Publicité

Contenu connexe

Similaire à ARALIN-6-MGA-HAKBANG-SA-PAGBUO-NG-CBDRRM-PLAN.pptx(20)

Publicité

ARALIN-6-MGA-HAKBANG-SA-PAGBUO-NG-CBDRRM-PLAN.pptx

  1. Aralin 6 MGA HAKBANG SA PAGBUO NG COMMUNITY-BASED DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT PLAN
  2. Balik-aral Mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa sistemang ipatutupad ng disaster risk management. Hindi din kailangang kalimutan ang pananaw at karanasan ng mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management. Mahalagang magamit ang kalakasan ng dalawang approach upang mas maging matagumpay ang paghahanda at mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng kalamidad.
  3. Panimula Sa bahaging ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad, ang Disaster Risk Assessment.
  4. MAP ANALYSIS Gamit ang mapa ng Probinsya ng Cavite. Tukuyin ang sa tingin ninyo ay mga bayan ng ating lalawigan na palaging may banta ng mga sumusunod: 1. Bagyo 2. Baha 3. Lindol 4. Storm Surge at Tsunami 5. Landslide
  5. Nakapaloob sa Disaster Risk Assessment ang Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment. Tinataya naman ang kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment.
  6. HAZARD ASSESSMENT Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan nito, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito.
  7. PISIKAL NA KATANGIAN NG HAZARD
  8. TEMPORAL NA KATANGIAN NG HAZARD
  9. DALAWANG PROSESO SA PAGSASAGAWA NG HAZARD ASSESSMENT
  10. HAZARD MAPPING Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaaring mapinsala.
  11. HISTORICAL PROFILING / TIMELINE OF EVENTS Gumagawa ng historical profile o timeline of events upang makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.
  12. Gawain 1: Classroom Hazard Assessment Sa loob ng silid aralan, tingnan ang mga posibleng hazard sa oras ng sakuna.Isa-isahin ito at ipaliwanag kung bakit ito naging posibleng hazard. Ang guro ay pipili ng isang mag-aaral sa bawat pangkat upang iulat ito sa klase.
  13. Gawain 2: School Hazard Assessment Pangkatin sa 4 ang klase. Hatiin sa kanila ang apat na bahagi ng inyong paaralan. Hayaang gabayan sila ng hazard map o simpleng mapa ng paaralan. Hayaang gumawa sila ng kanilang bersiyon ng hazard map ng bahagi ng paraalan na naibigay sa kanila. Kung hindi ito matapos, maari itong maging karagdagang gawain sa mga mag-aaral at ipasa na lamang kinabukasan. Maari itong iguhit sa cartolina o gumamit ng computer software kung sila ay may kaalaman sa paggawa nito.
  14. Gawain 3: Barangay Hazard Assessment Ang mga mag-aaral ay ipapangkat batay sa kinabibilangan na barangay ng munisipalidad. Makibahagi sa inyong pangkat at gumawa ng hazard assesement map na magpapakita ng iba’t ibang hazard sa inyong barngay. Ilahad ito sa klase. Upang maisagawa ito sundin ang sumusunod na hakbang: 1. Alamin kung anong uri ng hazard ang nakatalagang susuriin ng inyong pangkat. 2. Humingi ng kopya ng mapa ng inyong barangay sa kinakuukulan. 3. Kung mayroon namang hazard assessment map ang inyong barangay, maaari itong hingin. Mag-ikot sa inyong barangay upang matukoy ito o kaya ay gumawa ng katulad na mapa.
  15. PAGLALAHAT Alinman sa dalawang nabanggit na halimbawa ang gamitin sa pagsasagawa ng hazard assessment, mahalaga pa rin sa CBDRM Approach ang partisipasyon ng mga mamamayan dahil mayrooon silang personal na karanasan sa mga hazard sa kanilang lugar. Mas mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan kung sila ay kabahagi sa pagsasagawa ng hazard assessment sa kanilang pamayanan.
  16. 1. Ano ang mga hamon na inyong kinaharap sa pagsasagawa ng hazard assessment map? 2. Paano ninyo hinarap ang mga nabanggit na hamon? 3. Bakit mahalaga na may partisipasyon ng mga mamamayan ang paggawa ng hazard assessment map? PAGPAPAHALAGA
  17. PAGTATAYA 1. May iba’t ibang ahensya na makakatulong sa paghahanda sa oras ng mga sakuna. Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang namumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na mararanasan ng bansa? a. DILG b. Disaster Risk Mitigation c. PAG-ASA d. NDRRMC
  18. PAGTATAYA 2. Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri ng lawak, sakop at pinsala na maaaring danasin sa isang lugar. Sa paanong paraan ito nakakatulong? A. natutukoy kung ito ba ay gawa ng tao o ng kalikasan B. natutukoy ang paparating na sakuna C. nabibigyang pansin ang mga dapat gawin sa oras ng sakuna D. nabibigyan ng kaalaman ang ,ga tao
  19. PAGTATAYA 3. Sa pagsasagawa ng Hazard Assessment dapat na bigyang pansin ang mga sumusunod maliban sa_______. A. Pisikal B. Temporal C. historical profile D. permanent
  20. PAGTATAYA 4. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito. Tinutukoy ng katangian na ito kung sino ang pwedeng tamaan ng hazard. a. lawak b. saklaw c. predictability d. intensity
  21. PAGTATAYA 5. Bukod sa pisikal na katangian, mahalagang maunawaan rin ang mga temporal na katangian ng hazard. Ang sumusunod ay temporal na katangian ng temporal hazard assessment maliban sa _________. a. frequency b. duration c. manageabili d. force
  22. Panimula Naunawaan mo sa unang bahagi ang mga hakbang at kahalagahan ng hazard assessment. Sa susunod na bahagi ng aralin ay mauunawaan mo naman kung ano ang nilalaman ng Vulnerability at Capacity Assessment at kung paano ito makatutulong sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management Plan.
  23. BIGYAN NG HUGOT! Bigyan ng hugot ang mga larawang ipapakita sa susunod na slides.
  24. BIGYAN NG HUGOT!
  25. BIGYAN NG HUGOT!
  26. BIGYAN NG HUGOT!
  27. BIGYAN NG HUGOT!
  28. BIGYAN NG HUGOT!
  29. VULNERABILITY AT CAPACITY ASSESSMENT (VCA) Sa pamamagitan ng VCA, masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar.
  30. VULNERABILITY ASSESSMENT Tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
  31. CAPACITY ASSESSMENT Tinataya nito ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability: ito ay ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali tungkol sa hazard.
  32. PISIKAL O MATERYAL NA ASPETO Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng sweldo mula sa trabaho, pera sa bangko at likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng mga nabanggit na pinagkukunang yaman ay nangngahulugan ng isang komunidad na vulnerable sa hazard.
  33. ASPETONG PANLIPUNAN Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa isang lipunan.
  34. PAG-UUGALI TUNGKOL SA HAZARD May mga paniniwala at gawi tungkol sa mga Hazard na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad. Bunga nito, nagiging vulnerable ang isang komunidad.
  35. VULNERABILITY ASSESSMENT Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng hazard. Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang sumusunod: Elements at risk, People at risk, at Location of people at risk.
  36. ELEMENTS AT RISK Tumutukoy ang ito sa tao, hayop, mga pananim, bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon, at pag-uugali. Pagkatapos matukoy ang mga elements at risk, sinusuri rin kung bakit sila maituturing na vulnerable.
  37. ELEMENTS AT RISK Sa people at risk naman, tinutukoy ang mga grupo ng tao namaaaring higit na maapektuhan ng kalamidad.
  38. LOCATION AT RISK Tinutukoy naman ditto ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable.
  39. Vulnerability Assessment Location of People at Risk Lokasyon o tirahan ng taong vulnerable People at risk Matanda. Buntis, may kapansanan Elements at risk Tao, hayop, pananim, imprastraktura, bahay at mga kasangkapan
  40. RISK ASSESSMENT Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan
  41. DISASTER PREVENTION Ito ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at kalamidad. DISASTER MITIGATION Ito ay tumutukoy na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari- arian, at kalikasan.
  42. RISK ASSESSMENT Uri ng Mitigation Structural Non- Structural
  43. KAHALAGAHAN NG DISASTER RISK ASSESSMENT 1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
  44. KAHALAGAHAN NG DISASTER RISK ASSESSMENT 2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam.
  45. KAHALAGAHAN NG DISASTER RISK ASSESSMENT 3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng DRRM Plan at nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.
  46. KAHALAGAHAN NG DISASTER RISK ASSESSMENT 4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard.
  47. KAHALAGAHAN NG DISASTER RISK ASSESSMENT 5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.
  48. Gawain 4: Vulnerability Assessment Ang mga mag-aaral ay ipapangkat batay sa kinabibilangan na barangay ng munisipalidad. Makibahagi sa inyong pangkat at gumawa ng vulnerability assesement ng brangay gamit ang naunang hazard assessment. Ilahad ito sa klase.
  49. Gawain 5: Schools Disaster Risk Assessment Ang mga mag-aaral ay ipapangkat batay sa sa dami ng mga elementary at high schools sa munisipalidad at gawin ang Checklist on the Disaster Risk Reduction Preparations Undertaken by the School mula sa Disaster Risk Reduction Manual (2008) pahina 123-127. Iulat sa klase ang resulta ng ginawang gawain.
  50. Gawain 5: Schools Disaster Risk Assessment
  51. Gawain 5: Schools Disaster Risk Assessment
  52. Gawain 5: Schools Disaster Risk Assessment
  53. PAGLALAHAT Ang mga naunang hakbang ay nakapaloob sa Disaster prevention. Sa unang yugto ng CBDRM Plan ay inisinasagawa rin ng mga hakbang para sa Disaster Mitigation. Mahalagang maipakita ang pagiging vulnerable ng isang komunidad sa anumang oras. Mahalaga ang mga hakbang na nakapaloob sa yugto ng prevention at mitigation. Lahat ng impormasyon na makukuha mula sa pagsasagawa nito ay makakatulong upang harapin ito.
  54. 1. Sapat ba ang kakayahan ng inyong paaralan, kapitbahayan, o barangay sa pagharap sa kalamidad? 2. Paano mapupunan ang mga kakulangan o mapananatili ang kasapatan ng inyong mga kagamitan? 3. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging handa sa mga kalamidad? PAGPAPAHALAGA
  55. PAGTATAYA 1.. Ang disaster ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran at gawaing pang ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon. Masasabing ring resulta ng hazard at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga ito. Sa paanong paraan naman naiiba ang vulnerability sa disaster? a. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao b. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad c. Ito ay tumutukoy sa mga inaasahang pinsala sa tao, ari-arian at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad d. Ito ay tumutukoy sa tao, lugar at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maaapektuhan ng mga hazard.
  56. PAGTATAYA 2. Ang isang komunidad ay kailangan na maging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nila na magkaroon ng kaalaman sa mga panganib at banta na maaari nilang maranasan. Bukod dito, dapat na maging aktibo rin sila sa paglahok sa mga programa ng pamahalaan patungkol sa disaster management. Sa anong level matutukoy ang ginagawang paghahanda? a. Capacity Assessment c. Risk Assessment b.Disaster Assessment d. Vulnerability Assessment
  57. PAGTATAYA 3. Sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, ang ating pamahalaan ay maagap sa pagsasagawa ng paglilikas partikular sa mga lugar na madaling tumaas ang tubig at may banta ng landslide. Sa kabila nito, marami sa ating mga kababayan ang ayaw lisanin o umalis sa kanilang tahanan upang magtungo sa mga evacuation center. Sa anong kategorya ng Vulnerability at Capacity Assessment napapabilang ang mga paniniwala at gawi ng mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad? a. Panlipunan c. Pampulitika b. Pag-uugali ng mamamayan d. Pisikal o Materyal
  58. PAGTATAYA 4. Sa pagsasagawa ng Capacity Assessment, itinatala ang mga kagamitan, imprastruktura at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad. Mahalaga ang pagsasagawa nito sapagkat magbibigay ito ng impormasyon sa mga mamamayan kung ano at kanino hihingi ng tulong upang mapunan ang kakulangan ng pamayanan. Bilang mag-aaral kanino ka hihingi ng tulong sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad sa inyong lugar? a. Sa Simbahan b. Sa Kapitbahay c. Sa Barangay d. Sa Paaralan
  59. PAGTATAYA 5. Mahalagang matukoy sa panahon ng kalamidad ang pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa ibat ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar. Madalas ay mga bata, matatanda, may sakit at may kapansanan ang inuuna sa paglikas. Bakit mahalaga na masiguro ang kanilang kaligtasan? a. Sila ang madaling ilikas b. Sila ang una sa listahan c. Sila ang paborito na iligtas d. Sila ang mahihina at walang lakas upang iligtas ang kanilang sarili
  60. Panimula Sa kabila ng pagtataya ng mga maaaring maranasang kalamidad at kakayahan ng pamayanan na harapin ito ay makararanas at makararanas pa rin tayo ng mga kalamidad. Paano ba tayo tutugon sa mismong pagkakataon na tayo ay nasa gitna ng isang kalamidad?
  61. VIDEO ANALYSIS Panuorin at suriin ang campaign advertisement ng GMA 7 na I AM READY at sagutin ang mga katanungan sa ibaba: 1. Nakatutulong ba sa mga tao ang campaign ad na iyong pinanuod ? Bakit? 2. Bakit kinakailangan ng ganitong campaign ad?
  62. DISASTER PREPAREDNESS Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
  63. DISASTER PREPAREDNESS Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad.
  64. DISASTER PREPAREDNESS Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ay may tatlong pangunahing layunin:
  65. DISASTER PREPAREDNESS 1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad. 2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard. 3. to instruct–magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tullong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
  66. DISASTER RESPONSE Ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad
  67. 3 URI NG PAGTATAYA SA DISASTER RESPONSE 1. Needs Assessment Tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot. 2. Damage Assessment Tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad. 3. Loss Assessment tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon
  68. DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY Sa yugtong ito, ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
  69. DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at kuryente, pagkukumpuni ng bahay, sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot. Kabilang din dito ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkakaloob ng psychosocial services upang madaling malampasan ng mga biktima ang kanilang dinanas na trahedya
  70. DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY Kabilang din dito ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkakaloob ng Psychological Services upang madaling malampasan ng mga biktima ang kanilang dinanas na trahedya.
  71. Gawain 6: Disaster Preparedness Assessment Ang apat na pangkat sa klase ay gagawin ang Checklists on Ensuring the Safety of DepED Properties mula sa Disaster Risk Reduction Manual (2008) pahina 129-131 sa paaralan. Iulat sa klase ang resulta ng ginawang gawain.
  72. Gawain 6: Disaster Preparedness Assessment
  73. Gawain 6: Disaster Preparedness Assessment
  74. Gawain 7: Flash Report Maghanap ng balita tungkol sa isang kalamidad na naranasan sa inyong pamayanan. Gumawa ng flash report tungkol dito. Gamitin ang sumusunod naformat sa paggawa nito.
  75. PAGLALAHAT Ang sapat na kaalaman at partisipasyon ng pamahalaan at ibat-ibang sektor ng lipunan, NGO at mga mamamayan sa pagbuo ng DRRM plan ang susi upang maging matagumpay ang pagbangon ng mga komunidad mula sa isang disaster.
  76. 1. Ano ang dapat gawin upang maipagbigay sa lahat ang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad? 2. Bakit mahalaga na malaman ng mga mamamayan ang mga impormasyon tungkol sa kalamidad at mga dapat gawin kung mararanasan ang mga ito? 3. Paano makatutulong ang mga mamamayan sa pamamahagi ng kaalaman tungkol sa disaster preparedness? PAGPAPAHALAGA
  77. PAGTATAYA 1. Ang bansang Pilipinas ay dumaranas ng ibat-ibang sakuna o kalamidad kada taon. Ang mga lokal na pamahalaan sa ibat-ibang panig ng bansa ay nagkakaroon ng paghahanda bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. Malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga pamayanan kung maayos na maisasagawa ang Community-Based Disaster and Risk Management plan. Sa anong yugto ng plano nabibilang ang paghahandang ginagawa ng lokal na pamahalaan? a. Disaster Response b. Disaster preparedness c. Disaster Rehabilitation and Recovery d. Disaster Prevention
  78. PAGTATAYA 2. Ang kalamidad o sakuna sa ating bansa ay hindi natin maiiwasan bagkus ito ay ating pinaghahandaan. May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad dito sa Pilipinas sa pagbibigay ng paalala o babala sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. Ito ay pinadadaan sa pamamagitan ng barangay assembly, pamamahagi ng flyers, pagdidikit ng poster o billboard, mga patalastas sa telebisyon, radyo, at pahayagan. Bakit isinasagawa ang ganitong mga gawain ? a. Upang maging mulat at edukado ang mga mamamayan sa uri ng hazard at dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama nito b. Upang maging alisto ang mga mamamayan sa mga uri ng hazard at dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama nito c. upang walang maapektuhan na mga tao sa pagtama ng kalamidad at malaman nila ang dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama nito d. upang malaman ng mga tao ang mga uri ng hazard at malaman kung paano maiwasan sa panahon na tumama ito
  79. PAGTATAYA 3. Ang Disaster Response ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Bilang tugon ibat-ibang uri ng paghahanda ang ginagawa ng mga lokal na pamahalaan. Kinakailangan na pagtuunan ito ng pansin at sundin dahil ______? a. Layunin nito na mapababa ang bilang ng mga maapektuhan,maiwasan ang malawakang pagkasira ng mga istruktura at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad. b. Layunin nito na maiwasan ang maraming buhay na mawala at magsagawa ng pagtataya upang mapadali ang pagbangon ng pamayanan mula sa dinanas na kalamidad c. Layunin nito na mapadali para sa mga namumuno sa pamahalaan ang pagtataya at paggawa ng budget para sa pagbangon muli ng pamayanan mula sa dinanas na kalamidad d. Layunin nito na madagdagan ang kaalaman ng mga tao tungkol sa kalamidad o sakuna at matulungan ang mga nasalanta na mapadali ang kanilang pag-ahon mula sa dinanas na kalamidad
  80. PAGTATAYA 4. Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng paalala at babala sa mga mamamayan. Ang mga paalalang ito ay mapapanood natin sa telebisyon, mapapakinggan sa radyo at mababasa sa mga flyers at pahayagan. Ito ay may tatlong pangunahing layunin: To inform, To advise at To instruct. Paano mo isasagawa ang layuning “to inform” para makatulong ka sa inyong pamayanan? a. gumawa ng poster upang maipaabot ang kaalaman tungkol sa hazard, risk, capability at pisikal na katangian ng inyong lugar b. magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksyon, paghahanda at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad at hazard c. magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng kalamidad d. gumawa ng research tungkol sa hazard, risk, capability at pisikal na katangian ng inyong lugar para malaman ang hakbang na dapat gawin sa oras ng kalamidad
  81. PAGTATAYA 5. Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ng sapat na impormasyon at pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng hazard at kalamidad upang maihanda sila sa mga posibleng epekto nito. Bawat pamayanan ay may kanya- kanyang paghahanda na isinasagawa. Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang makatulong sa mga mamamayan sa paghahanda sa mga posibleng epekto ng kalamidad o sakuna na tatama sa inyong lugar? a. mag-imbak ng maraming pagkain upang pagdating ng kalamidad ay maipamahagi sa mga kapitbahay upang makatulong b. dumalo sa mga pagpupulong ng barangay tungkol sa paghahanda na isinasagawa sa pagdating ng kalamidad upang maihanda ang sarili sa posibleng pagtama nito c. tumulong sa mga opisyales ng barangay tungkol sa pagbibigay paalala o babala sa pamamagitan ng pamamahagi ng flyers at pagdidikit ng poster o billboards d. magpost sa facebook ng mga impormasyon tungkol sa maaring maging epekto ng kalamidad o sakuna upang malaman nila na hindi biro ang kalamidad
  82. SANGGUNIAN • Araling Panlipunan 10 – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2017 • Disaster Risk Reduction Manual (2008) Department of Education
Publicité