2. LAYUNIN
Nasusuri gamit ang graphic
organizer ang ugnayan ng
tradisyon at akdang pampanitikan
batay sa napanood na
kuwentong bayan.
11. Gabay na Tanong:
a. Ano-anong mga kultura, tradisyon at paniniwala ang
isinasabuhay pa rin hanggang sa kasalukuyan?
b. May mga kultura ba o tradisyon sa mga larawan na
masasalamin sa inyong lugar na kinalakhan? Ano- ano
ang mga ito?
12. Paano nauugnay ang kuwentong bayan sa
mga tradisyon at kultura ng isang bayan?
13. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang akda?
Ilarawan ang bawat isa.
2. Ibigay ang pangkalahatang ideyang tinatalakay ng
kuwento.
3. Isa-isahin ang kultura at paniniwala ng mga tauhan
sa akdang napakinggan.
4. Anong akdang pampanitikan ang tumatalakay sa
mga kultura at paniniwala ng isang bayan?
5. Iugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga
kaganapan sa iba pang lugar ng bansa.
15. Ang mga kuwentong bayan ay bahagi na
ng panitikan ng mga Pilipino bago pa man
dumating ang mga Kastila. Ito’y lumaganap at
nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa
paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong
tuluyan ang mga kuwentong bayan at
karaniwang naglalahad ng kaugalian at
tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at
lumaganap.
16. Maraming kuwentong bayan ang
pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang
pangyayari tulad ng nangingitlog ng ginto, o
kaya’y mga nilalang na may pambihirang
kapangyarihan tulad ng mga diyos at diyosa,
mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy
atbp. Masasalamin sa kuwentong bayan ang
mga kaugalian, pananampalataya at mga
suliraning panlipunan sa panahon kung kailan
ito nasulat.
17. May mga kuwentong bayang ang
pangunahing layunin ay makapanlibang
ng mga mambabasa o tagapakining
subalit ang karamihan sa mga ito ay
kapupulutan ng mahahalagang aral sa
buhay.
18. May mga tampok o kilalang kuwentong bayan ang
bawat rehiyon sa Pilipinas. Nagkaroon na nga lang ng iba’t
ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito nang
pasalita, kaya’t minsay binabago ng tagapagkuwento ang
mga detalye na nagdudulot ng ibang bersyon dahil sa
pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng mga tauhan
bagamat nananatili ang mga pangungahing tauhan gayundin
ang tagpuan kung saan naganap ang kuwentong bayan.
20. (GRAPHIC ORGANIZER)
Gamit ang graphic organizer ay suriin ang ugnayan ng tradisyon at akdang pampanitikan
batay sa napanood na kuwentong bayan.
JUAN TAMAD
tradisyon
paniniwala
kultura
Notes de l'éditeur
May isang baul na naglalaman ng mga larawan Piliin sa mga ito ang nagpapakita ng kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Pagkatapos ay ipaliliwanag ang napiling larawan. Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos na maipakita ang lahat ng mga larawan.
Ang pananalitang tuluyan o prosa ay ang pangkaraniwang anyo ng nasusulat o sinasalitang wika. Hindi ito patula, at hindi anumang natatanging anyo na katulad ng mga talaan, tala o mga nagpapakita ng isang taludtodtalahanayan. Ito ay ang maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap. Halimbawa ay alamat, nobela, kwentong bayan, liham, maikling kwento at iba pa.
Tradisyon o kaugalian ay mga paniniwala, opinion, kostumbre o mga kwentong naisalin mula sa mga magulang.
Kultura-nakagawiang paraan sa buhay ng mga tao sa isang lugar
Paniniwala-pagkakaroon ng kumpiansa o pananalig sa isang bagay na walang matibay na patunay sa katotohanan nito.