Fil-121-Aralin-3-midterm.pptx

Aralin
3
Ang mga Genre ng Wika at Iba’t ibang Genre
ng Nakasulat na Teksto
Likas na talent ng tao ang kakayahan sa pagsulat.
Ang mga tunog ay tinutumbasan ng simbulo upang
maipahayag ang damdamin at kaisipan sa pamamaraang
nanaisin.
May limang genre ang wika- paglalarawan,
pagsasalaysay, paglalahad, pangangatwiran at pagtatalo.
Mahalaga ang pagkakaroon ng batayang kaalaman
sa genre ng wika at genre ng mga akdang literature
upang hindi magkaroon ng kalituhan lalo’t higit sa antas
ng pandalubhasaan, kung saan bawat disiplina o
larangan ay may nakalimbag na teksto o akda.
Mga Genre ng Wika
Paglalarawan Pagsasalaysay Paglalahad Pangangatwiran
Pagtatalo
A. Paglalarawan
Kilala rin ito sa tawag na Deskripsyon. Kasangkapan
nito ang isang malikhaing isipan at mayamang
bokabularyo. Ang kakayahan sa paggamit at pagtukoy
mh mga idyoma o talinghagang naglalarawan ng hindi
hayag ay isang karagdagang kasanayan. Ipinalalabas ng
mga ito ang isnag biswal na konsepto ukol sa isang
bagay, tao, pook, pangyayari at iba pa.
1. Objektib o
Konkreto
Layunin nito ang
makapaghatid.
Itinatala ang mga
hayag na katangian
gamit ang mga payak
at direktang salita.
Hal: Si Tomas ay
matanda na.
2. Sabjektib o
Masining
Ninanaisa nitong
makapukaw ng
damdamin at
pagaahin ang hiraya
ng bumabasa o
nakikinig. Ito ang
nagbibigay kulay sa
isang paglalarawan.
Hal: Si Tomas ay
lipas na sa
kalendaryo.
3. Teknikal
Madalas na gamitin sa
aganitong palalarawna
ang mga ilustrasyon o
grap na ispesipikong
matutukoy ang katangian
na nais ipalaiwanag. Ang
ganitong uri ang
ginagamit sa mga
panahong mahalaga ang
akyurasi at presisyon.
Hal: Anatomika ng
katawan ng tao.
Mga Uri ng Paglalarawan
Mga Salik sa Paglalarawan
1. Wika- tinutumbasan nito ang biswal na katangian gamit ang
slita.
2. Organisasyon ng Detalye- ang wastong pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari at ang ignayan ng bawat isa.
3. Pananaw- ang damdamin ng naglalarawan ukol sa inilalarawan.
Kung positibo ang impresyon, gayon din ang damdamin. Ang
negatibong damdamin ay lumilikha ng negatibong larawan.
4. Kakintalan- ang pangkalahatan o pangkabuuang impresyon.
Dito nasusukat ang kabisaan ng paglalarawan.
Mga
Pamamaraan
1. Progresibong Paglalarawan- sumusunod ang isang tiyak na
balangkas na mula sa isang pangkalahatang impresyon papunta
sa mga ispesipikong detalye.
2. Piktoryal o Grapiko- ang larawan o ilustrasyon ay nakahayag at
nakatala ang mga tiyak na salitang nagllarawan o tumutukoy
ditto.
3. Hambingan at Kontras- ang isnag bagay na kabilang sa isang
pangkat o uri ay illarawan batay sa mga katangian nito na
katulad sa grupo subalit tutukuyin din ang ikinatangi nito sa
mga kauri.
4. Masining o Indirekta- ang ganitong pamamaraan ang tinatawag
na “impressions” o “ between the lines” ginagamit diot ang mga
patalinghagang pahayag at idyoma.
5. Sayantipik o Teknikal- inilalapat ang kaukulang syentipiko o
teknikal na katawagan upang mapalawak ang kakintalang
mabubuo sa isipan.
Line Graph/
Linyang Grap
Pie Graph/
Bilog na Grap
Bar Grap/ Bar
Grap
Mga Halimbawa ng Grap
Paghahambing at Kontrast
Masining at Indirekta
Hal:
1. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
2. Ang pag-ibig ay halamang yumabong sa dilig ng
maarugang may-ari.
Sayantipik o Teknikal
Weather Forecast
Vital Signs
Proseso ng Paglalarawan
1. Mangalap ng kaukulang tala o datos.
2. Bumuo ng isang pangkalahatang impresyon o
kabuuang larawan.
3. Piliin ang pananaw na gagamitin. Maaaring
kronolohikal, heograpikal, ayon sa
kahalagahan o sa posisyon ng naglalarawan.
(zoom in zoom out)
4. Isulat ang burador.
5. I-edit ang isinulat.
B. Pagsasalaysay
Ito ang genreng Naratib. Ito ay palasak at madalas
gamitin. Ang salitang-ugat nito ay Salaysay o Kuwento.
Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid ang mga
pangyayaring may kaugnay mula sa pananaw ng
nagsasalaysay.
Mga Uri ng Sasalaysay
1. Salaysay na batay sa Katotohanan- kabilang dito ang
mga akdang pangkasanayan kung saan ang mga datos at
tala ay hango sa mga totoong pangyayari. Itinuturing na
objektib ang ganitong uri.
2. Salaysay sa Likhang-isip- Bagamat taglay nito ang isang
paniniwalang Universal, angmga pangyayari at sikwens ay
poksyunal o bunga lamang ng isang malikhain at
mayamang hiraya.
Elemento ng Mabisang Salaysay
1. Panahon- may tiyak na panahon ng pinagkaganapan ng
mga pangyayari. Ito ang nagpapatibay ng daloy ng mga
pangyayari.
2. Kahulugan- ito ang siyang diwa ng salaysay. Dito
nagmumula ang mga motibasyon at aksyon ng mga
kasangkot.
3. Kaayusan- ang bumubuo sa kasiningan at
pagkaepektibo ng salaysay. Ang hindi paikut-ikot at
patalun-talong pagkakaayos ng mga pangyayari ang
nagpapadali sa kabatiran.
Elemento ng Mabisang Salaysay
4. Pananaw- ito ang bahaging sumasagot sa tanong na “Sino ang
nagsasalaysay” at “ Ano ang kaugnayan niya rito?” Tatlo ang punto de
vista ng tagapagsalaysay.
a) Unang Panauhan- ang nagsasalaysay ang gumaganap sa kilos ng
pagsasalaysay. Kadalasang ginagamit ang salitang “Ako” “Kami”.
b) Ikalawang panauhan- isang tagamasid na may limitadong akses
ang nagsasalaysay. Tinutukoy niy ang mga pangyayari batay sa
nasaksihan. “Ikaw” “mo” “kayo”.
c) Ikatlong Panauhan- kinikilala rin ito bilang “Omniscient Point of
View” sapagkat taglay ng tagapagsalaysay ang kapangyarihang
matukoy ang damdamin at iniisip ng mga tauhan ng kanyang
isinasalaysay. “Kanya” “Kanila”
Elemento ng Mabisang Salaysay
5. Dayalogo- ang tuloy-tuloy na pagsisiwalat ng mga
pangyayari ay nagiging kabagut-bagot kaya’t isinisingit ang
mga salitan o usapan upang magkabuhay ang
pagsasalaysay.
Katangian ng Mabuting Salaysay
1. May kaakit-akit na pamagat.
2. Mahalaga ang paksang tinatalakay.
3. Kawili-wili ang panimula.
4. May angkop na utilisasyon ng mga salita.
5. Maayos ang ugnayan at pamamaraan ng pagkakabuo
ng teksto.
C. Paglalahad
Paglalahad
Kung ang Pagsasalaysay ay pagkukuwento
batay sa isang pananaw at naglalayog umaliw o
magpabatid ng kaisipan, ang paglalahad o
ekspositori ay pamamaraan ng pagpapaliwanag.
Binibigyang katwiran nito aang mga kaisipang
sinasaklaw ng karunungan ng tao. Mahalaga
ang pagkakaroon ng sapat na detalye upang
epektibo ang pagpapahatid ng mensahe.
Mga Anyo ng Paglalahad
1. Pagbibigay Katuturan o depinisyon- paraan ito ng
pagtukoy ng kahulugan ng salita. Dalawang
pamamaraan ang magagamit sa kasanayang ito.
a. Maanyo o Simpleng Depinisyon- sa pamamagitan ng isang
pangungusap ay ibibigay ang kahulugan ng salita.
Hal: (Simple)
salita uri kahulugan/kaibahan
Pagmamahal Damdamin pagsinta o paghanga sa antas na
na malalim kaysa paghanga.
Ang pagmamahal ay isang dadamin kung saan ang paghanga
ay nasa antas na mas malalim kaysa paghanga. (Maanyo)
Mga Anyo ng Paglalahad
b. Pagsasanay- higit na mahaba kaysa isa o dalawang pangungusap
ang kinakailangan upang matukoy ang kahulugan. Masinsinan ang
pamamaraan ng pagtukoy sa katangian at kaibahan nito sa mga
kauri.
Dapat Taglayin ng Paglalahad
1. Kalinawan- natatamo ito sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng kaisahan ng diwa at mahusay na
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
2. Bisa/Kabisaan- kung sapat ang pagbibigay-diin o
emphasis sa mga bahagi na nangangailangan nito.
3. Gilas- ang paraan ng pagkatanggap sa mensahe ay
nakabatay sa maganda at masining na pananalita.
4. Estilo at Hinis- ang kaanyuan ng pamamaraan ng
paglalahad at batay sa estilo na ginamit ng awtor.
Dapat anyong nakikipag-usap lamang at hindi
gaanong mahigpit istrikto.
2. Ulat- ang paghahatid ng impormasyon ukol sa nabaa,
narinig, napanood, napag-aralan o sinaliksik. Maari itong
pasulat o pasalita. Ang ibang anyo nito ay gumagamit ng
grap, o ilustrasyon upang lubos na maipaunawa ang mga
konsepto.
Tatlong Uri ng Ulat
a. Ulat Pananaliksik- ang ganitong uri ay kinapapalooban
ng mga natuklasan sa tulong ng riserts at
eksperimentasyon. Madalas itong gamitin sa mga
larangan ng syensya at edukasyon.
b. Ulat Tekniko- maliban sa mga pangkaraniwang
pinag=aaralan o sinusuri, ang mga bahaging teknikal
ay kailangan ding mabigyang linaw at maipaliwanag.
Kabilang ditto ang teknikalidad sa larangan ng
brodkasting, pelikula, radio at information technology.
Tatlong Uri ng Ulat
c. Ulat sa Panayam o Pagbasa- kilala rin ito bilang
reaction paper. Dito ipinapahayag ang mga puna,
komento at mungkahi ukol sa narinig o nabasa.
3. Sanaysay- lumulutang ang katauhanng manunulat sa
paraan ng kanyang pagsulat. Malawak ang maaaring
maging tema nito sapagkat ang pinakapaksa ay buhay.
Ang mga nakapaloo na kaisipan ditto ay mula sa
manunulat kaya’t makatutulong ito sa pagpapayaman ng
kaisipan, madagdagan ang karanasan mapalalim ang pag-
unawa.
Uri o Estilo ng Sanaysay
a. Formal-lohikal ang paraan ng paglalahad ng
mga kaisipan, ang pagbuo ay sumusunod sa
isang balangkas, himig seryoso at tila may
awtoridad kung saan mababanaag ang
panahong iniukol sa pag-aaral ng mga
detalyeng ipinahayag.
b. Informal- mas Malaya at maluwang ang tono
at himig, halos nakikipagbiro at animo’y
nakikipagpalitan lamang mh kuro-kuro.
Kawili-wili itong basahin bagama’t nakatanim
parin ang kaisipang nais ipahatid.
4. Panuto- ang mga anyo nito ay resipi, handbook sa
pagbuo ng isang kasangkapan, placard ng direksyon, ang
mga paalala sa panimula ng isang pagsusulit o pagsasanay.
Mga Sangkap ng Panuto
a. Panimula o Paksa
b. Mga Kagamitan o Materyales
c. Mga hakbang sa paggawa
d. Wakas
5. Panunuri o Kritisismo- pinapahalagahan, tinitimbang at
pinagpapasyahan ang konseptong nakapaloob sa akda.
Nangangailangan ito ng sapat na kakayahan, husay at
panahon upang mapagtagumpayan. Karaniwang
sumasailalim sa prosesong panunuri ang mga akdang
literature.
D. Pangangatwiran
Isa itong pamamaraan upang sa pamamagitan ng
panghihikayat ay mabago ang paniniwala ng kaharap o
kausap.
Mga Anyo ng Pangangatwiran
1. Formal- seryoso ang tono at malalim ang tema ang
paksa.
2. Informal- personal madaling unawain at naaangkop sa
karaniwang buhay.
Mga Uri ng Pangangatwiran
1. Pagbuod o Induktibo- ang daloy ng pangangatwiran
sa uring ito ay nagsisimula sa mga maliliit na detalye
patungo sa isang pangkalahatang kaisipan . Maaaring
isagawa ito sa pamamagitan ng pagtutulad, pag-
uugnay sa sanhi ng pangyayari at paggamit ng
katibayan at patunay.
2. Pagsaklaw o Deduktibo- ang pamamaraang
kinasasangkutan ng silohismo. Ang silohismo ay
nagsisimula sa isang pahayag na sinusundan ng
simulating panlahat at ng konklusyon.
Tuntunin ng Silohismo
1. Tatlo lamang ang termino, dalawang batayan at ang
konklusyon. Ang panggitnang termino ay dapat
maging bahagi ng isa man lamang na batayan.
2. Ang panggitnang termino ay dapat maging bahagi ng
isa man lamang na batayan.
3. Iwasan ang paggamit ng dalawang negatibong
batayan.
4. Ang partikular ng mga batayan ay walang mabubuong
konklusyon.
Tatlong Klase ng Silohismo
1. Kategorikal- katangian nito ang pagiging tiyak, ganap
at kawalan ng mga kondisyon.
Hal: Ang ibon ay lumilipad.
Ang Maya ay lumilipad.
Ang Maya ay ibon.
2. Haypotetikal- ang major premise o pangunahing
batayan at isang palagay lamang, na susundan ng
sekundarya o minor premise na tutuloy sa konklusyon.
Hal: Ang babae ay nanganganak.
Si Annabelle ay nanganganak.
Si Annabelle ay babae.
Tatlong Klase ng Silohismo
3. Disjanktib- sa anyong ito ang pang-uri ay mga phrase o
parirala na di nagsasanib o naglalapat, kung saan ang
major premise ay disjanktib, at ang minor premise at
konklusyon ay agad na sumusunod.
Hal: Ang bata ay maaaring babae o lalaki.
Ang bata ay hindi babae.
Ang bata ay lalaki.
E. Pagtatalo o Debate
Ito ang pagtatagisan ng mga kaalaman sa mga patunay
at pruwebang nasaliksik ng dalawang pangkat kung saan
ang isa ay sumasang-ayon at ang isa ay sumasalungat sa
isang napagkasunduang proposisyon o paksang
pagtatalunan. Mahalaga sa kasanayang ito ang kalinawan
ng pag-iisip, hinahon at matinding pag-unawa. Ang
genreng ito ay pasalita ang kadalasang anyo.
Mga Genre ng Dalawang
anyo ng Akdang Literatura-
Bahagi, Nilalaman at
Layunin
A. Dalawang Anyo ng Akdang Literatura
1. Poesya o Patula- ang anyong ito ay binubuo sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang may
binibilang na pantig at may taglay na sukat at tugma.
Tatlong kaanyuan ng Tula
a. Liriko o Pandadamin- ang tulang ito ay uno ng
emosyon. May himig ito at maaaring awitin. Ang mga
halimbawa ng gnitong kaanyuan ay: elihiya o eulogy
(tula sa isng yumao), oda o ode, (tylang papuri),
kantahin o song, (anyong may tono at himig) at ang
sonnet (binubuo ng 14 taludtod na may 2 taludturan)
A. Dalawang Anyo ng Akdang Literatura
1. Poesya o Patula- ang anyong ito ay binubuo sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang may
binibilang na pantig at may taglay na sukat at tugma.
Tatlong kaanyuan ng Tula
a. Liriko o Pandadamin- ang tulang ito ay uno ng
emosyon. May himig ito at maaaring awitin. Ang mga
halimbawa ng gnitong kaanyuan ay: elihiya o eulogy
(tula sa isng yumao), oda o ode, (tylang papuri),
kantahin o song, (anyong may tono at himig) at ang
sonnet (binubuo ng 14 taludtod na may 2 taludturan)
A. Dalawang Anyo ng Akdang Literatura
b. Pasalaysay – nagkukuwento ang mga ganitong
kaanyuan ukol sa isang pangyayaring naganap o likhang-
isip lamang. Maaaring epiko o epic (tula ng kabayanihan)
o awit at korido (tula ng pakikipagsapalaran).
c. Pandulaan- itinatanghal ang mga ganitong anyo sa
entablado. Maaaring paawit (musicale) o pasalitang
walang himig.
2. Prosa o Tuluyan- pagpapahayag ito sa pamamaraang
nakaayos ang mga detalye sa isang pangungusap.
Amluwag ito at madaling maunawaan.
B. Mga Genre ng Anyong Tuluyan: Bahagi, Nilalaman
1. Maikling Kuwento- ito ang itinuturing na pinakabata
sa mga genre ng panitikan. Nakalahad ditto ang mga
pangyayari, suliranin, pakikipagsapalaran at
pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan. Maiksi ito
at madaling matapos sa isang upuan.
Nilalaman at Bahagi ng Maikling Kuwento
a. Panimula- nakapaloob ditto ang tagpuan, tauhan,
pook, at panahong kinaganapan.
b. Saglit na Kasiglahan- ito ang bahaging tumutugon sa
unang suliranin na inihahanap ng lunas.
B. Mga Genre ng Anyong Tuluyan: Bahagi, Nilalaman
c. Suliraning inihahanap ng Lunas- matapos ang bahagi ng
pananabik ay ilalahad sa bahaging ito ay aktwal na
suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan.
d. Kasukdulan o Climax- dito nabubuo ang naipong
damdamin ng mga pinagsama-samang pangyayari mula
sa mga tauhan.
e. Kakalasan/ Wakas- ito’y bigla at di ipinapaliwanag kung
saan malayang nagagamit ng mambabasa ang kanyang
isip sa pagturol ng kakintalang ipinahiwatig o ipinahatid.
2. Nobela ay ang pinakahabang bersyon ng maikling kuwento.
Ito ay nahahati sa iba’t ibang kabanata na nagkakaroon
ng samu’t saring pangyayari na kinapapalooban ng iba’t
ibang kuwento na may kaugnayan sa pangunahing
tauhan. Ito ay kinapapalooban ng ibang tauhan na
nauugnay sa pangunahing tauhan. Ito ay kinapapalooban
ng ibang tauhan na nauugnay sa pangunahing tauhan.
Ang bawat kabanata at may takdang katapusan na
nagbibigay liwanag na pangunahing suliranin at
nakakatulong malutas ang suliranin sa akda.
3. Dula- ang ganitong genre ay itinatanghal sa entablado
kung saan ginagampanan ng mga artista o actor ang mga
tauhan, nilalapatan nila ng karampatang kilos,
ekspresyon, tono at paglalahad ang mga salitaan o
dayalogong nakasulat sa isang inihandang iskrip o
balangkas ng salitaan.
Mga Sangkap ng Dula
1. Isang paglalahad ng mga kaganapan (sequence of
events)
2. Isang suliranin
3. Pagliliwanag ng suliranin
4. Alamat- ito ang panulat na nagpapakita ng pinagmulan
ng bagay, pook o lugar. Ito ay kathang isip at naglalayong
magbigay aliw at aral sa mambabasa. Kinagigiliwan itonf
basahin ng mga bata.
5. Pabula- ay mga nakakaaliw at nakakatuwang kuwento
na ang karaniwang tauhan ay hayop at bagay. Nagllayong
magbigay aliw at aral na pangkaasalan.
6. Parabula- ay mga magagandang kuwento na hango sa
Bibliya. Ang layunin ay magbigay aral sa mambabasa.
7. Talambuhay- paglalahad ukol sa pansariling tala o
kasaysayan sa buhay ng isang tanyag o may impluwensiya
at halagang tao.
8. Talumpati- maaaring binibigkas mula sa memorya o
binabasa sa harap ng awdyens.
Bahagi ng Talumpati
1. Introduksyon- panimula, inihahanda nito ang mga
tagapakinig sa anumang ibabahagi ng tagapagsalita.
2. Diskusyon- ito ang pagtatalakay ng paksa o katawan
ng talumpati. Nakalahad ang mga patunay at
argumentong pinanghahawakan ng tagapagsalita.
3. Konklusyon- pamamaalam ang bahaging ito kung
saan maaaring ipaalala ng tagapagsalita ang
mahahalagang puntos sa kanyang tinalakay o
tahasang tukuyin ang kakintalang nais niyang
ipabatid.
C. Layunin ng mga Genre ng Nakasulat na Teksto
1. Ang mga maikling kuwento, nobela, alamat at pabula
ay mga akdang pasalaysay na ang pangunahing layunin ay
magpabatid habang inaaliw ang mga mambabasa.
Nagnanais ang mga itong mag-iwan ng isang
pangmatagalang impresyon at makibahagi ng isang
kabutihang natutuhan sa karanasang pinagdaanan.
C. Layunin ng mga Genre ng Nakasulat na Teksto
2. Ang Talambuhay at talumpati ay naglalayong
angatwiran ukol sa isang pansariling paniniwala o
konbiksyon. Ipinapakita ang mga patunay at pruweba
ukol sa kabutihan ng paniniwalang ito.
Sa pangkalahatan, ang layunin ng mga genre mg iba’t
ibang nakasulat na teksto ang maging bahagi ng buhay ng
mambabasa o tagapakinig.
1 sur 49

Recommandé

Ang pagtatalata par
Ang pagtatalataAng pagtatalata
Ang pagtatalataGary Leo Garcia
54.3K vues19 diapositives
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino par
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoMga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoTEACHER JHAJHA
10.5K vues35 diapositives
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao iv par
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao ivBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao iv
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao ivJenny Rose Basa
31.7K vues4 diapositives
MAKRONG KASANAYAN par
MAKRONG KASANAYANMAKRONG KASANAYAN
MAKRONG KASANAYANMary Ann Calma
16.6K vues28 diapositives
PANG-URI (all about pang-uri) par
PANG-URI (all about pang-uri)PANG-URI (all about pang-uri)
PANG-URI (all about pang-uri)None
177.5K vues25 diapositives
Debate ppt par
Debate pptDebate ppt
Debate pptEvelyn Manahan
136.2K vues23 diapositives

Contenu connexe

Tendances

Retorika at gramatika par
Retorika at gramatikaRetorika at gramatika
Retorika at gramatikaSaint Thomas Academy
49.8K vues19 diapositives
Banghay aralin par
Banghay aralinBanghay aralin
Banghay aralinJohn Anthony Teodosio
157.9K vues7 diapositives
Talata par
TalataTalata
TalataMeg Grado
103.6K vues19 diapositives
Pandiwa par
PandiwaPandiwa
PandiwaRyanne Domingo
294.8K vues24 diapositives
FILIPINO IV sanhi at bunga DLP.pptx par
FILIPINO IV sanhi at bunga DLP.pptxFILIPINO IV sanhi at bunga DLP.pptx
FILIPINO IV sanhi at bunga DLP.pptxChloeYehudiVicta1
4.7K vues28 diapositives
Ang sugnay par
Ang sugnayAng sugnay
Ang sugnayGypsy Nicole Rodrigo
112.1K vues27 diapositives

Tendances(20)

Talata par Meg Grado
TalataTalata
Talata
Meg Grado103.6K vues
Kompan 1st Long Test par Tine Lachica
Kompan 1st Long TestKompan 1st Long Test
Kompan 1st Long Test
Tine Lachica36.1K vues
Esp Grade 10 Quarter 4 Examination par Then z
Esp Grade 10 Quarter 4 ExaminationEsp Grade 10 Quarter 4 Examination
Esp Grade 10 Quarter 4 Examination
Then z15.1K vues
Mga panuntunan ng pagtataya par Rovelyn133
Mga panuntunan ng pagtatayaMga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtataya
Rovelyn13328.8K vues
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati par mj_llanto
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpatiMga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati
mj_llanto76.8K vues

Similaire à Fil-121-Aralin-3-midterm.pptx

Fil-2-Aralin-3-final.pptx par
Fil-2-Aralin-3-final.pptxFil-2-Aralin-3-final.pptx
Fil-2-Aralin-3-final.pptxMaryGraceYgotParacha
77 vues49 diapositives
FILIPINO 10_Suring-basa.pptx par
FILIPINO 10_Suring-basa.pptxFILIPINO 10_Suring-basa.pptx
FILIPINO 10_Suring-basa.pptxKimberlySonza
180 vues37 diapositives
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- par
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
269.2K vues25 diapositives
Filipino report-diskurso par
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskursoabigail Dayrit
124.4K vues19 diapositives
Deskriptiv.pptx par
Deskriptiv.pptxDeskriptiv.pptx
Deskriptiv.pptxCharisseDeirdre
78 vues9 diapositives
Pagbasa par
PagbasaPagbasa
PagbasaCharlene Repe
22.7K vues63 diapositives

Similaire à Fil-121-Aralin-3-midterm.pptx(20)

Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- par jovelyn valdez
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
jovelyn valdez269.2K vues
Filipino report-diskurso par abigail Dayrit
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskurso
abigail Dayrit124.4K vues
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx par NoryKrisLaigo
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptxM4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
NoryKrisLaigo11.1K vues
Pagtalakay sa katangian ng teksto.pptx par ZendrexIlagan1
Pagtalakay sa katangian ng teksto.pptxPagtalakay sa katangian ng teksto.pptx
Pagtalakay sa katangian ng teksto.pptx
ZendrexIlagan152 vues
Retorika: Pagsulat par Aira Fhae
Retorika: Pagsulat Retorika: Pagsulat
Retorika: Pagsulat
Aira Fhae91.4K vues
Talumpati par Allan Ortiz
Talumpati Talumpati
Talumpati
Allan Ortiz194.4K vues

Plus de MaryGraceYgotParacha

Morpolohiya.pptx par
Morpolohiya.pptxMorpolohiya.pptx
Morpolohiya.pptxMaryGraceYgotParacha
19 vues19 diapositives
FILIPINO 121.pptx par
FILIPINO 121.pptxFILIPINO 121.pptx
FILIPINO 121.pptxMaryGraceYgotParacha
33 vues22 diapositives
Morpolohiya.pptx par
Morpolohiya.pptxMorpolohiya.pptx
Morpolohiya.pptxMaryGraceYgotParacha
17 vues19 diapositives
TheoreticalFoundations of Mother Tongue.pptx par
TheoreticalFoundations of Mother Tongue.pptxTheoreticalFoundations of Mother Tongue.pptx
TheoreticalFoundations of Mother Tongue.pptxMaryGraceYgotParacha
354 vues21 diapositives
hinduism.pptx par
hinduism.pptxhinduism.pptx
hinduism.pptxMaryGraceYgotParacha
4 vues19 diapositives
antas ng wika report.pptx par
antas ng wika report.pptxantas ng wika report.pptx
antas ng wika report.pptxMaryGraceYgotParacha
40 vues12 diapositives

Fil-121-Aralin-3-midterm.pptx

  • 2. Ang mga Genre ng Wika at Iba’t ibang Genre ng Nakasulat na Teksto Likas na talent ng tao ang kakayahan sa pagsulat. Ang mga tunog ay tinutumbasan ng simbulo upang maipahayag ang damdamin at kaisipan sa pamamaraang nanaisin. May limang genre ang wika- paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad, pangangatwiran at pagtatalo. Mahalaga ang pagkakaroon ng batayang kaalaman sa genre ng wika at genre ng mga akdang literature upang hindi magkaroon ng kalituhan lalo’t higit sa antas ng pandalubhasaan, kung saan bawat disiplina o larangan ay may nakalimbag na teksto o akda.
  • 3. Mga Genre ng Wika Paglalarawan Pagsasalaysay Paglalahad Pangangatwiran Pagtatalo
  • 4. A. Paglalarawan Kilala rin ito sa tawag na Deskripsyon. Kasangkapan nito ang isang malikhaing isipan at mayamang bokabularyo. Ang kakayahan sa paggamit at pagtukoy mh mga idyoma o talinghagang naglalarawan ng hindi hayag ay isang karagdagang kasanayan. Ipinalalabas ng mga ito ang isnag biswal na konsepto ukol sa isang bagay, tao, pook, pangyayari at iba pa.
  • 5. 1. Objektib o Konkreto Layunin nito ang makapaghatid. Itinatala ang mga hayag na katangian gamit ang mga payak at direktang salita. Hal: Si Tomas ay matanda na. 2. Sabjektib o Masining Ninanaisa nitong makapukaw ng damdamin at pagaahin ang hiraya ng bumabasa o nakikinig. Ito ang nagbibigay kulay sa isang paglalarawan. Hal: Si Tomas ay lipas na sa kalendaryo. 3. Teknikal Madalas na gamitin sa aganitong palalarawna ang mga ilustrasyon o grap na ispesipikong matutukoy ang katangian na nais ipalaiwanag. Ang ganitong uri ang ginagamit sa mga panahong mahalaga ang akyurasi at presisyon. Hal: Anatomika ng katawan ng tao. Mga Uri ng Paglalarawan
  • 6. Mga Salik sa Paglalarawan 1. Wika- tinutumbasan nito ang biswal na katangian gamit ang slita. 2. Organisasyon ng Detalye- ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang ignayan ng bawat isa. 3. Pananaw- ang damdamin ng naglalarawan ukol sa inilalarawan. Kung positibo ang impresyon, gayon din ang damdamin. Ang negatibong damdamin ay lumilikha ng negatibong larawan. 4. Kakintalan- ang pangkalahatan o pangkabuuang impresyon. Dito nasusukat ang kabisaan ng paglalarawan.
  • 8. 1. Progresibong Paglalarawan- sumusunod ang isang tiyak na balangkas na mula sa isang pangkalahatang impresyon papunta sa mga ispesipikong detalye. 2. Piktoryal o Grapiko- ang larawan o ilustrasyon ay nakahayag at nakatala ang mga tiyak na salitang nagllarawan o tumutukoy ditto. 3. Hambingan at Kontras- ang isnag bagay na kabilang sa isang pangkat o uri ay illarawan batay sa mga katangian nito na katulad sa grupo subalit tutukuyin din ang ikinatangi nito sa mga kauri. 4. Masining o Indirekta- ang ganitong pamamaraan ang tinatawag na “impressions” o “ between the lines” ginagamit diot ang mga patalinghagang pahayag at idyoma. 5. Sayantipik o Teknikal- inilalapat ang kaukulang syentipiko o teknikal na katawagan upang mapalawak ang kakintalang mabubuo sa isipan.
  • 9. Line Graph/ Linyang Grap Pie Graph/ Bilog na Grap Bar Grap/ Bar Grap Mga Halimbawa ng Grap
  • 11. Masining at Indirekta Hal: 1. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. 2. Ang pag-ibig ay halamang yumabong sa dilig ng maarugang may-ari.
  • 12. Sayantipik o Teknikal Weather Forecast Vital Signs
  • 13. Proseso ng Paglalarawan 1. Mangalap ng kaukulang tala o datos. 2. Bumuo ng isang pangkalahatang impresyon o kabuuang larawan. 3. Piliin ang pananaw na gagamitin. Maaaring kronolohikal, heograpikal, ayon sa kahalagahan o sa posisyon ng naglalarawan. (zoom in zoom out) 4. Isulat ang burador. 5. I-edit ang isinulat.
  • 14. B. Pagsasalaysay Ito ang genreng Naratib. Ito ay palasak at madalas gamitin. Ang salitang-ugat nito ay Salaysay o Kuwento. Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid ang mga pangyayaring may kaugnay mula sa pananaw ng nagsasalaysay.
  • 15. Mga Uri ng Sasalaysay 1. Salaysay na batay sa Katotohanan- kabilang dito ang mga akdang pangkasanayan kung saan ang mga datos at tala ay hango sa mga totoong pangyayari. Itinuturing na objektib ang ganitong uri. 2. Salaysay sa Likhang-isip- Bagamat taglay nito ang isang paniniwalang Universal, angmga pangyayari at sikwens ay poksyunal o bunga lamang ng isang malikhain at mayamang hiraya.
  • 16. Elemento ng Mabisang Salaysay 1. Panahon- may tiyak na panahon ng pinagkaganapan ng mga pangyayari. Ito ang nagpapatibay ng daloy ng mga pangyayari. 2. Kahulugan- ito ang siyang diwa ng salaysay. Dito nagmumula ang mga motibasyon at aksyon ng mga kasangkot. 3. Kaayusan- ang bumubuo sa kasiningan at pagkaepektibo ng salaysay. Ang hindi paikut-ikot at patalun-talong pagkakaayos ng mga pangyayari ang nagpapadali sa kabatiran.
  • 17. Elemento ng Mabisang Salaysay 4. Pananaw- ito ang bahaging sumasagot sa tanong na “Sino ang nagsasalaysay” at “ Ano ang kaugnayan niya rito?” Tatlo ang punto de vista ng tagapagsalaysay. a) Unang Panauhan- ang nagsasalaysay ang gumaganap sa kilos ng pagsasalaysay. Kadalasang ginagamit ang salitang “Ako” “Kami”. b) Ikalawang panauhan- isang tagamasid na may limitadong akses ang nagsasalaysay. Tinutukoy niy ang mga pangyayari batay sa nasaksihan. “Ikaw” “mo” “kayo”. c) Ikatlong Panauhan- kinikilala rin ito bilang “Omniscient Point of View” sapagkat taglay ng tagapagsalaysay ang kapangyarihang matukoy ang damdamin at iniisip ng mga tauhan ng kanyang isinasalaysay. “Kanya” “Kanila”
  • 18. Elemento ng Mabisang Salaysay 5. Dayalogo- ang tuloy-tuloy na pagsisiwalat ng mga pangyayari ay nagiging kabagut-bagot kaya’t isinisingit ang mga salitan o usapan upang magkabuhay ang pagsasalaysay.
  • 19. Katangian ng Mabuting Salaysay 1. May kaakit-akit na pamagat. 2. Mahalaga ang paksang tinatalakay. 3. Kawili-wili ang panimula. 4. May angkop na utilisasyon ng mga salita. 5. Maayos ang ugnayan at pamamaraan ng pagkakabuo ng teksto.
  • 21. Paglalahad Kung ang Pagsasalaysay ay pagkukuwento batay sa isang pananaw at naglalayog umaliw o magpabatid ng kaisipan, ang paglalahad o ekspositori ay pamamaraan ng pagpapaliwanag. Binibigyang katwiran nito aang mga kaisipang sinasaklaw ng karunungan ng tao. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na detalye upang epektibo ang pagpapahatid ng mensahe.
  • 22. Mga Anyo ng Paglalahad 1. Pagbibigay Katuturan o depinisyon- paraan ito ng pagtukoy ng kahulugan ng salita. Dalawang pamamaraan ang magagamit sa kasanayang ito. a. Maanyo o Simpleng Depinisyon- sa pamamagitan ng isang pangungusap ay ibibigay ang kahulugan ng salita. Hal: (Simple) salita uri kahulugan/kaibahan Pagmamahal Damdamin pagsinta o paghanga sa antas na na malalim kaysa paghanga. Ang pagmamahal ay isang dadamin kung saan ang paghanga ay nasa antas na mas malalim kaysa paghanga. (Maanyo)
  • 23. Mga Anyo ng Paglalahad b. Pagsasanay- higit na mahaba kaysa isa o dalawang pangungusap ang kinakailangan upang matukoy ang kahulugan. Masinsinan ang pamamaraan ng pagtukoy sa katangian at kaibahan nito sa mga kauri.
  • 24. Dapat Taglayin ng Paglalahad 1. Kalinawan- natatamo ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaisahan ng diwa at mahusay na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 2. Bisa/Kabisaan- kung sapat ang pagbibigay-diin o emphasis sa mga bahagi na nangangailangan nito. 3. Gilas- ang paraan ng pagkatanggap sa mensahe ay nakabatay sa maganda at masining na pananalita. 4. Estilo at Hinis- ang kaanyuan ng pamamaraan ng paglalahad at batay sa estilo na ginamit ng awtor. Dapat anyong nakikipag-usap lamang at hindi gaanong mahigpit istrikto.
  • 25. 2. Ulat- ang paghahatid ng impormasyon ukol sa nabaa, narinig, napanood, napag-aralan o sinaliksik. Maari itong pasulat o pasalita. Ang ibang anyo nito ay gumagamit ng grap, o ilustrasyon upang lubos na maipaunawa ang mga konsepto.
  • 26. Tatlong Uri ng Ulat a. Ulat Pananaliksik- ang ganitong uri ay kinapapalooban ng mga natuklasan sa tulong ng riserts at eksperimentasyon. Madalas itong gamitin sa mga larangan ng syensya at edukasyon. b. Ulat Tekniko- maliban sa mga pangkaraniwang pinag=aaralan o sinusuri, ang mga bahaging teknikal ay kailangan ding mabigyang linaw at maipaliwanag. Kabilang ditto ang teknikalidad sa larangan ng brodkasting, pelikula, radio at information technology.
  • 27. Tatlong Uri ng Ulat c. Ulat sa Panayam o Pagbasa- kilala rin ito bilang reaction paper. Dito ipinapahayag ang mga puna, komento at mungkahi ukol sa narinig o nabasa.
  • 28. 3. Sanaysay- lumulutang ang katauhanng manunulat sa paraan ng kanyang pagsulat. Malawak ang maaaring maging tema nito sapagkat ang pinakapaksa ay buhay. Ang mga nakapaloo na kaisipan ditto ay mula sa manunulat kaya’t makatutulong ito sa pagpapayaman ng kaisipan, madagdagan ang karanasan mapalalim ang pag- unawa.
  • 29. Uri o Estilo ng Sanaysay a. Formal-lohikal ang paraan ng paglalahad ng mga kaisipan, ang pagbuo ay sumusunod sa isang balangkas, himig seryoso at tila may awtoridad kung saan mababanaag ang panahong iniukol sa pag-aaral ng mga detalyeng ipinahayag. b. Informal- mas Malaya at maluwang ang tono at himig, halos nakikipagbiro at animo’y nakikipagpalitan lamang mh kuro-kuro. Kawili-wili itong basahin bagama’t nakatanim parin ang kaisipang nais ipahatid.
  • 30. 4. Panuto- ang mga anyo nito ay resipi, handbook sa pagbuo ng isang kasangkapan, placard ng direksyon, ang mga paalala sa panimula ng isang pagsusulit o pagsasanay. Mga Sangkap ng Panuto a. Panimula o Paksa b. Mga Kagamitan o Materyales c. Mga hakbang sa paggawa d. Wakas
  • 31. 5. Panunuri o Kritisismo- pinapahalagahan, tinitimbang at pinagpapasyahan ang konseptong nakapaloob sa akda. Nangangailangan ito ng sapat na kakayahan, husay at panahon upang mapagtagumpayan. Karaniwang sumasailalim sa prosesong panunuri ang mga akdang literature.
  • 32. D. Pangangatwiran Isa itong pamamaraan upang sa pamamagitan ng panghihikayat ay mabago ang paniniwala ng kaharap o kausap. Mga Anyo ng Pangangatwiran 1. Formal- seryoso ang tono at malalim ang tema ang paksa. 2. Informal- personal madaling unawain at naaangkop sa karaniwang buhay.
  • 33. Mga Uri ng Pangangatwiran 1. Pagbuod o Induktibo- ang daloy ng pangangatwiran sa uring ito ay nagsisimula sa mga maliliit na detalye patungo sa isang pangkalahatang kaisipan . Maaaring isagawa ito sa pamamagitan ng pagtutulad, pag- uugnay sa sanhi ng pangyayari at paggamit ng katibayan at patunay. 2. Pagsaklaw o Deduktibo- ang pamamaraang kinasasangkutan ng silohismo. Ang silohismo ay nagsisimula sa isang pahayag na sinusundan ng simulating panlahat at ng konklusyon.
  • 34. Tuntunin ng Silohismo 1. Tatlo lamang ang termino, dalawang batayan at ang konklusyon. Ang panggitnang termino ay dapat maging bahagi ng isa man lamang na batayan. 2. Ang panggitnang termino ay dapat maging bahagi ng isa man lamang na batayan. 3. Iwasan ang paggamit ng dalawang negatibong batayan. 4. Ang partikular ng mga batayan ay walang mabubuong konklusyon.
  • 35. Tatlong Klase ng Silohismo 1. Kategorikal- katangian nito ang pagiging tiyak, ganap at kawalan ng mga kondisyon. Hal: Ang ibon ay lumilipad. Ang Maya ay lumilipad. Ang Maya ay ibon. 2. Haypotetikal- ang major premise o pangunahing batayan at isang palagay lamang, na susundan ng sekundarya o minor premise na tutuloy sa konklusyon. Hal: Ang babae ay nanganganak. Si Annabelle ay nanganganak. Si Annabelle ay babae.
  • 36. Tatlong Klase ng Silohismo 3. Disjanktib- sa anyong ito ang pang-uri ay mga phrase o parirala na di nagsasanib o naglalapat, kung saan ang major premise ay disjanktib, at ang minor premise at konklusyon ay agad na sumusunod. Hal: Ang bata ay maaaring babae o lalaki. Ang bata ay hindi babae. Ang bata ay lalaki.
  • 37. E. Pagtatalo o Debate Ito ang pagtatagisan ng mga kaalaman sa mga patunay at pruwebang nasaliksik ng dalawang pangkat kung saan ang isa ay sumasang-ayon at ang isa ay sumasalungat sa isang napagkasunduang proposisyon o paksang pagtatalunan. Mahalaga sa kasanayang ito ang kalinawan ng pag-iisip, hinahon at matinding pag-unawa. Ang genreng ito ay pasalita ang kadalasang anyo.
  • 38. Mga Genre ng Dalawang anyo ng Akdang Literatura- Bahagi, Nilalaman at Layunin
  • 39. A. Dalawang Anyo ng Akdang Literatura 1. Poesya o Patula- ang anyong ito ay binubuo sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang may binibilang na pantig at may taglay na sukat at tugma. Tatlong kaanyuan ng Tula a. Liriko o Pandadamin- ang tulang ito ay uno ng emosyon. May himig ito at maaaring awitin. Ang mga halimbawa ng gnitong kaanyuan ay: elihiya o eulogy (tula sa isng yumao), oda o ode, (tylang papuri), kantahin o song, (anyong may tono at himig) at ang sonnet (binubuo ng 14 taludtod na may 2 taludturan)
  • 40. A. Dalawang Anyo ng Akdang Literatura 1. Poesya o Patula- ang anyong ito ay binubuo sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang may binibilang na pantig at may taglay na sukat at tugma. Tatlong kaanyuan ng Tula a. Liriko o Pandadamin- ang tulang ito ay uno ng emosyon. May himig ito at maaaring awitin. Ang mga halimbawa ng gnitong kaanyuan ay: elihiya o eulogy (tula sa isng yumao), oda o ode, (tylang papuri), kantahin o song, (anyong may tono at himig) at ang sonnet (binubuo ng 14 taludtod na may 2 taludturan)
  • 41. A. Dalawang Anyo ng Akdang Literatura b. Pasalaysay – nagkukuwento ang mga ganitong kaanyuan ukol sa isang pangyayaring naganap o likhang- isip lamang. Maaaring epiko o epic (tula ng kabayanihan) o awit at korido (tula ng pakikipagsapalaran). c. Pandulaan- itinatanghal ang mga ganitong anyo sa entablado. Maaaring paawit (musicale) o pasalitang walang himig. 2. Prosa o Tuluyan- pagpapahayag ito sa pamamaraang nakaayos ang mga detalye sa isang pangungusap. Amluwag ito at madaling maunawaan.
  • 42. B. Mga Genre ng Anyong Tuluyan: Bahagi, Nilalaman 1. Maikling Kuwento- ito ang itinuturing na pinakabata sa mga genre ng panitikan. Nakalahad ditto ang mga pangyayari, suliranin, pakikipagsapalaran at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan. Maiksi ito at madaling matapos sa isang upuan. Nilalaman at Bahagi ng Maikling Kuwento a. Panimula- nakapaloob ditto ang tagpuan, tauhan, pook, at panahong kinaganapan. b. Saglit na Kasiglahan- ito ang bahaging tumutugon sa unang suliranin na inihahanap ng lunas.
  • 43. B. Mga Genre ng Anyong Tuluyan: Bahagi, Nilalaman c. Suliraning inihahanap ng Lunas- matapos ang bahagi ng pananabik ay ilalahad sa bahaging ito ay aktwal na suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan. d. Kasukdulan o Climax- dito nabubuo ang naipong damdamin ng mga pinagsama-samang pangyayari mula sa mga tauhan. e. Kakalasan/ Wakas- ito’y bigla at di ipinapaliwanag kung saan malayang nagagamit ng mambabasa ang kanyang isip sa pagturol ng kakintalang ipinahiwatig o ipinahatid.
  • 44. 2. Nobela ay ang pinakahabang bersyon ng maikling kuwento. Ito ay nahahati sa iba’t ibang kabanata na nagkakaroon ng samu’t saring pangyayari na kinapapalooban ng iba’t ibang kuwento na may kaugnayan sa pangunahing tauhan. Ito ay kinapapalooban ng ibang tauhan na nauugnay sa pangunahing tauhan. Ito ay kinapapalooban ng ibang tauhan na nauugnay sa pangunahing tauhan. Ang bawat kabanata at may takdang katapusan na nagbibigay liwanag na pangunahing suliranin at nakakatulong malutas ang suliranin sa akda.
  • 45. 3. Dula- ang ganitong genre ay itinatanghal sa entablado kung saan ginagampanan ng mga artista o actor ang mga tauhan, nilalapatan nila ng karampatang kilos, ekspresyon, tono at paglalahad ang mga salitaan o dayalogong nakasulat sa isang inihandang iskrip o balangkas ng salitaan. Mga Sangkap ng Dula 1. Isang paglalahad ng mga kaganapan (sequence of events) 2. Isang suliranin 3. Pagliliwanag ng suliranin
  • 46. 4. Alamat- ito ang panulat na nagpapakita ng pinagmulan ng bagay, pook o lugar. Ito ay kathang isip at naglalayong magbigay aliw at aral sa mambabasa. Kinagigiliwan itonf basahin ng mga bata. 5. Pabula- ay mga nakakaaliw at nakakatuwang kuwento na ang karaniwang tauhan ay hayop at bagay. Nagllayong magbigay aliw at aral na pangkaasalan. 6. Parabula- ay mga magagandang kuwento na hango sa Bibliya. Ang layunin ay magbigay aral sa mambabasa. 7. Talambuhay- paglalahad ukol sa pansariling tala o kasaysayan sa buhay ng isang tanyag o may impluwensiya at halagang tao.
  • 47. 8. Talumpati- maaaring binibigkas mula sa memorya o binabasa sa harap ng awdyens. Bahagi ng Talumpati 1. Introduksyon- panimula, inihahanda nito ang mga tagapakinig sa anumang ibabahagi ng tagapagsalita. 2. Diskusyon- ito ang pagtatalakay ng paksa o katawan ng talumpati. Nakalahad ang mga patunay at argumentong pinanghahawakan ng tagapagsalita. 3. Konklusyon- pamamaalam ang bahaging ito kung saan maaaring ipaalala ng tagapagsalita ang mahahalagang puntos sa kanyang tinalakay o tahasang tukuyin ang kakintalang nais niyang ipabatid.
  • 48. C. Layunin ng mga Genre ng Nakasulat na Teksto 1. Ang mga maikling kuwento, nobela, alamat at pabula ay mga akdang pasalaysay na ang pangunahing layunin ay magpabatid habang inaaliw ang mga mambabasa. Nagnanais ang mga itong mag-iwan ng isang pangmatagalang impresyon at makibahagi ng isang kabutihang natutuhan sa karanasang pinagdaanan.
  • 49. C. Layunin ng mga Genre ng Nakasulat na Teksto 2. Ang Talambuhay at talumpati ay naglalayong angatwiran ukol sa isang pansariling paniniwala o konbiksyon. Ipinapakita ang mga patunay at pruweba ukol sa kabutihan ng paniniwalang ito. Sa pangkalahatan, ang layunin ng mga genre mg iba’t ibang nakasulat na teksto ang maging bahagi ng buhay ng mambabasa o tagapakinig.