1. Ang Nasyonalismo at Paglaya ng
mga Bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya
2. Ang Pag-unlad ng Nasyonalismong
Tsino
Sa pagsisimula ng 1900, ang Tsina ay handa para sa
isang rebolusyon
Naniniwala ang mga Tsino na moderninasyon at
nasyonalisasyon lamang ang tanging paraan upang
sila ay makalaya mula sa mga dayuhan
Dr. Sun Yat-sen
ay ipinanganak sa Canton ngunit nanirahan at nag-
aral sa Hawaii at nagtapos ng medisina sa Hong
Kong
3. siya ay nagpunta sa Macau upang magpaka-
dalubhasa, ngunit hindi siya pinahintulutan ng
mga Portuges na makapanggamot
nang siya ay bumalik sa Hong Kong, nagkaroon si
Sun ng higit na interes sa politika
reporma sa bansang Tsina
namatay si Sun Yat-sen noong Marso 1, 1925
Si Sun Yat-sen – Ama ng
Republikang Tsina
4. Muling Buhayin ang Tsina
itinatag ni Sun ang mamayang “Muling Buhayin ang
Tsina” (Revive China Society) noong 1895
isang lihim na samahang rebolusyonaryong nag-
balak na agawin ang pamahalaang Tsina mula sa
pamahalaang Ching
ang balak na ito ay hindi nagtagumpay at si Sun ay
ipinatapon ng mga Ching sa Europa, Estados
Unidos, at Hapon
inilahal ng mga rebolusyonaryong delegado mula sa
14 na lalawigan ng bansa bilang pangulo ng
pamahalaang probinsyal.
5. iprinoklama ni Sun Yat-sen ang pagiging Republika
ng Tsina noong Enero 1, 1912
naitatag na ni Sun ang Partido Nasyonalista o ang
tinatawag niyang Kuomintang
7. Ang Rebolusyong Republikano
Ang Kuomintang ay naniniwala sa moderninasyon
at nasyonalisasyon bilang kasagutan sa pagtata-
gumpay ng Tsina.
Napabagsak ng Partido Nasyonalista ang
Dinastiyang Ching noong Oktubre 10, 1911
Ito ay kinikilalang Double 10 sa kasaysayan ng mga
Tsino
Itinanghal na unang pangulo ng Republika at “Ama
ng Nasyonalismong Tsino”
Republikang itinatag ni Sun ay hindi nagtagal.
10. Yuan Shikai
ang pinakamakapangyarihang pinuno ng hukbong
Ching
nakipagkasundo sa mga rebolusyong Nasyonalista
bunga nito, bumaba sa trono si Puyi
puno ng pinakamalakas na puwersang militar sa
Tsina
Puyi
ang emperador noong panahong iyon at opisyal nang
idineklara ni Sun
isinalin niya ang kanyang pagkapangulo ni Yuan
Shikai
12. Inasam ni Sun na makapagtatag ng isang
modernong pamahalaang nakabatay sa “Talong
Prinsipyo ng mg Tao”
Tatlong Prinsipyo ng mga Tao (Three
Principle of the People)
Una: ay nasyonalismo na katumbas ng pag-isa ng
Tsina at pagwakas sa pamamahala ng mga dayuhan
Ikalawa: ang demokrasya ng maglilinang ng isang
pamahalaang nagbibigay-halaga sa karapatan ng
mga tao
Ikatlo: ang kabuhayan na maglilinang sa ekonomiya
ng bansa kabilang na ang pagpapatupad ng
mahalagang reporma sa lupa at industriyalisasyon
14. Hindi nagtagumpay si Sun na mapag-isa ang Tsina
bunga ng kakulangan ng suportang militar
Ipinagkanulo ang mga mithiin ng rebolusyon at
namuo bilang isang diktador simula noong 1913
Nang namatay si Yuan noong Hunyo 6, 1916, ang
Tsina ay naiwan sa gitna ng isang digmaang sibil
15. Ang May Fourth Movement
Ay isang kilusang kultutral at politikal laban sa mga
imperyalistang dayuhan
Nang panahon na ito, si Mao Tse-tung ay nasa
Unibersidad ng Beijing, isa siya sa nagtatag at
namuno sa Partidong Komunista
Ang hakbang na ito ay makapagpapabalik sa Tsina
ng mga lupain sa loob ng bansang Alemanya
Ang lahat ng teritoryong hawak ng mga Aleman sa
Tsina ay ipinagkaloob sa Hapon sa pamamagitan ng
Kasunduan sa Versailles
16. Noong ika-4 ng Mayo 1919, nagtipon ang may 3,000
mag-aaral na Tsino sa Beijing at ipinagsigawan ang
sawikaing “Ibagsak ang mga imperyalistang
Europeo” at “Iboykot ang Hapon”
Mao Tse-tung
isang guro na nag-aaral sa Unibersidad ng Beijing
sinuportahan niya ang kilusan at di naglaon ay
kinilala bilang dakilang rebolusyonaryo
Noong 1921, itinatag ang samahang Tsino
Si Sun Yat-sen at ang Partido Nasyonalista naman
ay nagtatatag ng pamahalaan sa Timog Tsina
17. Sa tulong ni Michael Borodin, tagapayo mula sa
Unang Sobyet, ang Partido Nasyonalista ay muling
lumakas
Itinatag ang isang paaralang militar sa Tsina sa
ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai-shek, isang
kilalang heneral sa hukbo ni Sun Yat-sen
Sinanay ang mlitar ng Partido Nasyonalista kapalit
ng pagsang-ayon nitong ianib ang Partido
Nasyonalista sa Partido Komunista
Noong Unang Digmaang Pandaigdig, ang
pamahalaan ng Beijing ay nagdeklara ng digmaan sa
Alemanya
20. Ang Rebolusyong Nasyonalista
Nang namatay si Sun Yat-sen noong ika-1 ng Marso
1925, siya ay pinalitan ni Chiang Kai-shek
Si Mao Tse-tung ang naging lider ng mga Komu-
nista na namalagi sa Shanghai
Si Chiang Kai-shek naman ang namuno sa mga
nasyonalista na nagtatag ng panibagong
pamahalaan sa Nanking
Noong Abril 1927, sinimulang harapin ng pangkat
ng mga Nasyonalista ang pangkat ng mga Komu-
nista
21. Chiang Kai-shek
Maraming Komunista ang namatay kung
kaya ang pangyayaring ito sa kasaysayan ng
Tsina ay tinatawag na Shanghai Massacre
Noong 1928, Si Chiang Kai-shek ang naging pangul0
ng Nationalist Republic of China
Inilunsad ni Chiang Kai-shek ang mga programa ng
pagbabago at pagpapaunlad sa mga lungsod.
Hindi nagawa ni Chiang Kai-shek na paunlarin ang
buhay ng mga magbubukid
Noong Abril 1927,idineklara ni Chiang ang batas
militar sa Shanghai
22. Ang Rebolusyong Komunista
Si Mao Tse-tung ay isa sa namuno sa mga
komunista sa Shanghai
Siya ay nagtago sa lalawigan at sinimulang muli
ang pagtatatag ng Partido Komunista batay sa
kanyang sariling pananaw
Si Mao Tse-tung ay nangarap at naniwala na kaya
niyang magsimula ng isang rebolusyon
23. Mao Tse-tung o Mao Zedong
Ang mapa na
nagpapakita ng binagtas
na ruta ng kilusang
Komunista ni Mao Tse-
tung upang matakasan
ang tumutugis na
puwersa ni Chiang Kai-
shek
24. Ang Digmaang Sibil sa Tsina
Ito ay nauwi sa isang mahabang panahon na
digmaang sibil sa Tsina
Noong 1930, nagsimula na ang digmaang sibil sa
pagitan ng pamahalaan ni Chiang at ng Partido Ko-
munista ni Mao Tse-tung
Hinimok ni Mao Tse-tung ang mga magbubukid na
sumanib sa itinatag niyang Red Army at sinanay ang
mga ito sa pakikipaglaban
26. The Long March
Sinimulan naman ni Chiang ang puspusang
kampanya laban sa pangkat ni Mao
Noong 1933, pinaligiran ng pangkat ni Chiang na
binubuo ng 700,000 sundalo ang pangkat ni Mao
Natalo ang puwersa ng mga Komunista at dagliang
umatras ang mga ito noong 1934
Sinimulan ng pangkat ni Mao ang mapanganib na
12,500 kilometrong paglalakbay mula Jiangxi
hanggang Shaanxi upang matakasan ang pangkat ni
Chiang
27. Sa kanilang paglalakbay, walang araw na hindi
nakipaglaban ang mga Komunista sa kabila ng hirap
sa mga bundok at pagtawid sa mga latian at ilog
ito ay tumagal nang mahigit isang taon
90,000 Komunistang tumakas
20,000 lamang ang nakaligtas at nakarating sa
Hilagang-Kanlurang Tsina
Muling tinipon at binuo ni Mao ang kanyang
puwersa hanggang sa ang mga kasapi nito ay humigit
pa sa bilang ng kanyang mga naunang tagasunod
29. Ang Pananakop ng mga Hapon sa Tsina
Noong 1937, dagliang inilunsad ng mga Hapones ang
pananakop sa industriyalisadong lupain ng Man-
churia at iba pang bahagi ng Tsina
Nagkaroon ng pansamantalang kasunduan sina
Chiang Kai-shek at Mao Tse-tung
Ang digmaang sibil ay pansamntalang talang inihinto
ng magkabilang panig at magkasamang hinarap ang
puwersa ng mga Hapones
30. Ang Pagtatagumpay ng Partido Komunismo
sa Tsina
Ipinangako ni Chiang Kai-shek ang muling
pagsasakatapuran ng “Tatlong Prinsipyo ng mga
Tao”
Ipinalaganap naman ni Mao ang patakarang “Ang
Bagong Demokrasya” (The New Democracy)
Sosyalismo
ay tumutukoy sa sistemang panlipunan kung saan
ang pagproprodyus at pamamahagi ng mga ani ay
pinamamahalaan ng pamahalaan na siyang
nagkokontrol sa ekonomiya ng bansa
31. Muling sumiklab ang labanang sibil sa pagitan ng
mga puwersa nina Chiang at Mao
Noong 1949, ang pangkat ni Chiang ay umatras sa
lalawigan ng Formosa at iprinoklama ang Taipei
bilang pansamantalang kabisera ng Republic ng
China
Itinatag naman ng mga Komunista ang People’s
Republic of China
Kabaliktaran ang epektibong pagsasakatapuran ng
mga Komunista
Nabigo rin si Chiang Kai-shek na makapagtatag ng
epektibong alituntuning , pangkabuhayan, at
pangmilitar
34. Westernisasyon at Modernisasyon sa Ilalim
ng Panahong Meiji
Ikinagalit ng mga Hapones ang labis na kaparaanang
ibinahagi ng mga shogun sa mga dayuhan
Naging popular sa mga Hapones ang sawikaing
“ipagbunyi ang emperador” at “paalisin ang mga
barbaro”
Buo ang kanilang paniniwalang malaking pinsala
lamang ang idudulot nito sa bansa
Modernisasyon
ay tumutukoy sa transpormasyon ng tradisyonal na
sistemang lipunang piyudal sa higit na maunlad at
makabagong lipunan
36. Noong 1869, kaagad inlipat ng mga Hapones ang
kanilang emperador sa palasyo ng shogun sa Edo,
ang silangang kabisera ng Hapon
Itinatag ni Emperador Mutsuhito ang panibagong
pamahalaan Meiji sa kanyang pamamahala na na-
ngangahulugang “Naliwanagang Pamamahala”
(enlightened rule)
Ipinadala ni Mutsuhito ang ilang mga iskolar na
Hapones sa mga bansang Kanluranin upang pag-
aralan
Iniayon ni Mutsuhito ang konstitusyon ng Hapon sa
bansang ito
Iniayon din ang sistemang edukasyon at pinag-aral
ang mga gurong Hapones sa Estados Unidos
38. Ika-20 na siglo
ang ekonomiya ng Hapon ay kinilala bilang isa sa
pinakamaunlad sa daigdig
ipinagawa ni Mutsuhito ang kauna-unahang daang
bakal sa bansa noong 1872
mula 1875 hanggang 1913, ang produksiyon ng
karbon ay lumago mula kalahating milyong tonelada
hanggang 21 milyong tonelada
ang Hapon ay nakapaglinang na ng iba pang
industriya tulad ng bapor, mga sandata, at iba pang
produktong nagbigay sa bansa
39. Pag-usbong ng Imperyalismong Hapones
Nang sumapit ang taong 1890, ang Hapon ay
marami nang bapor pandigma
Mayroon 500,000 na nagsanay at armadong mga
kawal
Kinilala bilang pinakamalakas na bansa sa Asya
Hinikayat ng kalihim ng ugnayang panlabas ng
Hapon mga dayuhan na alisin na ang extra-
territorial rights na ipinagkaloob sa kanila ng Hapon
noong panahon ng Tokugawa
40. Digmaang Sino-Hapones
Noong 1885, ang Hapon at Tsina ay lumagda sa
isang kasunduang nagsasaad na alinman sa kanila ay
hindi magpadala ng hukbo sa Korea
Noong Hunyo 1894, ang kasunduang ito ay sinira ng
Tsina
Sa loon lamang ng limang buwan, tinalo ng hukbong
Hapones ang hukbong Tsino at sinimulang sakupin
ng una ang Manchuria
Ang digmaang ito ay winakasan ng Kasunduan sa
Shimonoseki
42. Bunsod ng pagkakapanalo ng Hapon, nabago ang
balance of power sa daigdig
Balance of Power
ay tumutukoy sa pagkakaroon ng balanse sa pagitan
ng dalawa o higit pang mga bansa o puwersa upang
di makapangibabaw o makaimpluwensiya ang isa sa
nakakarami
Ang Unyong Sobyet at Hapon ay nakilala bilang
pangunahing kapangyarihan at magkaaway na bansa
43. Digmaang Ruso-Hapones
Manchuria
ay isang rehiyon sa hilaga ng Korea na nasa ilalim
ng pamamahala ng Tsina
Nang umalis ng mga dayuhang hukbo sa Tsina
pagkatapos ng Rebelyong Boxer, ang Rusya ay
nanatili at nagtagal sa Manchuria
45. Noong 1901, ipinag-utos ng Hapon sa Rusya na alisin
ang hukbo nito sa Manchuria
Nilusob ng Hapon ang Hukbong Ruso sa Port Arthur
Pinalubog ang ilang bapor ng mga Ruso na tuluyang
ikinatalo ng mga ito
Ito ay winakasan ng kasunduan sa Portsmouth noong
1905
Si Theodore Roosevelt ay nilagdaan ng dalawang bansa
sa isang bapor na nakadaong sa Portsmouth
Ang lahat ng teritoryong nasakaop ng Hapon ay
ipinagkaloob na muli sa Hapon at sapilitan ding
pinaatras ang Unyong Sobyet mula sa Manchuria at
Korea
48. Ang Pagsakop ng Hapon sa Korea
Matapos ang kasunduan sa Portsmouth, kaagad
sinakop nag Hapon ang Korea at tuluyan itong
isinanib sa kanyang teritoryo, bilang isang
protectorate noong 1910
Protectorate
ay tumutukoy sa isang bansang nasa ilalim ng
pamamahala at proteksiyon ng isang malakas na
bansa
Naging marahas ang Hapon sa pananakop nito sa
Korea
49. Hinikayat din ng pamahalaan ng Hapon ang
pagpapatayo ng anumang negosyong Hapones sa
bansa
Ang mga Koreano ay hindi ay hindi nagsagawa ng
anumang marahas na pag-aalsa laban sa mga
Hapones
Ang pananakop na ito ang nagpasimula ng
paglinang ng nasyonalismong Korean
Sa ilalim ng pamamahala ng Hapon, ang Korea ay
naging isang modernong bansa
50. Ang Korea sa Ilalim ng Hapon
Kaagad pinasimulan ng mga Hapones ang pagtatatag
ng pamahalaang puppet sa pamumuno ni Sun Jong
noong Hulyo 19, 1907
Pinapaniwala ng mga Hapones sa mga Koreano ang
kaisipang “big-little brother relationship” na
nababatay sa pananaw ng Confucianism
Sinolusyonan ng mga Hapones ang hamon ng
kakulangan ng pagkain sa kanilang bansa sa pama-
magitan ng pagluluwas sa kanilang bansa sa murang
pangunahing pagkain at pangangailangan mula sa
Korea.
51. Humigit kumulang sa 48% ng bigas na Korean sa
Hapon noong dekada trenta (1930’s)
Nilinang din ng mga Hapones ang mga impraestaktura
sa Korea
Ang pag-unlad ng Korea ay nahinto samantalang unti-
unti namang nalinang ang industriyalisasyon ng
Hapon
Gawing mistulang bakal lamang ng mga hilaw na
materyales ang kanilang bansa tungo sa
industralisasyon ng Hapon
52. Ang Paglilinang ng Nasyonalismong
Koreano
Nabanggit na ang pinakamahalagang aspeto ng mga
samahang Koreano tungo sa kasarinlan ay walang
tinalakay o sinunod na ideolohiya na maaring mag-
isa sa kanilang kilusang tinampukan ng
magkahiwalay na pangkat
Ang tanging layunin ng mga kilusan ay ang
pagpapatalsik sa mga dayuhang Hapones
53. Ang 3-1 Movement o March 1 Movement
Noong Marso 1, 1919, tatlumpu’t tatlong nasyonalist-
ang Koreano ang naglinang “Declaration of
Independence” para sa Korea
Ang “Fourteen Points” at “and the right of national
self determination of weak nations” ni pangulong
Woodrow Wilson ang naging inspirasyon ng deklarang
ito
Ang bagay na ito ay lumaganap sa kabuuang Koreano
na nagpasimula ng March 1 Movement
3-1 Movement ay binubuo ng mga nasyonalistang
pawang mga Buddhist at Kristiyano
54. Ito ay itinaon sa libing ng huling hari ng Dinastiyang
Yi na si Ko-Jong
Ito ay naganap sa Pagoda Park, Seoul, kasabay ng
pagbasa nito sa ibat iba pang bahagi ng peninsula
Ipinadala ang kopya sa Gobernador-Heneral na may
kalakip na papuri sa panunungkulan ito
Ang pagtitipong ito ay kaagad ipinatigil at ang lahat
ng namuno sa kilusan ay ipinaaresto
Ang pagtitipon ay pinaulanan ng bala ng pulisya na
ikinamatay ng may 6,000 demonstrador, 15,000
sugatan , at 50,000 naaresto
Ang pangyayaring ito ay hindi napagtuunan ng
pansin ng pandaigdigang pamunuan
55. March 1
Movement
March 1 Movement:
Ang mga mamamayang
Korean sa kanilang
selebrasyon ng March 1
Movement noong 1919.
56. Ang Korean Communist Party (KCP), 1925
Ang paglilinang ng Korean Revolution Manifesto
ang nagpasimula ng 3-1 Movement
Ito ay bunga ng pagkagalit ng mga Koreano sa
kalupitan ng mga Hapones
Ang 3-1 Movement ay pinamunuan nina Kim Yong-
bom at Pak Hon-yong
Epekto ng 3-1 Movement sa Korea
Ang 3-1 Movement ay nagbunga ng mahahalagang
bagay sa kasaysayan ng bansa:
58. Ang militarial na pamamalakad ng mga Hapones ay
napalitan ng pamamaraang kultural. Itinatag ang
sibilyang edukasyon ay muling sinuri. Pinagkalooban
din ang mga Koreano ng limitadong kalayaang
maihayag ang kanilang opinyon kasabay ng
pagkakaloob ng karapatang magpulong.
Ipinagkaloob din ang karapatan ng mga Koreano na
magtatag ng mga pangkat nasyonalista na ang pawang
adhikain ay ang pagkakaisa sa halip na puwersang pag-
sasaayos ng mga suliranin sa pamamagitan ng mapaya-
pang pag-uusap, at unti-unting pagsasakatapuran ng
mga kasagutan sa suliranin para sa ikauunlad ng
lipunan.
59. Pinasigla rin nito ang pagtatatag ng provisional
Government of Korea sa Shanghai, na muli namang
nabuwag dahil sa kahinaan nito.
Pinalakas din nito ang kilusan para sa kasarinlan sa
Manchuria, partikular ang hukbong pangkasarinlan
na siyang magpapalakad sa pamahalaan ng lupain.
Ito ay nagbigay daan din sa pagtanggi ng mga
Koreano sa tradisyunal na pamamahala sa bansa
Ang mga Koreano ay humantong sa pagtanggap sa
magkaibang ideolohiya
60. Ito ay naging dahilan ng lumalang komprontasyon sa
pagitan ng mga partido na nahantong sa madugong
digmaang sibil na kung tawagin ay Korean War
Korean
War
62. Ika-20 na siglo
ang mga dayuhan ay nagpatayo ng mga paaralan sa
kanilang mga kolonya
Ang mga posisyon sa pamahalaan ay nakalaan
lamang sa kolonyalistang Kanluranin
Ito ay nagbigay ng pagkakataoon sa mga kabataang
mag-aaral na lumipat sa lungsod o mangibang bansa
upang makapag-aral
Ang mga paaralang mga itinatag ng mga Europeo sa
kanilang mga kolonya ang pinagmulan ng mga
ideyang rebolusyon at nasyonalismo
63. Nasyonalismo sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay bunsod ng damdaming makabayan
at ideyang nasyonalismo na pinasimulan ng Kilusa-
ng Propaganda mula 1872 hanggang 1892
Ang Rebolusyon sa Pilipinas noong 1896 ang pinag-
kukunan ng lakas ng unang rebolusyong nasyonalista
sa Asya
Ikalabing-siyam na dantaon lumawig ang
damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino
Ito ay binuo ng mga Pilipinong elitista na nakapag-
aral sa mga bansang Kanluranin
64. Kilusang
Propaganda
Sina Jose Rizal, Marcelo
H. Del Pilar, at Mariano
Ponce ang pangunahing
patnugot ng La
Solidaridad, ang opisyal
na pahayagan ng
Kilusang Propaganda.
Sila ang tinaguriang
“Maluwalhating Tatlo ng
Kilusang Propaganda
65. Nang napagsimula sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872,
sina Padre Burgos, Gomez, at Zamora ay ipinabitay ng
mga Kastila
Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang Kilusang Propaganda na
nasundan ng La Liga Filipina
Isinulat din ni Rizal ang dalawang aklat na tumutulig-
sa sa katawalian ng mga Kastila – ang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo
Ang Noli Me Tangere ay naging instrumento upang
makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakaki-
lanlan
Ang El Filibusterismo naman ay isang nobelang pam-
politika na nagpadama at nagpagising sa nag-aalab ng
mga Pilipinong matamo ang tunay na kalayaan
69. Pinasiklab ng Unang Sigaw sa Pugad Lawin
noong Agosto 1896 sa pamumuno ni Andres
Bonifacio na siya ring nagtatag ng Katipunan
Winasak ng mga Amerikano ang hukbo ng mga
Kastila sa baybayin ng Maynila at ipinagpilitan ang
kanilang pamamahala sa Pilipinas
Sa pagitan ng mga Amerikano at Kastila noong 1898,
nagsalin ng pamamahala ng Pilipinas sa mga
Amerikano, nagprotesta ang mga Pilipino
Ang Unang Republika ng Pilipinas ay idineklara ni
Heneral Emilio Aguinaldo noong Hunyo 23, 1899 sa
Kawit, Cavite
Sa loob ng tatlong taon, nagpatuloy ang rebolusyon-
aryong Pilipino sa kanilang pakikipaglaban para sa
tunay na kalayaan ng bansa
71. Pinagtabayin ng mga Amerikano ang Batas Tydings-
McDuffie noong 1934
Ang batas na ito ay nagkaloob ng Pamahalaang
Komonwelt sa loob ng sampung taon hanggang sa
iproklama ng mga Amerikano ang kasarinlan ng
bansa noong Hulyo 4,1946
72. Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Burma
(Myanmar)
Ito ay pinamahalaan ng mga Ingles bilang isang la-
lawigan ng India
Ang mga Burmese ay nagtatag ng isang kulisang ti-
nawag nilang General Council of Burmese Association
upang makuha ang suporta ng magkakaibang pangkat-
etniko ng bansa sa isang kilusang magbubukod sa mga
Burmese laban sa mga dayuhang Ingles
73. Si Sir Hubert Rance, ang
huling gobernador ng
Burma, at si Sao Shwe,
ang unang pangulo ng
Burma.
74. Pinamunuan naman ng mga mag-aaral na nagmula
sa Rangoon ang kilusang Dobama Asiayone (We
Burmese Association) noong 1937
Ipinagpilitan ng pangkat na gamitin ang katawagang
thakins, na nangangahulugang “panginoon”
Si U Aung San ang isa sa namuno sa samhang ito
Ang kanilang islogan ay: “ Ang Burma ang aming
bansa ; panitikang Burmese ang aming panitikan;
wikang Burmese ang aming wika”
Si U Aung San ang pinuno ng Dobama Asiayone
Itinalaga bilang kauna-unahang punong ministro ng
Republic of Burma
Ipinatupad nila ang Burma Act of 1935
76. Pag-unlad ng Nasyonalismo sa East Indies
(Indonesia)
Ang mga kabataang nagtamo ng edukasyong Kanlura-
nin sa Indonesia ang siya ring nagsimulang magtatag
ng unang nasyonalista sa bansa - ang Budi Utomo o
“dakilang pagpupunyagi” (glorious endeavor)
Ang Sarekat Islam (Islamic Association) naman ang
unang organisasyong Islamiko sa Indonesia
Ito ay itinatag ni Haji Umar Said Cokroaminoto noong
1912
Ang partido Indies na itinatag ni Douwes Dekker
noong 1912 ay ipinagbawal ng mga Olandes
80. Noong 1914, itinatag naman ni Hendricus Sneevelist,
isang Olandes, ang Indies Social Democratic Associa-
tion na naging Partido Komunista noong 1920
Itinatag ang mga Olandes ang People’s Council of the
Voksraad
Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga Indonesian na
magpahayag ng kanilang puna at kritisismo sa
pamahalaan
Noong taong 1921, nagkaroon ng tensiyon sa pagitan
ng pangkat ng konserbatibo at komunista sa samahang
Sarekat Islam
Noong 1926, itinatag ang samhang General Study
Club na di naglaon ay naging Nationalist Party of
Indonesia sa pamumuno ni Sukarno
81. Nasyonalismo sa Vietnam
Ang kilusan laban sa mga Pranses ay unang nalinag sa
bahaging Timog ng Vietnam kung saan ang mga
Vietnamese ay lantad sa impluwensiyang Tsino
Nang matapos ang Unang Digmaang Daigdig, higit na
sama ang loob ng mga Vietnamese
Noong 1920, si Nguyen Ai Quoc ay umanib sa Partido
Komunista ng Pransiya
Pinalitan ni Nguyen ang kanyang pangalan Ho Chi
Minh
Itinatag ni Ho ang Indo–Chinese Communist Party
noong 1930
84. Ang Tensiyong Cold War sa Asya
Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
naging maligalig ang kalagayan sa mga bansang Asyano
Ang mga pangyayaring naging bunga ng nabanggit na
mga salik ay humantong sa pagkakahati ng ilang bansa
at naging sanhi ng buhay o kamatayan para sa ilan
Umusbong ang mga suliraning bunga ng mga
pagkakiba ng mga prinsipyo at pananaw ng ibat ibang
pangkat etniko at pagtatakda ng hangganan ng mga
teritoryo
85. Ang Cold War
Ay tumutukoy sa namagitang tensiyong diplomatiko sa
pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet, ang
dalawang bansang superpower matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ang mga bansang ito ay tinaguriang superpowers dahil
sila ang kinilalang pinakamalakas na mga bansa sa
daigdig
Ito ay tinaguriang tensiyon sa pagitan ng demokrasya
at komunismo
Ang Silangan ay kilala bilang Communist Bloc, ito ay
pinangungunahan ng Unyong Sobyet kasama ang mga
satellite na bansa nito tulad ng komunistang Tsina
86. Pinangunahan naman ng Estados Unidos ang Kanluran
o Democratic Bloc, na binuo ng mga hindi komunistang
bansa o higit na kilalang malalayang bansa
Ay naging sanhi ng digmaang sibil sa mga bansa sa
Asya at Latin America
Cold War
88. Ang Dalawang Tsina at ang Cold War
Nang matapos ang digmaang sibil sa Tsina, ang bansa
ay nahati sa dalawang nasyon:
Ang Nationalist China o Taiwan na may sukat na
13,000 na milya kuwadrado, at ang mainland o
People’s Republic of China na may sukat na 3.5
milyong milya kuwadrado.
Ang pagkakroon ng dalawang Tsina na may
magkaibang pinapanigang ideolohiya ay nagpalala sa
Cold War.
89. Reaksiyon ng Dalawang Superpower
Noong Cold War, ang Estados Unidos ay naging
kakampi ng Taiwan, na nasa ilalim ng pamumuno ni
Chiang Kai-shek
Pinagkalooban naman ng Unyong Sobyet ang People’s
Republic of China ng tulong-pinansiyal, militar, at
teknikal
Ang mga Unyong Sobyet at Tsino ay nangakong
magtulungan sakaling alinman sa kanilang bansa ay
salakayin ng sinumang bansa
90. Ang Patuloy na Pagpapalawak ng
Komunistang Tsina
Pinalawak ni Mao Tse-tung ang Katimugang Tsina,
Mongolia, Tibet, at Hilagang India
Sa taong 1950 hanggang 1951, sinakop ng Tsina ang
Mongolia at Tibet na kapwa autonomous, mga
lupaing nagsasarili ng pamahalaan
Napilitang lumikas ang maraming Tibetan kabilang
na ang Dalai Lama, ang politikal at espiritwal na
pinuno ng Tibet sa India noong 1959
92. Tensiyong Cold War sa Korea
Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay nagpadala
ng kani-kanilang hukbong militar sa Korea
Ang dalwang makapangyarihang bansa ay hindi
magkasundo sa uri ng pamahalaang itinatag sa
pinag-isang Korea
Ang hilaga ng 38th parallel, ang imahinaryong linya
na naghahati sa Korea sa 38 digri hilagang latitud
Samantala ang timog ng 38th parallel ay isinuko ng
mga Hapones sa mga Amerikano
94. Ang Digmaang Korea (1950-1953)
Noong Hunyo 1949, kapwa inilikas ng Estados Unidos
at Unyong Sobyet ang kani-kanilang hukbo sa Korea
Noong Hunyo 25, 1950, itinawid ng mga taga-Hilagang
Korea ang 38th parallel at sinalakay ang Timog Korea
Namagitan ang United Nations at nagpadala ng huk-
bong militar sa Timog Korea na binubuo ng mga
puwersa mula sa 15 nasyon
Muling napabalik ng hukbong United Nations ang
mga Hilagang Korea sa hilaga ng 38th parallel at
nabawi nito ang Seoul
95. Ang hilagang Korea ay pinamunuan ng diktador na si
Kim II Sung na nagtatag ng kolektibong bukirin at
malalaking industriya
Kolektibong Bukirin
ay tumutukoy sa sentralisadong pamamahala ng mga
lupaing sakahan sa Hilagang Korea
Nang namatay si Kim II Sung noong 1994, ang bansa
ay pinamunuan ng kanyang anak na si Kim Jong II.
Ang komunistang Hilagang Korea ay bumuo ng mga
sandatang nukleyar sa gitna ng malalim na suliraning
pang-ekonomiya at patuloy na paghihikaos ng bansa sa
enerhiya at pagkain
96. Ang Timog Korea ay unang pinamunuan ni Syngman
Rhee
Ang kanyang tatlong termino (1948-1960) bilang
pangulo ng Republic of South Korea ay matinding
naapaektuhan ng tensyong Cold War sa kabuuang
peninsula
Kinilala siya bilang isang anti-communist na
pinunong Timog Korea
Noong Abril 1960, siya ay nagbitiw sa kanyang
katungkulan bilang pangulo ng Timog Korea sa gitna
ng protesta
Pinangunahan ni Heneral Park Chung-hee ang isang
military coup at inagaw ang pamahalaan ng Korean
Second Republic noong 1961
99. Pinamunuan ni Park Chung-hee ang republika bilang
isang makapamgyarihang punong militar at lider ng
Supreme Council for National Reconstruction
Namahala sa Timog Korea mula Mayo 16, 1961
hanggang sa maitalaga ang Ikatlong Republika ng
Timog Korea noong 1963
Noong 1972, idineklara ni Park Chung-hee ang batas
militar at namuno bilang isang diktador
Kinilala si Park na siyang nagtaguyod sa bansa bilang
“Miracle on the Han River” hanggang 1979
Si Park ay pataksil na pinatay noong Oktubre 26, 1979
Noong 1996, ang Hilagang Korea ay muling nagpadala
ng hukbong militar sa demilitarized zone o DMZ
101. 37,000 sundalo ng Timog Korea ang nakatalaga sa
DMZ
Demilitarized Zone
ay tumutukoy sa hangganan ng dalwang hukbong
militar kung saan ipinagbabawal ang anumang
pagkilos militar
Demilitarized
Zone
102. Ang Tensiyong Cold War sa Vietnam
Tinulungan ng mga Hapones na mag-organisa ng
pangkat ang mga Vietnamese Nationalist at nabuo ang
Viet Minh
Viet Minh
isang samahang komunista na pinamumunuan ni Ho
Chi Minh
Noong Marso 13, 1954, nagsanib ang puwersa ang mga
nasyonalista at Komunistang Vietnamese at
magkasamang nilabanan ang mga Pranses sa labanan
sa Dien Bien Phu, ang kauna-unahang digmaan sa
Indotsina
105. Noong Mayo 7, 1954, natalo ang mga Pranses sa
labanang ito at napilitang sumuko
Ito ay tinapos sa Kasunduan ng Geneva (Geneva
Accord) noong Mayo 8, 1954
Ang Vietnam ay hinati sa dalawang sona sa bisa ng 17th
parallel
Noong 1956, umatras na nag mga hukbong Pranses sa
bansa
Sinuportahan ng Estados Unidos ang pamahalaan ng
Timog Vietnam
Ang Hilagang Vietnam naman ay sinuportahan ng
komunistang Tsina at Unyong Sobyet
107. Ang Digmaan sa Vietnam
Noong Marso 1959 hanggang Abril 30, 1975 naganap
ang Digmaang Vietnam
Noong 1960, ang hidwaan sa pagitan ng Hilaga at
Timog Vietnam ay lumala
Nagpadala ng Estados Unidos ng mga sandata at
hukbo sa Timog Vietnam upang tulungan ang
komunismo
Sinimulan ang mga Vietcong, mga rebolusyonaryong
komunista sa Timog Vietnam
Pinagambanan din ng Estados Unidos ang domino
theory o ang paniniwalang ang isang pangyayaring
politikal
108. Vietnam War
Bunsod ng kagustuhan
ng mga Pranses na mu-
ling maangkin ang
Vietnam, nanlaban ang
mga Vietcong.
Nasangkot ang Estados
Unidos sa digmaan
dahil sa pangamba nito-
ng lumawak ang maging
sakop na satellite ang
komunismo sa rehiyon.
Ang larawan sa kanan
ang naging pinaka-
popular na larawang
nakuha noong digmaan
sa Vietnam.
109. Noong 1973, tumagal ang labanan ng mga komunista
at demokratikong hukbo sa bansa hanggang sa
magkaroon ng kasunduang kapayapaan
Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris o Paris
Accords na nilagdaan ng magkabilang panig noong
1973
Nagwakas ang digmaan nang magtagumpay ang mga
komunistang Vietnamese noong 1975
May 1.5 milyong Vietnamese at 58,000 na Amerikano
ang namatay sa digmaan
Ang mga industriya at negosyo ay kaagad ipinailalim
sa kontrol ng pamahalaan
110. Ang Tensiyong Cold War sa Cambodia
Ginamit ng Hilagang Vietnam ang Cambodia bilang
base militar at daanan ng suplay ng mga sandatang
pandigma nito
Ito ay bunga ng pakikipagkasundo ni Pol Pot, lider
komunista ng samahang Khmer Rouge
Noong 1970, ang pamumuno ng pamahalaan ng
Cambodia sa ilalim ni Norodom Sihanouk ay inagaw ni
Heneral Lon Nol
Ang pamahalaan naman ni Heneral Lon Nol ay
hinamon ng Khmer Rouge
115. Idineklara ni Pol Pot ang mga katagang “This is Year
Zero and the society was about to be purified”
Ang mga Cambodian na gamay na sa buhay lungsod ay
sapilitang pinagsaka at pinagtrabaho sa loob ng 18 oras
Nirasyunan lamang ang ng 180 gramo ng bigas ang
bawa’t tao sa bawa’t dalawang araw
Ang mga sakahan ng bansa ay tinaguriang “killing
fields” ni Pol Pot
Ang pangyayaring nito ay ikinagalit ng Vietnam at
noong Disyembre 25, 1978 sinalakay nito ang
Cambodia
Nilisan lamang ng mga puwersang militar ng Vietnam
ang Cambodia noong 1989
116. Ang pangyayaring ito ay nagsilbing daan tungo sa
Kasunduang Paris noong Oktubre 1991
Itinalaga ang United Nations Transitional Authority
sa Cambodia (UNTAC)
United Nations Transitional Authority
(UNTAC)
ay inatasang samsamin ang armas ng lahat ng
paksiyon sa bannsa at ihanda ito sa isang pambansang
halalan
Muling itinalaga ng Cambodia ang pamahalaang
Constitutional Monarchy at nagdaos ng isang
malayang halalan
119. Constitutional Monarchy
ay pinamumunuan ng isang monarko o hari na gina-
gabayan ng isang saligang batas kung saan ang kanya-
ng mga karapatan, gawain, at responsibilidad ay
nakatala
Si Pol Pot ay nabihag at ibinilanggo bilang kaparusa-
han sa mga kasalanang kanyang nagawa laban sa mga
Cambodian
120. Epekto ng mga Samahang Pangkababaihan
tungo sa Pagkakapantay-pantay
Internasyunal man o lokal ang nagbigay suporta sa
higit na nagtamo ng mga karapatang ito ng mga kaba-
baihan
Sa mabilis na pagbawi ng ekonomiya sa rehiyon noong
1997 hanggang 1998 matapos ang krisis pinansiyal
Ayon sa World bank, at isang opisyal na estadikistang
inilabas ng Tsina, 40 porsyento ng lakas manggawa sa
Export Processing Zone ng bansa ay binubuo ng mga
kababaihan
84 na porsyento naman ng kababaihan ang bumubuo
sa mahigit na 200,000 manggagawa
121. Nakatulong sa paglilinang ng ekonomiya ng bansa
dulot ng remittances
May 23 porsyento na ng kababaihan ang kabilang sa
kauna-unahang pambansang parlimayento ng bansa
Sa Singapore, dating 2.5 na porsyento ng kababaihang
may partisipasyon sa pamamahala ay tumaas na rin sa
16 na porsyento mula noong 2001
122. Ibuod
Naganap ang digmaang sibil sa Tsina at nagtatagum- pay ang
mga Komunista noong 1949.
Itinatag ng mga Pilipino ang kauna-unahang kilusang
nasyonalismo sa Timog-silangang Asya.
Ang mga kilusang nasyonalismo sa Timog-silangang Asya ay
binuo ng mga kabataang nagsisipag-aral.
Nakatulong sa paglilinang ng damdaming nasyonalismo ng
mga Asyano ang mga ideyang karapatang pantao at kalayaan
ng indibidwal na nagmula sa mga bansang kanluranin.
Ang Cold War ay nagdulot ng matinding suliranin sa mga
bansang Asyano.
Ang tensiyong Cold war ang naging ang naging sanhi ng
pagkakahati ng Korea sa Hilagang Korea at Timog Korea at
naging sanhi ng digmaan sa Vietnam.