1. Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-10 Baitang
I. Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas (AP10KSP-Ic-3)
2. Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran (AP10KSP-Ic-4)
3. Napahahalagahan ang pagiging mulat sa mga suliraning pangkapaligiran sa komunidad at bansa
4. Nakagagawa ng isang slogan na naghahatid ng mensahe ng pangangalaga at pagmamahal sa
kapaligiran.
II. Nilalaman
Paksa: Ang mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran
1. Suliranin sa Solid Waste
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman
3. Climate Change
Sanggunian: Araling Panlipunan 10, Learner’s Module pahina 54-74
Kagamitan: Mga larawan na may kaugnayan sa paksa, tulong biswal, Laptop, Projector, Cartolina, Marker,
Bonder Paper, Pencil at mga pangkulay
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Ang lahat ng mag-aaral ay magsitayo para sa ating
panalangin.
(Tatawag ang guro ng mag-aaral upang pangunahan ang
panalangin)
2. Pagbati
Magandang Umaga sa inyong lahat.
Bago kayo umupo tignan muna ang ilalim ng inyong mga
upuan at pulutin ang mga nakikitang kalat.
Maaari na kayong umupo.
3. Pagtatala ng Liban
Mayroon bang liban sa araw na ito?
Magaling!
4. Balik-aral
Ngayon, mula sa inyong mga napag-aralan kahapon
tukuyin kung alin sa mga sitwasyonl/pahayag ang isyung
personal at isyung panlipunan.
Unang Sitwasyon
Tama!
(Sabay sabay na tatayo ang mga mag-
aaral para sa panalangin)
Magandang umaga rin po.
Salamat po.
Wala pong liban sa araw na ito.
Isyung personal
2. Ikalawang Sitwasyon
Magaling!
Ikatlong Sitwasyon
Mahusay! Lubos nyo talagang naunawaan ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng Isyung Personal at
Panlipunan. Isang pampublikong usapin ang isyung
panlipunan. Samakatuwid, nakaaapekto ito hindi lamang
sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo
ng nasabing lipunan.
6. Pagganyak
Bago tayo tumungo sa paksang aralin, may inihanda akong
gawain. Ito ay tinatawag na Headline-Suri. Magpapakita
ako sa inyo ng iba’t ibang Headline o balita. Nais kong
suriin nyong mabuti ang bawat balita at larawan.
Pagkatapos nyong suriin, inaasahan kong makapagbibigay
kayo ng inyong opinyon at ideya sa bawat headline.
Naunawaan niyo ba ang panuto?
Kung gayon, maaari na natin simulan ang inyong gawain.
Unang Larawan
ISALBA ANG BORACAYSA AMOYAT BASURA! sa “Wag
kang Pikon” ni Jake Maderazo
By Jake Maderazo February 11, 2018- 11:54 am
Sanggunian: http://radyo.inquirer.net
Isyung Panlipunan
Isyung Panlipunan
Opo, naunawaan po namin.
3. Ano ang pananaw nyo sa unang headline?
Magaling!
Ikalawang Larawan
Ompong rains triggered at least 5 fatal landslides in
Itogon, Benguet
ABS-CBN Posted at Sep 19 2018 09:26 am
Sanggunian: http://news.abs-cbn.com
Ano naman ang masasabi nyo sa ikalawang headline?
Mahusay!
Ikatlong Larawan
Tigdas at sakit dala ng climate change
By Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon)
Sanggunian: http://www.philstar.com
Ano ang pananaw nyo sa ikatlong headline?
Tama! Batay sa inyong mga nasuring headline ano kaya ang
kaugnayan nila sa isa’t isa?
Mahusay! Ang mga ganitong pangyayari o balita katulad ng
problema sa basura, bagyo at pagkakaroon ng sakit dahil sa
pabago bagong panahon ay may kaugnayan sa paksang aralin
natin sa araw na ito. Sa inyong palagay, ano kaya ang usaping
ating pag-aaralan?
Magaling!
(Posibleng sagot ng mag-aaral)
Ang masasabi ko po ay tama lang ang
panandaliang pagsasara ng Boracay dahil
para mapanatili pa din ang kagandahan
ng isla.
Nakakalungkot po, dahil sa bagyo at
walang tigil na pag-ulan nagkaroon po ng
landslides at madami ang nasawi dahil sa
mga ganitong sakuna.
Nakakabahala po, dahil dumarami po ang
nagkakaroon ng tigdas at marami na din
ang mga batang nasawi.
Napansin ko po na bawat headline ay
tumutukoy sa problema o suliranin
pangkapaligiran.
Mga problema o isyu po sa kapaligiran
4. B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay Ang mga Suliranin at
Hamong Pangkapaligiran at ang epekto nito sa komunidad at
bansa. Ano-ano nga ba ang mga suliraning Pangkapaligiran?
Mahusay! Bukod sa Kalamidad may iba’t iba pang suliranin at
hamong pangkapaligiran ang nararanasan sa bansa at ito ay
ang mga sumusunod:
1. Suliranin sa Solid Waste
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman
3. Climate Change
2. Aktibiti/ Gawain (Activity)
Pangkatang Gawain
Para mas mapalalim pa ang pag-unawa niyo sa ating
paksang aralin, bibigyan ko kayo ng pangkatang gawain.
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.
Ngayong kayo ay may grupo na, tayo’y magsimula na. Ako ay
may hawak na tatlong pirasong papel. Kailangan nyong pumili
ng isang representatib na pupunta dito sa unahan at bumunot
ng inyong paksang iuulat.
Nakapili na ba kayo?
Pangkat 1, ano ang inyong nabunot na paksa?
Pangkat 2, ano ang inyong nabunot na paksa?
Pangkat 3, ano ang inyong nabunot na paksa?
Bawat grupo ay bibigyan ko ng teksto na inyong babasahin na
may kaugnayan sa inyong paksang napili. Sa loob ng labing
limang minuto kinakailangang maibigay ng bawat grupo ang
hinihinging impormasyon sa Status Report.
Status Report
Makibahagi sa iyong pangkat upang gumawa ng status report
tungkol sa suliranin at hamong pangkapaligiran na
nararanasan ng ating bansa. Gamiting gabay ang format sa
ibaba. Maging malikhain sa paglalahad ng status report.
Suliranin sa :
Panimula: (Magbanggit ng mga datos tungkol sa
suliraning at hamong pangkapaligiran na nabunot
ng inyong pangkat)
Kahalagahan: (Ipaliwanag ang kahalagahan ng
Nabunot na suliranin at hamong pangkapaligiran.
Suportahan ito ng mga
datos.
Suliranin:
(Suriin ang mga suliraning nararanasan sa
kasalukuyan at epekto nito)
Mga Pagkilos: (Magsaliksik tungkol sa mga
programa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor
tungkol sa likas na yamang napili)
Konklusyon:
(Magbigay ng konklusyon kung bakit patuloy na
nararanasan ang mga suliranin at hamong
pangkapaligiran)
(Posibleng sagot ng mag-aaral)
Ang mga suliranin at hamong
pangkapaligiran po ay problema sa
basura, pagkaubos ng likas na yaman at
pabago bagong klima po.
(Magpapangkat-pangkat ang mga
mag-aaral)
Opo, Ma’am.
Ang amin pong nabunot na paksa ay
Suliranin sa Solid Waste
Ang amin pong nabunot na paksa ay
Pagkasira ng mga Likas na Yaman
Ang amin pong nabunot na paksa ay
Climate Change
5. (Pagkatapos ng 15 minuto)
Ang inyong 15 minuto ay tapos na bago kayo magpaliwanag
nais ko munang ipaalam ang bawat grupo ay makakatanggap
ng puntos na idadagdag sa inyong pagsusulit mamaya
Rubric sa pagmamarka ng status report
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Wasto ang nilalaman.Gumamitng
napapanahong datos.Nailahad ang
hinihingi ng status report
10
Pagsusuri Naipahayag ang pagsusuri sa dahilan kung
bakit patuloy na nararanasan ang mga
suliranin athamong pangkapaligiran gamit
ang napapanahong datos
10
Presentasyon Malikhain at organisado ang paglalahad ng
ideya
5
Kabuuan 25
Maliwanag?
Pangkat 1, maaari nyo ng ilahad ang inyong Status Report
tungkol sa suliranin sa solid waste.
Magaling! Pangkat 1
Bigyan natin sila ng tatlong palakpak
Pangkat 2, maaari nyo ng ilahad ang inyong Status Report
tungkol sa pagkasira ng mga likas na yaman.
Magaling! Pangkat 2
Bigyan natin sila ng tatlong palakpak
Pangkat 3, maaari nyo ng ilahad ang inyong Status Report
tungkol sa climate change.
Magaling! Pangkat 3.
Bigyan natin sila ng tatlong palakpak
3. Pagsusuri (Analysis)
Ano ang pangunahing sanhi ng suliraning
pangkapaligiran?
Paano ito nakaapekto sa ating pamumuhay?
Opo, Ma’am
(Sa pamamagitan ng Status report iuulat
ng mga mag-aaral ang mga paksang
nabunot nila)
(Sa pamamagitan ng Status report iuulat
ng mga mag-aaral ang mga paksang
nabunot nila)
(Sa pamamagitan ng Status report iuulat
ng mga mag-aaral ang mga paksang
nabunot nila)
(Posibleng sagot ng mag-aaral)
Ang pangunahing sanhi ng suliraning
pangkapaligiran ay kawalan ng disiplina
ng mga tao katulad na lamang ng hindi
tamang pagtatapon ng basura, patuloy na
pagpuputol ng puno sa kagubatan at ang
patuloy na gawain ng mga tao na
nakakaapekto sa kapaligiran.
Nakakaapekto ang mga ganitong suliranin
tulad ng problema sa basura, pagkasira
ng likas na yaman at climate change dahil
nalilimitahan nito ang produktibong
paggawa ng mga tao dahil sa patuloy ng
pagkakaroon ng problema sa kapaligiran.
Halimbawa na lang ang pagkakaroon ng
pabago bagong panahon ay maaaring
makapagdulot ng sakit sa mga tao na
makakaapekto sa kanyang araw-araw na
pamumuhay.
6. Kung magpapatuloy ang mga nabanggit na suliranin, ano
ang maaaring mangyari sa ating pamumuhay?
Paano masosolusyunan ang mga nabanggit na suliranin
at hamong pangkapaligiran?
4. Paghahalaw (Abstraction)
Ano-ano ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran?
Mahusay!
Ano ang masasabi nyo sa kasalukuyang kalagayan ng
kapaligiran sa Pilipinas batay sa nabanggit ng mga suliranin?
Magaling!
5. Paglalahat
You Complete Me
Bilang pagtatapos ng araling ito, kompletuhin ang mga
kasunod na pahayag o pangungusap upang mas maunawaan
mo ang aralin.
Ang aralin ay tungkol sa _____________________________
natutunan ko na ___________________________________
________________________________________________
Mahalaga para sa akin ang araling ito sapagkat __________
_________________________________________________
_________________________________________________.
Kung patuloy ang mga nabanggit na
suliranin hindi magkakaroon ng balanse
ang kalikasan, mahalagang mapanatili
ang balanseng ito dahil kung patuloy na
masisira ito ay maapektuhan din ang
pamumuhay ng tao sa pamamagitan ng
pagkasira ng tirahan ng mga tao at
pagkaubos ng ating pinagkukunang-
yaman na siyang tumutulong sa ating
upang patuloy na mabuhay.
Masosolusyunan ang mga ganitong
suliraning pangkapaligiran kung
magkakaroon ang tao ng disiplina sa
paggamit ng likas na yaman, pagiging
mulat ng tao sa mga isyung
pangkapaligiran at kung anong epekto
ang maaring maidulot nito sa pamumuhay
ng tao at higit sa lahat ang pagsuporta,
pag-unawa at pagtulong ng bawat isa sa
mga programa ng pamahalaan at lokal
ukol sa suliraning pangkapaligiran.
Ang mga suliranin at hamong
pangkapaligiran ay mga problema sa solid
waste, pagkasira ng likas na yaman at
climate change.
Ang masasabi ko po na kasalukuyang
kalagayan ng kapaligiran sa Pilipinas ay
nakakabahala dahil may mga tao pa din
po na patuloy sa pagsira sa ating
kalikasan pero sa kabilang banda, ako din
po ay lubos na natutuwa dahil sa mga
bagong programa at solusyon na
ginagawa ng ating pamahalaan at lokal sa
patuloy na pag-sasaayos ng ating
kapaligiran.
(Posibleng sagot ng mag-aaral)
Ang aralin ay tungkol sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran
natutunan ko na napakahalaga na
maunawaan ang mga isyung
pangkapaligiran at dapat na
pahalagahan at pangalagaan ang
ating kapaligiran. Mahalaga para sa
akin ang araling ito sapagkat ang
mga ganitong suliranin ay
napakalaking epekto sa pamumuhay
ng mga Pilipino.
7. 6. Paglalapat (Application)
Kaugnay ng paksang aralin na ating tinalakay, mayroon akong
inihandang maikling video presentation tungkol sa epekto ng
suliranin at hamong pangkapaligiran. Nais kong panuorin at
unawain nyong mabuti ang video. Pagkatapos panuorin, bawat
isa ay gagawa ng slogan na nagpapahayag ng mensahe ng
pangangalaga at pagmamahal sa kapaligiran. Meron lamang
kayong 5 minuto para tapusin ang aking pinapagawa.
Maliwanag?
Maaari na kayong magsimula.
Habang kayo ay may ginagawa. Ito ang magiging batayan ng
inyong gawain.
Mungkahing Rubrik sa slogan
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Nagpapakita ng napakaraming ideya
na pinasok sa isang salita o parirala
para magbigayng nakakamanghang
mensahe.
7
Pagkamalikhain Nagpapamalas ng kakaibang talento
sa paggamitng mga kulayat
pamamaraan na nagpapaganda sa
slogan
3
Mensahe Ang mensaheng dala ng slogan ay
nakakaantig damdamin at
nakakadala ng pagnanasa na sundin
ang slogan
1
Total 10
(Makalipas ang limang minuto)
Ang inyong limang minuto ay tapos na.
Ngayon, nais ko kayong humanap ng inyong
kapareha/kapartner upang ibahagi ang inyong ginawang
slogan. Bibigyan ko lamang kayo ng 2 minuto.
Maliwanag?
Maaari na kayong magsimula
(Pagkatapos ng dalawang minuto)
Batay sa inyong ginawang gawain, ano ang inyong natutunan?
Magaling! Ngayon ay aalamin ko kung talagang naunawaan
ninyo ang ating aralin. Kumaha ng ikapat na bahagi ng papel
para sa inyong maikling pagsusulit.
Opo, Ma’am
(Ang mga mag-aaral ay magsisimula ng
gumawa ng kanilang slogan)
Opo, Ma’am
(Ang mga mag-aaral ay maghahanap ng
kapareha/kapartner upang ibahagi at
ipaliwanag ang ginawa nilang slogan)
(Posibleng sagot ng mag-aaral)
Ang akin pong natutunan ay dapat po
talagang pangalagaan at pahalagahan
ang ating kapaligiran dahil ito po ang
dahilan kung bakit patuloy tayong
nabubuhay.
.
8. IV. Pagtataya
Panuto: Buuin ang sumusunod na pahayag:
1. Ang solid waste ay tumutukoy sa _____________________________.
2. Inilalarawan ang deforestation bilang __________________________.
3. Tumutukoy naman ang Climate Change sa ____________________.
4. Ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay magkakaugnay dahil ___________________________.
5. May kaugnayan ang mga suliraing pangkapaligiran at ang Climate Change dahil ___________________.
(Posibleng Sagot ng mga mag-aaral)
1. Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento,
mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang
hindi nakakalason.
2. Inalalarawan ang deforestation bilang pagkaubos o pagkakalbo ng kagubatan dulot ng patuloy na
pagpuputol ng mga puno at pagkakaingin.
3. Ang climate change ay tumutukoy sa pabago-bago ng panahon dulot ng global warming o patuloy na pag-
init ng temperatura ng daigdig.
4. Ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay magkakaugnay dahil ang sanhi at bunga nito ay may
malaking epekto sa bawat indibidwal at sa pamumuhay ng mga Pilipino.
5. May kaugnayan ang mga suliraning pangkapaligiran at ang climate change dahil ang mga illegal na gawain
ng tao tulad ng pagpuputol ng puno at pagsusunog ng basura ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng pabago-
bagong panahon at klima na nagdudulot ng pagkakaroon ng kalamidad o sakuna na nagiging dahilan ng
pagkakaroon ng suliraning pangkapaligiran.
V. Takdang Aralin
Magsaliksik kung paano paghahandaan ang iba’t ibang hamong pangkapaligiran upang maiwasan ang
malawakang pinsala sa buhay at ari-arian. Isulat ang inyong nakalap na impormasyon sa inyong
kuwaderno.
Inihanda ni:
Bb. Mirabeth J. Encarnacion