Nagsimula noong ika-15 na siglo ang dakilang
panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng
mga lugar na hindi pa nararating ng mga
Europeo.
Tatlong dahilan o motibo para sa
kolonyalismong dulot ng eksplorasyon:
1. Paghahanap ng kayamanan
2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
3. Paghahangad ng katanyagan at karangalan.
Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para
sa mga Europeo. Bagama’t ang kanilang
kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang
at hango lamang sa mga tala ng mga
manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn
Battuta.
Mahalaga ang aklat na “The travels of Marco
Polo” (circa 1298) sapagkat ipinabatid nito sa
mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay
ng China.
Samantala, itinala ng Muslim na manlalakbay
na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa
Asya at Africa.
Compass ang nagbibigay ng tamang direksiyon.
Astrolabe sinusukat ang taas ng bituin.
Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng
paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain-
ang Portugal at Spain.
Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo
dahil kay Prinsipe Henry the navigator.
Sa Espanya nagsimula ito noong 1469 nang
magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng Aragon.
Sila ang sumuporta sa pagpapanatili ng
kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa
Castille. Sa kanilang paghahari nasupil ang mga
Muslim sa Granada at nagwakas ang
Reconquista.
Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad
Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu
Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na
naging kilala sa katawagang Cape of Good
Hope.
Noong 1497 ay apat na sasakyang pandagat
ang naglakbay na pinamumunuan ni Vasco Da
Gama mula Portugal hanggang India.
Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu at
Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay
na seda, porselana at pampalasa na
pangunahing kailangan ng mga Portuges sa
kanilang bansa.
Si Prinsipe Henry, ay anak ni Haring Juan ng
Portugal, ang naging pangunahing
tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa
pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga
mandaragat. Siya ay tagagawa ng mapa,
matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng
siyensiya g nabigasyon sa bansa. Siya ang
naging patron ng mga manlalakbay kaya
ikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang
“The Navigator” Dahil sa kaniyang mga
itinaguyod na paglalakbay ay nakarating siya
sa Azores, isla ng Madeira, at sa mga isla ng
Cape Verde.
Ang Paghahangad ng Spain ng
Kayamanan Mula sa Silangan
Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng
Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469
ay naging daan upang ang Spain ay maghangad
din ng mga kayamanan sa Silangan.
Noong 1492 ay tinulungan ng Hari si Christoper
Columbus na ilunsad ang kaniyang unang
ekspedisyon patungong India na dumaan
pakanluran ng Atlantiko. Naabot niya ang mga isla
ng Bahamas na sa kanyang pagkakaakala ay India
dahil sa ag kulay ng mga taong naninirahan doon
ay gaya g mga taga-India kaya tinawag niya ang
mga itong Indians.
Tatlong buwan ang inilagi ng kanyang
paglalakbay ng maabot nila ang Hispaniola (sa
kasalukuyan ay ag mga bansa ng Haiti at
Dominican Republic) at ang Cuba.
Binigyan si Columbus ng titulong Admiral of the
Sea, Viceroy, at Gobernador ng mga islang
kaniyang natagpuan sa Indies. Natagpuan din
niya ang Carribean at sa South America.
Noong 1507, isang Italyanong nabigador, si
Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si
Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo.
Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa
pangalan ni Amerigo kaya nakilala bilang
America.