at himagsikan
Panahon propaganda at himagsikan
 
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasBisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
 
Desaparesidos
DesaparesidosDesaparesidos
Desaparesidos
 
Proj.3
Proj.3Proj.3
Proj.3
 
Kay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaarKay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaar
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Tilamsik ng sining
Tilamsik ng siningTilamsik ng sining
Tilamsik ng sining
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 
Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon
 
Mharicor spbigkas
Mharicor spbigkasMharicor spbigkas
Mharicor spbigkas
 
Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
 

Juan dela cruz

  • 1. “Juan Dela Cruz” Isinulat ni Lucky Wilmar L. Cimatu Taglay ko ang dugo’t diwa na nanalaytay sa bawat Pilipinong nangangarap na balang araw babangon ang Pilipinas mula sa pagkakahimlay nito sa kahirapan at labis na pagkagipit. Habang binabalangkas ko ang artikulo na ‘to sa harap ng aking kompyuter. Tila nagkaroon ng mahika ang kompyuter at ipinadpad ako sa mundong puno ng pasakit. Animo’y nasa mapayapa akong daigdig at ang mga tao’y tila ibong malayang lumilipad. Ngunit maya-maya’y nagsimula na ang sigawan at iyakan ng mga taong ito. Sa kabilang banda naman ay ang mga Kastila na hawak-hawak ang kanilang mga naglalakihang baril habang nagtatawanan sa ‘di malamang dahilan. Ang mga taong iwinangis ko sa ibong malaya ay walang-awang ikinulong sa hawlang puno ng pasakit at pahirap na sinumang lumapit at magpangahas na palayain ang mga ibong ito ay walang awang pinapatay. Ngunit kasabay ng pagsibol ng araw ay ang paglabas din ng mga bayaning may paninindigan at dala-dala ang armas upang putulin ang kadenang nakapulupot sa hawla ng mga ibong bulag at nagbubulag-bulagan sa kahirapan dulot ng mga Kastila. Dumanak ang dugo sa lupang tinatapakan ko. Maraming namatay. Maraming umiiyak. Pero ang pinaglaban ng mga bayani ay hindi napunta sa wala sapagkat nakamtan ng Pilipinas ang kalayaan laban sa Espanya noong 1898. Subalit pagkalipas ng ilang taon… tila nanumbalik ang nakaraang ayaw na natin sanang maulit pa. Maingay, maraming sumisigaw, maraming umiiyak dahil sa gutom at kahirapan, habang ang iba naman ay nakangiting nagsasalita tungkol sa kanilang propaganda, talk show, at iba pa na lagi kong nakikita sa aking telebisyon.
  • 2. Masakit isipin na lumalaki ang distansya ng mga mahihirap sa mga mayayaman. Mas lalong yumayaman ang mga mayayaman, at mas lalong humihirap ang mga mahihirap. Nakikita mo ba ang mga bagay na ‘to o isa ka sa rin sa mga Pilipinong pilit tinatakpan ang kanilang mga tenga at mga mata upang hindi marinig ang sigaw at iyak ng kahirapan.? Mas lalong lumakas ang iyak na kanina ko pa naririnig. Hindi ako nagpatumpik-tumpik at sinundan ko ang iyak na ‘to. Sa aking paglalakbay nasilayan ko ang mga peklat ng Pilipinas na pilit tinatago ng ating mga lider. Ang iyak na sinusundan ko ay nadagdagan pa ng paulit-ulit na katagang nagsasabing. “Tulungan mo ako, tulungan mo ako….” Pinagpatuloy ko ang paglaklakbay patungo sa batang umiiyak. Hanggang sa… laking gulat ko nang nakarating na pala ako sa Luneta at doon ko nakita ang batang umiiyak- nakapormal na kasuotan at may hawak-hawak na kwaderno. Nakatingala sa rebulto ng ating Pambansang Bayani. Ako’y humakbang papunta sa kanya at nang malapit na ako sa kanya. Bigla siyang lumingon sa akin at binato ang mga katagang tumatagos mula sa aking kalamnam patungo sa aking kaluluwa… “Juan dela Cruz! Ang bumubuo sa dugo’t diwa ng Pilipino… sinayang niyo ang dugo’t pawis ng mga bayaning Pilipinong inalay ang kanilang buhay upang palayain ang mga ibong kinulong sa hawla ng mga Kastila. Makasarili kayo! Patuloy kayo sa paglakbay patungo sa kayamanan at karangyaan kahit alam niyo na may natatapakan kayong iba… Akala ko’y napalaya na namin ang mga ibong nakakulong sa hawla ngunit tila kinulong niyo ulit sila sa kahirapan… Wala kayong awa… Ang mga Pilipino na pilit binabangon ang Pilipinas ay walang awa niyong pinapababa sa pwesto. Nagpapatayan kayo… nagbabatuhan ng putik… at pilit naghihilahan pababa… Mahirap bang magtulungan? Mahirap bang iabot ang kamay at tulungang bumangon ang nadapa? Mahirap bang magbigay ng pagkain sa mga nangangailangan kaysa sa itapon ito?Mahirap bang magkaroon ng malinis na eleksyong walang patayan at walang pandaraya? Mahirap bang suportahan ang bawat lider na tumutulong upang ibangon ang Pilipinas mula sa pagkakahimlay nito?Mahirap bang imulat ang mga mata at sabihing kailangan ako ng Pilipinas?.... Mahirap ba Juan Dela Cruz? Mahirap ba?! Tulungan niyo ako! Tulungan niyo akong iparating ito sa mga Pilipino, lalong lalo na sa mga Pilipinong tulog ang diwa.Tulungan niyo ako!” patuloy ang kanyang pag-iyak… hawak-hawak ang aking balikat habang humihingi ng tulong. Kasunod nito ang pagbigay niya sa akin ang isang pluma. Kasabay ng aking paghawak sa plumang ito ay ang pagliwanag ng kapiligiran na naghudyat sa aking pag-gising. “Panaginip lang pala ang lahat”
  • 3. Nagising ako sa harapan ng aking computer dala-dala ang pag-asang makakatulong ang artikulong ito para magamot ang lumpong sistema ng ating lipunan. Sa artikulong ito, hindi ako si Juan Dela Cruz, hindi ka si Juan Dela Cruz, kundi ‘TAYO’ si Juan Dela Cruz. Ang sumisimbolo sa lahat ng Pilipino. Imulat natin ang ating mga mata. Tayo mismo ang magtutulungan. Hindi sila, hindi ikaw, at mas lalong hindi ako kundi ‘TAYO’ Dahil, “Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi tayo, Sino pa?