Publicité
Publicité

Contenu connexe

Publicité
Publicité

unang yugto ng imperyalismong kanluranin

  1. UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN PREPARED BY: DCT FLORENCE G. ALVAR RHYZEIL ANJELLA F. DAGUHOY
  2. UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN • Nagsimula noog ika-15 na siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. • Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. TATLONG BAGAY NA ITINUTURING NA MOTIBO PARA SA KOLONYALISMONG DULOT NG EKSPLORASYON: (1)Paghahanap ng kayamanan (2)Pagpapalaganap ng Kristiyanismo at; (3)Paghahangad ng katanyagan at karangalan. IMPERYALISMO • Ay ang panghihimasok, pagimpluwensya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa, noong ika-5 hanggang ika-17 na siglo na naganap ang unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin.
  3. RENAISSANCE • Hindi sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 na siglo kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng pagiging mausisa na dulot nila. Pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, at pagtuklas, at pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pandagat. Sa kanilang paglalakbay, maraming pagsubok ang kanilang kinaharap. Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay nagkakaroon ng matinding epekto sa nagging takbo ng kasasaysayan ng daigdig. Sa panahon ng eksplorasyon ay naging dahil upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapaalawak ng mga imperyong Europeo.
  4. MGA MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON
  5. • Ang asya ay isang nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagamat ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang at hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta, napukaw ang kanilang paghahangad na marating ito dahil sa mga paglalarawan ditto bilang mayayamang lugar. • Mahalaga ang aklat na “THE TRAVELS OF MARCO POLO” (circa 1298) sapagkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. • Samantala, itinala ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. • Nakadagdag ang mga tala nina Marco Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong rut patungo sa kayamananng Asya, lalo pa at ang rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya sa panahong ito kontrolado ng mga Musim. • Sumang-ayon ang panahon sa mgamanlalakbay at mangangalakal na ito nang matuklasan ang compass at astrolabe, na kapwa Malaki rin ang tulong nito sa mga manlalayag.
  6. • Ang compass ang nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay samantalang gamit naman ang astrolabe upang sukatin ang taas ng bituin. Portugal at Spain • Dalawang bansa sa Europe na nag pasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain. • Nanguna ang Portugal sa bansang Europeo dahil kay Prinsipe Henry the Navigator na nagging inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang panahon. Siya ang nag-anyaya sa mga dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. • Sukdulan ang kaniyang pangarap, na makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos ng Portugal. • Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeonoong ika-16 na siglo. Ito ang panahon kung saan naitatag ang unang pinakamalaking imperyo ng mga Europeo.
  7. • Ang imperyong ito ang nagpasimula ng mga dakilang pagtuklas ng mga lupain. Sa panig ng mga Español, nagsimula ito noong 1469 nang magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng Aragon. • Sila ang sumuporta sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Sa kanilang paghahari rin nasupil ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang Reconquista. • Noong ika-17 na siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France, at Netherlands. Ang mga ito ang nag bibigay lakas sa mga Europeo upang palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga produktong galing sa Silangan.
  8. Ang Paghahanap ng Spices • Mula noong ika-13 na siglo nagging depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg. • Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga- Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Idian ay bumibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe nasiyang nagdadala ng mga panindang itosa mga mangangalakal na taga-Venice. • Dahil sa pagmomonopolya sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong mangangalakal na direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spices na kailangan nila. SPICES • Ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang pabango, kosmetiks, at medisina.
  9. PINANGUNAHAN NG PORTUGAL ANG PAGGAGALUGAD • Ang Portugal angkauna-unahang bnasang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa karagatan ng Atlantica upang makahanap ng mga spices at ginto. • Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag ang mga mandaragat na Potuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya. • Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na nagging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaaring makarating sa silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. • Samantalang noong 1497 ay apat na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. • Ang nasabing ekspendisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut,India.
  10. • Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda, porselana, at pampalasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang bansa. • Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal na magkaroon ng direktang pakikipagkalakalan sa kanila ngunit di siya gaanong nagtagumpay dito. • Sa bansang Portugal ay nkilala siyang bayani. Dahil sa kanya nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon sa silangan at ganoon dinang maunlad na kalakalan. PRINSIPE HENRY - Anak ni Haring Juan ng Portugal, ang nagging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga mandaragat. Siya ay taga gawa ng mapa, matematisyan, astrologo,at mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa. - Siya ang nagging patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang “The Navigator.” dahil sa kaniyang mga itinaguyod na paglalakbay ay nakarating siya sa Azores, isla ng Madeira, at mga isla ng Cape Verde.
  11. Ang Paghahangad ng Spain ng kayamanan mula sa Silangan • Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay nagging daan upang ang Spain ay maghahangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ang nagingdaan sa pagpapadala ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan si Columbus na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon patungong India na dumaan pakanaluran ng Atlaniko. Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan. Ngunit naabot din niya ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil sa ang kulay ng mga taong naninirahan doon ay gaya ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga itong Indians. • Tatlong buwan ang inilagi ng kanilang paglalakbay ng maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami silang natagpuang ginto ditto na makasasapat na sa pangangailan ng Spain ngunit sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya.
  12. • Pagbalik niya sa Spain ay ipinagbunyi ang mga resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy, at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon na ang kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506. narrating niya ang mga isla sa bagong ruta patungo sa Silangan. • Masusuri atin sa pangyayari ito na may kakulangan sa mga makabagong gamit ang mga ginawang paglalakbay gaya ng mapa na di pa maunlad. Noong 1507, isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng bagong mundo. Ang lugar na ito ng lumaon ay sinunod sa pangalan ni Amerigo kaya nakilala ito bilang America. Ito ay naitala sa mapa ng Europe kasama ng iba pang mga bagong diskubre na mga isla.
  13. PAGHATI NG MUNDO • Noong 1493 ay gumamit ng line of demarcation ang Papa, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola. • Ipinaliliwanag nito ang lahat ng mga natatagpuang kalupaan at katubigan sa kanlurang bahagi nglinya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay para naman sa Portugal. • Nagduda ang mga Portuges sa nagging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa Spain. Nakita nila baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa Kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa silangan. • Sa pamamagitan ng line of demarcation ay baguhin at ilayo Pakanluran. Ipinakikita ditto na ang bahagi ng panahon na iyon ay ipinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga taga Europe.
  14. ANG PAGLALAKBAY NI FERDINAND MAGELLAN • Taong 1519 nang magsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng Spain. Nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungo sa Silangan. Natagpuan nila ang Silangang baybayin ng South America o bansang Brazil sa kasalukuyan. • Nilakbay din nila ang isang makitid na daanan ng tubig; ang Strait of Magellan ngayon, pinasok ang malawak na karagatan ng Pasipiko hanggang marating ang Pilipinas. • Sa haba ng paglalakbay nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan at pagkagutom. Ngunit nalagpasan nila ang lahat ng ito at nakatagpo n malaking kayamanang ginto at pampalasa. • Naging matagumpay din sila na madala sa Katolismoang mga katutubo. • Sa pangkalahatan, nagpatunay ang mga ekspedisyon na maaaring ikutin ang mundo at muling makabalik sa pinanggalingan. • Pinatunayan ito ng barkong Victoria ay nakabaliksa Spain kahit pa napatay si Magellan ng isa pag- ikot sa mundo. Itinama nito anglumang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang kalupaan sa Silangan kaya’t lalo pang nakilala ang mga yaman nito.
  15. ANG MGA DUTCH • Sa pagpasok ng ika-17 na siglo, napalitan ang mga dutch ang mga Portuguese bilang panhunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinataniman ang mga halamang mabili sa pamilihan. Ang nagging epikto nito ay ang sapilitang paggawa na nagging patakaran din ng mga español sa Pilipinas.
  16. The End
Publicité