2. • Nagsimula noong ika-15 na siglo ang dakilang
panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga
lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo.
EKPLORASYON
nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop
ng isang makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa.
4. 1) Paghahanap ng kayamanan.
2) Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
3) Paghahangad ng katanyagan at karangalan.
---------------------------------------
Noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo naganap ang
unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin.
5. IMPERYALISMO
- Ang panghihimasok, pagimpluwensiya, o pagkontrol
ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang
bansa.
- Maari itong tuwiran o di-tuwirang mananakop.
6. Hindi sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga
Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 na
siglo kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng:
Pagiging mausisa na dulot ng Renaissance
Pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, at
pagtuklas
Pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon
at sasakyang pandagat.
7. Sa kanilang paglalakbay, maraming pagsubok ang
kanilang kinaharap.
Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay
nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng
kasaysayan ng daigdig.
Sa kabuuan,ang panahon ng eksplorasyon ay naging
dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan
tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo.
9. Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga
Europeo.
Bagama’t ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay
limitado lamang at hango lamang sa mga tala ng mga
manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta.
Napukaw ang kanilang paghahangad na marating ito
dahil sa mga paglalarawan dito bilang mayayamang
lugar.
10. Mahalaga ang aklat na “The Travels of Marco Polo”
(1298) sapgkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang
yaman at kaunlarang taglay ng China.
Hinikayat nito ang mga Europeo na marating ang
China.
Samantala, itinala ng Muslim na manlalakbay na si Ibn
Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa.
11. Nakadagdag ang mga tala nina Marco Polo at Ibn
Battuta sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng
mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya, lalo
pa at ang rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya sa
panahong ito ay kontrolado ng mga Muslim.
12. Sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay at
mangangalakal na ito nang matuklasan ang compass at
astrolabe.
COMPASS
-nagbibigay ng tamang direksiyon habang naglalakbay .
ASTROLABE
-ginagamit ito upang sukatin ang taas ng bituin.
13. Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng
paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain- ang
Portugal at Spain.
Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo dahil
kay Prinsipe Henry the Navigator na naging
inspirasyon ng mga manlalayag sa kanyang panahon.
Siya ang nag-anyaya sa mga dalubhasang mandaragat
na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga
tao.
14. Sukdulan ang kanyang pangarap na makatuklas ng
mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng
Portugal.
Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag
ng mga Europeo noong ika-16 na siglo.
Ito ang panahon kung saan naitatag ang unang
pinakamalaking imperyo ng mga Europeo.
15. Ang mga imperyong ito ang nagpasimula ng mga
dakilang pagtuklas ng mga lupain.
Sa panig ng mga Espanol, nagsimula ito noong 1469
nang magpagkasal si Isabella kay Ferdinand ng
Aragon.
Sila ang sumusuporta sa pagpapanatili ng
kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille.
16. Sa kanilang pagahahari rin nasupil ang mga Muslim sa
Granada at nagwakas ang Reconquista.
Noong ika-17 na siglo, naitatag ang mga bagong
imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France at
Netherlands.
Ang mga ito ang nagbigay lakas sa mga Europeo upang
palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap
ng mga produktong galing sa Silangan.