Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman. Mahalaga ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga computer, sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas na yaman. Napapansin mo ba na halos lahat na ng mga establisyamento sa ating lugar ay hindi na gumagamit ng plastic at sa harap ay supot na papel na? Ano kaya ang pangunahing dahilan hinggil sa pagbabagong ito? Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan… Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003. Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo. Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling sampung taon