Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
1.-Fil-4-Q4-W6-lui.docx
1. La Salette of Quezon, Inc.
Samonte, Quezon, Isabela
ELEMENTARY
SY 2020-2021
Ikaapat na Kwarter
Ikaapat na Markahang Pagtataya
Filipino 4
LSQ: ONE WITH YOU!
2. La Salette of Quezon, Inc.
Elementary
S.Y. 2020-2021 Kwarter 4
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGTATAYA
FILIPINO 4
Pangalan:__________________________________________________Iskor:
________
Baitang at Seksyon:____________________________Petsa:
____________________
I. PAGPIPILI
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Mga kataga, salita o pariralang nag-uugnay ng panglan sa iba pang
salita sa pangungusap.
A. Payak B. Tambalan C. Hugnayan D. Pang-ukol
2. Ito ay uri ng pangungusap ayon sa kayarian na nagpapahayag ng
iisang kaisipan lamang.
A. Payak B. Tambalan C. Hugnayan D. Panaguri
3. Ito ay isang uri ng pangungusap na binubuo ng dalawang kaisipan o
dalawang payak na pangungusap at pinag-uugnay ng mga pangatnig.
A. Payak B. Tambalan C. Hugnayan D. Panaguri
4. Pangungusap na binubuo ng isang punong kaisipan o sugnay na
makapag-iisa at isa pang katulong ka kaisipan o suganay na di
makapag-iisa.
A. Payak B. Tambalan C. Hugnayan D. Panaguri
5. Ito ang pangungusap na nagsasalaysay o nagbibigay-impormasiyon,
naglalarawan, o nagpapaliwanag tungkol sa isang paksa.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Pautos D. Padamdam
6. Pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng
tuwa, lungkot, sakit, galit, o gulat.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Pautos D. Padamdam
7. Pangungusap na nag-uusisa o nagtatanong. Gumagamit ito ng bantas
na tandang pananong.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Pautos D. Padamdam
8. Pangungusap na nagsasad ng utos o pakiusap.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Pautos D. Padamdam
9. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pahayagan dahil dito mababasa
ang mga pangunahing balita sa loob at labas ng bansa.
3. A. Editoryal C. Pamukhang pahina
B. Tanging lathalain D. Pahinang opinyon
10. Mababasa rito ang mga balita tungkol sa mga artista at mga
palabas o pelikulang ipalalabas sa mga telebisyon o sinehan.
A. Anunsiyo klasipikado C. Pahinang panlibangan
B. Pahinang pampalakasan D. Editoryal
11. Mababasa rito ang pananaw o posisyon ng patnugot o editor
tungkol sa mainit at napapanahong paksa.
A. Pamukhang pahina C. Pahinang opinion
B. Editoryal D. Pahinang panlibangan
12. Dito mababasa ang mga balita tungkol sa mga sports at mga
manlalaro.
A. Pahinang panlibangan C. Pamukhang pahina
B. Editoryal D. Tanging lathalain
13. Mababasa rito ang espesiyal na lathalain tungkol sa ilang
paksang kawili-wili sa mga mambabasa.
A. Tanging lathalain C. Editoryal
B. Pamukhang pahina D. Pahinang panlibangan
14. Dito matatagpuan ang mga patalastas ukol sa mga bagay na
ipinagbibili o pinauupahan, mga serbisyo o paglilingkod, gayundin
ang mga pangangailangan para sa mga bakanteng trabaho sa iba’t
ibang kompanya.
A. Pahinang panlibangan C. Tanging lathalain
B. Anunsiyo klasipikado D. Editoryal
15. Dito mababasa ang mga personal na opinyon, palagay, at kuro-
kuro ng mga manunulat tungkol sa iba’t ibang napapanahong paksa at
balita.
A. Anunsiyo klasipikado C. Editoryal
B. Pahinang opinion D. Pamukhang pahina
16. Ito ay uri ng liham-pangalakal na kung saan ito ay nagsasaad ng
opinyon o reaksyon ng mambabasa tungkol sa isang napapanahong
isyu.
A. Liham Pagrereklamo C. Liham ng Pag-order ng Bilihin
B. Liham sa Editor D. Liham ng Pag-aaplay sa
Trabaho
17. Uri ng liham na nagsasaad ng reklamo, puna, mungkahi, o
suhestiyon sa isang bagay o serbisyong hindi naibigay o nagawa nang
tama.
A. Liham Pagrereklamo C. Liham ng Pag-order ng Bilihin
B. Liham sa editor D. Liham ng Pag-aaaplay sa
Trabaho
18. Nakasaad dito ang paghingi ng permiso o paumanhin para sa
pagliban.
4. A. Liham ng Pag-aaplay sa trabaho C. Liham ng Pahingi ng
Permiso
B. Liham sa Editor D. Liham ng Pagmumungkahi
19. Nagsasaad ng pag oorder ng bilihin.
A. Liham Pagrereklamo C. Liham ng Pag-order ng Bilihin
B. Liham sa editor D. Liham ng Pag-aaaplay sa
Trabaho
20. Nakapaloob dito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
nag-aaplay ng trabaho.
A. Liham ng Pag-aaplay sa Trabaho C. Liham ng Paghingi ng
Permiso
B. Liham sa editor D. Liham ng Pagmumungkahi
II. PAGKILALA
A. Panuto: Salungguhitan ang pang-ukol sa bawat bilang. Dalawang
puntos bawat bilang.
1. Ukol sa mabubuting proyekto ang lagi niyang iniisip.
2. Ang mga proyektong ito ay makabubuti para sa mga mamamayan.
3. Siya ay laban sa anumang uri ng korupsiyon.
4. Nagdedesisyon siya batay sa pangangailangan ng mamamayan.
5. Lagi niyang iniisip ang tungkol sa kaunlaran ng taumbayan.
6. May mga programa siya hinggil sa kalinisan.
7. Nagsasakripisyo sya dahil sa pagmamahal niya sa bayan.
8. Siya ay talagang laban sa mga taong gumagawa ng masasamang
bagay.
9. Ayaw niya ng anumang bagay na labag sa batas.
10. Nagtatrabaho siyang mabuti para sa pag-unlad ng buhay ng
bawat mamamayan.
B. Panuto: Kilalanin kung ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa
linya ang: Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong, o Padamdam.
Dalawang puntos bawat bilang.
_________________ 1. Wow! Ang ganda niya!
_________________ 2. Saan ka pupunta?
_________________ 3. Pakikuha naman ang aking bag na naiwan.
_________________ 4. Linisan mo ang iyong damit.
_________________ 5. Kaysarap mabuhay sa mundo.
5. _________________ 6. Masayang makipaglaro sa mga kaibigan
_________________ 7. Magtanim ka ng mga puno sa inyong bakuran.
_________________ 8. Puwede bang tumulong ka sa paglinis ng ating
bakuran.
_________________ 9. Ano ang ginagawa mo para maalagaan ito?
_________________ 10. Yey! Nanalo ako sa paligsahan!
C. Panuto:. Isulat sa linya ang P kung ito'y payak, T kung ito'y
tambalan at H kung ito naman ay hugnayan. Dalawang puntos bawat
bilang.
________ 1. Ang lahat ng tao ay puwedeng magtagumpay
________ 2. Ang ibang bata ay nangangarap maging doktor at ang iba
naman ay
gustong maging negosyante.
________ 3. Matutupad ang lahat ng mga pangarap mo kung mag-
aaral kang mabuti.
________ 4. Walang hilig sa pag-aaral si Ador.
________ 5. Naglalaro lang siya sa computer shop o naglalakwatsa
sila ng mga
kaibigan niya.
---WAKAS---
“Do your best and God will do the Rest”
Patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal !!!