4. Ayon kay Alfred Wegener, isang
German na nagsulong ng Continental
Drift Theory, dati ng magkakaugnay
ang mga kontinente sa isang super
kontinente na Pangaea. Dahil sa
paggalaw ng continental plate o
malaking bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-
hiwalay ang Pangaea at nabuo ang
kasalukuyang mga kontinente.
6. Talahanayan 1.2 – Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong
Kontinente.
Kontinente Lawak (km²) Tinatayang Bilang ng Bansa
Populasyon (2009)
Asya 44,614,000 4,088,647,780 44
Africa 30,218,000 990,189,529 53
Europe 10,505,000 728,227,141 47
North America 24,230,000 534,051,188 23
South America 12,814,000 392,366,329 12
Antarctica 14,245,000 -NA- 0
Australia at Oceania 8,503,000 34,685,745 14
7. Nagmumula sa Africa ang
malaking suplay ng ginto
at diyamante. Naroon din
ang Nile River na
pinakamahabang ilog sa
buong daigdig, at ang
Sahara Desert,na
pinakamalaking disyerto.
Ang Africa ang nagtataglay
ng pinakamaraming bansa
kung ihahambing sa ibang
mga kontinente.
8. Samantala, ang Antarctica
ang tanging kontinenteng
natatakpan ng yelo na ang
kapal ay umaabot ng halos
2 km. (1.2 milya). Dahil
dito, walang taong
naninirahan sa Antarctica
maliban sa mga
siyentistang nagsasagawa
ng pag-aaral tungkol dito.
Gayunpaman, sagana sa
mga isda at mammal ang
karagatang nakapalibot
dito.
9. Pinakamalaking kontinente sa
mundo ang Asya. Sinasabing
ang sukat nito ay mas malaki
pa sa pinagsamang lupain ng
North at South America, o sa
kabuuang sukat ng Asya ay
tinatayang sangkatlong (1/3)
bahagi ng kabuuang sukat ng
lupain ng daigdig. Nasa Asya
rin ang China na may
pinakamalaking populasyon sa
daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa
pagitan ng Sagamartha Zone sa
Nepal at Tibet sa China.
10. Samantala, ang laki ng
Europe ay sangkapat (1/4)
na bahagi lamang ng
kalupaan ng Asya. Ito ang
ikalawa sa pinakamaliit na
kontinente ng daigdig sa
lawak na halos 6.8% ng
kabuuang lupa ng daigdig.
11. Ang Australia ay isang
bansang kinikilala ring
kontinenteng pinakamaliit sa
daigdig. Napalilibutan ito ng
Indian Ocean at Pacific
Ocean,at inihihiwalay ng
Arafura Sea at Timor Sea. May
mga bukod tanging species ng
hayop at halaman na sa
Australia lamang
matatagpuan.Kabilang dito
ang kangaroo, wombat,
koala,Tasmanian devil,
platypus, at iba pa.
12. Ang North America ay may
hugis na malaking tatsulok
subalit mistulang pinilasan
sa dalawang bahagi ng
Hudson Bay at Gulf of
Mexico. Dalawang
mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa
kontinenteng ito – ang
Applachian Mountains sa
silangan at Rocky Mountains
sa kanluran.
13. Gayundin, ang South
America ay hugis tatsulok
na unti unting nagiging
patulis mula sa bahagi ng
equator hanggang sa Cape
Horn sa katimugan. Ang
Andes Mountains na may
habang 7, 240 km (4,500
milya) ay sumasakop sa
kabuuang baybayin ng
South America.
15. Sa kasaysayan, tinatayang may
540 bulkan na ang pumutok at
75% sa mga ito ay nasa Pacific
Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan
sa Pacific Ring of Fire na
pumutok at nagdulot ng
malaking pinsala.
16. Tambora noong nagdulot ng (92,000 ang
namatay); Krakatoa noong 1883 (36,000
ang namatay); at Mt. Pelee noong 1902
(30,000 ang namatay). Samantala, ilan sa
mga bansang labis na napinsala ng
malalakas na lindol ang China noong
1556 (830,000 ang namatay) at 1976
(242,000 ang namatay); Japan noong
1923 (143,000 ang namatay); Sumatra
noong 2004 (227,898 ang namatay); at
Haiti noong 2010 (222,570 ang
namatay).