Mga Paraan upang Malutas ang Suliranin
sa Prostitusyon at Pang-aabuso
• Ang prostitusyon at pang-aabuso ay kabilang sa
mabibigat na suliraning kinakaharap ng lipunan.
• Narito ang ilang mungkahing solusyon:
1.Higpitan ang paglalapat ng parusa sa mga sangkot sa
prostitusyon at pang-aabuso.
•A)Mga taong tumatangkilik sa prostitusyon o mga nang-aabuso
sa komersiyong ito. Sila ang nagsisilbing
market o merkado ng prostitusyon. Ang mga nang-aabusong
seksuwal naman ay marapat lapatan ng mabagsik na parusa.
B)Mga bugaw at mga nagmamay-ari ng mga
establisimiyentong nagbibigay-daan sa
prostitusyon.
• Marapat nag pagtuonan ng pansin ang mga nagbubugaw sa
kababaihan,lalo na sa mga kabataan o menor de-edad,atang mga
nagmamay-ari ng mga lugar na kuta ng prostitusyon. Sila ay dapat
papanagutin sa lumalaganp na prostitusyon at bigyan ng
karampatang parusa.
C)Mga opisyal ng gobyerno na backer o
tagapagtaguyod ng mga sangkot sa prostitusyon
• Dapat ding papanagutin ang mga opisyal ng gobyerno,kung
mayroon man na kasabwat ng mga bugaw at ng mga may-ari ng
mga bar,club,at motel na sangkot sa prostitusyon o nagiging daan
upang maisagawa ang mga seksuwal na pang-aabuso.
• Kung paanong agresibo ang administrasyong Duterte sa mga
opisyal ng gobyerno na sangkot sa bentahan ng droga,ganoon din
marapat na maging masigasig ito sa pagpapanagot sa mga inihalal
o hinirang na opisyal ng gobyerno na sangkot sa prostitusyon at
mga kauri nito.
D)Mga Prostitute
• Walang prostitusyon kung walang mga prostitute. Marapat na sila
ay lapatan din ng parusa ayon sa itinatadhana ng batas.
Ganunpaman, maaring gawing alternatibo ang pagkakaloob sa
kanila sa prostitusyon.
2.Bumuo ng mas naaangkop na mga batas na
nakatuon sa pagsupil sa prostitusyon,panggagahasa,
at pang-aabuso.
3.Magsagawa ng mga programang nakatuon sa
pagkakaroon ng kaalaman at kamalayan tungkol sa
prostitusyon , pornograpiya, at pagkalakal sa
kababaihan.
4.)Magturo sa mga magulang na maging responsable sa
paggabay sa kanilang mga anak upang hindi masadlak sa
prostitusyon at pang-aabuso
5.)Magtulungan ang mga sekta ng relihiyon at iba pang
institusyon gaya ng paaralan upang mapaalalahanan ang
mga tao tungkol sa kasamaan ng prostitusyon at pang
aabuso.
6.)Magkaloob ang gobyerno ng mga hanapbuhay o
alternatibong pagkakakitaan na may magandang pasahod
upang maiwasan na ang pagpasok sa prostitusyon.
.