ANG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
Naimbento ang agham hindi lamang sa panahon ng
Rebolusyong Siyentipiko. Ito ay malaon ng
ginagamit ng mga Greek bilang scientia na
nangangahulugang “kaalaman”. Subalit wala pang
konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi
pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista
Noong ika-15 na siglo, ang pag-unawa ng
mga Europo tungkol sa mundo at sansinukob
ay batay sa aral ng mga Kristyano at
pilosopiya ni Aristotle. Masasabing
napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong
sa tradisyonal na kahiwagaan ng sansinukob
Ang ika-16 at ika-17 na siglo ay ang hudyat
sa pagpasok sa Rebolusyong Siyentipiko. Ito
ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa
pamamagitan ng eksperimento bunga ng
kanilang pagmamasid sa sansinukob
Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa
pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman
at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating
impluwensiya ng Simbahan sa pamumuhay at
kaisipan ng mga tao ay nababawasan at humina
dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na
kaalaman na pinatunayan ng “bagong siyensiya”.
Naging tulong ang panahon ng katuwirang (age of
reason) upang magkaroon ng bagong liwanag ang
mga tradisyonal na ideya at nabigyan ng bagong
paglalarawan at redepinisyon ang lipunan
Ang Polish na si Nicolas Copernicus ay
nagpasimula ng kaniyang propesyong siyentipiko
sa Pamantasan ng Krakow, Poland noong 1492.
Kaalinsabay nito ang panahon ng pagkakatuklas ni
Christopher Columbus sa America. Sa panahong
ito ay napagsimula na si Copernicus ng mga
pagtatanong tungkol sa pangunahing paniniwala at
tradisyon ng mga tao.
Batay sa kaniyang mga ginawang pananliksik
nalaman niya na ang mga ideyang itinuturo at
pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon na iyon
ukol sa Sansinukuban ay mag mga pagkakamali.
Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog na
taliwas sa naunang paniniwala na ito ay patag at
kapag narating na ng isang manlalakbay ang dulo
nito ay possible siyang mahulog.
Isa pa sa kaniyang inilahad ay ukol sa pag-ikot ng
mundo sa sarili nitong aksis habang ito’y umiikot
sa araw. Idinagdag pa niya na ang araw ang siyang
nasa sentro ng Sansinukuban na taliwas sa
itinuturo ng Simbahan na ang mundo ang sentro ng
Sansinukuban. Ang teoryang ito ay nakilala bilang
Teoryang Heliocentric.
Ang kaisipang ito ni Copernicus ay di niya
kaagad inilathala sa dahilang posibleng ito ang
maging daan sa mga puna mula sa Simbahan at
nangangahulugan ng persekyusiyon,
ekskomunikasyon, o pagsunog ng bahay sa
pamamagitan ng instiquisition
MGA BAGONG TEORYA UKOL SA
SANSINUKUBAN
Si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer,
natural scientist, at mahusay na matematisyan. Siya ay
nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng
matematika na tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang
parabilog sa gitna ng kalawakan. Ito ay tinatawag niyang
ellipse.
Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay di pare-
pareho sa bilis ng kanilang paggalaw nguni’t
bumibilis ito kung papalit sa araw at bumabagal
kung ito’y papalayo.
Nagkaroon ng mga pagtatanong si Kepler sa mga pinuno
sa academics at Simbahan ng panahon na iyon. Hindi
siya nagkaroon ng pag-aalinlangan sa kaniyang mga
hinuha at pagsusuri at maging sa pagtatanong sa
Simbahan dahil siya’y kabilang sa kilusang nagprotesta
tungkol sa Simbahan sa panahong iyon. Nguni’t ang
kaniyang kontemporaryo na si Galileo Galilei na isang
Italyano at Katoliko ay nagkaroon ng malaking
oposisyon sa simbahan
Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kaniyang
imbensiyong teleskopyo at naging dahilang ng
kaniyang pagdiskubre sa kalawakan. Ang kaniyang
pagtanggap sa teoryang itinuro ni Copernicus ay
ginagamit na dahilan upang siya’y mapailalim sa isang
imbestigasyon ng mga pinuno ng Simbahan ay naging
daan upang bawiin niya ang ibang resulta ng kaniyang
ginagawang mga pag-aaral at upang di ito maging daan
ng pagtitiwala sa kaniya ng Simbahan
Matapos ang retraksiyon ay nagpatuloy pa
rin siya sa mga siyentipikong pagtuklas na
naging basehan ng pagbuo ng mga unibersal
na batas
ANG PANAHON NG ENLIGHTENMENT
Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng
rebolusyon sa iba-ibang aspekto ng buhay. Marami ang
nagmungkahi na gamitin ang pamaraan ito upang mapaunlad
ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika,
panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinatawag din itong
Panahon ng Kaliwanagan (Enlightment).
Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng
mga pilosopo. Bagama’t ang Panahong Enlightment
ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe
noong ika-18 na siglo, maari ding sabihing ito ay isang
kilusang intelektuwal
Ang Enlightment ay binubuo ng mga iskolar na
nagtangkang iahon ng mga Europeo mula sa mahabang
panahon ng kawalan ng katuwirang at pamayani ng
pamiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.
Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing
pundasyon ng mga mordenong ideyang may kinalaman sa
pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at maging sa sinig. Ang
mga intelektuwal na ito ay nakilala bilang mga philosopher o
pangakat ng mga intelektuwal na humikayat sa paggamit ng
katuwirang, kaalaman at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin
at kamangmangan.
ANG MAKABAGONG IDEYANG
PAMPOLITIKA
Naging daan ang mga pagbabago sa siyensiya upang mapag-
isipan ng mga pilosopo at marunong na kung ang mga
sistematikong batas ay maaring maging kasagutan sa paglikha
ng sansinukob at kapaligiran, maari ding maging gabay ang
mga ito sa mga ugnayang politikal, pangkabuhayan, at
panlipunan.
Inaakala nilang maipaliwanag ang mga bagay-bagay sa
tulong ng analitikong pangangatuwiran. Tunay na
malaki ang impluwensiya ng siyentipikong pag-iisip sa
teoryang pampolitika
ANG PAGPAPALIWANAG NI HOBBES
TUNGKOL SA PAMAHALAAN
Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law upang
isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang
pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Pinaniwalaan niya na
ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dito ay
kailangan ng isang absolutong pinuno upang supilin ang
ganitong mga pangyayari.
Sa kaniyang psgpapaplimbag ng isinulat niyang aklat
na “Leviathan” noong 1651 ay inilarawan niya ang
isang lipunan na walang pinuno at ang possibleng
maging direksiyon nito tungo sa magulong lipunan.
Binigyan niya ng pagdidiin na ang tao ay
kinakailangan pumasok sa isang kasunduan sa
pamahalaan naa kailangan iwanan niyaang lahat ng
kaniyang kalayaan at maging masunurin sa puno ng
pamahalaan. Dahil sa kasunduang ito, pangangalagaan
at protektahan ng pinuno ang kanyang nasasakupan. Di
na bibigyan pa ng karapatang magrebelde ang mga tao,
kahit pa hindi makatuwirang ang pamamalakad.
PAGPAPAHAYAG NG BAGONG
PANANAW NI LOCKE
Isa pa sa kinilalang pilosopo sa England ay John
Locke na may paniniwala kagaya ng kay Hobbes na
kinakailangan magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng
mga tao at ng kanilang pinuno.
Nguni’t naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kaniyang
natural na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may
mataas na moral, at mayroong mga natural na karapatan
ukol sa buhay, kalayaan, at pag-aari. Sinasabi niya na ang
tao ay maaaring sumira sa kaniyang kasunduan sa pinuno
kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay
ang kaniyang mga natural na karapatan. Binigyan diin din
niya na kung ang tao ay gumagamit ng pangangatuwiran sila
ay makarating sa pagbuo ng isang pamahalaan may
mabisang pakikipag-ugnayan na maktutulong sa kanila ng
pinuno
Ang kaniyang mga ideya ay sinusulat niya noong 1689 sa
pamamgitan ng lathalaing “Two Treatises of Government”.
Ang kaniyang sulatin ay naging popular at
nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europe at maging sa
kolonya ng England, ang Kolonyang Amerikano. Ang
ideya niya ang naging basehan ng mga Amerikano na
lumaya sa pamumuno ng Great Britain. Ang Deklarasyon
ng Kalayaan na sinusulat ni Thomas Jefferson ay naging
mahalagaang sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles.
Ito ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa
pagitan ng mga tao at ng pamahlaan. Isa pa sa kinilalang
pilosopo sa larangan ng politika ay ang Pranses na si
Baron de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng
paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan. Hinati
niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: ang lehislatura na
ang pangunahaing gawain ay ang pagbubuo sa batas; ang
ehektibo na nagpapatupad ng batas, at ang hukuman na
tumatayong tagahatol.
Si Voltaire o Francois Marie Arouet, sa tunay na buhay
at isa ring Pranses ay sumulat ng ilang mga lathalain
laban sa Simbahan at Korteng Royal ng France. Ito ang
naging dahilan ng kaniyang dalawang beses na
pagkakabilanggo at nang lumaon siya pinatapon sa
England. Pinagpatuloy niya ang pagsusulat sa England at
binigyan niya ng pagpapahalaga ang pilosopiya ni Francis
Bacon at sinyensiya ni Isaac Newton.
ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malalaking pagbabago sa
aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United
States. Ang transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang
Rebolusyong Industriyal dahil pinalitan nito ang gawaing manwal sa
mga kabukiran ng mga bansa, karagdagan kita at pamilihian ng kanilang
mga yaring produkto. Maraming mga naninirahan sa mga kabukiran ang
lumapit ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga industriya
upang kumita nang malaki.
ANG BAGONG URI NG REBOLUSYONG
Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang
pabrika ay bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Industryal.
Ito ang panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula
nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng
makinarya sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng
malakilang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa
dahilang naging mabilis ang kanilang produksiyon at ito’y
lumaki.
Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking
kita at mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Nagsimula ito noong 1760 na kung kailan nagkaroon
ng mga bagong imbensiyon sa pansakahan ang nabuo
at pinasimulan ang rebolusyong sa agrikultura.
ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG
INDUSTRIYAL
-ang Great Britain ang nagpasimula dahil sa pagkakaroon nito
ng maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa
pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika. Lumaganap ang
kaniyang pakikipagkalakalan at ito ay naging dahilan ng
pagiging matatag ng kaniyang kalakalan. Sinuportahan mabuti
ng pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatag
ng malakas na hukbong pandagat upang protektahan ang
kanilang imperyo ng kalakal
-noong taong 1760 ay pansimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng
tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng sistemang domestiko (domestic
system) ang trabaho sa pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga
tahanan. Ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang
trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang sa makabuo ng
isang tapos na produkto na kaniya namang pinagbibili at pinatutuban.
Nguni’t ang halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong sistema nga ng
pabubuo na matagal. Ang mayayaman lamang ang may oportunidad na
magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang
gamit sa tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lanmang ng
panahong iyon.
-taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikanong
nagngangalang Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay naktulong
para maging madali ang panghihiwalay ng buto at iba pang
mga materyal sa bulak na dati ay ginagawa ng halos 50
manggagawa. Dahil dito naging mabilis na ang nasabing
proseso at nakatulong ito sa malaking produksiyon para sa
paggawa ng tela sa United States.
-dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay
naging madali ang pagprodyus ng mga tela at naging
mura na itong bilhin. Halimbawa ang makinang
spinning jenny na nagpabilis sa paglalagay ng mga
sinulid sa bukilya. Ang dating ginagawa ng walong
manggagawa ay maari nang gawin ng isa na lamang sa
tulong ng nagbanggit na makinarya.
ANG PAGLAGO AT PAGLAKI NG
REBOLUSYONG INDUSTRIAL
Ang pagkakaimbento sa steam engine ay naging daan para
maragdagan ang suplay ng enerhiya na magpapatakbo sa
mga pabrika. Kaya mas marami pang mga sumusunod na
imbensiyon na ginawa ang tao na karaniwang gawa sa bakal
gaya ng mga makinarya sa bukid, baril, sasakyang dumaraan
sa mga riles.
Nakatulong ito sa mabilis na pagdadala ng mga
produkto sa pamamgitan ng makabagong
telekomunikasyon. Naging kilala ang pangalan ni
Alexander Graham Bell bilang imbentor ng unang
telepono at Thomas Alva Edison na nagpakilala ng
lakas ng elektrisidad upang nang lumaon ay
makatulong para ang isang buong komunidad ay
malinawagan nito at patakbuhin pa ang mga makabago
nilang kasangkapan
Si Samuel B. Morse naman ay pinakilala ang telegrapo
na nakatulong para makapagpadala ng mga mensahe sa
mga kakilala, kaibigan, at kamag anakan sa ibang lugar.
Ang Newcom Steam Engine at Watt Steam Engine na
naimbento noong 1705 at 1760 na nakatulong sa pag-
pump ng tubig na ginamit para makapagsuplay ng tubig
na magbibigay ng enerhiyang hydroelectric na
nagpapatakbo ng mga makianrya sa mga pabrika.
EPEKTO NG INDUSTRIYALISMO
Nagbago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo.
Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga-probinsiya.
Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lungsod at naging
squatter. Sa kawalan ng hanapbuhay marami ang
naging palaboy. Maging ang mga bata ay napilitang
magtrabaho.
Isa ito sa naging nakabigat na suliraning panlipunan at
pang-ekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang
pampolitika. Gayundin ang pagkaroon ng tinatawag na
gitnang uri ng lipunan o middle class society.
Nagbunga ito ng pagtatag ng mga unyong ng mga
manggagawa hanggang noong kalagitnaan ng ika-19
na siglo.
Sa pag-unlad ng industriyalisasyong, higit pang
nagsikap ang mga Kanluranin. Sa pananakop ng mga
kolonya. Ito ay dahil sa pangangalaingan nila ng mga
hilaw na sangkap na, nagbigay ng mga kolonya. Ito rin
ang mga magsisilbing pamilihan ng kanilang mga
produkto