Proyekto sa FIL4: Panitikan ng Rehiyon
Halaw sa librong "Literatura ng Iba't-Ibang Rehiyon ng Pilipinas" (2001) ni Carmelita S. Lorenzo, et. al.,
Presentasyon ni Christine Florida
BSED IIB - FILIPINO
2. MARINDUQUE
Kilala ang Marinduque sa tradisyon nitong
Moriones tuwing Mahal na Araw. Ito ay humigit
kumulang 960 kilometro na kinabibilangan ng mga
munisipalidad ng: Boac, Buenavista, Gasan, Mogpog,
Sta. Cruz at Torrihos. May populasyong 162,578(1975
sensus). Hindi masyadong napipinsala ng malakas na
bagyo ang lugar dahil nakakanlungan ito ng tanso at
pilak at may sapat na ani ng bigas, mais, asukal at
tubo para sa lahat.
3. MARINDUQUE
Nuong una ay bahagi lamang ng Balayan o Bonbon na
ngayon ay Batangas ang Marinduque, ngunit noong
panahon ng Amerikano pinagtibay ng Philippine
Commission ang Batas Blg. 125 na naglalayong ang
maging kabisera ng lalawigang Marinduque ay ang Boac.
Kabilang sa magagandang tanawin dito ang
Balacanan sa Boac, Elephant, Tres Reyes Island at ang
Kweba sa Torrijes.
4. ORIENTAL MINDORO
Tanyag ang lalawigan sa “Tamaraw” at
magagandang tanawin. Ito ay may sukat na
humigit kumulang 4,365 kilometrong
parisukat. Ang cabisera nito ay Calapan caoat
binubuo ng mga munisipalidad ng Baco,
Bansud, Bungabong, Bulalacao, Calapan,
Gloria, Mansalay, Naijan, Pinamalayan, Pola,
Puerto Galera, Roxas, San Teodoro, Socorro at
Victoria
5. ORIENTAL MINDORO
Ang Lawa ng Naujan ay maituturing na yaman ng
lalawigan at ito ay sagana sa mga isdang tabang gaya
ng banak, bangilis, larangay, managat, migat, pingkit at
simbad. Pangunahing produkto dito ang palay, mais,
niyog, troso at isda gayundin ang kalamansi, kape,
saging at rambutan. Pinagkakakitaan din ang
pagmamarmol, paggawa ng kasangkapan, pinto,
bintana, rehas na bakal at ceramics gayundin din ang
paghahayupan: baboy, manok at baka.
6. ORIENTAL MINDORO
Kabilang daw ito sa pangkat San-hsii o “The Three Island”.
Sinasabing naunang nakipagkalakalan ang mga Intsik
kaysa mga kastila at ayon naman kay Felix de Huerta
ay mga Paring Agustino ang unang pangkat na
dumating sa Mindoro at sumunod naman sa kanila ang
mga Jestwista.
Ang magagandang tanawin ng lalawigan ay ang
Aplaya ng Aganao, Balete ng Calapan, Beach sa Puerto
Galera at Tabon ng Tamaraw.
7. OCCIDENTAL MINDORO
Mamburao ang kabisera ng lalawigan na may sukat
na 5,880 kilometrong parisukat na binubuo ng mga
lalawigang Obra de Ilog, Calinatan, Looc, Lubang,
Magsaysay, Mamburao, Palawan, Palawan, Rizal,
Sablayan, San Jose at Santa Cruz.
Mga Mangyan ang naninirahan dito gayun din ang
mga Iraya, Alangan, Naunahan, Batangan, Bukid,
Batagnon, Bangon at Nanunuo lahat silay mga
Mangyan.
8. OCCIDENTAL MINDORO
Pangunahing hanapbuhay ng mga Mangyan ang
paghahalaman at pinagkakakitaan rin sa
kapatagan ang marmol, pag-aasin, buhangin at
graba.
Noong una ay bahagi lamang ng Batangas ang
magkaisang Oriental at Occidental Mindoro subalit
sa bisa ng R.A. No.205 ang Oriental at Occidental
Mindoro ay pinaghiwalay.
9. ROMBLON
Kilala ang Romblon sa tawag na Isla ng
Marmol. Ang lupain ng lalawigan ay humigit
kumulang 1,356 kilometrong parisukat at ang
kabisera nito ay ang Romblon na binubuo ng mga
munisipalidad ng: Alcantara, Banton(Jones),
Cajidiocan(Sibuyan), Clatarava, Conception,
Concuero, Ferrol, Looc Magdiwang, Odiogan,
Romblon, San Agustin, San Andres, San
Fernando, San Jose, Sta. Fe, at Sta. Maria.
10. ROMBLON
Nagtulungan ang mga taga- Romblon at mga
taga Isla ng Banton upang maprotektahan ang
mga tao laban sa mga Muslim at Dutch.
Noong panahon ng kalagitnaan Rebolusyon ng
Pilipinas ay napailalim ang Romblon kay
Mariano Riego de Dios at naging malaya sa
bisa ng Batas Blg. 2724 at naging ganap ang
pagkalalawigan sa bisa ng Batas Blg. 38 na
inesponsor ni Kong. Modesto Femilleza.
11. ROMBLON
Masasabing sa Romblon may pinakamaraming puno ng niyog
sa buong rehiyon at gayundin dito may pinakamalaking
mina ng marmol. Pinagkakakitaan din ang pangingisda at
pag-aalaga ng hayop na tulad ng baboy, manok at baka.
Kabilang sa magagandang tanawin ng lalawigan ang
Talon ng Cataja, Lambingan sa Sibuyan, Talon ng kawa-
kawa sa Lumbang, Talon ng Cajidiocan at Mablaran sa San
Andres, Bonbon, Margie’s Tiamban at Lampasok Beaches.
12. PALAWAN
Ipinagmamalaki ang Palawan sa ganda, linis at
yaman nito. Ito ay pangalawa sa pinakamalaking
lalawigan sa bansa na may sukat na humigit
kumulang 14,896.3 kilometrong parisukat at binubuo
ng lungsod ng Puerto Prinsesa at mga munisipalida
ng: Barlan, Aguitaya, Araceli, Balabac, Brooks Point,
Buseraga, Cagayancillo, Coron Cuyo, Damaran, El
Nido, Kalayaan, Tinapaca, Magsaysay, Narra, Quezon,
Rizal, Roxas, San Vicente at Taytay.
13. PALAWAN
Sa bisa ng Batas Blg. 1365 ito ay pinangalanang Palawan at ang
kabisera ay Puerto Prinsesa. Kilala ang Palawan sa sikat na
Underground River, ito’y isang ilog sa ilalim ng kweba na may
daang-daang paniki at mga ibong lumilipad gayundin ang mga
larawang nakaukit sa dingding ng kweba.
Pangunahing ikinabubuhay ang pangingisda, pagsasaka at
pangangaso.
Kabilang sa magagandang tanawin ng Palawan ang Tabon Caves
sa Quezon Island, Ursusa Island sa Brookes Port, Ulugan Bay sa
Puerto Prinsesa, Palawan Beach Resort, The Cliffs of El Nino at
lahat ng beaches na putting buhangin
14.
15. BUGTONG - isa sa bahagi ng ating kultura
Nang maglihi’y namatay, Kung kailan tahimik,
Nang mag-anak ay nabuhay. Saka nabubuwisit.
Sagot: sinigwelas Sagot: lamok
Walang pinasukan, Kung kailan mo pinatay,
Nakapasok sa kaloob-looban Saka naman humaba ang buhay.
Sagot: pag-iisip Sagot: kandila
Walang itak, walang kampit, Dulong naging puno,
Gumawa ng mahal na ipit. Punong naging dulo
Sagot: gagamba Sagot; tubo
16. SALAWIKAIN, KASABIHAN AT KAWIKAAN-
NAGBABADYA NG ARAL SA BUHAY
• Mayaman ka ma’t marikit / Maganda ang
pananamit / Pag wala kang tagong bait,/ Walang
halagang gahanip.
• Kapag ang nauna’y tamis, ang mahuhuli’y pait.
• Ang taong mapanaghili, lumiligaya man ay sawi.
• Kapag ang tubig ay matinig, asahan mo at
malalim.
17. PAMAHIIN-MGA KILOS NA MAARING
MAGDULOT NG KASIYAHAN AT KAPIGHATIAN
• Masama sa magkapatid ang magpakasal ng sukob sa taon, dahil
ang isa raw sa kanila ay magdaranas ng hirap.
• Masama ang magwalis o magpalis kung gabi, sapagkat mawawala
ang swerte.
• Masama ang kumanta kung nagluluto sapagkat makapag-aasawa
siya ng balo.
• Pagdating sa bahay ng ikakasal, ang lalaki ang dapat munang
pumanhik upang hindi siya maging talun-talunan o ander de saya.
18. AWITING BAYAN
Ang lahat ng bagay sa mundong
ibabaw
Dunong man o layaw bihirang
makamtan
Kundi magtiyaga sa bawat paraan
Ay hindi makukuha ang bawat
mga
Kinakailangan sa sariling buhay
Magnais man tayong magtanim ng
mga halaman
Ay di mag-aani kundi paghihirapan
Kung laging pangarap at titingnan-
tingnan
Ibig man mag-ani walang aanihin
At hindi tinamnan ang lupa’y
nasayang.
LAHAT NG BAGAY SA MUNDO
19. KILALANG MANUNULAT
Dr. Jose P. Rizal(Calamba) Efren Abueg
Teo S. Baylen(Cavite) C.C. Marquez
Alejandro B. Abadilla(Cavite) Rogelio Ordonez
Buenaventura S. Medina Jr.(Cavite) Pascula Poblete
Claro M. Recto(Quezon) Modesto De Castro
Ildefonso Santos(Rizal) Teodoro Agoncillo
Lope K. Santos(Rizal) Bienvenido Lumbera
Ligaya G. Tiamson- Rubin(Rizal) Caspar Aquino De Belen
N.V.M. Gonzales(Romblon) Simplicio Bisa
Celso Alcarunungan Paz Marquez Benitez
Paz Latorena Macario Adriatico